Chapter 20: The Lost Angel

"You. Leave!", mahina pero madiin na sabi ni Cyrus kay Quentin.

Natahimik at nagulat naman ang lahat. Lalo na si Quen. Tila nawala lahat ng tama ng alak sakanya. Nagkatitigan sila ni Cyrus. Masama ang tingin nito sakanya. Halos maluha-luha siya.

"No. Please stay. He's drunk. He can stay in the guest room, let's go.", sabi naman ni Lucas.

Hindi na napigil ni Quen ang sarili at lumabas na siya ng condo unit.

"Dude! What's wrong with you?!", pag-kumpronta ni Lucas kay Cyrus.

"Wala. Yung kaibigan niyo meron.". sagot naman ni Cyrus. Naglapit ang dalawa at nag-ambahan.

"Guys. Stop. That wont do anything.", muling pag-awat naman ni Charlie.

"Cyrus is right naman kase.", sabat naman ni Vera.

Ilang minuto pa silang nag-diskusyon. Maya maya naman ay dumating sa kumpulan nila si Andre.

"Where's Quen? Kanina ko pa siya hinahanap...", tanong ni Andre sa grupo.

"He... went out.", mahinang sabi ni Colleen.

"What do you mean he went out? Umuwi na? Who's with him?", nag-aalalang usisa ni Andre.

"Actually no. Something happened. He was super drunk.", paliwanag ni Charlie.

"And disrespectful.", pahaging ni Vera.

"What? May kasama ba siya?", tanong muli ni Andre.

"Wala... He went out alone...", sagot naman ni Lucas.

"Are you guys crazy? You let our friend out super drunk and alone?!", sigaw ni Andre. Sabay labas nito sa unit. Agad naman sumunod sakanya ang mga kaibigan.

Chineck muna nila ang mga corridors ng floor at sinubukan hanapin doon si Quen. Pati ang emergency exit ay tiningnan nila pero wala ito.

Kaya naman dumiretso na sila sa elevator. Habang naghihintay sa elevator ay sinusubukang kumalma ni Andre.

"Relax dre. I'm sure he's fine.", sabi ni Lucas.

"Fine? Never pa nalasing ng malala si Quen. How can you be so sure that he's fine?", sagot naman ni Andre.

Dumating naman agad ang elevator. Pagsakay nila dito, doon lang narealize ni Andre na kasama pala nila si Cyrus. Pero wala si Vera.

"Cha, can you try calling his phone?", pakiusap ni Andre sa kaibigan.

Agad naman inilabas ni Charlie ang kanyang phone mula sakanyang bag at sinubukang tawagan si Quen.

Pag-pindot ng Call ni Charlie ay may narinig silang ring mula sa loob ng elevator. Nagtinginan silang lahat. Sinundan nila ng tingin kung saan nanggagaling ang tunog at nakita ito ni Colleen sa may bandang paanan nya. Nasa sahig ito ng elevator. Pinulot niya ito.

 
"Guys...
", sabi ni Colleen, at pinakita niya ang phone sa mga kaibigan, nasa screen nito ay ang mukha ni Charlie at nakalagay ay Calling. Ang cellphone ni Quen.

Ilang sandali pa ay bumukas na din ang elevator. Dali-dali silang nagsilabas. Wala masyadong tao sa may lobby dahil late na din. Pumunta sila sa reception at nagtanong kung may nakita silang lalaking lasing. Sinabi naman nung receptionist na meron siyang nakitang lalaki na madaling lumabas ng building pero hindi niya sigurado kung si Quen nga iyon.

Habang nakikipag-usap sila sa receptionist ng building ay bigla silang may narinig na malakas na kalabog at preno mula sa kalsada sa tapat ng building. Pag-lingon nila ay may kumpol na agad ng tao mula sa pinanggalingan ng ingay.

Patakbong lumapit sa may main entrance ng building si Lucas at kinausap ang security guard na naroon. Nakasunod naman sakanya nag mga kasama.

"Sir, ano hong nangyari?", tanong ni Lucas.

"Ay sir, may nasagasaan po. Lasing yata. Kanina ko pa minamasdan yung lalaki eh. Pabalik-balik yun dito. Di yata alam saan siya pupunta.", paliwanag ng guard.

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Halata ang kaba sa mga mukha nila. Nagpasya silang lapitan ito.

 
Dahan dahan silang lumapit sa kumpol ng mga tao.
Si Charlie mahigpit ang hawak kay Lucas. Ganon din si Colleen at Andre. Hindi naman maipinta ang mukha ni Cyrus. Nang maabot nila ang pinakaharap ng mga nakalibot na mga usisero ay nakita nila ang isang lalaki nakahandusay sa sahig. Medyo duguan ito. Walang malay.

Naluha si Charlie sa nakita. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi si Quen ang lalaki. Napayakap naman si Colleen kay Andre. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling si Quen nga ang nasagasaan. Laking pasalamat niya at hindi ang kaibigan niya ang naaksidente.

Bumalik sila sa loob ng building. Sinubukan nilang kalmahin ang mga sarili sa lobby ng condominium.

Nakiupo sila sa mga couch.

 
"Cyrus!
Anong ginagawa niyo dito?", tanong ni Ms. Dara. Palabas na sana ito ng building kasama ang ibang mga writers.

"Ms. D. Naku, si Quen po kase...", mahinang tugon ni Cyrus.

"Bakit? Anong nangyari?", tanong muli ni Ms. Dara. Hindi naman agad nakasagot si Cyrus. Iba naman ang tingin ni Ivan sa aktor. Alam niya ang tungkol sa card natanggap ni Quen at sa design ng suit nito.

"Ah, umalis po kase mag-isa. Eh nakainom. Di namin alam saan nagpunta.", paliwanag ni Lucas.

"Ganon ba. Actually hinahanap din naman siya kanina. Umalis na pala", sabi naman ni Ms. Dara.

"Bakit niyo po siya hinahanap? Would you know saan kaya siya possible nagpunta?", tanong naman ni Andre.

"Baka nauna na sa hotel? Naka-check in kaming lahat ng writers together eh. Papunta na din kami don now", paliwanag ni Ms. Dara.

"Really? Paki-update naman po kami if andon siya pag-dating niyo.". pakiusap naman ni Andre.

"Sige, sige, sure. I'll contact nalang Cyrus.", sabi naman ni Ms. Dara. Nag-paalam na din ito, bumeso kay Cyrus at saka lumabas ng building kasama ang kanyang mga writers.

Nag-pasya naman ang grupo na muling umakyat sa unit ni Lucas. Pagdating nila doon, tuloy pa din ang party ng mga tao. Si Vera todo hataw pa din sa dance floor. Napaupo nalang silang lima sa sahig. Sa pwesto kung saan nakaupo kanina ang nawawala nilang kaibigan.

 
Mag-aalas kwatro na din ng madaling araw.
Kumaunti na din ang mga tao pero may mga nag-iinuman pa din. Humina na din ang music. Si Andre nakaupo sa may hagdan. Si Colleen nakahiga sa sahig. Si Cyrus ay nakatayo pero nakasandal din ito sa salamin, maya't maya ang tingin sakanyang cellphone. Si Lucas nakaupo sa sahig at nakasandal sa salamin habang nakasandal sa balikat niya si Charlie. Si Vera nakahiga at tulog sa sofa.

Makalipas ang halos tatlumpong minuto ay nag-ring sa wakas ang cellphong ni Cyrus. Agad niya itong sinagot.

"Hello Ms. D...

Opo...

Ah ganon po ba...

Wala din po eh...

Sige po... Salamat po...

Ok po..." mga sagot ni Cyrus sa kausap.

"Ano daw?", agad na tanong ni Andre pagkababa ni Cyrus ng tawag.

"Wala daw don si Quentin...", sagot ni Cyrus na hindi makatingin kay Andre.

"Walang ibang details?", usisa ni Andre.

"Ang sabi lang wala don si Quentin. Wala na din yung mga gamit nya. Pinagtanong na din nila sa hotel. Galing daw don si Quentin pero kinuha niya lang ang mga gamit niya.", paliwanag ni Cyrus.

"Dorm!", sigaw ni Charlie. "Baka umuwi sa dorm.", sabi nito.

"Let's go.", aya ni Andre na madaling naglakad palabas ng unit.

Agad naman tumayo sina Lucas at Charlie. Nakatulog na si Colleen kaya iniwan na nila ito.

"Sama ako.", sabi ni Cyrus sabay sunod sa tatlo.

--

Sakay sila ng kotse ni Lucas na nagmamaneho. Nasa driver's seat naman si Charlie. At nasa likod sina Cyrus at Andre.

"What happened ba kasi? Why did he go?", tanong ni Andre na nasa banyo noong nangyari ang gulo.

Natahimik ang tatlo. Wala agad nakasagot.

"Charlie?", pag-hingi ng sagot ni Andre.

"Uhm. Q got so drunk and started talking about us and our friendship. He said maybe it's better for all of us to end the friendship since we're graduating soon and will start different lives... but he was drunk. So I didn't really took it to heart.". explanasyon ni Charlie.

"That's it? He just stormed off?', usisa ni Andre.

"No. Vera called him a drama queen. Then Quen called her a bitch... then...", sabi ni Charlie.

"Then what?", tanong muli ni Andre.

"Then I asked him to leave.", dagdag ni Cyrus. Wala itong emosyon at nakatingin lang sa bintana ng kotse, pinanunood ang unti unting lumiliwanag na kalsada.

Nagpantig naman ang tenga ni Andre. Napakunot ang kanyang noo. Kusang nagsara ang kanyang mga palad na tila mananapak. Pero pinigil nito ang sarili. Inabot naman ni Charlie ang tuhod ng kaibigan at hinaplos ito, pinakakalma niya ito.

Tahimik nilang naabot ang dorm ni Quen. Agad bumaba ng sasakyan sina Andre at Charlie.

"Kuya, andito na po ba si Quentin?", tanong ni Charlie sa guard.

"Ay mam, wala po. Kahapon pa po ng umaga umalis.", sagot naman ng guard.

"Ay ganon? Kasama kasi naman siya kanina kaya lang biglang nawala...", kwento naman ni Charlie sa guard.

"Hintayin niyo nalang po. Baka naman po pauwi na din po yon dito.", suhestiyon naman ng guard.

"Sige po. Thank you po.", sagot naman ni Charlie at saka sila bumalik sa sasakyan.

Alalang-alala sila sa kaibigan. Una dahil hindi nila alam kung nasaan ito. Ikalawa ay ngayon lang nila nakita na ganon nalasing si Quentin. At huli, alam nilang masama ang loob nito. Kaya naman matiyaga silang nag-antay sa harap ng dorm ni Quen.

Halos tatlong oras na silang naghihintay. Halos alas-otso na ng umaga. Tuwing may humihintong taxi at sasakyan sa harap nila ay umaasang sakay na nito ang kanilang kaibigan ngunit lagi silang bigo. Habang naghihintay ay naisip ni Charlie na mag-browse sa facebook, umaasang may magbibigay sakanya ng ideya kung nasaan ang kanyang bestfriend. Ilang scroll pa nga at nakita niya ang post ng nanay ni Quen. Picture ito ng mga magulang ni Quen, naka-pose harap ng Eiffel Tower, nasa Paris ang mga ito. Bigla naman nakaisip si Charlie ng lugar kung saan maaring nandon ang kanilang kaibigan.

"Babe. Tara.", agad na utos ni Charlie sa boyfriend. Ininput ni Charlie sa waze ang isang address na siya lang ang nakaka-alam. Agad din namang nag-drive si Lucas.

Napadpad sila sa isang exclusive village. Puro malalaki at nag-gagandahan ang mga bahay rito. Habang inutos ng waze na huminto sila sa isang modernong bahay. Hindi ito kalakihan pero mistula itong glass house at minimalist ang disenyo nito. Bumaba sila.

 
Lumapit naman sa may main door si Charlie at nag-doorbell.
Pinagbuksan siya ng isang matandang babae.

"Mam Charlie! Good Morning po. Napadalaw po kayo?", bati ng matanda kay Charlie.

"Good Morning Manang Heidi. Andito po ba si Quen?", tanong ni Charlie.

"Ay opo. Tuloy po kayo. Pasok po.", pag-aya naman ng matanda sakanila. Pinatuloy sila at pinaupo sa living room. Iniwan naman muna sila ng matanda. Manghang-mangha sina Lucas, Andre at Cyrus sa ganda ng bahay nila Quentin. Hindi nila ito inexpect mula kay Quen dahil napaka-low key lang na tao ni Quen. Hindi nila alam na ganito pala kayaman ang pamilya ng kaibigan nila dahil na rin napaka-simple at liit ng dormitoryong tinutuluyan nito.

 
Pagbalik ni Manang Heidi ay may dala itong mga juice para sa mga bisita.

"Inom po muna kayo.", alok nito sa mga bisita.

"Naku, thank you po. Pwede po kaya naming makausap si Quen?", tanong ni Charlie.

"Ay sige po. Akyatin ko po. Sandali lang po", sagot naman ni Manang Heidi sabay akyat nito sa taas.

"Damn babe. Quen is rich, rich.", sabi ni Lucas sa nobya.

"Yeah. I've only been here like thrice. Pag may mga event sila Quen. But Manang knows me well kasi super close din ni Quen sakanila.", sabi naman ni Charlie.

"Thank God Quen is safe.", sabi naman ni Andre, sabay tingin nito ng masama kay Cyrus. Halata din na nawala sa mukha ni Cyrus ang tensyon. Tila lahat sila ay nakahinga ng maluwag.

"Mam Charlie, tulog pa po eh. Ayaw pa po bumangon.", sabi ng kasambahay habang bumababa ito ng hagdan.

"Naku sige po. Baka po may hang over.", sabi naman ni Charlie.

"Baka nga po. Nagulat nga po kami bigla siyang dumating kaninang madaling araw. Bihira kase yan umuwi dito lalo't wala ang mommy at daddy niya.", sabi naman ni Manang Heidi.

"Sige po una na po kami. Pakiabot nalang po ito kay Quen.", paalam ni Charlie sabay abot ng cellphone ni Quentin kay Manang Heidi.

"Aalis na kayo? Pwede niyo naman siya hintayin dito. Di ko lang sigurado anong oras yon bababa.", sabi naman ni Manang.

"Naku hindi na po. Hayaan nalang po muna natin magpahinga siguro. Pagod din po yun", sagot naman ni Charlie.

"Sige po Mam. Ingat po kayo!", sabi naman ni Manang at inihatid sa may labas ng bahay ang mga bisita.

--

Alas tres y media ng hapon, nag-desisyon na mag-jogging si Quentin. Bihira lang siya nakakauwi sa bahay nila dahil sa kanyang ka-busyhan sa school. Maliban dito, mas gusto din ni Quentin ang independent living dahil alam niyang makatutulong ito sa kanyang kinabukasan. Ilang beses din siyang pinilit ng kanyang mga magulang para bilihan siya ng magarang condo ngunit mas pinili niya ang simpleng dorm.

Pag-labas niya ng kanilang bahay, isang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa tabi ng kalsada. Si Cyrus. Tumayo ito. Suot pa din nito ang mga damit mula sa party. Malungkot ang mukha nito.

Hindi alam ni Quentin ang gagawin. Natigilan din siya at hindi nakagalaw.

Lumapit sakanya si Cyrus. Nakatayo sila sa harap ng isa't isa.

Next chapter