Chapter 19: The Stellar Ball After Party

Habang hindi pa tapos ang ball, nagpaalam muna si Quen kay Ms. Dara na lalabas muna siya para magpahangin. Nagdesisiyon muna siyang maglakad lakad ng kaunti. As a person with social anxiety medyo too much na kay Quen pag-stay sa isang room na napakaraming tao. Kinailangan niyang huminga. Pag labas niya ng hotel isang hindi niya inaasahang tagpo ang kanyang nakita.

 
Sina Cyrus at Vera, kasama sina Charlie, Lucas, Colleen at Andre...
Nag-uusap ang mga ito sa tapat ng kotse ni Lucas.

Nasa loob ng sasakyan si Lucas, nasa driver's seat ito at bukas ang bintana nito habang kausap ang mga kaibigan na nakatayo sa may gilid ng kalsada, nagtatawanan.

Agad na umiwas si Quen at nag-iba ang direksyon ng lakad  nang biglang may tumawag sakanya.

"Tin! Quentin!", sa boses pa lang alam niya nang si Andre ito.

Walang nagawa si Quentin kundi humarap. Paglingon niya ay naglalakad na palapit sa kanya ang kaibigan.

"A—Andre...", awkward na sagot ni Quen.

"Are you done with work? Tara!", sabi ni Andre, hindi pa nakakasagot si Quen ay hinila na siya nito palapiit sa mga kasama nito.

"Hey Q!", bati ni Charlie. Damang dama ang awkwardness at tensyon sa hangin.

Pilit na ngiti lang ang naisagot ni Quentin. Hindi niya alam paano sila kakausapin gayong matagal-tagal na din niyang iniiwasan at hindi nakakausap ang mga ito.

"Nice work in the event intern. Thanks for making sure I'd win tonight...", excited na sabi ni Vera habang mahigpit pa din itong nakalingkis sa braso ni Cyrus. Malayo naman ang tingin ni Cyrus.

"Uhh. Thanks? But, no, I didn't have anything to do with the awards...", sagot naman ni Quentin.

"Whatever. We're actually going to an after party. Wanna join?", pag-aya ni Vera.

"Oo nga. Tara!", dagdag naman ni Colleen. Halatang forced din ang happy energy nito.

"Sorry, I can't. I have a thing din after the ball...", pagtanggi ni Quen.

"Oh c'mon dude. Let's go na...", pagkumbinsi naman ni Lucas.

"Sama ka na. You're really invited naman eh.", dagdag naman ni Andre.

"Really? Kaya pala I'm just knowing about this now...", malamig na sagot ni Quen.

"Quen! Tawag na tayo ni Ms. Dara!", si Ivan sumisigaw ito mula sa may entrance ng hotel.

"Uhm. Have fun guys. I have to go...", paalam ni Quentin.

"You're so corny namaaaan. Have fun with us. Babe, convince him nga...", sabi ni Vera kay Cyrus.

Tiningnan lang siya nito at tahimik na sumakay sa sasakyan. Natahimik ang lahat. Nabigla si Quen pero hindi siya nagpahalata.

"Bye. Enjoy.", muling paalam ni Quen sabay talikod sa mga ito at naglakad papasok ng lobby.

Hinabol naman siya ni Andre.

"Sorry, I have to go with them...", sabi ni Andre kay Quen.

"No worries Andre. Go. Have fun.", nakangiting sabi naman ni Quen sabay tapik nito sa ulo ni Andre.

"Ingat ka ha.", bilin naman ni Andre.

--

Pagpasok ni Quentin sa lobby ng hotel, nakaabang si Ivan.

"Sino yung cutie Quen?', pag-uusisa nito habang naglalakad sila pabalik sa ballroom.

"Sinong cutie?", tanong naman ni Quen.

"Yung kasama mo pabalik...", sagot ni Ivan.

"Ahh, that's Andre. Classmate and friend. Why?", tanong naman ni Quen.

"Sure ka friend lang? Lagkit ng tingin sayo friend!", pabirong sabi naman ni Ivan.

"Wala yooooon.", sabi naman ni Quentin.

Pagdating nila sa ballroom, kakaunti nalang ang mga tao pero may mga nagsasayawan pa din sa dance floor. Sa backstage sila dumiretso at naroon na din ang ibang mga staff. Nag-uusap lang sila saglit about sa event. Pero habang nagmi-meeting ay tulala si Quen, mini-meeting niya sa utak niya kung bakit parang biglang galit sa kanya si Cyrus. Wala naman siyang ginawa. Kung tutuusin siya dapat ang sumama ang loob dahil sa mga kakaibang kilos nito. Bakit hindi niya sinabi na sila ni Vera, bakit siya nginitian sa stage bago halikan si Vera. Sakanya ba galing yung DVD at yung card? Labong-labo si Quentin.

Bumalik na lang ang ulirat ni Quentin ay nasa isang hotel room na silang writing staff. Meron silang mini-after party. Nagtatawanan. Konting inuman. Nagke-kwentuhan tungkol sa mga nakakatawang nangyari sa ball. Pero dahil medyo stress si Quen, medyo napaparami ang inom niya.

"Guys. Direk Nel texted me, he's inviting me to an after party. Lets go?", pag-yaya ni Ms. Dara sakanila.

"Nakakahiya naman Ms. D, ikaw lang ininvite eh!", sagot naman ni Ivan.

"Hindi, sabi niya isama ko daw kayo. Tara na. Wag na kayong umarte, para mas masaya!", pagkumbinsi ni Ms. Dara sakanila.

Sakto at may sasakyan ang isa sa kanila. Nag-kasya silang anim. Habang nasa biyahe papunta sa party, tulala nanaman si Quen. Kung anu-ano ang mga naiisip niya. Medyo may konting tama na din siya dahil sa alak.

Pagbaba nila sa sasakyan pamilyar kay Quen ang lugar. Hanggang sa sumakay sila sa elevator at naglakad papunta kung saan ang party. Nakatayo na sila sa labas ng pinto ng party. Alam ni Quen kung nasaan sila.

"Guys, uwi na ko. I think I'm drunk na...", paalam ni Quentin.

"Ano ka ba andito na tayo eh. Wag ka nang KJ!", sabi naman ni Ivan.

"Hindi. Uwi na talaga ko.", pagpupumilit ni Quen.

Nang biglang bumukas ang pinto, si Lucas.

"Hi. Welcome!", sabi nito. Nasa condo unit sila ni Lucas. Dito ang after party. Wala nang nagawa si Quen. Hinila na siya papasok ni Ivan.

 
Mas marami ang tao ngayon kumpara noong huling beses na nag-party sila dito.
At naka-ayos din ito. May mga party streamers. Nakagilid ang mga sofa para may espasyo ang dance floor. May photo booth. May disco lights at mas malakas ang music. Napaisip tuloy si Quen. Ibig sabihin, planado ang party na ito at wala siyang kaalam-alam tungkol dito. Bigla niyang naisip ang quote na nabasa niya kaninang umaga... "Things change. And friends leave. Life doesn't stop for anybody." And it dawned on him. His friends didn't stop their lives when he decided to leave. Unexpectedly, the quote made sense. Kumirot ang puso niya.

Nag-hanap siya ng lugar sa loob ng condo na wala masyadong tao. Nakita niya si Colleen na nagsasayaw sa dance floor, typical Colleen. Si Charlie nakakandong kay Lucas sa sofa habang may katawanan ang mga ito. Napadpad siya sa usual spot kung saan siya maghilig magmunimuni pag nandoon siya sa place ni Lucas, sa sulok ng living room, sa may bintana. Nagmamasid sa magulong trapik ng Maynila. Kasing gulo ng isip niya ngayon, pati na rin ng gabi niya. Ang gulo-gulo.

 
"I'm so glad you've decided to come.
", biglang may nagsalita sa likod ni Quen. Hinarap niya ito, si Andre.

"Uhh. I actually didn't decide to come here. Di ko alam na dito pala kami pupunta...", paliwanag ni Quen.

"Basta. Masaya ako, you're here. Do you want anything?", alok ni Andre.

"Anything with tequila?", patanong na sagot ni Quen.

Napangiti si Andre waring nagtatanong kung sigurado ba ang kaibigan. Nginitian lang din siya ni Quen at saka ito tumango. Agad naman nagpunta sa bar si Andre. Nag-renta pa ng bar at barista para sa party. Medyo shook talaga si Quen sa mga nangyayare. Kaya naman naka-ramdam siya ng konting hilo. Napaupo siya sa sahig at napasandal sa bintana.

Pagbalik ni Andre may dala itong isang baso na may lamang something yellow. May dala din siyang isang bote ng tequila.

"They don't have anything with a tequila on it. So, I got you a lemonade and a tequila..." paliwanag ni Andre habang nilalagyan niya ng tequila ang lemonade.

"Thanks Andre!", sagot naman ni Quen. Inabot nito ang baso at ininom ito. Halos nakalahati niya agad ito.

"Hey. Easy!", paalala naman ni Andre. Tumabi naman ito kay Quen at saka inilapag sa sahig ang bote ng tequila.

 
"I'm good Andre.
No, actually, I feel great!", sabi naman ni Quen.

"Kahit na, dahan-dahan pa din...", muling paalala ng kaibigan.

"So... tell me. Y'all really didn't want me here, did you?", tanong ni Quen.

"N-no... Y-yes... I mean...", halos hindi makasagot si Andre.

"It's okay. I understand...", sabi naman ni Quen.

"We really actually gonna invite you... Pero kase, we didn't know how... You weren't talking to any of us...", paliwanag naman ni Andre.

"I'm talking to you... I did talk to you, earlier...", sabi naman ni Quen. Sabay lagok ulit ng alak. Naubos na niya agad ang isang baso.

"I was about to---", hindi pa tapos magsalita si Andre pero pinutol agad siya ng kaibigan.

"You don't have to explain... Really, I understand. What I don't understand is how was I not invited but they are. She is...", sabi ni Quentin habang nakatingin kina Vera at Cyrus. Kitang-kita sa pwesto niya ang paglabas ng dalawa galing sa isang kwarto. Ibang dress na ang suot ni Vera. Hindi naman na suot ni Cyrus ang kanyang blazer. Suot na lang nito ang kanyang long-sleeve polo pero hindi na ito nakaayos. Nakahila ang mga manggas paakyat sa siko, nakaalis na din ang pagkaka-tuck in nito at bukas ang tatlong unang butones nito.

"Mukhang nag-milagro pa sa kwarto yung dalawa", isip ni Quen. Naasar siya sa ideya. Mabilis niyang kinuha ang bote ng tequila mula sa sahig at saka tingungga ito.

"Hey, hey hey. Quen, stop!", pagpigil ni Andre sa kaibigan.

Madami-dami din ang nainom ni Quen bago ito huminto. Halos di na niya nalahasan ang pait ng alak.

Bigla siyang niyakap ni Andre.

"I'm sorry Quen. I'm really sorry...", humihingi ito ng tawad sakanya.

Yumakap din naman siya sa kaibigan.

"It's okay Andre Okay na 'yon...", sabi naman ni Quentin.

Ilang minuto din silang nag-yakap.

"Iwan muna kita dito saglit, I'm just gonna go the bathroom", paalam naman ni Andre.

Naiwan mag-isa si Quentin. Sa hindi niya alam na dahilan ay bigla siyang tumayo at nagtungo sa dancefloor at nag-sayaw. Isang bagay na hindi naman talaga niya ginagawa, dala na rin siguro ng kalasingan.

 
Kung sino-sino ang mga kinasayaw ni Quen sa dancefloor.
Hanggang sa matapat siya sa isang lalaki. Ngumiti ito sa kanya. Parang tumigil ang mundo ni Quen. Pero ang mga tao sa paligid niya ay patuloy sa pag-sayaw. Nakatitig siya sa lalaki sa harap niya, si Cyrus. Gusto niya itong sigawan, gusto niya itong sapakin dahil sa galit. Napahawak siya sa balikat nito. Sa dami ng gusto niyang gawin ay bigla niya itong hinalikan. Tinulak naman siya ng lalaki. Napaupo si Quen sa gitna ng sayawan. Pagtingin niya sa lalaki ay hindi pala ito si Cyrus.

Sasapakin sana siya nung lalaki pero napigilan ito ng lumapit  ang mga kaibigang niyang sina Charlie, Colleen at Lucas. Inawat ang lalaki. Tinutulungan siyang tumayo. Pero kahit hirap siya tumayo dahil sa kalasingan ay pinipilit niyang tumayo mag-isa at inaalis niya ang pagkahawak sa kanya ng mga kaibigan.

"I don't fucking need your help. I can stand by myself...", lasing na sabi ni Quen.

"Quen. You're drunk. Let us help you.", sabi naman ni Charlie habang pilit pa rin siyang tinutulungang tumayo.

'Kaya ko nga... Ano ba?!", tagumpay ngang nakatayo si Quen, saka ito naglakad papuntang pinto palabas ng condo. Bago pa niya maabot ang pinto ay may pumigil sakanya.

"Ano ba problema mo?", hinatak siya ni Colleen paharap muli sakanila.

"Wala. Wala akong problema. Ang saya saya ko nga eh! Wooooh!", sigaw ni Quentin.

"Dude. Lasing ka na. Chill ka muna sa guest room. Tara.", mahinanong sabi naman ni Lucas.

"I don't wanna chill. You chill out.", sagot naman ni Quen, for some reason biglang lumalabas ang galit niya.

"Oh my god. What a mess.". sabi naman ni Vera na papalapit sa kanila kasama si Cyrus.

"Who? Me?", sagot naman ni Quen.

"Yeah. Who else? Look at you.", sabi naman ni Vera.

"Hey, V. Please stop. Not now.", pag-awat naman ni Charlie.

"Woooooow. So now you're trying to actually defend me?", sarcastic na sabi ni Quen kay Charlie.

"Quen. Please. Wag ngayon.", si Colleen naman ang sumubok na umawat.

"Wag ngayon? So kelan? Mamaya? Pag wala na ko? Saka niyo ko pag-uusapan?", sabi ni Quen.

"It's not like that Q. Lasing ka ngayon. Let's talk pag nahimasmasan ka na...", paliwanag naman ni Charlie.

"Yeah. It's always my fault, isn't it? Cause y'all are always so right. Maybe this is actually better. After all we're all gonna live separate lives anyway. Maybe it's best to end this friendship. Yeah. Let's fucking end this bullshit.", naiiyak na sabi ni Quen.

"What a drama queen!", pabulong na sabi ni Vera. Pero nadinig ito ni Quen.

"What did you say?", sabi ni Quen sabay lapit nito sa aktres.

"I said you're a drama queen!", sabi naman ni Vera na lumapit din sakanya. Agad na humawak sa balikat ni Quen si Charlie para umawat.

"Me? A drama queen? Well you're a fucking bitch!", sigaw naman ni Quen kay Vera. Akmang sasampalin siya ni Vera pero napigilan ito ni Cyrus, hinawakan nito ang kamay ni Vera. Pero nakatingin siya kay Quentin. 

"You. Leave!", mahina pero madiin na sabi ni Cyrus kay Quentin.

Natahimik ang lahat. Nagulat. Lalo na si Quen. Tila nawala lahat ng tama ng alak sakanya. Nagkatitigan sila ni Cyrus. Masama ang tingin nito sakanya. Naluluha naman si Quen pero pinipigil niya ito.

"No. Please stay. He's drunk. He can stay in the guest room, let's go.", sabi naman ni Lucas.

Gusto nang sumabog ni Quen at umiyak. Hindi niya na napigil ang sarili at tuluyan na siyang lumabas ng condo unit. Tumakbo siya papunta sa elevator. Pag-kasakay niya sa elevator ay tila bumigay ang mga tuhod niya. Napaupo siya at tuluyan nang naiyak.

Next chapter