Chapter 17: The Fall Out

Biglang napadilat ang mga mata ni Quen nang naramdaman niyang may labing lumapat sa kanyang labi.

Nagulat si Quen sa nangyari. Pagdilat niya, magkadikit pa din ang mga labi nila. Nakapikit ang mga mata ni Cyrus. Hindi niya alam ang gagawin. Madaming bagay ang agad na tumakbo sa isip ni Quen. Bakit siya hinalikan ni Cyrus? Totoo ba ang mga nangyayari? Nadala lang siguro ito sa motivation na ginawa niya? Sa dami ng mga naisip niya, isang bagay ang hindi sumagi sa isip niya, yun ay ang putulin ang pagkakadikit ng kanilang mga labi. Napahawak na lang si Quen sa kamay ni Cyrus na nakalapat pa din sa kanyang pisngi.

Doon pa lang dahan dahan na bahagyang inilayo ni Cyrus ang kanyang mukha mula sa mukha ni Quen. Nakita ni Quen na dumilat ang aktor at ngumiti ito. Dahan dahan ding inalis ni Quen ang pagkakahawak niya sa kamay ni Cyrus. Pero si Cyrus, nakahawak pa din sa pisngi ni Quen.

Pero si Cyrus, nakahawak pa din sa pisngi ni Quen

'Gets ko na. Thank you.', nakangiting sabi ni Cyrus.

'Uhh... Welcome?', medyo litong sagot ni Quen.

'Sorry din. Nadala lang ako...', sabi naman ni Cyrus. Inalis na din nito ang kanyang kamay sa mukha ni Quen.

'I—it's okay. You're acting. Okay lang...', lito pa ding sabi ni Quen.

'Actually...', may sasabihin pa sana si Cyrus pero agad siyang pinutol ni Quen.

'No, no, it's actually okay. You don't have to explain...', mabilis na pagputol ni Quen kay Cyrus.

'Sabi mo eh.', napangiti na lang si Cyrus.

'Uhm. Medyo late na din, I have to go na. May tatapusin pa ko for the ball eh.', sabi ni Quen.

'Ahh ganon ba. Anong ball?', tanong ni Cyrus.

'Stellar Ball.', sagot naman ni Quen. Binuksan niya ang kanyang cellphone.

'Really? A-attend ka?', dagdag tanong ni Cyrus.

'Uhh... Not really attending... But I'll be there. I'm helping Ms. Dara in conceptualizing and writing for the event.', paliwanag ni Quen.

'Ahh. I'm gonna be there.', sabi naman ni Cyrus.

'Of course, you'll be there. With Vera?', tanong naman ni Quen.

Napatango na lang si Cyrus.

'Sige na, I'll go ahead.', paalam ni Quen.

'Hatid na kita?', sabi ni Cyrus.

'Hindi na. Nakapag-book na ko ng Grab. He's gonna be here in 5 minutes.', sagot ni Quen sabay pakita ng kanyang phone kay Cyrus.

'Hatid na lang kita sa baba...', sabi naman ni Cyrus.

'Kaya ko na to. Pahinga ka na, early pa call time bukas.', tugon naman ni Quen. Palabas na ng pinto si Quen.

'Ah, Que—Quentin', medyo kabadong sabi ni Cyrus.

'May naiwan pa ba ko?', tanong ni Quen sabay tingin sa couch kung saan nila nakaupo kanina.

'Ahh wala. Ano kase... Regarding sa ball', sabi ni Cyrus.

'What about it?', tanong naman ni Quen.

'Save me a dance?', nakangiting tanong ni Cyrus.

Hindi mapigilan ni Quen na mapangiti rin.

'Like I've said, I won't be "attending", I'm working that night.', sabi naman ni Quen.

'Please?', pangungumbinsi ni Cyrus.

'Also, baka ma-chismis ka pa.', sabi naman ni Quen. Nawala ang kanyang ngiti nang bigla humampas sa kanya ang katotohonan. Kung ano man ang nangyari at naramdaman nilang dalawa ngayong gabi sa unit ni Cyrus, imposibleng may patunguhan ito.

'But— ', sa pangalawang pagkakataon ngayong gabi, muli siyang pinutol ni Quen.

'Sige na. My ride is here. Bye Cyrus. Goodnight.', sabay labas niya sa condo unit ng aktor.

Habang nasa sasakyan pauwi, hindi maiwasang malungkot ni Quen. Una dahil sa nangyari sakanilang magkakaibigan. Dahil kay Vera. At si Vera din ang dahilan kung bakit pinipigilan niya ang sariling mahulog kay Cyrus. Pero, dahil nga lang ba talaga kay Vera? O baka dahil rin kay Cyrus. Dahil hindi pa niya lubos na kilala ito. Kung nagiging totoo ba ito sakanya. Yung halik ba na nangyari totoo? O tama ang iniisip niya kanina na nadala lang ito sa acting.

Sa biyahe rin na iyon, gumawa ng isang malaking desisiyon si Quen. Susubukan niya nang umiwas sa kanyang mga kaibigan. Naisip niya na ilang buwan na rin lang naman ay magkakahiwa-hiwalay na din sila. Mas mabuti na rin siguro na simulan niya nang maaga ang paglayo sa mga ito, para hindi na siya mahirapan sa hinaharap.

--

--

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula noong magkaroon silang magkakaibigan ng hindi pagkakaunawaan. Ibig sabihin, dalawang linggo na ring iniiwasan ni Quen ang kanyang mga kaibigan. Hindi niya sinasagot ang mga texts at tawag nila Charlie sakanya. Ilang beses rin siyang minessage ni Colleen. Gustong makipag-kita at makipag-usap. Ang hindi niya maintindihan ay sa dami nang mga messages nila, wala siyang natanggap na kahit isang sorry. Ilang beses niya na ring muntik makasalubong si Lucas. Agad siyang nag-iiba ng direksyon tuwing makikita niya ito. Si Andre naman ilang beses lang niyang naka-kamustahan sa text. Hindi pa rin sila nagkikita muli dahil sobrang bihira na ni Quen sa TV Station. Madalas ay nasa set lang siya.

Pero ngayong araw na ito, may schedule siya sa station para sa Stellar Ball. Kasama niya si Ms. Dara at iba pang mga writer na kasama sa team na magsusulat para sa event. Tulad noong naunang meeting madami ulit sila doon. Medyo na-late na sila dumating kaya pag-upo nila, simula na agad ang meeting. Nandoon si Andre. Pero iwas na iwas ang tingin ni Quen dito.

Si Ms. Dara ang nag-present ng tatlong concept na binuo ng kanilang team para sa ball. At ang napili ay ang theme na idea ni Quen, Starry Night. Gumawa pa siya ng mood board para dito. Napag-desisiyunan na din nila kung sino ang magho-host at mga awards para sa gabing iyon. Inabot din nang ilang oras ang meeting.

Pagkatapos ng meeting, nag-usap muna sila ni Ms

Pagkatapos ng meeting, nag-usap muna sila ni Ms. Dara sa hallway.

'Quen, we need to work extra harder para sa serye natin.', sabi ni Ms. Dara.

'Why po? Ano po ba sabi sainyo ng channel head?', tanong naman ni Quen.

'Quen, our ratings are not doing super okay. Medyo naabutan na tayo ng katapat nating show.', paliwanag ni Ms. Dara.

'Really? Okay po. Gagalingan natin Ms. Dara. We can do this.', optimistic naman na sabi ni Quen.

'Sana nga. Sana ma-save tayo nung eksena na sinulat mo. Next week na airing no'n.', sabi naman ni Ms. Dara.

'Oo nga po. I'm excited to see it. Wala kasi ako nung kinunan yung eksena. Busy kami nila Ms. Tina sa Second Unit.', kwento ni Quen.

'Naku. Ang husay husay ni Cyrus don. For sure madaming kikiligin.', bigla namang nabuhayan si Ms. Dara nang maalala ang eksena.

Napangiti lang din si Quen.

'Uhh. Yes?' Need anything?', tanong ni Ms. Dara sa taong nasa likod ni Quen. Nilingon naman ito ni Quen, si Andre, hinihintay siya.

'Ahh. Wala naman po. I'm actually waiting for Quentin. May tatanong lang po sana.', sagot naman ni Andre.

'Hey. Hi.', awkward naman na bati ni Quen kay Andre.

'O sige. Una na ko, babalik pa kong set eh. You can go na, may meeting pa kayo di ba? See you!', paalam naman ni Ms. Dara.

'Bye Ms. D! See you po.', sabi naman ni Quen. Mabilis na naglakad papuntang elevator si Ms. Dara. Naiwan naman sila ni Andre sa hallway.

'How are you? Tagal mo walang paramdam ah...', sabi ni Andre.

'Uhmm. Uhh... Busy lang...', sabi naman ni Quen na awkward pa din.

'Have you talked to Char? Or Coco?', tanong ni Andre.

'Nope. Not yet. Busy talaga. I've been given heavier tasks in my internship. Plus, may ball pa.', paliwanag naman ni Quen.

'Please talk to them. They're super sorry...', pakiusap ni Andre.

'Not sure about that...', sabi ni Quen. Nagsisimula na siyang mairita kaya nagsimula na siyang dahan dahan na maglakad papuntang elevator.

'I was just talking to Coco kanina— ', hindi pa tapos magsalita si Andre pero pinutol na siya agad ni Quen.

'Do you need anything from me? Besides that? Sorry. I'm just really super busy now.', sabi ni Quen. At ngayon, binibilisan niya na ang lakad niya.

'S-sorry.', sabi ni Andre.

'Look, if they have anything to tell me, they can say it to me in my face. I don't have time for some BS right now. Please don't be their owl.', mahinahong sabi naman ni Quen.

'Okay... Sorry...', malungkot na sabi ni Andre.

'Sorry din. Nadadamay ka pa. I just don't get how...', napabuntong hininga na lang si Quen at di na tinuloy ang dapat niyang sasabihin.

'Pauwi ka na?', tanong ni Andre. Nakasakay na sila sa elevator.

'Not yet. I'm still meeting my co-writers for the ball.', sabi ni Quen.

'Ohh okay. Oo nga pala, yung sa ball, have you thought about it?', tanong ni Andre.

'About what?', balik tanong ni Quen.

'Uhm. Wala. Never mind.', sabi naman ni Andre, sabay bukas ng elevator sa 6th Floor.

'Ok. Our meeting's here. Bye. See you around...', sabi ni Quen sabay labas sa elevator.

'Bye Tin. Ingat.', malungkot na sabi naman ni Andre.

Pagsara ng elevator, napaupo si Quen. Una, dahil hindi niya expected na magkikita at mag-uusap sila ni Andre ngayong araw na ito. Hindi niya alam paano ito patutunguhan ngayong nag-desisiyon na siyang dumistanysa sakanila. Pangalawa, alam niyang hindi okay ang paraan kung paano niya kinausap si Andre. At pangatlo, alam niya kung ano ang tinutukoy ni Andre. Tungkol ito sa imbitasyon nito na maging date niya sa ball. Pero tulad nang sabi niya kay Cyrus, hindi naman siya aattend ng ball. Magta-trabaho siya doon. At hindi niya alam kung paano hihindi kay Andre. Kaya nung muli siyang tinatanong nito, nag-patay malisya na lang siya. Nagi-guilty siya. Pero alam niyang ito ang kailangan niyang gawin para mas madali na siyang maka-move on.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at huminga nang malalim.

Habang naglalakad papuntang meeting, may tumawag sakanya.

Quen: Hello Sir.

Cyrus: Sir ka diyan. Bakit wala ka dito sa set?

Quen: Meeting kami dito sa station, para sa ball.

Cyrus: Ahh okay. Di ka nag-paalam saken.

Quen: Tatay ba kita?

Cyrus: Sinabi ko ba?

Quen: Bakit ba kasi? Need anything?

Cyrus: Meron eh...

Quen: Ano yon?

Cyrus: Ikaw.

Quen: Whatever! Kala ko naman kung ano na.

Cyrus: May sasabihin pala ko...

Quen: Nako wag na. Baka kung ano nanaman yan.

Cyrus: Hindi, hindi. Seryoso to.

Quen: Whatever... Sige na bye, may meeting pa ko. Bye!

Hindi pa nakakasagot si Cyrus pero binaba na agad ni Quen ang phone.

After nung gabi sa condo ni Cyrus, madalas na sila mag-usap sa tawag at sa text. Kaya mas kumportable na silang kausapin ang isa't isa. Kung ano ano lang ang napag-uusapan nila. Unti unti na din nilang nakikilala ang isa't isa. Pero pag nasa set sila, hindi sila masyado nag-uusap. Umiiwas si Quen. Dahil kay Vera. Ayaw na niya ng gulo.

Pero masaya siya tuwing nag-uusap sila ni Cyrus. Masaya siya kapag napapangiti at napapatawa niya si Cyrus. Nalulungkot siya minsan pag sobrang busy ang aktor. Lalo na pag nakikita niya na kasama nito si Vera. Hindi niya alam paano umabot sa ganito ang nararamdaman niya. Kahit na hindi pa malinaw talaga sakanya kung ano ba ang pakay ni Cyrus sakanya. Kung totoo bang kaibigan lang ni Cyrus si Vera.

Pagpasok ni Quen sa meeting room, andon na ang kanyang mga co-writers. Busy ang mga ito sa kani-kanilang cellphone at nagbubulungan.

'Hey. What's up? What's happening?', tanong ni Quen.

'Nag-check ka na ba ng Twitter?', tanong naman ng isa mga ka-meeting niya.

'Hindi pa, why? Ano meron?', muling tanong ni Quen.

'Top trending topic ngayon ang CyVer', sagot ng isa.

'Huh? Why?', tanong uli ni Quen.

'Nag-tweet kasi yung manager nila, kino-confirm na mag-jowa na nga talaga sila.', sagot naman ng isa. Sabay nag-tilian ang ilan sa mga nasa meeting room dahil sa kilig.

Natulala naman si Quen. Para siyang sinuntok sa sikmura at gustong masuka. Parang may bumuhos sakanya ng malamig na malamig na tubig. Nakaramdam siya ng kirot sakanyang puso.

Next chapter