Chapter 22: The Talk

Lunes, 9am. Nasa set na si Quentin sa taping ng YAMS. Excited siyang simulan ang huling ilang araw ng internship niya. Halos tatlong linggo na rin ng nakalilipas simula noong ball. Sa mga araw na sumunod matapos nila mag-usap ni Ms. Dara sa cafe, tinulungan siya nito sa kanyang sitwasyon. Inilipat siya sa second unit ng show. Ibig sabihin ang madalas niyang mga kasama ay ang supporting cast ng show na bihirang kuhanan kasama sina Cyrus at Vera. Ang sinabing dahilan ni Ms. Dara sa team ay para ma-explore ni Quen ang lahat ng pwede niyang ma-explore sa internship, pero ang totoo, tinutulungan niyang umiwas si Quen kina Cyrus at Vera. Pero kahit na nasa second unit siya, nakikita pa din naman niya yung dalawa, hindi nga lang kasing dalas kumpara noong nasa first unit siya.

 
Masaya naman si Quen sa kanyang bagong mga kasama.
Mababait rin. Wala siyang problema, patuloy pa din ang magandang performance ni Quen sa internship. Nabulungan na din siya minsan na malaki ang chance niyang ma-absorb ng BGBTV.

"Quen, favor naman.", tapik sakanya ni Ms. Lily, ang assistant director ng Unit 2.

"Yes po Ms. L, sure po. Ano po ba yon?", nakangiting sagot naman ni Quen.

"Nasa tent niya na yata si Vera, paabot naman netong revised script.", utos ng AD, sabay abot ng isang folder.

"Uhh... Si- sige po.", walang choice si Quen. Kinuha niya ang script at agad na nagtungo sa tent ni Vera. 

Pagdating niya doon, naabutan niyang mag-isa si Vera. May hawak na Iced coffee habang nagse-cellphone.

"Good morning Ms. Vera, pinapabigay po ni Ms. Lily, revised script po.", mahinahong sabi ni Quen saboy abot ng script ng artista.

Tiningnan lang siya neto at hindi nag-salita. Kaya naman pinatong na lang ni Quen ang script sa katabing mesa ng aktres. 

"Sige po. Thank you po.", paalam ni Quen. Lalabas na sana siya ng tent nang biglang nagsalita si Vera.

"Just so you know, I know everything...", sabi nito, nakaupo pa din at nakatingin sakanya.

"What do you mean? Everything?", tanong ni Quen pagkalingon niya kay Vera.

"Everything about you and Cyrus...", matalim na sagot ni Vera.

"H-how? Who told you? Si Colleen ba? Si Ms. Dara?", litong tanong ni Quen. 

"Cyrus. He tells me everything...", sabi ni Vera. Nagulat si Quen. Hindi siya nakasagot. Tumayo ang aktres mula sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Quen.

"Cyrus and I don't keep secrets from each other. Kaya alam ko lahat. Sorry if I'm making your internship terrible. I'm doing it for him and I'll only back down when he tells me to.", dire-diretsong sabi ni Vera. 

"Don't worry Vera. You don't have to worry about me. I respect you and Cyrus's relationship. At this point, I should be the least of your concern. Kaya nga ako nandito ngayon sa second unit. To minimize the chances of crossing paths with any of you two and I intend to continue to stay away.", medyo nagulat si Quen kung paano kakalma niya nasabi ang mga ngayon. Isa yata ito sa mga pagkakataong nag-usap sila ni Vera na hindi siya gigil dito. Pero hindi niya na binigyan ng pagkakataon na makasagot si Vera at lumabas na siya ng tent.

Pagtapos ng pag-uusap nila ni Vera, naging maayos naman ang araw ni Quen. Ilang beses silang muling nagkasalubong pero todo iwas si Quen, ni hindi niya tinitingnan ang aktres.

Pauwi na sana si Quen pero tinawag siya ni Ms. Lily.

"Quentin, pinapasabi pala ni Direk Nel na pumunta ka daw bukas sa office 10:30am.", sabi ng direktor.

"Uh, baka daw po kaya?", tanong ni Quen.

"Ay, di ko rin alam eh. Puntahan mo na lang.", sagot naman nito.

"Ah ok po. Sige po una na po ako.", paalam ni Quen.

"Oh sige, ingat ka.", paalala nito. 

--

6:47pm, kadarating lang ni Quen sakanyang dorm. Agad siyang naligo at nagbihis. Marami siyang kailangan tapusin para sa journal ng kanilang internship. Nakasanayan na rin ni Quen na mag-check ng email bago gumawa ng mga kanyang mga dapat gawin. May ilan-ilang bagong email na kailangan niyang buksan pero may isang email ang agad niyang napansin, bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. E-mail ito mula sa New York Film Academy. Nawala na isip ni Quen na nag-apply siya para sa NYFA bago magsimula ang kanyang internship. Wala rin siyang sinabihan tungkol dito maliban sa kaniyang mga magulang. Binuksan niya ang email:

Dear Mr. Ramos,

On behalf of our faculty and administration, we are delighted to inform you that you have completed all requirements and have been granted admission to the New York Film Academy's Two Year screenwriting program in New York City. 

Nakapasa siya. Hindi maipalawanag ni Quen ang saya niya. Nagulat din siya dahil hindi siya umaasang makakapasa siya. Kumabaga suntok sa buwan lang ang pag-apply niya.

Sa excitement ay napa-post siya ng ig story:

 
Agad namang nag-reply si Andre sa story niya.
"Happy for you. Whatever it is", maiksing mensahe ng kanyang kaibigan. Na-touch naman si Quen kaya tinawagan niya ito.

"Hi Andre.", bati ni Quen.

"Quen. Hello.", malambing na sabi ni Andre.

"Since you are the first person to reply to my post, you get to know a secret about me.", masayang sabi ni Quen.

"Really? Ano yon?", tanong naman ni Andre.

"You have to promise to keep it a secret though...", sabi naman ni Quen.

"Anything for you Q.", muli, malambing na sagot ni Andre.

"I applied for New York Film Academy and I got in!", excited na sabi ni Quen.

"Woooow! Congrats! You deserve it.", excited rin na sabi ni Andre.

"Thank you Andre. Secret lang ahh.", panigurado naman ni Quen.

"Yes. But, does this mean you're moving to New York for good?", tanong naman ni Andre.

"Uhm. I don't know yet. I'm not even sure if I a hundred percent wanna go. But if ever, I'll be gone for two years. Whatever happens after 2 years, hindi ko pa alam...", paliwanag naman ni Quen.

"Ohh okay...", rinig ang lungkot sa boses ni Andre.

Natahimik sila parehas. Nalungkot din bigla si Quen matapos marinig ang malungkot na toni ni Andre. Hindi niya alam ang sasabihin. Halos isang minuto ang lumipas na katahimikan bago may nagsalitang muli.

"Quen...", sabi ni Andre.

"Andre?", patanong na sagot naman ni Quen.

"What I told you last time, at Luke's place. That's all real. I really like you.", diretsong sabi ni Andre.

"I know. I don't think that I'm doubting your feelings. I think I'm actually not sure about mine's.", sagot naman ni Quen.

"Don't worry. No rush.", reassuring na sabi ni Andre.

"Thank you.", yun na lang ang nasabi ni Quen dahil di niya na alam ang sasabihin."

"I just want you to know that, if this is a heartbreak that's bound to happen, it's the one that I'm most willing to have.", sabi ni Andre.

Muli, hindi alam ni Quen ang sasabihin. Gusto niya si Andre, pero hindi siya sigurado kung sa romantikong paraan ba o kaibigan lang talaga.

"Oh sige na, I have stuff to do pa.", paalam ni Quen.

"Ok, goodnight. I hope to see you soon.", paalam rin naman ni Andre.

---

Kinabukasan, 10:30am nasa HR Department ng BGBTV si Quen. Pinapunta siya para kausapin tungkol sa kanyang internship. Nasa loob na siya ng room, same room nung unang araw niya sa internship. Medyo kabado si Quen dahil hindi niya alam bakit siya pinatawag. Naisip niya na baka ito sa nangyaring sagutan nila ni Vera kahapon.

"Hi Quentin.", bati ng isang pamilyar na mukha kay Quen. Si Ms. Pat, siya rin ang unang kumausap sakanya noong unang araw niya.

"Hi Ms. Pat. Good Morning.", bati naman ni Quen.

"Have a seat. Kamusta ka? How's the internship", tanong ni Ms. Pat.

"Everything's okay naman po. I'm actually having fun.", excited naman na sagot ni Quen.

"Yeah, actually, kaya ka pinapunta rito today. Ms. Dara, your headwriter, and  Mr. Nel, your assistant director both endorsed you to me to be absorbed as a writer.", nakangiting paliwanag ni Ms. Pat.

"R-really?", hindi makapaniwala si Quen.

"Congrats! If ever you accept the offer, you will continue to be a trainee for two more months, then there'll be an evaluation. If makapasa ka sa evals, you'll be an in-house writer for the network.", paliwanag ni Ms. Pat.

"Wow. I was actually nervous. I thought I was in trouble.", nakahinga ng maluwag si Quen.

"It's quite the opposite actually. They both called me different times, they were raving about you.", masayang sabi nito.

"Uhh, do I have to give my answer now?", tanong naman ni Quen.

"No, not really. You'll have to comeback din naman here after you complete your internship hours for finalization. You can give me your answer then.", paliwanag muli nito.

"Oh okay po.", maiksing sagot ni Quen.

Nagkwentuhan pa sila ng mga ilang minuto tungkol sa kanyang internship experience. Pero siyempre, hindi niya binaggit ang tungkol sakanila nila Cyrus at Vera.

Matapos ang kanilang meeting, naglakad na si Quen papuntang elevator. Malalim ang isip niya. Papayag ba siyang ma-absorb? O mag-aaral siya sa New York? Saan ba siya mas mag-ggrow? Gusto niyang i-explore ang mundo, pero napamahal na rin sakanya ang You Are My Sunshine at ang mga kasamahan niya sa internship. Paano na ang kanyang mga kaibigan? 

Nakapasok na siya ng elevator at pinindot ang G. Nasa ika-18 floor siya. Pasara na ang elevator pero may kamay na pumigil rito at saka bumukas ulit ang pinto. Si Cyrus. Tumabi ito sakanya. Sumara ang elevator. Pinindot ni Cyrus ang 10. Parehas silang nakatingin sa pinto ng elevator. Kita nila ang relection ng bawat isa. Walang nagsasalita. Pagdating sa 10th floor, hinawakan ni Cyrus sa may pulso si Quen, saka siya nag-umpisang maglakad. Hila hila niya si Quen. 

 
"Hey.
Let me go.", pabulong na sabi ni Quen dahil ayaw niyang gumawa ng eksena.

Hindi sumagot si Cyrus. Sinusubukan niyang magpumiglas pero malakas si Cyrus at dahil nga ayaw niyang pagtinginan sila ay hindi ganon ka-todo ang effort niya para makawala sa kamay ni Cyrus.

Nakarating sila sa isang parking ng building. Hila pa rin ni Cyrus si Quen hanggang sa maabot nila ang sasakyan nito. Binuksan ni Cyrus ang pinto ng passenger seat at saka pinasakay si Quen. Sumakay naman ito. Saka naman sumakay si Cyrus sa driver's seat.

 
"Sorry.
Gusto lang kita makausap.", unang salita ni Cyrus.

"You didn't have to do all that. You could've just asked me." medyo iritang sagot ni Quen, hawak nito ang sariling pulso dahil medyo nasaktan siya sa paghila ng kasama.

Kinuha ni Cyrus ang kamay ni Quen. Saka nito hinaplos at tila minamasahe ang nasaktan niyang kamay.

"Sorry.", sabi ni Cyrus. Binawi naman ni Quen ang kamay. 

"It's okay. I'm okay." sabi naman ni Quen.

"Not about your hand.", sagot ni Cyrus. Napatingin si Quen sakanya.

"What do you mean?", tanong ni Quen.

"I'm sorry about everything. Sorry if nasigawan kita sa party. Napahiya kita sa mga kaibigan mo. Sorry kasi kasi pinaalis kita kahit alam akong lasing ka at wala sa sarili. Di ko siguro mapapatawad sarili ko kung may nangyaring masama sayo.", paliwanag ni Cyrus.

"No, you don't have to apologize. It was all my fault. I was drunk and reckless.", sabi naman ni Quen.

"But still, sorry.", muling paghingi ng tawad ni Cyrus.

"I would've done the same. Kung may tumawag ng bitch sa mga kaibigan ko, I would be mad too.", sabi naman ni Quen. Alam yun ang dahilan bakit nagalit sakanya si Cyrus, sinigawan niya si Vera.

"Sa totoo lang, hindi lang naman yun ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko at nasigawan kita non...", sabi ni Cyrus.

"Huh? Did I do something else?", litong tanong ni Quen.

"Not exactly...", mahinang sagot ni Cyrus.

"Di ko gets, enlighten me...", paghingi ng paliwang ni Quen.

"Yung white rose, yung DVD, yung card, it was from me.", sabi ni Cyrus.

"I figured. I saw the back of your suit...", sabi naman ni Quen.

"Noong patapos na yung ball, hinanap kita. To have the last dance.", sagot ni Cyrus.

"I was just there. And besides I was working, hindi rin naman kita maisasayaw...", sabi naman ni Quen.

"Well, I actually found you. I found you backstage, magkayakap kayo ni Andre.", pagkasabi non ni Cyrus at doon lang siya tumingin kay Quen.

Agad naman umiwas ng tingin si Quen. Napatingin siya sa rearview mirror ng sasakyan. Doon nakita ang mukha ni Cyrus, parang galit at malungkot.

"H-he was just comforting me. I wasn't feeling so good.", paliwanag naman ni Quen.

"Then sa labas ng hotel, nung niyaya ka sumama sa after party, si Andre lang ang kinausap mo ng maayos. You didn't even look at me.", dagdag ni Cyrus.

Hindi nakasagot si Quen, di niya alam ang sasabihin.

"At the after party, first time I saw you there, magkayakap ulit kayo ni Andre.", sabi ni Cyrus.

"Uhh...", wala pa din masabi si Quen. Hindi niya gets bakit ikinagagalit ni Cyrus si Andre.

"Tapos sumunod kitang nakita sa party, may hinalikan kang iba.", dagdag muli ni Cyrus.

"I... I thought that guy was...", hindi pa tapos si Quen sumabat na si Cyrus.

"Akala mo si Andre?", sarkastikong tanong nito.

"So, kaya ka nagalit sakin because of Andre?", tanong ni Quen.

"Oo. Di ko din alam eh. Basta nabadtrip ako na siya lagi ang kasama mo. Nag-seselos ako", sabi ni Cyrus.

Nagulat si Quen sa narinig. Napatingin siya ng diretso sa kausap.

"What? Just to be clear, Andre and I are friends. We can hug if we want to. Also, to be 100% honest with you, yes Andre likes me. But, me, well, I'm not sure. Pero hindi kami. Also, I don't get why you have to tell me all this. Hindi naman tayo. You never tell me anything. I always have to guess. And lastly, may girlfriend ka. Please respect Vera.", dire-diretsong sabi ni Quen.

"Hindi totoo yung samin ni Vera.", mahinahong sagot ni Cyrus.

"What?!", litong lito na si Quen.

"Tinutulungan lang ako ni Vera.", sabi ni Cyrus.

"Helping how?!", asar na tanong ni Quen.

"Humingi ako ng tulong sakanya pagkatapos nung nangyari kay...", 'di matuloy ni Cyrus ang gustong sabihin. 

"Edward Lee?", mahinang sabi ni Quen.

"Oo. Alam mo na din pala. Pagtapos nang gulong yon, nagpatulong ako kay Vera. Na huwag akong hayaan na mapalapit ulit na kahit na sino. Para makaiwas na sa eskandalo. Kaya ganon si Vera sayo. Lalo na napansin niya na iba yung tingin ko sayo.", paliwanag ni Cyrus.

"I don't know what to say.", yon na lang ang naisagot ni Quen.

"Yung relationship namin, malapit na magkaibigan lang talaga. Magkatrabaho. Kinailangan lang namin sabihin na mag-boyfriend at girlfriend kami para sa fans, para na rin sa show. Part ng showbiz. Ang totoo niyan, may ibang long time boyfriend si Vera.", dagdag ni Cyrus.

Doon na nakaramdam si Quen na para siyang lumulutang. Hindi niya na ma-proseso lahat ng mga impormasyong natanggap niya. Bumaba siya sa sasakyan at tumakbo. 

Tuloy-tuloy lang siya ng takbo hanggang maabot niya uli ang elevator. Pinindot niya ang G. Sa pagkakataong ito wala ng humarang sa mga pinto ng elevator. Naka-abot siya sa lobby ng building. Gulong-gulo.