Chapter 2: The Love Team

Nagulat siya nang pagtingin niya ulit sa aktor ay nakatingin at naka-titig din ito sakanya.

Hindi mabasa ni Quentin ang pinta ng mukha ni Cyrus. Hindi naka-simangot, hindi rin naka-ngiti, pero nakatingin sakanya. Ilang segundo din silang nagtinginan pero nabasag ito nang may lumabas na babae sa tent at yumakap sa likod ni Cyrus. Maganda ang babae. Mestiza. Pero hindi pamilyar kay Quen ang itsura nito.

'Okay guys, lunch is over. Back to work na tayo!', sigaw ni Direk Nel sakanila.

'Direk, what am I supposed to do? How can I help?', tanong ni Quen.

'Since it's your first day today and first time on set, observe observe ka na lang muna. Busy ang writers natin today kaya I wont be able to introduce you. Maybe sa Wednesday. MWF lang kasi ang shooting schedule natin dito. Take notes on how we shoot and yung story na din. I know you're busy with school baka di ka nakakanuod ng show.', sagot ni Direk Nel kay Quen.

'Okay po Direk.', excited na tugon ni Quen.

-

6PM na, pero halos kalahati pa lang ang nashu-shoot nilang mga eksena na dapat kunan within the day. Medyo padilim na rin. Medyo bored na si Quentin dahil wala siyang makausap. Nanunuod lang siya at nagno-notes ng mga bagay na sa tingin niya dapat niyang tandaan.

Nalaman niya ang na yung babaeng maganda na yumakap kay Cyrus kanina ay ang ka-loveteam niyang si Vera. Curious si Quentin kay Vera, 'sila kaya ni Cyrus?', 'Is she half-American? She looks like it kase.' 'Is she nice? Mukang maldita kase.'

Quentin also learned that the teleserye is a love story. Typical Romeo-Juliet. The lead roles ay galling sa magka-away na pamilya pero they will fall in love with each other. The only different thing is Cyrus plays the role of a blind guy. Para kay Quentin, medyo cliché yung kwento pero the lead guy being blind is something interesting for him.

'Quentin, you can go home na. You don't have to stay. Baka late na kami mag-baklas today.'sabi ni Direk Nel sakanya. Baklas, meaning pack up. Another word na natutunan ni Quen today.

'Okay po Direk Nel. See you po on Wednesday. Thank you po.', paalam ni Quen sa director. Habang paalis siya, isa isa siyang nagba-ba-bye sa mga nakakasalubong niya. Malapit na siya makaalis ng field nang maka-salubong niya sina Vera at Cyrus. Si Vera naka-kapit sa braso ni Cyrus.

'Bye po.', mahinang bati ni Quen sa dalawa. Tumigil ang dalawa sa harap niya.

'Are you a fan? Fans are not allowed here.', sabi ni Vera sakanya habang tiningnan siya nito ng head to toe. Deadma lang si Cyrus. Nasa malayo ang tingin.

'Uh, no. I am not. Intern po ako. It's my first day. Maybe kaya po---', di pa tapos mag-salita si Quen nang biglang nagsalita si Vera,

'Oh ok.', sabay patuloy na nag-lakad ang mag-love team.

Medyo shook si Quen sa nangyari. Pero hindi niya na lang inintindi. Dumiretso na siya palabas ng shooting location at umuwi.

-

Inabot ng higit isang oras ang biyahe ni Quen pauwi sa kanyang dorm. Rush hour kasi. Gutom na din siya kaya nagpasya siyang kumain muna sa isang fast food chain sa baba ng building ng kanyang dorm. Habang kumakain, nag-IG story muna siya ng kanyang food. Naisip din niya i-search ang Instagram nung malditang aktres kanina. Medyo irita pa din siya sa nangyari. @missverawilson. 'Pag ganito ba kaganda pwede na mag-maldita?!' isip ni Quen. Nalaman din ni Quen half-Canadian si Vera, she is 23, sexy, pretty. Karamihan ng posts niya sa IG mga pics from photo shoots. Chineck din Quen ang ig stories nito. Selfie ni Vera. Pic ng field sa location kanina. At boomerang with Cyrus. Kini-kiss niya sa cheek si Cyrus habang yung lalaki, tulala. 'Bakit kaya laging tulala to?', tanong ni Quen sa sarili. Medyo natawa si Quen sa hashtag dun sa boomerang ng dalawa, #CyVer. 'WTF?! CyVer?', Natatawang isip ni Quen. Saktong tapos na din siya kumain kaya umakyat na din siya sa kwarto niya at nag-freshen up.

Nakahiga na si Quen sa room niya. Medyo OC si Quen. Malinis sa mga gamit. Dark blue ang walls niya with white furnitures. Very nautical. Artistic at creative si Quen kaya he really keeps his place, his ig and his fashion aesthetically pleasing.

Kahit mga apps sa phone niya, ayaw niya nung may mga active notifications. Kaya lahat chine-check niya agad. Nakita niya na may e-mail sakanya. Galing kay Direk Nel.

'Quentin,

Attached are some of the scripts of the show including the pilot episode.

Please paki-aral para may idea ka na once you meet with the writers.

Thank you.

Direk Nel.'

Nagreply naman si Quen ng, 'Got this Sir. Well noted. Thank you. Q.'

Dahil sa email naalala nanaman niya tuloy yung mag-loveteam.

Binuksan niya ulit yung ig para naman i-check si Cyrus. @akosicyrus007.

Puro endorsement shots yung nasa feed ni Cyrus.

'Walang personality?' sabi ni Quen sa sarili.

Sa ig story naman nito, tatlong sunod sunod na picture ng location. Yung field. Yung sunset. And yung moon. Tapos yung last story isang quote.

Tapos yung last story isang quote

'Wow, pa-deep. Ano kaya problema nito? Kaya siguro laging tulala.', isip ni Quen.

Antok na antok na si Quen habang nagce-cellphone kaya nakatulog siyang hawak ito.

Ang di niya alam, aksidente niyang napindot ang 'FOLLOW' button sa ig ni Cyrus.

Next chapter