Chapter 10: The Lost Star

Tatlong linggo na ang nakakalipas mula noong house party sa condo ni Lucas. Kahit na nakainom siya nung gabing iyon, tandang tanda ni Quen lahat ng nangyari, at lahat ng mga sinabi niya. Kaya naman tuwing nasa set siya ng YAMS, matinding pag-iwas ang ginawa niya kina Cyrus at Vera. Para sakanya, mas okay na yon. Isang linggo pa lang niya nakikilala ang dalawa, ang dami na agad ang nangyari na hindi niya gusto. Unang una, ayaw na ayaw niya yung alam niyang may tao na galit sa kanya, lalo na't wala naman siyang ginawang masama dito. Ayaw naman niyang kumprontahin si Vera tungkol dito dahil hindi naman sila close at ayaw niya na din lang mag-aksaya ng energy. Si Cyrus naman, iniwasan niya na din dahil sa feeling niya, kung walang Cyrus, wala ding Vera na laging kabuntot nito.

After nung party, medyo iniwasan din ni Quen si Andre. Dahil nung party, medyo napansin niya din ang mga napansin nina Cyrus, Colleen at Charlie, na baka may gusto nga si Andre sakanya. At ayaw ni Quen na masira ang friendship nila ni Andre. Nagkakasama nalang sila kapag kumpleto silang lima. Ayaw din niyang tanungin si Andre tungkol dito dahil baka mapahiya lang siya. Hihintayin niya na lang muna siguro na mawala ang atensyon ni Andre sakanya saka siya hihinto sa pag-iwas dito.

Araw ng Biyernes, maaga dumating si Quen sa set ng YAMS. Sa University ulit ang set nila. Habang wala pang nangyayari, naupo muna si Quen at nag-basa ng script na kukunan nila ngayong araw. Na-bore siya sa pagbabasa ng script kaya nag-check muna siya ng ig.

Una niyang nakita ang post ni Colleen kagabi, picture nila ni Vera. Ni-like naman niya ito. Naisip ni Quen na wala siyang problema kung maging kaibigan ng mga kaibigan niya si Vera, basta hangga't maari, hindi niya makasama sa mga ganap yung aktres. Tama na yung every other day niya nakikita si Vera sa kanyang internship. Sumunod niyang nakita ang post ni Cyrus, picture nila ni Vera. Nag-po-promote ng YAMS. Medyo irita siya kasi magkasunod niya nakita ang mukha ni Vera. Kaya nag-check na lang siya ng ig stories. Una niya namang nakita ang story ni Lucas, boomerang habang nag-fi-flex ng biceps sa gym. Sumunod naman ang story ni Charlie, boomerang din habang naghe-hairflip. Napansin niya na ilang linggo na din hindi nagpo-post ng ig story si Cyrus. Puro promotions at sponsored lang ang pino-post niya sa kanyang feed.

Maya maya pa, magkaka-sabay na dumating sina Ms. Dara, Harry at Tina. Full force ang team today dahil may bago ulit silang mga ipapa-approve tungkol sa magiging takbo ng teleserye. Kahit medyo nagulo ng isang linggo ang personal life ni Quen, masaya naman siya dahil sobrang okay ng internship niiya. Madami siyang ideas at inputs ang nasasama sa mga nagiging actual script. Isang beses, sinabihan siya ni Ms. Dara na swerte sila dahil napasok siya sa YAMS. Habang nag-mi-meeting, hindi naiwasan na mag-chikahan sila.

'Ms. Dara, di mo ba napapansin si ano...', tanong ni Tina.

'Sino? Si Cyrus? Nako. Ewan ko ba don.', sagot ni Ms. Dara.

'B-bakit po? Ano po meron kay Sir Cyrus?', curious na tanong ni Quen.

'Laging tulaley recently. Parang laging lutang. Di mo ba pansin?', sagot naman sakanya ni Tina.

'Ahh. Hindi naman po.', sabbi ni Quen. Hindi niya siguro ito napapansin dahil sadya niya itong iniiwasan.

'Tinanong ko naman yon last time kung may problema siya, wala naman daw. Kahit si Vera tinanong ko, okay naman daw sila.', sabi naman ni Ms. Dara.

'Nung Wednesday nga super late na kami na-pack up. Hirap na hirap siya sa lines. Naka-ilang takes siya. Eh usually naman mabilis yun mag-memorize ng script.', dagdag ni Harry sa usapan.

Hindi tuloy naiwasan na mapa-isip si Quen. Dahil kaya sa nasabi niya nung party? Pero wala naman siyang nasabing masama, at feeling naman niya, wala naman siyang papel sa buhay ni Cyrus para maapektuhan ito sa mga sinabi niya.

Ilang sandali pa ang lumipas, dumating na si Vera. Nagulat si Quen nang bigla itong lumapit sakanya.

'Hey, Quen, right?', tanong ni Vera sakanya. Nakatayo ito sa harap niya at naka-shades pa.

'Yes. Bakit?', balik tanong naman ni Quen sakanya.

'Can you like give this to Colleen and Charlie when you see them?', sabi ni Vera sabay about ng dalawang maliit na pink paper bag.

'Okay.', maikling sagot ni Quen sabay kuha nito sa dalawang paper bag.

'They're gifts for them. Thanks.', nakangiting sabi ni Vera sabay talikod kay Quen at mabilis na naglakad papunta sa kanyang dressing room.

'Plastic', bulong ni Quen sa sarili. Agad naman niyang inilagay sa kanyang bag ang mga regalo.

'Bakit ba ang init ng ulo sayo niyan ni ate girl?', pabulong na tanong ni Harry kay Quen.

'Hindi ko din alam Kuya Harry. First day ko pa lang dito, ganyan na yan sakin.', sagot naman ni Quen.

'Ganyan lang naman yan sa mga pinagseselosan niyan kay Cyrus. Dapat nga may ka-love triangle sila dito sa YAMS, ni-request ng manager na tanggalin na lang daw. Alam kasi nila na mamalditahan lang ni girl yung artista, kawawa naman if ever.', kwento ni Harry.

'Really? Eh bakit pati ako? Eh wala naman kaming something ni Cyrus. As if naman. Ok lang ba siya?', iritang sabi ni Quen.

'Kaya nga di ko din gets bakit ang init ng dugo sayo non.', muling sagot ni Harry.

Ilang minuto pang muli ang lumipas, dumating naman si Cyrus. Naka-black hoodie ito, pero unlike the usual, wala itong suot na shades. Kitang kita ang eyebags nito. Halatang puyat at wala sa sarili ang aktor. Napatingin ito sa direksyon kung saan nakaupo sina Quen, at agad naman umiwas ng tingin si Quen.

'Omg. Palala ng palala si Cyrus. Look at him.', pabulong na sabi ni Tina sa kanilang grupo.

'I will try to talk to him again today.', sagot naman ni Ms. Dara.

--

Mag-aalas singko na ng hapon. Okay naman ang naging araw ni Quen sa set. Approved ang kanilang proposed script para sa mga susunod na episodes ng show. Kahit mukhang wala sa sarili, maayos naman na nagawa ni Cyrus ang mga eksena niya kaya hindi rin sila nagka-problema.

Nag-aayos na ng mga gamit si Quen pauwi ng biglang may tumawag sa kanyang phone, si Andre. Pinag-isipan niya muna kung sasagutin ito o hindi, pero sinagot niya na din lang para hindi naman super obvious ang pag-iwas niya.

Quen: Hello.

Andre: Hi Tin.

Quen: Hi. Napatawag ka?

Andre: Was just wondering if you're at the office?

Quen: Ay no, I'm on location. Bakit? You need something?

Andre: Ah. W-wala naman. Pauwi na din kase ako...

Quen: O-okay?

Andre: Hatid sana kita. San ka ba? If you like I can pick you up. Friday rush hour kase, baka ma-hassle ka umuwi.

Quen: Nako, ikaw na nagsabi, Friday rush hour, ikaw ang ma-ha-hassle pauwi if pumunta ka pa dito. Okay lang ako, I can manage. Thanks for the offer though...

Andre: Are you sure? Okay ka lang?

Quen: Yes, super sure. Sige na, ingat ka sa pag-drive.

Andre: Okay... Ikaw din, ingat ka pauwi.

Quen: I will. Bye.

Andre: Bye.

Hindi alam ni Quen kung anong mararamdaman niya. Matagal na silang magkaibigan ni Andre pero recently lang naman ito nagsimula na magbigay ng extra attention sakanya. Napapaisip tuloy lalo siya kung may nararamdaman ba talaga si Andre sakanya o feeling lang siya? O naiisip niya lang yun dahil may mga ibang nakapansin at nagsabi sakanya pero baka hindi naman talaga totoo. Kung totoo man, hindi din alam ni Quen paano niya ito tatanggapin. Andre is a good person over all, and madami silang things in common ni Quen. Pero kasi ang iniiwasan niya ay ang masira ang ilan taon nilang pagkaka-kaibigan.

'Quen! Pauwi ka na ba?', biglang sigaw ni Direk Nel habang naglalakad ito papalapit sakanya, mukha itong problemado.

'Opo sana Direk, bakit po? May ipapagawa po ba kayo? Ok lang naman po ako mag-stay.', sagot ni Quen.

'Hindi, ano. Si Cyrus kasi...', sabi ni Direk na balisang paikot ikot ang tingin sa paligid.

'Bakit po? What about Sir Cyrus po?', tanong naman ni Quen.

'Kanina pa kase namin siya hinahanap. Di namin makita. Eh siya na kasi next na kukunan.', sagot ni Direk Nel.

'Nawawala po si Cyrus?', litong tanong naman Quen.

'Oo eh. Sinubukan na din namin tawagan, di namin siya ma-contact. Okay lang ba tulong ka muna maghanap?', sabi ni Direk Nel sakanya.

'Sure po. Ok po, sige po.', agad namang sagot ni Quen.

Unang naisip na puntahan ni Quen ay ang rooftop. Doon niya nakita ang aktor dati nung unang beses itong pinahanap sakanya. Pagdating niya doon, walang tao. Inikot na niya ang rooftop at siniguradong wala nga si Cyrus doon. Sunod ay sinilip niya ang bawat room sa building kung saan sila nag-shu-shoot, 8 floors ito. Tatlong floor na ang kanyang naiikot mula sa taas. Pagdating niya sa fifth floor, napansin niya ang isang pinto sa may dulo ng building. Ito pala ay ang fire exit. Binuksan niya ito.

Nandoon si Cyrus. Nakita niya itong nakaupo sa sahig, nakasandal sa pader, nakayuko at medyo magulo ang kanyang buhok. Medyo humihikbi ang aktor. Pamilyar kay Quen ang kanyang nakikita. Para siyang na-déjà vu. Biglang bumalik sakanyang alala ang isang pangyayari ilang buwan bago nagsimula ang kanyang internship.

Next chapter