Chapter 7: The First Private Conversation

Pagkauwi ni Quen sa kaniyang dorm, agad siyang nag wash up at nagbihis ng kanyang pajamas. Pinatugtog niya rin ang album ng isa sa kanyang mga paborito, For Emma, Forever Ago ni Bon Iver. Pumwesto siya sa kanyang study table at inaral niyang muli ang script ng You Are My Sunshine. Pero this time hindi siya nag-focus sa kwento, mas inaral niya kung paano ito sinusulat. Agad naman niya itong na-gets. Pagkatapos niyang mag-aral ng mga dalawang oras. Nahiga na siya at gaya ng kinagawian nag-check siya ng kaniyang social media.

As usual, ig stories.

Sina Charlie, Lucas at Colleen may story ng dinner nila kanina sa Korean BBQ restaurant.

Si Colleen may pa-boomerang with Cyrus. Couple photo nila Charlie at Lucas. At isang boomerang ni Andre ng traffic. Ni-replyan ito ni Quen: 'Told you dapat di mo na ko hinatid. Na-traffic ka tuloy.'

Sumunod na lumabas ang story ni Cyrus. Ni-repost niya yung post na story kanina ni Quen, yung picture ng ticket at poster. Nilagyan ito ni Cyrus ng: 'Thank you.

'Ito siguro yung pinapag-thank you niya kanina. Bakit kase hindi sabihin ng buo.', isip ni Quen.

Nakatulog din naman agad si Quen paghiga sa kanyang kama.

-

Maagang dumating si Quen sakanilang location ngayong araw. Sa University kung saan sila nag-taping noong Lunes. Pagdating niya doon, wala pa ang ibang mga writer kaya naisipan niyang maupo nalang muna sa isa sa mga bakanteng table doon. Maya-maya pa, may isang kotse ang tumigil malapit sa harap niya. Una niyang nakita ang PA ni Vera, na bumaba galling sa harap ng sasakyan. Binuksan ng PA ang pinto ng sasakyan sa likod at iniluwa nito si Vera, medyo nagulat siya ng sumunod na bumaba kay Vera ay si Cyrus.

'Sleepover. Nice. Maybe sila nga. Baka hindi lang sila magka-love team, baka may feelings talaga sila para sa isa't isa kaya effective yung tandem nila', isip ni Quen.

Hindi naman siya nakita nung dalawa dahil may mga nakaharang na shooting equipment sa harap niya.

Habang naghihintay at dahil na-curious din siya sa nakita, chineck niya ang #CyVer sa Instagram. Medyo natatawa pa din siya sa ship name ng dalawa. Hindi naman siya nagulat sa mga nakita niya. Puro pictures nilang dalawa na sweet sa isa't isa. Mga screenshot mula sa YAMS. Mga pictures mula sa mga photoshoot at magazine features tungkol sa dalawa. At mga fan art ng loveteam. Doon na-realize ni Quen na malaking love team ang dalawa ngayon. Sikat na sikat sila. Somehow, di maexplain ni Quen kung bakit hindi siya masyado natutuwa sa relationship nung dalawa. Siguro dahil na din magaspang ang trato ni Vera sakanya. Ilang araw pa lang silang nagkikita pero wala itong ginawa kundi paikutan siya ng mata. Eh hindi pa naman siya kilala ni Vera. Bakit ganon agad.

Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na rin sina Harry at Tina. Agad nilang pinakita kay Quen ang bago nilang sinulat na script na ipapa-approve nila ngayong araw. Itinuro din ni Harry kay Quen ang ilang tips kung paano mas maging effective ang script na kanilang sinusulat. Nagpayo din si Tina kay Quen ng mga ilang hindi dapat kalimutan pag nagsusulat siya. Sinubukan naman ni Quen na i-absorb lahat ng mga tinuturo sakaniya. Pagdating ni Ms. Dara, nagmeeting sila saglit at saka dumiretso sa meeting kasama ang kanilang Creative Manager, Director at ilang Producer. Ngayon lang sila mami-meet ni Quen.

Naging maayos naman ang kanilang meeting kasama ang mga boss ng show. Naaprubahan ang kanilang script para sa mga susunod na linggo. Masaya si Quen dahil pati yung ilan sa mga ambag niyang idea sa script ay inaprubahan rin. Maayos din naman ang naging pag-welcome ng mga boss kay Quen. So far, si Vera pa lang ang hindi niya nagugustuhan sa mga katrabaho.

Bilang tapos na ang team sa kanilang main task para sa araw na ito. Usually tumatambay lang sila sa taping para magbantay. Para kung sakaling may tanong ang mga director o mga artista tungkol sa script nandoon sila na handang sumagot sa mga ito. Kadalasan, isa lang sa writing team ang naiiwan, palitan sila. Pero sinabihan ni Ms. Dara si Quen, na mag-bantay sa set hanggang 5pm sa buong internship niya. Mag-a-assist siya kung sino mang writer ang maiwan. Bukod sa pagsusulat magiging bahagi ng kanyang training ang pagbuo ng maayos na komunikasyon sa mga iba't ibang staff ng show lalo na sa mga artista.

Mag-aalas kwatro na ng hapon, halos golden hour na, maganda ang sikat ng araw. Kaya naisip ni Quen na i-post sakanyang Instagram story.

Kaya naisip ni Quen na i-post sakanyang Instagram story

'Quen, pakihanap naman si Cyrus. Please tell him to standyby, kasama na siya sa next na kukunan.', utos ni Direk Nel.

'Ok po Direk.', sagot naman ni Quen.

Agad na pinuntahan ni Quen ang tent o standby area ni Cyrus. Sumilip siya dito pero wala doon ang aktor. Kaya naman iginala ni Quen ang kanyang mga mata para tanawin ang aktor. Di niya ito nakita. Kaya naman nagtanong tanong siya.

'Ah malamang nasa roofdeck nanaman yon. Check mo na lang', sagot ng isa sa mga PA sakaniya.

Kaya naman dali-dali siyang umakyat papunta sa roofdeck ng building. Pgbukas niya sa pinto ng rooftop, naroon nga ang aktor. Nakatayo ito patalikod sakanya, nakasandal ang mga braso nito sa railings ng rooftop. Mukhang malalim ang iniisip. Dahan dahan niya itong nilapitan.

Dahan dahan niya itong nilapitan

'Sir, Sir Cyrus. Standby na daw po.', mahinanon niyang sabi dito.

'Alam mo ikaw, matigas din ulo mo eh.', kalmado namang sagot naman sakanya ng aktor.

'P-po?, tanong ni Quen.

'Di ba sabi ko wag na Sir. Cyrus na lang.', sabi nito sakanya sabay harap niya kay Quen.

'Sorry. Cyrus. Standby na daw po.', alangang sagot ni Quen.

'Tapos kagabi. Dala-dalawa na kami nag-o-offer na ihatid ka, ayaw mo pa.', dagdag ni Cyrus.

'Ahh... Yun ba? Eh kaya ko naman talaga kase... I just don't really like depending on others.', muling sagot ni Quen.

'Ihahatid ka lang, depending on others agad?', sarkastikong tanong ni Cyrus.

'Syempre sa una hatid lang, as a favor. Tapos ganito, ganyan, basta. Ayoko lang din nakaka-burden sa ibang tao.', paliwanag naman ni Quen sabay pagsandal ng kanyang mga braso sa mga railings at pagtingin sa view ng university.

'Buti ka pa no.', sabi naman ni Cyrus na bumalik din sa kanyang pagsandal sa bakal at pagtingin din sa kawalan.

'Buti pa ako, ano?', tanong ni Quen.

'Buti ka pa, alam mo kung ano ang mga gusto mo at hindi mo gusto.', sagot ng aktor sakanya.

'I don't know. I just follow my instincts. Bakit ikaw ba unsure sa mga bagay-bagay?', pag-usisa ni Quen.

'Oo eh. Ang gulo. Ang gulo-gulo. Minsan di ko na din naiintindihan...', mahinang sagot ni Cyrus.

Natahimik sila pareho.

'You know what, last night? That was the first time in a while na I felt like genuine people yung mga kasama ko. Ang swerte mo. You have such nice friends. And bilib din ako sayo, you kind of got everything figured out.', sabi ni Cyrus.

'Me? Figured everything out? Of course not. Eh di sana di na ko nag-school. Pero sa part about my friends, you've got that part right. I'm so lucky to have them in my life.', sagot naman ni Quen.

'Pero at least ikaw you know what you wanna do. You're in a good school studying the course that I assume you like. Plus, intern ka pa sa the best TV network sa bansa.', sabi ni Cyrus.

'Hmm. Maybe? Pero, I still doubt na alam ko na lahat about myself. Bakit ikaw? Hindi ka ba sure sa ginagawa mo ngayon? Parang mahal mo naman yata yung pag-acting? I saw you in a film kahapon, you're good naman.', kwento naman ni Quen.

'Oo? Siguro? Mahal ko umarte. Pero nakakapagod din minsan. Ang daming sakripisyo. And usually hindi ko na alam sino ang totoo sa hindi. Mabait lang ba sila saken kasi kilala ako? May pakialam lang ba sila saken dahil gusto nila yung character ko? Basta. Gulo. By the way, thank you ulit sa pagnood nung movie.', medyo frustrated na sagot naman ni Cyrus.

'Ahh. Wala yon. You're welcome. Part of research lang.', sabi ni Quen

Natahamik ulit sila.

'Oo nga pala, si Andre...', mahinang sabi ni Cyrus.

'What about him?', tanong ni Quen.

'Kayo ba? Don't worry, I'm open minded naman.', defensive na tanong ni Cyrus.

'Huh? Me? And Andre? Hindi ah. Hindi kame. Bakit mo naman naisip yon?', gulat na tanong ni Quen.

'Ahh hindi ba? Sorry ah. The way kase na i-defend ka niya kagabi nung nag-biro ako na baka maging pasaway ka. Parang siya yung na-offend in your behalf. Also, pumayag ka na ihatid ka niya.', paliwanag ni Cyrus.

'Ahh kase, on the way naman yung dorm ko. Andre and I are close friends. Grabe ka naman. I don't even think na he likes me like that.', medyo natatawang sagot naman ni Quen.

'Are you sure? Tingin ko gusto ka niya. Swerte talaga.', sabi naman ni Cyrus.

'Swerte? Sino? Ako? Siya? O ikaw? Parang ikaw mas swerte, yung girlfriend mo halos lagi mo kasama sa work, ka-love team mo pa.', sabi ni Quen.

'Girlfriend?', tanong ni Cyrus sabay harap kay Quen.

'Si Vera.', sagot ni Quen sabay harap sa aktor.

'Baaabe! You're here lang pala. Kanina ka pa hinahanap.', biglang sigaw na Vera na nakasilip sa pinto ng roofdeck. Sabay na napatingin sina Quen at Cyrus sa aktres.

'Oo nga pala. Tawag ka na po pala.', medyo nag-panic si Quen dahil nakalimutan niya bigla ang pakay niya sa aktor.

'Relax. Ako bahala. Tara.', sabi ni Cyrus kay Quen sabay tapik nito sa balikat niya.

Habang naglalakad palapit ng pinto ang dalawa hindi mawari ni Quen kung nanlilisik ba ang mga mata ni Vera sakanya o reflection lang ito ng ginintuang araw.

Next chapter