Chapter 11: The Hide and Seek

Pagdating niya sa fifth floor, napansin niya ang isang pinto sa may dulo ng building. Ito pala ay ang fire exit ng building. Binuksan niya ito.

Nandoon si Cyrus. Nakita niya itong nakaupo sa sahig, nakasandal sa pader, nakayuko at medyo magulo ang kanyang buhok. Medyo humihikbi ang aktor. Pamilyar kay Quen ang kanyang nakikita. Para siyang na-déjà vu. Biglang bumalik sakanyang alala ang isang pangyayari ilang buwan bago nagsimula ang kanyang internship.

Nilapitan niya ang aktor at lumuhod siya sa hirap nito.

'Cyrus? Kanina ka pa nila... namin hinahanap...', mahinahong sabi ni Quen.

Tiningnan lang siya ng aktor. Doon na-kumpirma ni Quen na umiiyak nga si Cyrus. Mugto ang mga mata nito at lumuluha.

'Are you okay? What's wrong Cyrus? May masakit ba sayo?', concerned na tanong ni Quen.

Hindi pa rin sumagot si Cyrus, nakatingin lang ito kay Quen, tuloy pa rin ang pag-luha. Mula sa pagkakaluhod ay umupo si Quen sa harap ni Cyrus. Hindi rin niya alam ano pa ang sasabihin niya kay Cyrus pero ayaw niya ring iwan ito ng mag-isa. Ilang minuto din silang nakaupo lang at walang imik, tanging maririnig ay ang paghikbi ng aktor.

'Should I call Direk Nel or someone from the production? They're all worried for you. Kanina ka pa hinahanap sa baba.', sabi ni Quen. Nagda-dial na siya sakanyang phone nang biglang sumagot si Cyrus.

'Huwag. Please. Ayoko na. Di ko na kaya. I wanna get out of here.', desperadong sabi nito.

'O-okay... Are you sure?', muling tanong ni Quen.

'Please. Help me. Help me get out of here.', pakiusap ni Cyrus.

'Okay. San tayo pupunta? Do you have your phone with you? Or your stuff?', tanong ni Quen.

'Wala. Naiwan ko lahat sa baba.', sagot naman ni Cyrus. Tumigil na ito sa pag-iyak pero basa pa rin ang mga mata nito.

'Do you wanna go back to your place? I'll book you an uber...', muling tanong ni Quen.

'No. Not my condo. For sure doon ako hahanapin ng manager ko.', sagot naman ni Cyrus.

'Where do you wanna go then? Gusto mo ba mag-club or bar? Get lost in the noise? Sakto, it's a Friday, madaming tao. Samahan kita, or not? If you wanna be alone.', suggestion ni Quen.

'Sorry. But I think I actually need some quiet time. Pasensya ka na nadamay pa kita. Don't worry about me. You can go home na. I'll figure this out myself. Salamat...', mahinanong sabi ni Cyrus kay Quen, maririnig ang lungkot sa boses nito.

'Are you sure? I'm willing to help naman.', sagot ni Quen.

'Yes. Sure. Thank you. Ingat ka.', sabi naman ni Cyrus.

Tumayo na si Quen at naglakad papunta sa pinto ng fire exit. Hawak niya na ang door knob ng pinto nang bigla niya ulit naalala nung iniwan niya si Cyrus mag-isa sa parehong sitwasyon ilang buwan na ang nakakalipas. He felt guilty that time dahil wala siyang nagawang tulong dito at ayaw niya na yon maulit.

'I know some place quiet. Tara?', sabi ni Quen sabay lingon pabalik kay Cyrus.

Agad naman tumayo si Cyrus at matamlay na ngumiti kay Quen.

Maingat silang bumaba sa building. Iniiwasan nilang may makakita sakanila. Sa kabilang exit ng building sila dumaan. Pumasok sila sa isang coffee shop sa loob ng University. Naka-black hoodie si Cyrus. Pinahiram naman ni Quen ang kanyang face mask kay Cyrus para hindi pagkaguluhan ng fans sakaling may makakita sakanya.

'I'm just gonna go back there sa location para mag-paalam. Don't worry I won't tell them about you. Wait for me here, okay? I'm gonna be quick.', sabi ni Quen.

'Okay. Bilisan mo ah. Salamat.', pag-payag naman ni Cyrus.

Mabilis na nag-lakad pabalik sa shooting area si Quen. Naroon pa rin ang mga staff at crew ng show. Di pa sila nag-pa-pack-up. Nakita ni Quen si Direk Nel na hindi pa rin mapakali. Kinakabahan si Quen lumapit dito dahil siya yung tipo na hindi sanay magsinungaling.

'Quentin! Ano? Did you see him? Nakita mo ba si Cyrus?', stressed na tanong sakanya ni Direk Nel.

'H-huh? Uhm... Hi-hindi po Direk. Di ko po siya nakita. Hindi pa din po ba siya bumabalik?', tensyonadong pagsagot ni Quen at hindi ito makatingin ng diretso sa kausap.

'Hindi pa nga eh. Naku naman talaga. Buti na lang talaga hindi for-airing ang taping natin. Kundi lagot talaga. Nasaan na kaya yon?', aligagang sabi ni Direk Nel.

'Direk una na po ako ah. I have to do some school stuff pa po kase... Don't worry po. Babalik din po yun si Cyrus. I'll let you know po pag may nabalitaan ako about him...', paalam ni Quen.

'Okay, okay. Sige. Pasensya ka na, na-late ka na ng uwi. Sana nga magparamdam na yon. Ingat ka.', sabi naman ng director.

'Sige po Direk. Bye po.', muling paalam ni Quen. Bigla niyang naaninag sa di kalayuan si Vera, napapalibutan ng mga estudyanteng fans, super smile at pirma ng mga autograph. Di naiwasang mainis ni Quen dahil wala man lang itong pakialam sa kanyang partner. At mabilis na naglakad si Quen pabalik sa coffee shop.

Pagdating niya doon, wala na si Cyrus kung saan niya ito iniwan. Umakyat si Quen sa taas ng coffee shop para i-check baka umakyat si Cyrus. Pero wala din ito doon. Tatawagan niya sana ito pero naalala niyang wala siyang number nito. Naisip niyang i-message ito sa Instagram pero naalala din niya na wala din dito ang kanyang phone. Kaya muli siyang bumaba. Wala talaga.

'He left? Baka inisip niya na sasabihin ko sa production kung nasan siya', isip ni Quen. Lalo siyang nag-alala, hindi niya alam anong pwedeng gawin ni Cyrus. Base sa nakita niya kanina, alam niyang hindi okay na hayaan lang ito mag-isa.

Tinanong pa niya ang isang barista kung nakita nito yung lalaking naka-black hoodie at face mask. Hindi naman daw ito napansin nang barista dahil medyo marami ang tao sa loob. Chineck din niya ang CR pero mahaba ang pila dito at wala sa pila si Cyrus.

Lumabas siya para i-check baka lumabas si Cyrus. Pero wala din. Nag-alala siya dahil hindi niya alam baka anong gawin nito. Walang phone. Walang gamit. Ni hindi siya sigurado kung may pera ito.

Pagtalikod niya para muling pumasok sa coffee shop biglang nasa harap niya na si Cyrus. Dahil sa bugso nang damdamin at pag-aalala, napakayakap siya dito.

'Ano ka ba?! San ka nanaman nagpunta?', nag-aalalang tanong ni Quen habang nakayakap kay Cyrus.

'Nag-CR lang ako. Sorry... Salamat.', sabi naman ni Cyrus saka ito yumakap din kay Quen, medyo naiiyak muli si Cyrus dahil kanina pa siya nangangailangan ng yakap.

Ilang segundo din silang magkayakap nang biglang natauhan si Quen, at nagulat na magkayakap na sila ni Cyrus. Agad siyang bumitaw at marahang inilayo si Cyrus sa kanya.

'Ang hilig mo talaga sa hide and seek no? Bigla bigla ka na lang nawawala.', medyo asar na sabi ni Quen.

'Sorry na. I'll try not to do that again... Sorry.', mahinang sagot ni Cyrus.

Agad na pumara si Quen ng taxi, 'Let's go. Baka may makakita pa sayo dito.', sabi nito sa aktor at agad naman silang sumakay sa taxi.'

'Kuya, sa may Estrella Dorms po tayo malapit sa MMAI.', sabi ni Quen sa driver ng taxi.

'We're going to your dorm?', tanong ni Cyrus.

'Oo. Sabi mo you want to go somewhere quiet? That's the quitest place I know. It's my safe haven. Don't worry, I won't bother you there. I can go somewhere else for a while if you want me to... I won't mind...', sabi naman ni Quen.

'No, no. Will you stay there and be quiet with me?', tanong naman ni Cyrus.

'Okay. Whatever you say. I know you're going through something now. Whatever that is, I'm here to help, verbal or non-verbal.,' sagot naman ni Quen.

Natahimik silang dalawa.

'You know what? I think you shouldn't keep the production people on set worried and waiting... Just let them know that you're safe?', suggestion ni Quen.

'Paano? I don't have my phone. If I use yours naman, malalaman nila na kasama kita...' sagot naman ni Cyrus.

'Log in to your instagram using my phone. Message your manager.', sabi ni Quen sabay abot ng phone niya kay Cyrus.

Agad naman itong kinuha ni Cyrus at nag-type. Minessage niya ang kanyang manager para sabihin na okay lang siya at nangangailangan lang ng time mapag-isa. Hindi niya na ito hinintay na sumagot pa.

'Here, done. Thank you.', sabi ni Cyrus kay Quen sabay balik ng phone dito.

'No problem. Ayoko lang na may masabi pa silang masasama tungkol sayo. Specially they don't know na may pinagdaraanan ka...', sagot naman ni Quen.

'You're really my angel...', pabulong na sinabi ni Cyrus habang nakangiti.

'Huh? Ano yon? Sorry I didn't hear.', tanong ni Quen.

'Wala. Wala yon. I was just talking to myself...', sabi naman ni Cyrus na hindi mapigilang ngumiti.

Next chapter