Chapter 8: The House Party

Tuwing Sabado, kapag wala silang activities sa school or sa kani-kanilang pamilya, naging tradisyon na nila Quen, Charlie at Colleen ang manood ng series o bagong movies sa dorm room ni Quen. Ito na din ang nagsisilbi nilang bonding at catch up session lalo na't busy ang kanilang life. Tatlong taon na rin nila itong ginagawa, puno ng tawanan, siyempre may usapang love life at hindi maiiwasan na minsan may umiiyak. Isa ito sa mga pinakamamimiss ni Quen. Alam niya na pagka-graduate nila, Malaki ang posibilidad na maging madalang ang kanilang #Saturdaze at eventually, hindi na mangyari at all.

Pasado alas dos noong sabadong iyon, sabay na dumating ang dalawa. Si Colleen nakapambahay pa at may mga dalang pang-ligo. Habang si Charlie, as usual, ayos na ayos at demure na demure. May dala ding pizza ang mga ito.

'What are we watching today guys?', tanong ni Charlie.

'Can we watch something tagalog for a change?', sagot naman ni Colleen.

'Oo nga Quen. Maiba naman.', pag-sang ayon ni Charlie.

'Kayo bahala guys. Pili na lang kayo sa Netflix.', sagot naman ni Quen na mistulang wala sa sarili.

'Are you okay Quen? Parang tulaley ka jan?', tanong ni Colleen.

'Yeah, yeah. I'm good. May iniisip lang ako.', sabi ni Quen.

'What are you thinking about? O baka naman, Who?', pang-asar na sabi naman ni Charlie.

'Who? Ay weh? May bago? Ayiiieee.', panunukso naman ni Colleen.

'Hala. San naman galing yan? Natulala lang ng konti, who agad?', defensive naman na sagot ni Quen sa mga kaibigan.

'Ang defensive namaaaan. Wala lang. Can't help but notice lang kasi, nung dinner the other night...', sabi ni Charlie habang nakaharap sa salamin at nag-aayos ng hair.

'What about the dinner?', tanong ni Quen habang nakaupo sa floor at inii-scan ang Netflix sakanyang TV.

'There was just something about...', di pa tapos mag-salita si Charlie nang biglang sumingit si Colleen.

'Andre?!', sigaw nito.

'I was gonna say Cyrus. Pero oo, si Andre din.', pagsang-ayon ni Charlie.

'What about them? And what do I have to do with it?', curious na tanong naman ni Quen.

'Iba yung smile ni Cyrus sayo... O baka ako lang nakapansin. Pero iba kasi yung ngiti niya when he was talking about how he knew you from work and stuff. Basta...', paliwanag ni Charlie.

'Tapos si Andre naman mega defend sayo nung may nasabi si Cyrus about you...', dagdag ni Colleen.

'Oo nga! Pinag-agawan ka pa ihatid pauwi. So pretty naman my friend', pang-aasar ni Charlie.

'Okay lang ba kayo? I think you guys are overthinking it. Walang ganon no. First of all, I don't think Andre likes me, I am so not his type. Yes, he says he is bisexual pero never naman yon nagka-boyfriend. All of his exes are girls, so there's no way na he likes me. Although, you guys aren't the first ones to say something like that.', depensa naman ni Quen.

'Sayo na nanggaling Q, he is bi. So, there's a possibility. And recently napapadalas ang paghatid niya sayo pauwi.', sabi ni Charlie.

'Agree ako girl. Pero wait, hindi kami una nakapansin? Sino pala?', pag-uusisa naman ni Colleen.

'Si Cyrus. He asked me yesterday if may something kami ni Andre...', mahinang sagot ni Quen.

'Cyrus?!', pasigaw nanaman na sabi ni Colleen.

'Girl, kalma. Makasigaw naman.', saway ni Quen sa kaibigan.

'Ibig sabihin, nagkausap kayo ni Cyrus ng one on one? Tapos ganyan agad tanong niya sayo?', tanong ni Charlie kay Quen.

'We talked for a bit yesterday. Sobrang saglit lang. Di ko din alam bakit siya interested samin ni Andre. Eh in the first place, wala naman kase talaga. And pangalawa, why does he care? Okay naman sila nung witch na si Vera.', iritang sagot ni Quen.

'Why are you so mean to Vera? She was nice naman to us.', sabi ni Colleen habang nag-se-selfie sa harap ng malaking salamin sa kwarto ni Quen.

'You are asking the wrong question Colleen. The question should be, Why is Vera so mean to me?!', iritableng sagot ulit ni Quen.

'Why ba? Ano ba ginawa sayo ni Vera? Baka naman selos ka lang? Yieeee.', muling pang-aasar ni Charlie.

'Selos ka jan. Bakit naman ako mag-seselos? Basta. Pasalamat siya hindi ako mahilig mang-bad mouth ng tao. Basta, she's mean to me. Yun na yon.', sagot ni Quen.

--

Lumipas ang apat na oras. Nakaka-dalawang movie na sila. Madami na din silang napag-usapan. Ang kani-kanilang future plans. Si Charlie, may planong mag-law, pero undecided pa. Si Colleen naman, gusto mag-Masters sa Japan. Si Quen, gusto magpaka-dalubhasa sa pagsusulat ng pelikula. Nag-share din sila ng mga worries nila sa isa't isa. Pero never inopen up ni Quen ang worry niya about sa kanilang barkada. Ayaw lang niyang mag-iyakan sila. Happy lang.

Tuloy ang kwentuhan nila nang biglang may tumawag kay Charlie.

'Really? Ok. Sige, will be there in a few. Bye.', sabi ni Charlie sa kausap sa phone bago niya ito binaba.

'Who's that?', tanong ni Colleen.

'Lucas. Punta daw tayo sa condo niya. Inuman with some other friends. G?', tanong ni Charlie sa dalawa.

'Tara. Let's go. Daming boys don for suuuure.', excited na sagot ni Colleen.

'Go na kayo. Tinatamad nako umalis...', sagot ni Quen habang nakahiga sa floor.

'KJ namaaaan. Tara naaaaaa. Minsan lang to oh.', lambing ni Colleen sa kaibigan.

Doon biglang naalala ni Quen na malapit na silang grumaduate. At konti nalang ang moments nilang ganito.

'Oo na. Sige na. Eto na. Magbibihis na.', biglang payag ni Quen sabay bangon mula sa pagkakahiga.

'Yaaaay! It's gonna be fun!', excited naman na sabi ni Charlie sabay kuha sa kanyang make-up bag para mag-retouch.

'Sino sino kaya andon?', curious na tanong ni Colleen.

--

Walang isang oras ang lumipas, narating nila ang condo ni Lucas. Hindi ito ang first time ni Quen na makapunta dito. Ilang beses na din siya nakabisita sa unit ni Lucas lalo na pag may project sila. Pero ngayon yata ang first time niya na pupunta para lang mag-bonding. Hindi kasi masyado trip ni Quen ang inuman. Lalo na pag maraming tao. Umiinom naman siya pero minsan lang. Naabot nila ang 24th floor ng building at agad nilang tinungo ang unit ng kanilang kaibigan. Kumatok si Charlie at agad naman itong binuksan ni Lucas.

'Hi babe.', bati ni Lucas sabay yakap at halik kay Charlie.

'Hey Colleen and Q. Pasok kayo', pag-anyaya naman ni Lucas.

Pagdating nila sa living room, medyo na-shook si Quen sa nakita.

Si Andre nakaupo sa sofa, may hawak na controller ng isang game console. Hindi niya inexpect na makikita niya na nakikipaglaro ng video games si Andre kay Lucas. Dahil hindi naman talaga super close ang dalawa at hindi naman masyado nagvivideo games si Andre. Dahil na rin sa mga ilang obserbasyon ng kanyang mga kaibigan, medyo dumistansya ng upo si Quen kay Andre. Si Lucas umupo sa may tabi ni Andre at inabot ang isa pang controller mula sa center table ng living room. Tumabi si Charlie kay Lucas. At si Colleen naman ay naupo sa carpeted floor. Kahit na nakailang punta dito si Quen, lagi pa din siya na-a-amaze sa place ng kaibigan niya. Si Lucas na siguro ang pinaka rich kid niyang friend.

'Babe, naka-dalawang can ka na agad ng beer?', tanong ni Charlie sa boyfriend nang mapansin nitong tatlo ang mga beer sa mesa.

'No, babe. Isa pa lang. Tig-iisa pa lang kami. Kaka-start pa lang namen.', sagot naman ni Lucas.'

'Eh, kanino tong isa?', tanong ni Charlie.

'Uy, andito na pala kayo.', sabi ni Cyrus na iniluwa ng pinto ng CR. Naka-white T-shirt lang ito as usual at maong na pantalon. Kahit ganito lang ayos ng artista, hindi makakaila ang taglay nitong kagwapuhan at halata rin ang pag-aalaga nito sakanyang katawan. Hindi super laki ang katawan ni Cyrus di tulad ng ibang artista pero halata mo pa rin na nag-g-gym ito.

Biglang nagkatinginan sina Charlie, Colleen at Quen. Naka-ngisi ang dalawa habang lito naman ang mukha ni Quen.

'Bored daw kasi siya. Wala siyang schedule ngayon. Kaya I invited him over.', sabi ni Lucas.

'Hi Cyrus!', energetic na bati ni Colleen.

'Hi Colleen. Musta?', sagot ng artista sa fan.

'Super okay!', nakangiting sabi ni Colleen.

Tumingin ng nakangiti kay Quen si Cyrus, kaya naman nginitian niya rin ito.

Maya maya pa, may kumatok uli. Tinungo ito ni Lucas at pagbalik niya, may lima na siyang kasama. Apat na lalaki na dati nilang mga schoolmates at ka-team sa varsity ni Cyrus at isang babae, girlfriend nung isa sakanila. Nagpakilalahan sila sa isa't isa. Doon na nag-simula ang party. Kanya kanyang kwentuhan, tawanan at inuman.

As usual, mag-isa si Quen sa isang sulok ng condo unit. Nakatingin sa bintana. Admiring the view of the city night sky.

'Buti sumama ka sa dalawa. Usually pag ganito di ka pumupunta.', biglang sabi ni Andre na nasa tabi niya na pala, nakatingin din sa labas ng bintana.

'Uh yeah. Wala lang. Maiba lang. Ikaw, I wont lie medyo nagulat ako na you're here. I never knew na gamer ka pala', pabirong sabi ni Quen sa kaibigan.

'Ah. Wala lang din. Maiba lang din.', pabirong sagot ni Andre. Tumawa silang dalawa.

'Mamimiss ko to...', biglang seryosong sabi ni Andre.

'Huh?', gulat na tanong ni Quen. Hindi naman sumagot si Andre.

'Ahh gets. Same. I'm gonna miss you guys. I know it won't be the same after graduation.', sabi ni Quen.

'Y-yeah. Oo.', medyo alangananing pagsang-ayon ni Andre.

'Sana maka-hang out ko pa din kayo. Sana walang mag-bago.', mahinang sabi ni Quen.

'I'll still hang out with you. I wont change for you.', sabi ni Andre sabay akbay kay Quen.

Napangiti na lang si Quen at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng kaibigan. Hindi din niya alam kung bakit. Baka dahil nakainom na siya, o marahil sa comfort at assurance na ibinigay sakanya ni Andre.

Nagulat sila nang biglang umingay sa living area. Kaya lumapit sila dito.

'What the fuck is she doing here?', tanong ni Quen sa sarili.

Next chapter