Chapter 15: The Invite

Maagang nagising si Quen dahil maaga din ang kanilang call time sa set, madalas mas maaga sila pag Lunes. Kailangan 5:30 ay nakaalis na siya para umabot siya sa 6am call time. Kaya naman wala pang alas-singko ay kumikilos na siya.

5:26 am, nasa lobby na siya ng dorm building. Palabas na sana siya nang biglang may tumawag sakanya.

‘Quentin! Good morning.’, si Cyrus, nakaupo ito sa isa sa mga couch doon sa lobby.

‘G-good morning? Cyrus? What are you doing here?’, litong tanong ni Quen.

‘Ahh, on the way kasi papuntang set kaya, naisip ko na daanan na kita.’, sagot naman ni Cyrus sabay tayo nito at lapit kay Quen.

‘Uhh… Okay?’, medyo lito pa din si Quen.

‘Bumabawi lang. Ang dami ko nang utang sayo eh.’, paliwanag naman ni Cyrus.

‘Ano ka ba? I already told you diba? Di naman ako naniningil.’, sabi ni Quen.

‘I know. Pero still… Tara na, baka ma-late pa tayo.’, sagot ni Cyrus.

Pag-sakay sa sasakyan at pag-start ni Cyrus, biglang tumugtog ang kanta ni Tracy Chapman, Fast Car.

‘You listen to Tracy Chapman?’, tanong ni Quen.

‘Madalas ko kasi yan makita sa ig stories mo…. Kaya, na-curious ako and I liked it too.’, sagot ni Cyrus.

‘I love his songs.’, nakangiting sabi ni Quen.

‘Oo nga pala… Meron isang eksena na kukunan next week, medyo hindi ako sure paano atake. Tinanong ko na si Ms. Dara para tulungan ako, sabi niya ikaw daw nag-sulat nung part na yon… Can you help me with it?’, tanong ni Cyrus.

‘Uhmm. Eto ba yung ‘rain scene’?’, tanong naman ni Quen.

‘Oo. Yun. Medyo malalim kase yung pagkakasulat…’, sagot naman ni Cyrus.

‘Ahh, sorry. Sige, I’ll help you on it. Just let me know how…’, sabi ni Quen.

‘Actually, nagustuhan ko yung pagkaka-sulat. Gandang ganda ako, kaya gusto ko bigyan ng justice. Ayoko ng shallow na atake.’, sabi naman ni Cyrus.

‘Talaga? Thank you. Kabado nga ako about it. It’s my first long scene na sinulat. I still have a lot to learn’, nahihiyang sagot ni Quen.

‘Bakit ka naman kinakabahan? Ganda nga eh. Gagaling ka pa lalo.’, sabi naman ni Cyrus sabay tingin at ngiti nito kay Quen.

Natahimik silang pareho habang nag-da-drive si Cyrus. Hindi maiwasan ni Quen na ma-curious kung ano na ang lagay ng kanyang kasama.

‘Uh, Cyrus… If you don’t mind me asking…’, mahinahong sabi ni Quen.

‘Ano yon?’, tugon ni Cyrus.

‘How are you? Okay ka na ba?’, tanong ni Quen.

‘Ahh… Sa ngayon okay ako. I am trying my best na wag na muna masyado mag-isip. Pero ngayon ok na ok ako.’, nakangiting sagot naman ni Cyrus.

‘That’s nice to know… I’m glad you’re okay.’, sabi naman ni Quen.

‘Dahil yon sayo.’, sabi ni Cyrus.

‘Me? Bakit ako?’, tanong ni Quen.

‘Alam mo na yon. Ikaw talaga.’, sagot naman ni Cyrus sabay abot sa ulo ni Quen at ginulo ng bahagya ang buhok nito.

Bigla namang namula ang mga pisngi ni Quen. Napangiti din ito.

Patuloy silang nagkwentuhan sa biyahe hanggang sa maabot nila ang University kung saan sila madalas nag-te-taping. Naunang bumaba si Quen dahil mag-pa-park pa ng kotse si Cyrus. Paglapit ni Quen sa mga mesa kung saan sila karaniwang naka-tambay naroon na sina Harry at Tina na parehas abot tenga ang ngiti.

‘Good Morning.’, bati ni Quen sa dalawa.

‘Good Morning din namaaaaan. Taray naman. Pogi naman ng driver mo!’, pang-aasar ni Tina kay Quen.

‘Ahh… Sinabay lang ako nun papasok dito, nakita niya ko don sa may labas ng University.’, palusot ni Quen.

‘Asuuuuus. Telege be?’, panga-gatong naman ni Harry.

‘Oo nga Kuya Harry.’, sabi ni Quen.

‘Good Morning Harry and Tina!’, biglang sabi ni Cyrus na nasa likod na pala ni Quen.

‘Good Morning Cyrus.’, bati naman ng dalawa.

‘Quentin oh, naiwan mong naka-charge sa sasakyan ko.’, sabi ni Cyrus sabay abot nito ng cellphone ni Quen.

‘Ahh. Thank you! Sorry, I forgot about it.’, sabi naman ni Cyrus.

‘Sige, punta nako tent. See you later.’, paalam ni Cyrus at marahan nitong tinapik ang balikat ni Quen.

‘Galing lang daw sa labas ng University pero nakapag-charge ng phone?’, sabi ni Tina kay Harry para muling asarin si Quen.

‘Hindi uso mag-power bank?’, gatong naman ni Harry at nagtawanan silang dalawa.

‘Lowbat din powerbank ko kase.’, nakangiting paliwanag ni Quen.

‘Uhm... Excuse me…’, biglang lumapit sakanila si Vera.

‘Yes Ms. V?’, tanong ni Harry.

‘I have a favor to ask lang sana… kay Quentin?’, sabi ni Vera.

‘How can I help you?’, sabay tayo ni Quen at harap kay Vera.

‘Can you like get me and Cy some lattes from the nearby coffeeshop?’, sabi ng aktres.

‘Uh? Saan pala PA mo Ms. V?’, tanong ni Tina.

‘She’s busy fixing my stuff eh. Why? May problem ba?’, tanong naman ni Vera.

‘Quen’s a writer intern kase, not a PA intern…’, sagot ni Harry.

‘Okay lang naman yata kay Quen eh? Right, Quen?’, sarkastikong tanong ni Vera.

‘Uhm. Okay, yea. Sure. No problem.’, pag-payag ni Quen dahil ayaw niya palakihin at maging problema pa ito.

‘Thank you Quen! Here’s the money. Pakidala nalang sa tent namin, okay?’, sabi ni Vera sabay abot nito ng pera at naglakad pabalik sakaniyang tent.

‘Bakit ka pumayag?’, sabi ni Harry.

‘I just don’t wanna cause a scene here.’, sagot naman ni Quen.

‘Konti nalang talaga masasabunutan ko na yang Vera na yan eh.’, sabi naman ni Tina.

‘You don’t like her din pala?’, tanong ni Quen.

‘Oo no. Bait baitan kunyare pero demonyita naman.’, sabi naman ni Harry.

‘Oh, sige na, go ka na sa coffee, mamaya magwala pa yon pag natagalan ang kape niya.’, paalala naman ni Tina kay Quen.

‘Okay.’, sagot naman ni Quen.

Habang naglalakad papuntang coffee shop si Quen, di niya maiwasang mainis. Ang ganda na sana ng umaga niya pero sinira agad ito ni Vera. Umiiwas na lang din siya sa gulo kaya sinunod niya na lang ang utos ni Vera. Pagdating sa coffee shop, naisip niya na din na bilihan ang tatlo niyang kasama sa writing team. Habang iniintay ang order, naalala din niya yung gabi na doon niya pinagtago sandali si Cyrus. Naisip niya na halos ibang-iba ang Cyrus na nakasama niya kanina sa Cyrus noong gabing iyon. Maya maya pa ay tinawag na ng barista ang kanyang pangalan para iabot sakanya ang dalawang paperbag.

Pagbalik niya sa set, agad siyang dumiretso sa tent ni Vera para ibigay ang kape nito. Sumilip muna siya sa loob pero wala doon si Vera, ang nandoon lang ay ang PA nito na abala sa pag-aayos ng mga gamit ng aktres.

‘Good Morning po. Si Ms. Vera po?’, magalang na tanong ni Quen.

‘Ay lumabas po. Baka po nasa kabila, kay Sir Cyrus?’, sagot naman sakanya ng PA.

‘Ah ok po. Sige po.’, paalam ni Quen.

Agad niyang tinungo ang kabilang tent. Medyo ikinagulat niya ang kanyang nakita.

Si Cyrus, naka-pantalon lang at walang pang-itaas habang nag-ce-cellphone. Nasa likod naman nito si Vera na nakayakap sa aktor. Pakiramdam ni Quen ay naka-invade siya sa isang pribadong sandali. Pero kinalma niya ang kanyang sarili at ginawa kung ano naman talaga ang pakay niya doon.

‘Uhm. Excuse me, Ms. Vera. Here’s your coffee na po.’, mahinanong sabi ni Quen.

Sabay naman siyang nilingon nung dalawang artista. Si Cyrus, medyo nagulat at hindi maipaliwanag ang itsura habang si Vera naman, abot tenga ang ngiti.

‘Just put it there na lang on the table.’, sabi naman ni Vera na ngiting-ngiti pa rin.

‘Okay’, sagot naman naman ni Quen. Inilagay niya ang isang paper bag na naglalaman ng dalawang kape sa mesa. Pilit na iniwasan na Quen na tumingin muli sa dalawa. Palabas na sana si Quen ng tent nang biglang nagsalita si Vera.

‘Uh? Quen? Didn’t I ask for two coffees only? Why do you have an extra paper bag? Also, where’s my change?’, medyo malditang sabi ni Vera. Nakayakap pa din ito kay Cyrus.

‘This? I actually bought this for the writing team. Also, your money’s inside the paper bag on the table, the whole amount you gave me earlier. Consider the coffee my treat. You’re welcome.’, mahinahong paliwanag ni Quen. Sabay labas niya sa tent. Paglabas na paglabas niya sa tent, napabuntong hininga siya. Na-proud naman siya ng slight sa sarili niya dahil kalmado niyang naipagtanggol ang sarili niya sa pagmamaldita ni Vera.

Naglalakad na siya pabalik sa kanyang mga kasama nang may tumawag sakanya.

‘Quen!’, si Cyrus.

Nabosesan ito ni Quen pero hindi niya ito pinansin. Dire-diretso ang lakad niya pabalik sa mesa kung nasaan sina Harry at Tina. Hindi niya mapigilang mainis kay Cyrus. Pakiramdam niya pinagsisinungalingan siya nito tungkol sakanila ni Vera.

‘Quen!’, muling sigaw ni Cyrus. Hindi ito makalabas ng tent dahil wala itong suot na damit.

Bingi bingihan pa din si Quen at patuloy na tinungo ang kanyang mga kasama.

Pagbalik niya sakanilang mesa, nandoon na si Ms. Dara.

‘Good Morning Ms. Dara. Coffee po.’, bati ni Quen. Inilapag niya ang dala niyang paper bag sa kanilang mesa at isa-isang inilabas ang mga baso ng kape mula rito.

‘Good Morning! By the way Quen, punta tayo sa station mamayang lunch time. First meeting for the ball. Naipag-paalam naman na kita sa HR at kay Direk.’, sabi ni Ms. Dara.

‘Okay po.’, sagot naman ni Quen.

--

11:45am, kadarating lang ni Ms. Dara at Quen sa station. Tinungo nila ang 13th floor kung saan ang meeting nila.

Nauna na sa meeting room si Ms. Dara dahil kinailangan ni Quen mag-CR.

Papasok na si Quen ng meeting room nang may tumawag sa cellphone niya, si Cyrus.

Cyrus: Hello?

Quen: Yes?

Cyrus: San ka?

Quen: I’m at the station. With Ms. Dara. Why?

Cyrus: Ahh… Wala lang naman…

Quen: Okay?

Cyrus: Uhm…

Quen: …

Cyrus: About kanina…

Quen: Kanina?

Cyrus: Sa tent…

Quen: Ah wala yon. That’s actually none of my business.

Cyrus: I can explain…

Quen: You don’t have to… Like I said, I don’t have anything to do with that.

Cyrus: Pero kasi…

Quen: Sige na Cyrus. I have to go. Mag-start na yung meeting. Bye.

Agad na pinutol ni Quen yung tawag. Sa totoo, inis pa din talaga siya. Buong umaga niyang iniwasan yung dalawa pagkatapos nung naganap sa tent.

Pagpasok niya sa meeting room, umupo siya sa nakareserbang upuan sa tabi ni Ms. Dara. Medyo madami sila sa loob ng meeting room. Mula sa iba-ibang unit ng station.

Ilang oras din ang itinagal ng kanilang meeting. Halos alas-singko na nang matapos ito. Madami silang napag-usapan. Ang tema ng event, venue at kung ano ano pang logistics tungkol sa Ball. Ang team nila ni Ms. Dara ang mag-susulat ng script para sa program na magaganap.

‘Quen, you can go home na. Email ko nalang sayo yung mga ipapa-research ko para sa next meeting natin’, sabi sakanya ni Ms. Dara.

‘Okay Ms. Dara, Thank you.’, sabi naman ni Quen.

‘Ay, oo nga pala. Nagkausap na ba kayo ni Cyrus?’, tanong ni Ms. Dara.

‘Ni Cyrus po? About what po?’, tanong naman ni Quen.

‘Nagpapatulong kasi siya sa isang eksena. Eh sabi ko, ikaw nag-sulat nong part na yon. Help him nalang ha?’, sagot naman ni Ms. Dara.

‘O-okay po. Sige po.’, tugon ni Quen.

Naglalakad na si Quen papuntang elevator nang may kumalabit sakanya.

‘Uwi ka na?’, tanong ni Andre.

‘Yes, pauwi na. Ikaw ba? Nandoon ka ba sa meeting kanina?’, tanong din ni Quen.

‘Ah yup. I was in the back row. I’m with the coverage team. And pauwi na din ako.’, sagot ni Andre.

‘I see…’, sabi naman ni Quen. Bumukas naman ang pinto ng elevator at sabay silang pumasok dito.

‘Sabay na kita pauwi ah?’, sabi ni Andre.

‘As if naman I have a choice. Kilala na kita.’, nakangiting sagot naman ni Quen.

‘Good. Anyway, sino ka-date mo sa ball?’, tanong ni Andre.

‘Date? I’m working for the ball. I don’t think I need a date for that.’, natatawang sagot ni Quen.

‘Ako din naman. I am working for the ball. Pero, there’s this someone I badly wanna go with…’, sabi ni Andre.

‘And that person is…?’, curious na tanong ni Quen.

Bigla naman bumukas ang pinto ng elevator. Nasa lobby na sila ng station. Tahimik silang dalawa na naglakad papunta sa parking at sa kotse ni Andre. Hanggang sa nakarating na sila sa dorm ni Quen, wala pa ding umiimik sakanila, katulad nang nakasanayan nila pag sila lang ang magkasama.

Pababa na nang kotse si Quen…

‘Thanks for the ride Andre.’, nakangiting paalam ni Quen.

‘Tintin…’, sabi ni Andre.

‘Yep?’, tanong ni Quen.

‘You…’, sabi ni Andre.

‘Me?’, litong tanong ni Quen.

‘That someone I badly wanna go with to the ball, is you.’, sabi naman ni Andre.

‘Oh…’, as usual, hindi alam ni Quen ang isasagot.

‘Be my date?’, tanong ni Andre.

Napangiti lang si Quen, pero hindi niya pa din alam ang sasabihin.

‘No pressure though. Think about it first. Then let me know.’, sabi naman ni Andre.

‘Okay. I’ll think about it.’, sagot ni Quen.

Napangiti na lang din si Andre.

‘I’ll go ahead na. Ingat ka ah! Bye.’, paalam ni Quen.

Habang paakyat ng dorm si Quen, hindi niya pa rin alam ang isasagot niya kay Andre. Unang-una, hindi niya gets bakit niya kailangan ng date sa ball eh staff naman siya at hindi attendee. Ikalawa, ayaw naman niya i-turn down agad si Andre kaya sinabi niyang pag-iisipan ito.

Next chapter