Chapter 12: The Sleepover

Pagdating nila sa Estrella Dorms, madali silang bumaba ng taxi dahil biglang bumuhos nang malakas ang ulan habang nasa biyahe sila. Agad silang umakyat sa third floor ng building kung nasaan ang kwarto ni Quen. Room 315. Pagpasok nila sa kwarto, pinaupo ni Quen si Cyrus sa isang 1-seater na couch. Mabilisan ding niligpit ni Quen ang ilang kalat sa kanyang dorm room, pero madalas namang malinis ang kwarto ni Quen dahil ayaw niya sa magulo kaya ilang out of place na gamit lang ang inayos niya.

'By the way, I know di ka pa nagdi-dinner and I'm about to order online, you like anything?', tanong ni Quen sakanyang bisita.

'Uhm... ikaw na bahala. I'll pay for it na lang.', sagot naman ni Cyrus.

'No, that's okay. Ako na sa dinner. You sure wala kang gusto?', muling tanong ni Quen.

Napatitig lang si Cyrus kay Quen, sabay tango.

'Feel at home. Do whatever to make yourself comfortable.', nakangiting sabi ni Quen kay Cyrus.

Binuksan ni Quen ang kanyang laptop at nagplay ng music, buong playlist ng isa sa mga paborito niyang artist, The Xx. At saka siya nag-order ng kanyang comfort food, McDonalds.

Hinubad naman ni Cyrus ang kanyang sapatos at ang kanyang black hoodie. Naka-white T Shirt at maong lang ito like usual.

'I'm just gonna take a shower. Pag dumating yung deliver pakikuha na lang, I've already paid for it.', sabi ni Quen kay Cyrus. Sabay pasok sa CR bitbit ang kanyang towel at pamalit na pajamas.

Habang naliligo, di maiwasan ni Quen na mapaisip kung bakit sobrang welcoming niya kay Cyrus. Hindi siya usually ganito. Mas gusto niya na mag-isa lang siya. At ang tinatanggap niya lang na mga bisita ay ang non-judging breakfast club at ang kanyang pamilya. First time din na may mag-o-overnight sakanyang room. Napaisip din niya paano ang kanilang sleeping arrangement, meron lang siyang isang single bed at ilang unan, hindi rin kasya sa pagtulog ang maliit niyang couch.

Pagtapos maligo, mabilis na ginawa ni Quen ang kanyang skin care routine. Paglabas niya ng bathroom, fresh na siya at suot na ang kanyang terno na pajama.

'Cute mo naman. May nagpa-pajama pa palang college student?', pabirong sabi ni Cyrus kay Quen.

'Oo naman. Ang comfy kaya ng PJs... Uh, ikaw pala? Do you wanna shower? I'm sure palit na palit ka na din...', tanong ni Quen, nilagay niya rin ang kanyang towel sa isang table na tabi ng couch kung saan nakaupo si Cyrus. Nandoon na din ang inorder niyang pagkain.

'Uhhh... Paano? Wala akong pamalit?', tanong din ni Cyrus.

'Pahiramin kita ng pangtulog?', sabi ni Quen.

'Salamat. Pero, paano yung... ano...', medyo nahihiyang sabi ni Cyrus.

'Don't worry, I have a new set of undies na di pa gamit.', nakangiting sabi ni Quen.

'Thank you talaga ah. Lagkit na lagkit na din ako eh.', excited na sabi ni Cyrus, sabay kuha sa towel na nilagay ni Quen sa tabi niya at mabilis na pumasok ng CR.

'W-wait...', may sasabihin pa sana si Quen kaya lang naisara na ni Cyrus ang pinto ng CR.

Agad namang humanap si Quen ng mga damit na medyo malaki sakanya dahil alam niyang mas malaki at matangkad si Cyrus sakanya. Nakakita naman siya ng malaking white shirt at isang pajama pants. Inilabas niya rin ang isang pack ng underwear na hindi pa nabubuksan. Inilapag niya ito sa couch kung saan nakaupo si Cyrus kanina.

Naglabas din siya na kaniyang extra comforter at inilatag ito sa sahig sa may paanan ng kama. Hinati din niya ang apat na unan na nasa kama niya, naglagay siya ng dalawa sa bagong latag na comforter. Nilagyan niya rin ito ng kumot.

Habang hindi pa lumalabas si Cyrus, inilabas niya din mula sa mga paperbag ang inorder niyang food at inihain niya ito sa sahig sa kabilang side ng kwarto. Alam niyang hindi sila magkakasya sa mesa kaya sa sahig niya na lang ito nilagay. Naka-carpet naman ang kanyang dorm floor kaya okay lang ito sa kanya. Habang nag-hihintay, sumubo muna si Quen ng ilang frencg fries.

Biglang bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas dito si Cyrus. Naka-tapis lang ng towel sa bewang neto. Kitang-kita ang tinatagong ganda ng katawan ni Cyrus. Hindi ito kasing muscle ni Lucas pero halata pa rin na nag-wowork out ito. Halos mabulunan naman si Quen sa French fries na kinakain niya.

'Ah sorry, nagmadali ako maligo, di ko pa pala nakuha yung pamalit ko...', nahihiyang sabi ni Cyrus habang nakatambad ang katawan niya.

Di naman nakapagsalita si Quen at itinuro na lang ang ihinanda niyang pamalit ni Cyrus. Agad naman itong kinuha ni Cyrus at muling pumasok sa CR.

'Salamat ulit ah...', sabi ni Cyrus kay Quen paglabas nito ng CR. Sakto lang ang white shirt na pinahiram niya pero medyo bitin ang pajamas dahil nga mas matangkad si Cyrus.

'No problem. Okay lang yun... Tara kain na tayo...', pag-aya ni Quen.

Agad naman umupo sa harap niya si Cyrus at saka sila nag-salo sa Mcdonalds. Tahimik lang silang kumain.

Matapos nilang kumain, tulong silang naglipit sakanilang pinagkainan. Nag-toothbrush din agad si Quen. Nag-offer din siya nang mouth wash kay Cyrus dahil alam niyang wala itong dalang gamit. Habang nasa CR si Cyrus, nahiga na si Quen sa inilatag niya sa sahig. Naisip niyang mas kailangan ni Cyrus ngayon ng kumportableng mahihigaan para makapag-relax at baka sakali ring makatulong na mabawasan ang kanyang mga iniisip.

'Oh? Bakit ka diyan nakahiga sa floor? Sa bed ka dapat eh...', sabi ni Cyrus kay Quen nang makita niya ito paglabas mula sa CR.

'Hindi. Okay lang ako. Ikaw na sa bed.', sagot naman ni Quen kay Cyrus.

'Uy, sige na, ako na diyan. Nakakahiya na sayo. Sobra sobra na abala ko...', nag-aalalang sabi ni Cyrus.

'I said I'm okay. My room, my rules.', nakangiting sabi naman ni Quen.

'Sure ka ba? Nakaka...', di pa tapos sa sinasabi si Cyrus nang biglang nagsalita na si Quen...

'Goooodniiiiiiight. Paki-off na lang nung lights. Nightee.', sabi ni Quen sabay ayos ng kanyang kumot at pag-yakap niya sa isang unan.

Wala nang nagawa si Cyrus kundi mahiga sa kama ni Quen.

Ilang minuto na din silang nakahiga at tahimik pero hindi pa rin makatulog si Quen. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Iniisip niya kung ano kaya ang iniisip ni Cyrus. Ano nga kaya ang problema nito. Same lang kaya nung problema niya nung unang beses niya itong nakita.

'Quentin? Gising ka pa ba?', mahinang tanong ni Cyrus.

'Uhm... Why? Do you need something?', tanong naman ni Quen.

'No. Wala naman. I just wanna say thank you again. And sorry...', sabi ni Cyrus.

'Kulit mo naman eh. Paulit ulit ka... Okay nga lang. And why are you apologizing?', tanong ni Quen.

'Wala lang. I haven't really personally apologized to you about...', nahihiyang paliwanag ni Cyrus.

'About what? Wala ka naman atraso saken...', sabi naman ni Quen sabay upo mula sa kanyang pagkakahiga, nilingon din niya ang lalaking nakahiga sa kama niya.

'Actually, medyo marami na. Mabait ka lang talaga.', sagot ni Cyrus.

'Madami? Like what?', tanong ni Quen. Isinandal niya naman ang kanyang ulo sa dulo ng kama habang nakaupo pa din siya sa sahig.

'Uhh... Una, nung first day mo sa set, I didn't say anything nung sinungitan ka ni Vera. Pati na din sa ginawa niya sayo nung party sa condo ni Lucas', sabi ni Cyrus, na umupo naman sa kama mula sa kanyang pagkakahiga.

'Di mo naman fault yon. Hindi mo naman responsibilidad na ipagtanggol ako and hindi mo din responsibility yung actions ni Vera...', paliwanag ni Quen.

'Next, I assumed about you and Andre... I know I shouldn't have said anything. That's none of my business...', dagdag ni Cyrus.

'About that, I have a feeling na your assumption is correct. Although, di pa naman proven. And wala din yon, nag-tanong ka lang naman eh..', muling paliwanag ni Quen.

'Bait talaga... Pero lastly, I'm sorry nung sinigawan kita...', seryosong sabi ni Cyrus.

'You? You yelled at me?', confused na tanong ni Quen.

'Yes. I told you to leave me alone. Sa CR... Sa TV Station...', mahinang sabi ni Cyrus.

'Ahh... That... Wala yon. Di ko na nga maalala na sinigawan mo ko. And I felt like you were going through something... Just like now...', mahinanong sabi naman ni Quen.

'Sorry talaga ahh...', ulit na paghingi ng tawad ni Cyrus.

'Wala nga yon. Kulit... Pero... Buti naalala mo ko? I barely saw your face then... To be totally honest, kanina ko lang na-realize na that was you.', tanong naman ni Quen.

'How could I forget? You saved me.', sabi ni Cyrus na ikinagulat ni Quen. Iniangat niya ang kanyang ulo at napatingin kay Cyrus na nakatingin din sakanya.

'Me? Saved you? How?', litong tanong ni Quen.

'Naalala mo yung panyo na iniwan mo sa tabi ko? I actually used that para punasan yung luha ko. Tapos may nahulog na papel na nakaipit don sa panyo. May nakasulat na quote from Cast Away. 'I know what I have to do now, I've got to keep breathing because tomorrow the sun will rise. Who knows what the tide could bring?', paliwanag naman ni Cyrus.

'Really? I actually have a bunch of movie quotes written in several post its which I keep on a box. Then I randomly pick one quote pag may event or something which I'm nervous about, like on that day, it was my internship interview. Maybe I subconsciously put it in between my hanky after reading it... Wow...', kwento naman ni Quen na hindi makapaniwala sa nangyari.

'I'll never forget that day. And that quote. Somehow, feeling ko non kinakausap ako ng tadhana, na wag akong sumuko. Also, I was actually able to take a quick glance to you when you looked at yourself in the mirror bago ka lumabas ng CR...', dagdag paliwanag ni Cyrus.

Napangiti lang si Quen kay Cyrus.

'Sobrang bigat ng dinadala ko non. I just wanna give up. I don't know what to do or who to talk to. Kaya when I read at, sobrang na-move ako. Kaya sobrang thank you. I actually tried to look for you. Pero hindi ko alam paano or saan kita hahanapin. Kaya nung nakita noong first day mo sa set, I was so happy pero I didn't wanna weird you out. Di ko din alam paano ko ipapaliwanag sayo. Kaya, di na lang ako nagsalita...', kwento naman ni Cyrus.

'I can't believe how that random post-it movie quotes worked for someone else besides me. But I am happy it did. Basta if you wanna talk about it, I am here willing to listen, pero if you also don't wanna talk about it, i am willing to stay quiet with you.', sabi ni Quen na muli nang bumalik sa kanyang pagkakahiga.

'Masaya din ako na finally, nakapag thank you at sorry ako sayo ng personal. Dami ko nang utang sayo.', sabi naman ni Cyrus na muli na ring humiga.

'Don't worry about it. Isa lang request ko sayo...', sabi ni Quen.

'Ano yon? Gagawin ko lahat makabawi lang sayo.', sagot naman ni Cyrus.

'Please try and talk to your girlfriend about me. Ask her kung may problema ba siya saken or what? Or tell her na wag na maging mean sakin. Ayoko lang kase na may nagagalit saken specially when I didn't do anything naman...', medyo inis na sabi ni Quen.

'Girlfriend? Si Vera ba? Di ko din alam don. At saka, hindi ko girlfriend si Vera...', sabi naman ni Cyrus.

'You don't have to deny it to me. Don't worry, I won't tell the press about it or expose you on twitter. Alam ko naman na you're not admitting it on public lang kasi you want your relationship to be a mystery to the fans...', sagot naman ni Quen.

'Hindi nga. Hindi talaga kami ni Vera. Kung ano ano naiisip mo jan. Itulog mo na yan.', pabirong sabi naman ni Cyrus.

'Yea. Whatever. Goodnight.', sarkastikong sabi naman ni Quen.

'Goodnight, Quen.', malambing na sagot naman ni Cyrus.

Next chapter