Chapter 6: The Unexpected Dinner

Kinabukasan, walang schedule si Quen. Finally, makakapag-me time din siya.

During his free time, isa sa mga gusto niyang ginagawa ay ang manuod ng sine mag-isa. Gusto niya yung feeling na wala siyang kasama na mangja-judge sakanya kung maiyak man siya o matawa sa pinapaniod niya. Naisip niya na manuod ngayon ng movie, gagawan niya na rin ito ng critic/review para sa MMAI Spectator. He usually submits three movie reviews per issue pero isa lang ang pinipili ng kanilang Editor-In-Chief para i-publish.

Nag-check siya online ng mga showing na pelikula ngayon.

Isang American superhero movie, not really Quentin's thing. Another American movie, horror, medyo di niya trip yung mga horror pag mag-isa siya. Isang Korean drama. At isang Filipino romcom. Hindi din siya masyado mahilig sa mga romcom pero naisip niya na gawin nalang itong part ng kaniyang research as a part of a team na nagsusulat for Filipino mainstream audience. Baka makatulong with his internship.

3PM, mag-isa siyang nakapila sa Snack Bar ng sinehan. Namiss niya ang amoy ng popcorn kaya umorder siya ng XL Cheese popcorn at isang large soda. Quentin isn't the most health conscious person. Hindi din siya nag-wowork out. Pero okay naman ang katawan niya. Katamtaman lamang ito, hindi payat, hindi din mataba at bihira din siya magka-sakit. Habang nakapila papasok ng sinehan, medyo nailang siya kasi karamihan ng mga kasabay niya ay mga mag-jowa. Hindi naman siya naiinggit. Never lang talaga naging priority ni Quen ang kaniyang love life. Nagkaron na siya ng dalawang boyfriend dati pero hindi din nagtagal ang mga ito. Masyado kasi siyang focused sa studies at school activities niya. Hindi naman siya overachiever sa school, he's kinda above average, pero takot siya sa failure kaya he always tries to do his best. Hindi siya yung tipo ng tao na laging naghahanap ng ibang tao na magpapasaya sa kanya. Okay na sakaniya ang kanyang mga kaibigan, pamilya at ang oras niya para sa sarili niya.

Nangangalahati na ang pelikula. Napagtanto niya na hindi niya talaga hilig ang mga romcom. He finds it very unrealistic. Yung pinapanood niya ay tungkol sa isang girl na baliw na baliw sa crush niyang rock star. Kakahabol nung bidang babae sa idol niya, nakilala niya yung poging manager nung rock star, love triangle na sila. Nagulat si Quen sa isang eksena, yung rock star may kapatid na lalaki, si Cyrus.

'What the f is he doing in this movie?', isip ni Quen.

'Kuya. Follow you heart. If you love her, fight for her!', sabi ng character ni Cyrus sa isa sa mga eksena.

'In fairness, he knows how to act.', sabi uli ni Quen sa sarili.

After ng movie, naisip ni Quen na picture-an ang ticket ng sine, background nito ang poster nung pelikula. Ipinost niya ito sa kaniyang ig story.

Nag-window shopping din siya habang nasa mall na din naman siya. Hindi nanaman niya naiwasan na bumili ng ilang mga damit. Isang shirt pero tatlong iba ibang kulay. Medyo colorful ang fashion style ni Quen pero hindi ito baduy tingnan sa kanya. He actually knows how to style himself. Bata pa lang siya, alam niya na i-express ang kanyang sarili through his clothing. He knew he was different when he was in 2nd grade. Nung isang araw sa PE class nila, pinahanap sila ng teacher ng makakapartner para sa sayaw at lalaki din ang gusto niyang maging partner. Medyo nabadtrip siya nung hindi pumayag yung teacher nila. Nalaman din ito ng kanyang mga magulang. Pero hinayaan lang nila si Quentin. Para sakanila hangga't walang tinatapakang iba ang kanilang anak, walang problema para sa kanila. Never naman napa-away si Quen dahil sa kaniyang sexuality, there were times na na-bully siya pero somehow, he always knew to defend himself in a very classy and diplomatic way na usually nagpapatahimik sa mga bully niya. Dahil na din siguro sa open mindedness at wisdom ng kaniyang parents.

Nag-iikot ikot sa bookstore si Quen nang biglang tumawag si Colleen sa kaniya.

'Q! Where are you?', tanong ni Colleen.

'I'm here at the mall, why?,' sagot ni Quen.

'Sakto, samgyup daw tayo nila Charlie, on the way na kami.', sabi ng kaibigan niya.

'Ok. Update me if you're here na.', sagot naman niya.

-

Pag dating ni Quentin sa Korean restaurant nandon na ang kaniyang mga kaibigan. Except kay Lucas.

'Cha, where's Lucas?', tanong ni Quentin.

'He's at the radio station.', sagot ni Charlie.

'Huh? Hanggang gabi duty niya as an intern?', pag-uusisa naman ni Colleen.

'Ewan ko ba don. These past few days parang wala siyang masyadong time for me. Masyadong invested sa internship. As far as I know, 9am-3pm lang siya dapat nandon. I don't know bakit inaabot siya ng gabi don.', sagot naman ni Charlie.

'Ayaw mo ba non? Bihira lang mag-seryoso si Lucas. Baka naman he's just enjoying his new environment.', sabi naman ni Andre.

'But...', magsasalita pa sana si Quentin nang nabigla siya sa kanyang nakita.

Si Lucas, papasok ng restaurant kasama si...

'OMG! CYRUS? With Lucas?', sigaw ni Colleen.

'Hey guys. Charlie texted me na you'll be having dinner here kaya sumunod na'ko. By the way, this is Cyrus.', paliwanag ni Lucas.

Agad na umupo si Lucas sa tabi ni Charlie. Si Cyrus naman ay naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Quen. Nasa kaliwa ni Quen si Cyrus, sa kanan naman niya si Andre.

'Hi Quentin.', bati ni Cyrus sakanya.

Ngumiti lang si Quen.

'You guys are friends pala? Why did I not know about this?', usisa ni Colleen.

'Actually, magka-schoolmate kame nung High School. And we're also on the same basketball varsity team then, but he's ahead of me ng ilang years kaya hindi kami masyado close.', sagot ni Lucas.

'I went to the radio station kanina to promote something, i saw him there and nagkausap kame and slight catch up. Medyo bitin kaya he invited me here for dinner to talk more, I didn't know madami pala kayo. Okay lang ba?', tanong ni Cyrus.

'No worries Cyrus. You're welcome to join us.', sabi naman ni Charlie.

'By the way, I'm Colleen. This is Andre. This is Charlie, Lucas's one and only and that guy beside you is Quentin.', pagpapakilala ni Colleen.

'Yeah I know him. He's interning for the teleserye I'm currently on. Nabanggit din ni Lucas kanina na they know each other', sabi naman ni Cyrus.

'So how is Quen at work?', tanong ni Charlie.

'He's quiet. Ilang days pa lang naman. So I haven't really worked with him on a scene. But I think he's okay naman so far. Don't worry, I'll let you guys know if he's pasaway.', pabirong sagot ni Cyrus.

'Good luck with that. Tintin is the nicest person I know. The least thing he'd do is be a pasaway at his internship.', seryosong sabi ni Andre.

'Chill dude, I'm just kidding. I can see that he's nice naman.', sabi naman ni Cyrus.

Napatingin na lang si Quentin kay Charlie. Nginitian naman siya ng kaniyang best friend.

'Haba ng hair... ni Colleen. Pagupit ka na girl. Feeling ko bagay sayo bob cut', biglang sabi ni Charlie habang nakatingin kay Quen.

'Really? You think? Ikaw Cyrus, tingin mo bagay sakin short hair?', tanong naman ni Colleen.

Nakaka-isang oras na silang kumakain at nagku-kwentuhan. Most of the time, sina Lucas, Colleen at Cyrus ang nag-uusap. Habang si Charlie at Andre naman ang nagkakamustahan. Quen is feeling a little awkward with the situation. Hindi talaga siya kumportable pag may mga bagong tao sa paligid niya. Cyrus is a familiar face, pero hindi naman niya pa kilala talaga ang lalaki. At situations like this, Quen prefers to just leave and be by himself.

'Guys, I'll go ahead na ah. I have some stuff to study pa kase.', biglang paalam ni Quen.

'Eh di pa tayo tapos ah? Konti pa lang nakain mo.', concerned na tanong naman ni Charlie.

'Okay lang ako. Medyo madami din kase nakain ko kanina. I'm good. You guys enjoy', sabi naman ni Quentin.

'Actually, I have to go na rin. Early call time tomorrow.', paalam din ni Cyrus.

'Huh? Maaga pa naman eh. Wala pang 10pm.', pagpigil naman ni Colleen.

'Where are you staying ba? If you like idaan na kita.', tanong ni Cyrus kay Quen.

'Huh? Malapit lang ako dito. No need.', sabi ni Quen.

'Madilim na Tin. Tara, samahan na kita.', pag-offer naman ni Andre.

'Guys relax. I am a full grown independent human being. I think I can manage going home alone.', medyo iritang sabi ni Quen.

'Dude, stay ka na muna here. Maaga pa naman.', sabi ni Lucas kay Cyrus.

Di alam ni Quentin kung tatayo na ba siya or what. Ayaw na ayaw niya sa mga awkward situations like this. Nang biglang nag-ring ang phone ni Cyrus. Dahil katabi niya ito di niya naiwasang makita ang screen ng phone nito. Si Vera, video calling Cyrus.

'Hello V.', pag sagot ni Cyrus sa tawag.

'Hi babe. Where are you? What are you doing?', tanong naman ni Vera.

'I'm having dinner with my new friends.', sagot ni Cyrus.

'OMG. Is that Vera? Can we talk to her? Big fan ako!', pagsingit naman ni Colleen.

'They wanna say Hi to you, okay lang ba?', tanong ni Cyrus kay Vera.

'Sure. Sure.', sabi ni Vera.

Agad na inabot ni Cyrus ang phone kay Colleen.

Surprisingly mabait si Vera kina Colleen, Lucas at Charlie. Naalala nanaman bigla ni Quen kung paano siya irapan at tarayan ni Vera. Halos gusto niya tinidurin ang magandang artista nung nakita niya ito sa screen ng phone ni Cyrus. Sa bwiset niya, bigla siyang tumayo at pabulong na lang na nagpaalam sa mga kasama. Nag-sign language na lang siya na aalis na siya para di makaistorbo sa pakikipag-usap ng mga kaibigan niya kay Vera.

Mabilis na lumabas si Quen sa restaurant at madaling naglakad palabas ng mall.

'Tin! Wait!', sigaw ni Andre na sumunod pala sakanya.

'Uy Andre. May naiwan ba ko?', tanong ni Quen.

'Ah... Wala naman. I just got bored there. Uwi na din ako. Tara na, hatid na kita.', sabi ni Andre.

'Alam mo kayo, ang kukulit nyo. Kaya ko na nga.', frustrated na sagot ni Quen.

'I know naman na kaya mo. Kaya lang kase on the way din naman pauwi yung place mo, so might as well idaan na kita, di ba?', paliwanag ni Andre.

'Okay, okay. Suko na ko. San ka ba naka-park?', sabi ni Quen sa kaibigan.

'You stay here. I'll get my car.', sabi ni Andre sabay lakad nito papunta sa parking space sa harap ng mall.

Habang naghihintay, nakasandal si Quen sa isang poste, tulala. Nagulat siya ng biglang may kumalabit sakaniya.

'Hey, andito ka pa pala?', tanong ni Cyrus.

'Ahh... Y-yup. Pauwi na din po', magalang na sagot ni Quen.

'San ka ba umuuwi?', tanong ulit ni Cyrus.

'Somewhere close lang. A few blocks away. I can actually walk lang from here. Ikaw ba san uwi mo?', curious na tanong ni Quen.

'Ahh, sa QC ako. Pero papunta akong Alabang ngayon, kina Vera.', sabi naman ni Cyrus.

'Ohh. Okay.', maiksing sagot ni Quen.

'Hatid na kita. Malapit ka lang naman pala eh.', muling offer ni Cyrus.

Nang biglang dumating na sa harap nila ang kotse ni Andre, nakababa ang bintana nito.

'Let's go Tin!', sigaw ni Andre.

'Sige, una na kame. Thanks for the offer though. Bye.', sabi ni Quen kay Cyrus bago ito nag-lakad palapit sa sasakyan.

'Ingat kayo. Bye. Ingat sa pag-drive bro!', sabi ni Cyrus sa dalawa.

Pagkasakay ni Quentin sa kotse, dahan dahan niyang sinara ang bintana, bago niya ito maisara ng todo,

'See you tomorrow Quentin. Thank you!', sigaw ni Cyrus.

Napaisip nanaman si Quentin. Last time, sorry. Ngayon naman Thank You? Wala naman siyang naalala na ginawa niyang favor para sa artista.

Next chapter