Chapter 18: The Stellar Ball

Sabado ng umaga, araw ng ball. Kahit gabi pa ang event, kailangan pumunta ni Quen ng maaga sa venue para sa final rehearsal ng program. May kaba sa dibdib ni Quen dahil first time niya magiging bahagi ng staff sa isang malaking event. At gaya ng nakasanayan, kapag may mga pangyayari sa buhay niya na kinakailangan niya ng dagdag lakas ng loob, bumubunot siya ng isang piraso ng papel mula sa kahon niya na naglalaman ng mga paborito niyang linya sa pelikula.

"Things change. And friends leave. Life doesn't stop for anybody."
-The Perks of Being A Wallflower

 
"Parang it doesn't make sense for today...
Yes, I am a wallflower, but parang not applicable for today.', sabi niya sa sarili niya.

Pagbaba niya sa lobby ng kanyang condo bigla siyang tinawag ng guard.

'Sir Quentin. May package po kayo...', sabi ng guard na matagal na ding kilala ni Quen.

'Huh? Sure ka Kuya? Wala naman akong ineexpect na delivery today...', sagot naman ni Quen.

'Nako, hindi yata courier nag-deliver nito. Naka sombrero at shades kasi yung nagdala nito kanina. Tinanong ko ano pangalan di naman sumagot. Ang sabi lang pakibigay na lang daw sayo...', sabi ng guard sabay abot ng isang puting kahon kay Quen. Halos kasing laki ng isang normal na cake ang box.

'Ah ganon ba? Kanino kaya to galing? Sige anyway, thanks kuya. Nagmamadali na din kasi ako andyan na yung sundo ko... Thanks po ulit.', magalang na sabi ni Quen.

Dali dali siyang sumakay sa kotse ng tv station. Pinasundo silang lahat sa araw ng event para siguradong makakarating silang lahat on time. Siya pa lang ang unang nasundo.

'Good morning po.', bati niya sa driver.

Takang taka pa din si Quen kung ano ang laman ng kahon at kanino ito nanggaling.

Pagbukas niya sa box, naglalaman ito ng DVD copy ng pelikulang 'Save The Last Dance', may katabi din itong isang pirasong white rose. At isang card na may drawing ng moon at star, ngunit walang nakasulat sa card na kasama ang box.

 
'Who is this from?
Why save the last dance?', pabulong na tanong ni Quen sa sarili.

--

9am, nasa hotel lobby na si Quen, dala dala niya na rin ang susuotin niya. Required pa din sila sumunod sa dress code kahit na sila ay part lang ng staff at hindi naman talaga atteendees ng ball. Ilang sandali pa, dumating na din si Ms. Dara at ang iba pa nilang mga kasama. Agad silang umakyat sa Main Hall ng hotel kung saan gaganapin ang event. Madami pang tao sa paligid nito na nag-se-set up para sa ball. Pero tapos na ang set-up ng stage kaya makakapag-rehearse na sila para sa program. Class at sosyal ang venue dahil isa ito sa mga pinaka-sikat na hotel sa bansa. Lalo pa itong gumanda dahil sa set up.

Natapos din naman agad ang kanilang run through ng tanghali. Pagtapos ng rehearsal ay nag-lunch silang magkakasama. Sabay sabay na din silang nag-check in sa katabing hotel ng venue ng ball. Nagdesisiyon silang mag-check in para wala na silang hassle sa mga gamit at para din mayroon silang lugar para makapag-handa. Anim silang lahat sa writing team at dala-dalawa kada room. Ka-roommate niya ang isang intern writer din pero galing sa ibang school at show, si Ivan. Mabait naman ito at palabiro.

4pm ang call time nila para magkita kita sa lobby kaya nakapag-pahinga pa sila.

Habang nakahiga, napaisip si Quen tungkol sa nabunot niyang quote kanina. Matagal na nga niyang hindi nakakausap ang kanyang mga kaibigan. Dahil na rin sa sobrang abala ni Quen para sa ball. Pinag-focus siya rito ni Ms. Dara kaya hindi din siya nakakapunta sa mga taping ng YAMS. Nakitaan siya ni Ms. Dara ng galing sa pagsusulat para sa mga events. Dahil na din siguro madalas siyang isinasama ng kanyang mga magulang sa iba't-ibang events habang lumalaki siya. Ibig sabihin, dalawang linggo na din niya hindi nakikita si Cyrus. Mula noong nabalitaan niya na totoong magka-relasyon sina Cyrus at Vera, hindi pa ulit sila nakakapag-usap. Minsan siyang tinatawagan at tine-text ni Cyrus pero hindi niya ito sinasagot. Dahil ayaw niya na din magsimula ng issue. Minabuti niya na lang na umiwas.

'Sino kaya mananalo mamayang gabi na Star of the Night?', pag-basag ni Ivan sa katahimikan sa kwarto.

'Hmm. I don't know. To be honest, I don't really know a lot of the attendees. I just want this to be over with. Stressful.', sagot naman ni Quen.

'Sabagay. Stress nga. Pero okay na din, at least may new friends tayo sa network. Baka di tayo nagkakilala if wala yung ball.', sabi naman ni Ivan.

'I guess so. Until when na lang ba internship mo?', tanong ni Quen.

'Mga more than a month na lang. Ikaw ba?', balik tanong ni Ivan.

'Same din. Sa Monday, balik set na ulit...', sagot naman ni Quen.

'Kamusta naman so far? Wala namang mga attitude na artista?', tanong ni Ivan.

'Uhmmmm. No comment.', nakangiting sagot ni Quen.

'Ayyyyy. Sino? Si Cyrus ba? O si Vera? O baka yung nanay ni Vera sa You Are My Sunshine?', pangungulit ni Ivan.

'Wala, basta.', nakangiti pa ring sagot ni Quen. Pero iisang mukha lang nasa isip niya. Si Vera.

'Pero grabe yung CyVer 'no? Kaya pala parang totoong-totoo yung acting nila sa teleserye, sila pala talaga...', sabi naman ni Ivan.

'Uh? Yeah. Oo.', napa-oo nalang si Quen.

'Ayy taray naman. May pa-flower! Kanino to galing?', pag-uusisa ni Ivan habang hawak niya ang puting kahon.

'Huh? Wala nga akong idea eh. Pinaabot lang yan sa condo kanina...', tulala si Quen kaya di nya napansin na tinitignan na pala ni Ivan yung box.

'Gandaaaaaa. May secret admirer. Cute naman ng card. Sakto talaga sa ball... Wait? Tapos Save The Last Dance? Mukhang may nag-iinvite sayo na makipagsayaw mamayaaaaaa.', excited na sabi ni Ivan.

'I don't think so... Nako, kung ano ano naiisip mo. Feeling ko hindi yan para sakin. Nagkamali lang siguro yung guard sa condo. Babalik ko nalang later...', paliwanag naman ni Quen.

'Ganon? Tara na pala. Prepare na tayo, alas-tres na pala.', sabi naman ni Ivan.

Nagsimula naman agad silang kumilos na gumayak para sa ball.

--

Alas kwatro, nasa lobby na silang writing staff. Mga naka-bihis silang lahat ng formal na bagay para sa ball pero para lowkey pa din ay nagdecide silang mag-dark colors lang. Si Ms. Dara, naka power suit na all black. Si Quen naman, naka-Navy Blue na turtle neck, at all black na suit. Nang makumpleto sila sa lobby ay agad na silang tumawid sa kapitahay nilang hotel. Agad nilang tinungo ang main hall. Ayos na ayos na ito. Dahil sa starry night ang theme ng ball, imbis na red carpet, dark blue carpet ang nakalatag.

Pag-pasok nila sa loob ng venue, pinag-usapan nilang agad ang kanilang mga responsibilities sa event. Isa sakanilang main rule ay, 'Bawal Magkamali.'. Kaya naman lalo silang na-pressure.

Ilang sandali pa ay halos puno na ang ballroom. Halos lahat ng mga sikat na sikat at naglalakihang mga personalidad sa industriya ay naroon sa ball. Abala naman backstage si Quen. Naatasan siya na siguraduhing kumpleto ang lahat ng mga artista na may part sa program. Kumpleto na ang mga host. Kumpleto na din ang mga kakanta para sa opening number. Kaya nakahinga na din siya ng maluwag.

 
"Are you ready?
Bawal tulala ah.", nagulat siya sa tanong ni Ms. Dara sakanya.

"Ready po! Im trying to double check lang if may kulang pa kong tao...", sagot naman ni Quen habang parehas silang nakatingin sa screen ni Ms. Dara. Ipinapalabas dito ang nangyayaring red carpet sa labas ng ballroom.

"OMG! My stars!", hindi napigilan mapasigaw ni Ms. Dara na makita niya sa screen ang bida sa You Are My Sunshine.

Si Vera, naka-Gold sexy gown. Mistula itong ginintuang diyosa na bumaba sa lupa. Naka-kapit ito sa makisig niyang ka-date sa ball. Si Cyrus na nakasuot naman ng midnight blue suit na may gold bow tie. Ternong-terno ang magkapareha.

"Tingnan mo yung mga bida natin Quen! Bongga!", pagtapik ni Ms. Dara kay Quen.

"Yeah. They look stunning together.", pag-amin ni Quen. Kahit na mayroon siyang nararamdaman na hindi rin niya maipaliwanag, hindi niya maikakaila kung gaano kabagay sa isa't isa sina Vera at Cyrus.

"Okay, team. Places! We're starting in a few, please turn on your comms.", biglang sigaw naman ni Ms. Dara. Agad naman binuksan ni Quen ang kanyang walkie talkie na magiging paraan para makausap ang iba ibang mga staff kahit magkakahiwalay sila.

Dali-daling nilapitan ni Quen ang mga host ng event at pinag-handa ang mga ito. Ang pinaka-trabaho ni Quen ngayong gabi ay mag-monitor at siguraduhing nasusunod ang script nang tama.

"Quen!", sabi sa walkie talkie.

"Who's this?", tanong naman ni Quen.

"Ivan! Nakita mo ba yung nasa likod nung suit ni Cyrus?", sagot naman ni Ivan.

"Huh? Nope. I didn't. Bakit? What about it?", tanong naman ni Quen.

"Hoy. Wag kayo mag-chismisan. Malapit na mag-start. Focus!", nagulat naman sila ng biglang magsalita si Ms. Dara sa kanyang walkie talkie.

At nag-simula na nga ang ball.

Maayos naman na tumatakbo ang event. Nasusunod ang lahat sa plano at sa script. Maganda ang mood at vibe ng ball. Masaya ang lahat.

Dumating na sa punto ng ball kung saan magbibigay sila ng parangal sa mga dumalo. May Male and Female Stellar Star of the Night, Best Dressed Male and Female at ang Stellar Couple of the Night. Sa bahaging ito, si Quen ang naka-assign na mag-abot ng mga award sa mga nanalo. Kaya naman naka-pwesto na siya sa may gilid ng stage katabi ng mga plaque.

Isa-isa na nilang naibigay ang mga award at isa na lamang ang natitira, ang Couple of the Night.

"And now, we're about to present the Stellar Couple of the Night!", banggit ng isa sa mga hosts.

"As you all know, lahat ng awards tonight were voted by all of the attendees... So, sino kaya ang napili nating lahat as our royal tandem?", dagdag naman ng isa pang host.

Hawak hawak naman ni Quen ang dalawang maliit na plaque na ibibgay sa mga mananalo.

"And, our Stellar Ball Stellar Couple of the Night are none other than... Mr. Cyrus Cruz and Miss Vera Wilson!", masiglang sabi ng host. Palakpakan ang mga tao. At ilang segundo lang ang ay makikita na nakatayo ang dalawa at papaakyat na sa stage.

Kahit na anong pilit ni Quen, hindi niya maiwasang hindi tumingin sa dalawa. Lalo na kay Cyrus. Nang maabot na ng dalawa ang entablado ay madaling iniabot ni Quen ang dalawang plaque kay Cyrus. Madali din siyang bumalik sa gilid kung saan siya nakatayo kanina.

Pagkabalik niya sa pwesto ay napatingin siyang muli kay Cyrus. Nakalingon din ito sa kanya at nakangiti, saka tumalikod kay Quen. Pagtalikod nito ay doon niya lang nakita ang likod ng suit ni Cyrus. Meron itong burda, kulay ginto. Ang burda ay katulad ng nasa card na natanggap niya kanina, ang buwan at ang bituin. Tila nag-slow mo lahat bigla. Hindi maipaliwanag ni Quen. Tila din nakarinig siya bigla ng mga bells. Saya. Kilig. Kaba. Sabay sabay na naramdaman ni Quen. Muling tumingin sa kanya si Cyrus na nakangiti. Napangiti din siya.

Pagbalik tingin ni Cyrus kay Vera ay biglang naghalikan sa labi ang dalawa.

Ang mga bells pala na naririnig ni Quen ay galing sa mga taong pinatutunog ang kanilang mga baso gamit ang tinidor na para silang nasa kasalanan at humihingi ng halik sa bagong kasal.

Lalong gumulo ang nararamdaman ni Quen. Sa isang iglap biglang nag-iba ang lahat. Ang saya napalitan ng lungkot. Ang kilig napalitan ng sakit. Ang kaba napalitan ng galit. Lalo siyang naguluhan.

Hindi na alam ni Quen kung paano niya natapos ang ball. Basta ngayon ay nasa backstage na siya. Mag-isa. Tapos na ang program ng ball pero nagsasayawan pa ang mga tao sa ball.

Nakaupo sya, nakatungo.

'Quentin... Are you okay?', may humawak sa balikat niya.

Tiningala niya ito. Si Andre.

'Andre... Hi. Yea, im okay. Pagod lang siguro', bati naman ni Quen.

'Are you sure?', tanong muli nito.

'I actually don't really know...', hindi rin maipaliwanag ni Quen pero gusto niyang umiyak.

'Kaya mo pa ba? Mukang pagod ka na talaga...', sabi naman ni Andre.

Hindi naman nakasagot si Quen. Ang totoo ay hindi naman talaga siya pagod dahil sa ball. Bigla na lang siya tumayo, naluha at yumakap kay Andre.

Niyakap din siya ni Andre.

'Okay lang yan tin... iiyak mo lang.', pagdamay nito sa kaibigan.

Ilang minute din silang nag-yakap.

'Do you wanna go home? Hatid na kita...', tanong nito kay Quen.

'No. I cant yet. Di pa tapos. And may post meeting pa kami later.', sagot naman ni Quen.

'Sigurado ka kaya mo pa?', muling tanong ni Andre.

'Yea. Okay pa ko. Kaya ko pa to. Thank you.', sagot naman ni Quen.

Inayos ni Andre ang nagulong buhok ng kaibigan. Pinahid din nito ang luha sa pisngi ni Quen.

'Sige na, you go ahead na baka hinahanap ka na ng team mo.', sabi naman ni Quen kay Andre.

'Okay. See you later. I'll text you.', paalam naman ni Andre.

---

Habang hindi pa tapos ang ball, nagpaalam muna si Quen kay Ms. Dara na lalabas muna siya para magpahangin. Nagdesisiyon muna siyang maglakad lakad ng kaunti. As a person with social anxiety medyo too much na kay Quen pag-stay sa isang room na napakaraming tao. Kinailangan niyang huminga. Pag labas niya ng hotel isang hindi niya inaasahang tagpo ang kanyang nakita.

Sina Cyrus at Vera, kasama sina Charlie, Lucas, Colleen at Andre... Nag-uusap ang mga ito sa tapat ng kotse ni Lucas. 

Next chapter