Chapter 1: The Internship

First day ng internship ni Quentin ngayon. Monday kaya medyo hectic ang commute niya papasok sa BGBTV, ang TV Station kung saan siya mag-iintern. Kabado siya dahil wala siyang idea kung saang department siya i-aassign. Pagdating sa building, agad siyang nagpunta sa HR para sa maikling orientation.

'Good Morning po, I'm Quentin Ramos from Manila Media Arts Institute', bati niya sa receptionist ng Human Resource Deparment.

'Good Morning to you too, please sit for a while I will call Ms. Pat lang,' sagot naman sakanya.

Umupo muna siya at huminga ng malalim.

'Mr. Ramos? Good Morning I'm Ms. Pat from Human Resource, please follow me,' sabi sakanya at pinasunod siya sa isang maliit na meeting room kung saan may isang maliit na mesa at apat na upuan.

'Good Morning Ms. Pat, I'm Quentin Ramos, nice to meet you po', bati ni Quen at nakipagkamay siya.

'Hello. Nice meeting you too, Mr. Ramos. Based on your interview last month, it has been suggested here that if possible, you should be assigned in the Narrative TV Production. Would you be fine with that?' tanong kay Quen.

'Uh? Narrative TV Production?' tanong naman ni Quen.

'It means na you'll be interning in an existing Narrative TV Show, either teleserye, sitcom or film. I know priority niyong Broadcasting Students ang News Department, however, request nung nag-interview sayo last time na sa Narrative ka ilagay. Actually, bihira sila mag-advise where to assign interns, you must have impressed him so much', sagot ng HR person sakanya.

'Ah ganon po ba? I guess I'll take it ma'am. We are not required din naman po to intern in the News Department' sagot naman ni Quen habang pinipigilan niyang ngumiti ng todo. Dahil ang pagiging writer naman talaga ang dream niya. Pero bigla siyang kinabahan dahil hindi siya masyadong aware sa Philippine Showbiz. Hindi kasi siya into mainstream media. Mapa-music, tv shows or movies, mas preferred talaga niya ang Indie. Hindi dahil sa pa-cool siya, yun lang talaga ang kinalakihan niya. His parents are visual artists na never nahilig manuod ng TV.

'Okay then, please wait for me here while I call the TV Prod department kung saan ka pwede ilagay.' sabi ng babae sabay labas sa maliit na meeting room.

Habang naghihintay napatingin si Quen sa mga poster na naka-display sa wall ng room. Isa isa niyang tiningnan ang mga mukha ng artista habang binabasa ang mga pangalan nila. Pero wala siyang matandaan dahil yung isa sa mga poster, sampu ang bida. 'It must be a barkada film', isip niya.

'Mr. Ramos, I already found an assignment for you. There's a teleserye now na kulang ng creative staff. That would also mean that you'll be working on location, but don't worry we have a service naman and the location of the serye are all in the Metro. Would that be okay with you?' tanong ni Ms. Pat.

'Uhm, I guess? Okay po, that would be fine with me po.' sagot ni Quen.

'Great. Please wait here, I'll call for a service lang, kase they are currently on location now. Ipapahatid na lang kita and I'll also advise the team that you'd be arriving there around noon. Please look for Mr. Nel he is the Associate Director of the show'.

'Okay Ms. Pat. Thank you.'

-

Mag-isang sakay si Quentin ng isang van. Kinakabahan nanaman siya dahil unang araw niya, on location agad siya. At panigurado maraming tao doon. Quen has always been the type na hindi gaano kumportable sa mga matataong lugar or event. On the other hand, excited din siya dahil finally mae-experience niya na ang mag-trabaho sa totoong media platform.

Makalipas ang isang oras dumating sila sa isang malaking university. Malapit lang naman yung location pero inabot sila ng isang oras dahil sa traffic. Ibinaba siya ng driver sa harap ng malaking sports field. Sa hindi kalayuan nakita niya ang ilang tent at mga camera sa isang bahagi ng field. Lumapit siya sa isang kumpol ng mga tao na kumakain sa isang mesa na malapit sa mga tent at hinanap niya si Mr. Nel.

'YESZS? THAT'S ME. NEEEEEEL. What can I do for you?' nagulat si Quen sa malakas at napaka-energetic na sagot sakanya.

'Hello po, I'm Quentin po from Manila Media Arts Institute, bagong intern po,' sagot naman ni Quen.

'Oh ikaw pala yon? Saan ka galing?', tanong sakanya.

'Uh? Sa office po ng BGBTV. Bakit po?, tanong naman ni Quen.

'Ahh... Akala ko galling ka sa 90s.' sarcastic na sabi ni Nel, sabay tawanan yung mga kasama nila sa mesa.

Bigla siyang napatingin sa outfit niya, naka-colorful printed long sleeves, blue jeans at converse shoes.

'Oy charot lang. Haha. Cute nga e.' sabi uli ni Nel.

'Okay lang po.' Sagot naman ni Quen habang naka-ngiti ng medyo pilit.

Isa-isang pinakilala ni Nel yung mga tao sa table. Wala siya masyadong natandaan.

'And ako naman si Nel, Direk Nel. Im the AD of the show. Welcome to our show.'

'Welcome to YOU ARE MY SUNSHINE', sabay sabay na sigaw ng mga staff ng show sakanya.

'Thank you po! Ill do my best po during the internship,' sagot naman ni Quentin habang pinipigilan nyang tumawa. Natatawa siya sa ka-cornihan ng title ng show.

Nag-uusap si Quen at si Direk Nel tungkol sakanyang school background nang biglang may isang gwapong binata na lumabas sa tent. Naka-plain white T shirt ito at black jeans. Nag-stretching ito sa harap ng tent. Hindi niya naiwasang mapatitig.

'Damn. He looks good. And he looks kinda familiar,' napaisip ni Quen. Parang kilala niya yung lalaki. Baka nakita niya na dati sa mga billboard? Sa commercial? O baka nandon siya sa mga poster sa loob ng office kanina.

Sinundan ni Direk Nel ng tingin kung saan naka-titig si Quen.

'That's Cyrus. He's the lead actor of the show. You know that, right?', tanong ni Direk Nel kay Quen.

Napatingin si Quen kay Direk Nel,

'Huh? Uhm? Y-yes. Opo. I know po, Cyrus po,' sagot niya kahit wala siyang ka-ide-idea about the guy or even about the show.

Nagulat siya nang pagtingin niya ulit sa aktor ay nakatingin at naka-titig din ito sakanya.

Next chapter