Chapter 21: The Revelation

Alas tres y media ng hapon, nag-desisyon na mag-jogging si Quentin. Bihira lang siya nakakauwi sa bahay nila dahil sa kanyang ka-busyhan sa school. Maliban dito, mas gusto din ni Quentin ang independent living dahil alam niyang makatutulong ito sa kanyang kinabukasan. Ilang beses din siyang pinilit ng kanyang mga magulang para bilihan siya ng magarang condo ngunit mas pinili niya ang simpleng dorm.

Pag-labas niya ng kanilang bahay, isang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa tabi ng kalsada. Si Cyrus. Tumayo ito. Suot pa din nito ang mga damit mula sa party. Malungkot ang mukha nito.

Hindi alam ni Quentin ang gagawin. Natigilan din siya at hindi nakagalaw.

Lumapit sakanya si Cyrus. Nakatayo sila sa harap ng isa't isa.

Halata ni Quentin sa mukha ni Cyrus na wala pa itong tulog. Mukha siyang malungkot at miserable. Tulad kung paano niya unang nakita si Cyrus sa CR ng tv station pati na rin sa fire exit sa taping ng kanilang teleserye. Nakaramdam ng awa si Quen, gusto niya itong yakapin. Pero sumagi din agad sa isip ni Quen kung paano siya tinrato ng binata sa ball at sa party sa condo ni Lucas. 

Akmang hahakbang na papasok ng gate si Quen pero hinila ni Cyrus ang kanyang kamay at saka siya niyakap nito. Mahigpit ang pagkakayap ni Cyrus sakanya. 

"I'm sorry Quentin. Sorry...", bulong nito habang nakayakap pa din kay Quen.

Hindi naman napigil ni Quen ang sarili at napayakap din siya kay Cyrus. Di hamak na mas matangkad ang aktor sakanya kaya halos nasa dibdib lang siya nito. Di niya maiwasang maamoy ang pabango ng isang babae mula sa suot na damit ni Cyrus. Agad na naisip ni Quen si Vera. ("This is wrong... I can't do this to Vera. To a girl.)", sabi ni Quen sa isip niya. 

"I'm sorry too Cyrus. I'm so sorry but I can't do this.", sambit ni Quen sabay bitaw mula sa yakap at agad siyang pumasok sa gate ng kanilang bahay. 

 
Pagkasara niya ng gate ay madali din siyang pumasok sa kanilang bahay.
Naiiyak si Quen pero pinigil niya ang sarili dahil ayaw niyang makita siya ng mga kasama nila sa bahay na umiiyak.

Halos isang minuto pa lang na nasa loob ng bahay si Quen nang bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Nag-alala siya kay Cyrus dahil mukhang wala itong dalang sasakyan. Agad siyang nagpakuha ng payong at dali-daling lumabas.

Walang katao-tao sa kalsada pag labas niya. Wala na si Cyrus. Lalo tuloy siyang nag-alala. Natatakot siya na baka siya naman ang maging dahilan pag may nangyari kay Cyrus. 

Umakyat siya sa kwarto niya at nag-isip. Hindi siya makahingi ng tulong sa mga kaibigan niya dahil iniisip niya na marahil ay galit ang mga ito sakanya pagtapos ng inasal niya sa party. Lalo nang ayaw niyang tawagan si Vera. At saka niya naisip na tawagan si Ms. Dara.

"Hello Ms. D", mahinahong bati ni Quen.

"Oh Quen, napatawag ka dear?", tanong nito.

"Uhh... Umh... Kasi po ano...", hindi sigurado si Quen kung paano sasabihin ang nangyari.

"Ano yon dear? May problema ba?", usisa nito.

"Si Cyrus po kasi...", sabi naman ni Quen.

"Oh why? What about Cy?", medyo alalang tanong ni Ms. Dara.

"He was here po kasi kanina, then bigla pong umulan ng malakas pag-alis niya. Eh mag-isa lang po yata siya ang walang dalang sasakyan. Hindi ko din po alam number ng manager niya kaya kayo na lang po tinawagan ko. Baka lang po pwede natin ma-make sure na he's okay?", paliwanag ni Quen.

"Ah ganon ba? Sige sige. Tawagan ko manager niya. Pero bakit pala siya nandiyan? May nangyari ba?", muling pag-uusisa ng head writer.

"Uh--", hindi makasagot si Quen.

"Where are you? Busy ka ba? Usap tayo.", offer ni Ms. Dara.

"Nasa bahay lang po.", sagot naman ni Quen.

"Nasa office lang ako. Almost done naman na din sa ginagawa ko. You wanna coffee somewhere?", sabi naman ni Ms. Dara.

"Sure po kayo? Baka istorbo po.", paniniguro ni Quen.

"I won't offer anything if istorbo lang. Besides, I wanna know everything. Meet me later 6pm, I'll text you where.", sagot naman ni Ms. Dara.

"Okay po. Thank you Ms. D!", sabi naman ni Quen.

--

Alas sais ng hapon, nasa coffee shop sa isang mall na si Quen. Hinihintay si Ms. Dara. Nung una nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya lahat kay Ms. Dara, pero naisip din niya na wala na siyang ibang alam na makakatulong sa sitwasyon.

 
"Hi Dear!
Sorry medyo na-late ako, grabe ang traffic.", pagbati ni Ms. Dara sakanya. Super fresh pa din ito kahit na malakas ang ulan sa labas at sobra ang traffic.

"Okay lang po Ms. D. I just got here lang din po.", sagot naman ni Quen.

Agad naman silang umorder ng kape at pastries. Ise-serve na lang ito sakanila.

"By the way, nakausap ko na manager ni Cyrus.", sabi ni Ms. Dara.

"Talaga po? Kamusta daw po siya?", alalang tanong ni Quen.

"He's okay. Umuwi lang nang basang-basa. Pero besides that he's totally fine.", paliwanag ni Ms. D.

"Buti naman po.", nakahinga ng maluwag si Quen.

"What happened ba? Is there anything between you two?", tanong ni Ms. Dara.

Sinimulan ni Quen na ikwento ang lahat. Mula sa umpisa. Nung una niyang nakitang lugmok sa banyo si Cyrus. Mula sa unang beses niyang inabutan ng script ang aktor. Kung paano sila unti-unting palihim na nag-uusap. Kung paano niya natulungan si Cyrus nung nag-breakdown ito sa set. Kung paano din niya tinulungan sa isang eksena ang aktor. Yung halik. Si Vera. Yung ball. Yung after party. Kung paano niya hinayaan si Cyrus sa ulan.

"Ohhhhhh...", yun lang ang nasabi ni Ms. Dara.

"I also don't know how I let all of this happen." litong sabi ni Quen.

"You know what... hindi naman ikaw ang una... this happened before already.", sabi ng head writer.

"Huh? What do you mean Ms. Dara? You and Cyrus?" gulat na tanong ni Quen.

"Huy hindi 'no. Pogi si Cyrus but he's not my type. It was one of his co-actors.", paliwanag ni Ms. Dara.

"Really? Ano pong nangyari?", usisa ni Quen.

"Gulo. Gulo ang nangyari. May video kasi na involved.", sabi ni Ms. Dara.

"Like, a sex video?", bulong ni Quen.

"Not to that extent naman. I don't know if kilala mo si Edward Lee, co-star ni Cyrus sa last movie niya. Anyway, they had a thing. Pero as far as I know, si Edward yung super habol kay Cy. Then they were at a party. Nagkalasingan. Nakuhanan sila ng video na naghahalikan. The person who took the video tried to blackmail both of them.", paliwanag ni Ms. Dara.

"Omg. Intense. When did this happen po?", tanong naman ni Quen.

"Uhm... Maybe two or three weeks before you started interning with our team. If tama yung alala ko. Kasi witness kami sa mga pangyayari kase halos kaka-start lang din ng YAMS non." dagdag paliwanag ni Ms. Dara.

Doon napag-konekta ni Quen ang mga bagay-bagay. Ito marahil ang dahilan ng pag-iyak ni Cyrus nang makita niya ito sa banyo noong araw ng interview niya para sa internship.

"Paano po na-resolve yung issue?", tanong muli ni Quen.

"The management was able to track down the guy who was trying to blackmail them. Natakot naman and nag-promise to never reveal the video. He said he deleted everything. Pero sobra din napagalitan sina Cyrus at Edward. Edward had to change networks, nasa kabila na siya. Si Cyrus naman pinaghigpitan with his schedule. Pinagbawalan din sila na magkita. Actually Cyrus told me na he feels super guilty kasi parang mas mabigat yung punishment ni Edward. I don't know lang if they communicate pa with each other in secret.", mahabang paliwanag naman ni Ms. Dara.

"Oh... Buti naman po nahuli yung may sala.", yon na lang nasagot ni Quen pero madaming tumatakbo sa isip niya. Sino si Edward, nag-uusap pa kaya sila, kung totong nagkaron sila ng ugnayan at girlfriend ngayon ni Cyrus si Vera, ibig ba sabihin bisexual si Cyrus, o kung totoong nagkaron ng feelings si Cyrus sa lalaki, ibig ba sabihin totoo din ang feelings ni Cyrus sakanya? Puro tanong, litung-lito siya.

"Huuuy. Quen! Natulala ka na diyan!", pag-gulat ni Ms. Dara sakanya.

"Sorry po may iniisip lang...", sabi naman ni Quen.

"Naku. Wag mo na isipin si Cyrus. Okay na siya. Wag ka mag-alala I'll make sure he is fine and i'll let you know. I have to go na din, may dinner kami ng college friends ko.", paalam naman ni Ms. Dara.

"Ay okay po. Buti po you still have time to meet your college friends.", sabi ni Quen.

"Oo naman no. We never stopped communicating. Hindi naman natatapos ang friendship sa graduation.", sabi naman ni Ms. Dara.

Medyo may tama sa puso ni Quen yung sinabi ni Ms. Dara. 

"Are you staying here? Wanna join us? Sa taas lang naman dinner namin...", alok ni Ms. D.

"Naku, hindi na po. I think I'm gonna stay here and finish my coffee po. Super thank you po talaga for the time.", sagot naman ni Quen.

"Sure ka ha? O sige, I'll go ahead. Bye.", paalam ni Ms. Dara saka ito lumabas ng kapihan.

Napasandal si Quen sa kanyang upuan at napapikit. Sa dami nilang napag-kwentuhan ni Ms. Dara hindi niya alam paano ipo-proseso ang mga impormasyon niyang nakuha. Kung may kaibigan lamang sana siya na matatakbuhan, mapagku-kwentuhan at mahihingian ng advice.

Habang inuubos ang kanyang kape, nag-check na lang siya ng instagram. Walang bagong story mula kay Cyrus at Vera. Sunud-sunod naman ang story ng kanyang mga kaibigang sina Charlie, Lucas, Colleen at Andre. Nasa condo sila ni Lucas. Nagtatawanan. Kumakain. Nag-uusap. Nakaramdam ng iggit si Quen. Namimiss niya na ang mga ito. Saka niya naisip ang sinabi ni Ms. Dara, hindi nagtatapos ang friendship sa graduation.

--

8:26 PM, nasa labas siya ng pinto ng condo unit ni Lucas. Naglakas nang loob siyang pumunta kahit hindi siya imbitado. Kabado siyang kumatok sa pinto. Naka-ilang katok na siya pero wala pading nagbubukas sa kanya. Naisip niya na baka nakita na siya peephole ng pinto at sadyang hindi siya welcome. Lalakad na sana siya pabalik sa elevator nang bumukas ang pinto, si Lucas.

 
"H-hi.
Lucas.", awkward na sabi ni Quen.

"Quen!", gulat na sigaw naman ni Lucas.

"Uhm. I--, i--.", hindi makapag-salita si Quen. Hindi siya sanay sa ganito. Ayaw ng confrontations. Nahihiya din siya dahil hindi okay nung huli silang nagkita kita.

"Kanina ka paba? The TV's kinda loud kaya hindi ko agad narinig the door.", awkward na sabi din ni Lucas.

"Ahh, hindi naman okay lang...", mahinang sagot ni Quen.

Awkward silang dalawang nakatayo lang at napapagitnaan ng pinto.

"Babe, who's there?", si Charlie naglalakad papunta sakanila.

"Ah, babe. Quen's here...", sabi ni Lucas.

"OMG! Quen!", sigaw ni Charlie sabay yakap nito kay Quen.

Agad din namang yumakap si Quen kay Charlie.

"I'm sorry Charlie.", paghingi niya ng tawad sa kanyang bestfriend.

"No. No. You didn't do anything. I was actually so worried about you.", sabi naman nito sakanya.

"Why don't we guys come inside.", pag-aya naman ni Lucas.

Kaya naman pumasok sila at dumiretso sa living room. Napatalon sa gulat si Colleen at tumakbo kay Quen para yakapin ito.

"Sorry Q.", ito naman ang humingi ng tawad sakanya.

Pinaupo ni Quen ang lahat habang siya ay nakatayo sa may harapan nilang lahat.

"So, I went here... to apologize to everyone. I'm so sorry for everything.", hindi na napigilan ni Quen ang kanyang luha. 

"I was just in a very confused state. I guess I was starting to realize that I'm about lose you all after college and in the process of trying to accept that, I actually ended up losing you. I'm so sorry for being a terrible friend. I hope you guys can forgive me and still be your friend.", patuloy ni Quen.

Agad naman siyang nilapitan ni Andre para yakapin. 

"You won't ever lose me Quentin. I promise. You won't lose us", sabi nito.

At saka lumapit ang iba pa niyang kaibigan para yakapin siya.

Mabilis silang nagkapatawaran. Siguro dahil na din sa wala naman talagang malalim na pinaggalingan ang away nila.

Ikwinento din ni Quen sa mga kaibigan ang lahat ng detalye ng tungkol sakanila ni Cyrus. Doon din niya nalaman na kaya nandoon sa bahay nila si Cyrus ay dahil kasama ito nila Charlie at Lucas na hanapin siya.

Doon din sinabi ni Colleen na kaya sila naging close ni Vera ay dahil sa hilig nilang dalawa sa Korean Drama at KPop. Pinaliwanag din nina Colleen and Charlie na hindi naman sila agad naniniwala sa mga sinasabi ni Vera. Balak talaga nilang kausapin si Quen pero never silang nabigyan ng chance dahil nagalit na agad si Quen. Naintindihan naman ni Quen ang mali niya.

Inamin naman ni Andre sakanilang lahat na may feelings siya kay Quentin. Pero sinabi din nito na hindi niya mamadaliin si Quen at maghihintay lang siya. Lalo na't alam niya na may nararamdaman si Quen kay Cyrus.

 Natapos ang gabi na okay na ulit silang mag-kakaibigan. Pero hindi buo ang saya ni Quentin dahil sa likod ng isip niya ay si Cyrus. Okay lang kaya ito. Makakapag-usap pa kaya sila. 

Gustong ayusin ni Quen ang lahat bago matapos ang kanyang internship.

Next chapter