Chapter 3: The Non-Judging Breakfast Club

8:32am, kagigising lang ni Quen. Lowbatt ang kanyang phone kaya chinarge niya muna ito. Binuksan ang kanyang laptop para i-print ang mga script na sinend sakanya ni Direk Nel. Medyo madami yung files. Kaya habang nagpprint, minabuti niya na ring maligo.

Pagkaligo, agad siyang nagbihis. Red oversized polo shirt tucked in a dark blue tailored shorts plus his favorite white sneakers. Nilagay niya sa isang folder ang freshly printed script at isinilid sa kanyang bag. Nagdala din siya ng markers.

Minabuti din niyang i-update ang kanyang planner. Ni-note na niya ang mga MWF as his internship schedule. Chineck din niya ang kanyang schedule ngayong August. May maikling org meeting siya today ng 10am. Ilang writing workshops sa mga susunod na linggo. Ngayong term na ito wala silang scheduled classes/subjects dahil ito ay dedicated sa kanilang internship. They have to complete 300 hours of internship in 4months. Pero every now then magpapatawag ang kanilang internship advisor para mag-meet for updates.

Tuwing umaga bago umalis, naka-ugalian na ni Quen mag-check ng kaniyang social media pero dahil lowbatt ang phone niya kanina, di niya yon nagawa. Kailangan na din kasi niya umalis kung hindi male-late siya sakanilang organization meeting. He is a part of their school newspaper, ang MMAI Spectator. He is assigned as a feature writer, he usually features current films and writes his reviews about it since he is a big movie buff.

9:47am, naka-dating din si Quen sa kanilang school. Manila Media Arts Institute is a known college for media studies. Hindi gaano kalaki ang school nila pero madaming magagaling na media personalities ang nagmula dito. Bago pumunta sa meeting room, naisip niya na mag-ig story muna.

Pagkapost ng story, habang naglalakad papunta sa meeting room, nakita niya na meron siyang notifications sa Instagram niya

Pagkapost ng story, habang naglalakad papunta sa meeting room, nakita niya na meron siyang notifications sa Instagram niya. 1 new follower, 2 likes. Yung likes ay sa pinakalast niyang post. Pero ang kinagulat niya yung bagong follower niya. @akosicyrus007 started following you.

Napatigil siya sa paglalakad paakyat ng building.

"Wtf? Bakit ako finollow nito? Paano niya nahanap account ko? Eh hindi naman kami nagkausap kahapon. Nagka-tinginan lang. Weird.", sa isip ni Quen.

Agad niyang binuksan ang account ni Cyrus. Nakalagay doon, FOLLOWING.

'The fuck? When did I follow him? Shit. Nakakahiya', pagkausap niya sa kaniyang sarili.

'QUEN! Male-late na us girl. Let's go!'

Nagulat si Quen nang biglang may humila sakanya paakyat ng hagdan. Si Colleen. Isa sa mga solid college friends ni Quentin. Colleen is a smart girl. Laging mataas ang energy. Kahit pagod na sila minsan, siya yung kaibigan na laging go lang ng go. Colleen is the Managing Editor for the MMAI Spectator.

Pagdating sa meeting room, medyo madami na ang tao. Agad na nakita ni Quen si Andre, isa pa sa mga barkada nila. Ni-reserve sila ni Andre ng upuan. Si Andre naman, opposite ni Colleen, he is the quiet type. Pero very creative. Doon sila magkasundo ni Quen, pag dating sa art and aesthetics. Photographer naman siya sa school newspaper.

Halos dalawang oras din sila nag-meeting tungkol sa MMAI Spectator. Pinag-usapan nila kung anong mga magandang i-feature para sa kanilang susunod ni issue. Pero most of the meeting, tulala si Quen. Iniisip pa rin niya paano siya nahanap ni Cyrus, o siya ba ang aksidenteng unang nag-follow dito.

After ng meeting, agad silang pumunta sa favorite spot nila sa school, and The Rooftop, ito ang canteen sa school nila na nasa pinakamataas na floor ng building. Very relaxing kasi doon dahil sa mga plants na naka-kalat. At nandon din ang favorite nilang all-day breakfast meals. Very instagrammable din ito. Pagdating nila sa kanilang spot, may mag-jowang nakatambay. Yung girl, super pretty and sophisticated. Yung lalaki, medyo bad boy looking pero charming ang smile. Sina Charlie at Lucas, dalawa pa sa kanilang barkada. Charlie is Quen's highschool bff. Hanggang ngayon naman super close pa din sila. Si Quen ang unang nakaalam ng plano ni Charlie na finally mag-transition into a woman bago sila magsimulang mag-college. Si Lucas naman, first year pa lang sila patay na patay na kay Charlie, kahit pa noong nalaman nito na transwoman si Charlie, tinuloy pa din niya ang pangliligaw dito. Noong una ayaw ni Quen kay Lucas para kay Charlie dahil medyo happy go lucky ito at wala masyadong pakialam sa studies, pero he eventually approved of him kasi nagbago ito para sa kaibigan niya.

Silang lima ang Non-Judging Breakfast Club. Walang judgments sa isa't isa. Alam nila ang mga sikreto nang bawat isa. Meron silang unwritten at unspoken promise to be there for each other. Kahit hindi nila ito ever napag-usapan, basta alam nila na meron silang laging kaibigan sa isa't isa.

Noong mga time na naghiwalay ang parents ni Colleen, Andre made sure that she is always okay. Noong time na halos maghiwalay sina Charlie at Lucas dahil sa ibang babae, Quen made sure that Charlie is making the right decisions and yung tatlo tinulungan si Lucas to win Charlie back. When Andre got into a fist fight with a stranger sa isang bar, Lucas was there to make Andre realize na walang magagawang maayos yung pakikipag-basag ulo.

And when Quen suffered from anxiety, all of them made sure that he is not alone. Actually, recently umaatake nanaman ang anxiety ni Quen. This is because of the fact na last year na nila together. He is not sure how he'll make it to the outside world without his friends. Pero hindi niya ito sinasabi sakanila dahil gusto niya, masaya lang ang last couple of months nila together. Alam naman niya na hindi ito ang dulo ng friendship nila pero siyempre iba pa din yung wala silang choice kundi magkita kita ng madalas sa school.

'HEY! Are you with us? You're spacing out again dude!', sabi ni Lucas sakaniya.

'Ah. Iniisip ko lang yung mga script na kailangan ko aralin. Kayo ba, how's your first day kahapon?', tanong ni Quen sakanila.

Kaniya kaniya silang kwento.

Colleen is interning in an AM radio station. Boring first day daw.

Si Charlie naman sa kalabang TV Network ni Quen, News Department. Medyo kabado siya kasi baka ma-discriminate siya as a transwoman.

Si Lucas naman sa FM radio station. It's cool according to him. Most of the people are millenials.

Andre is interning in the same network as Quen's pero sa ibang department siya.

Sabi naman ni Quen, his first day was interesting. He said na he is interning for YOU ARE MY SUNSHINE.

'OMG! I watch that! I like Vera kase, so pretty. Goals!' sigaw ni Colleen.

'Really? You like that girl? She was so rude to me yesterday', sabi ni Quen.

'What?! You met her? Did you meet Cyrus too? Crush ko yooooon. Hahaha', sagot ni Colleen sakaniya.

'Girl, relax! Ang poise.', very posh na reminder ni Charlie.

Binuksan ni Colleen ang Instagram niya para i-check ang ig ni Cyrus. Pinakita niya ang picture ni Cyrus kay Charlie.

'Girl how can I relax? He is so pogi kaya!', sabi ni Colleen.

Medyo nagulat si Colleen sa nakita niya sa ig ni Cyrus.

'OMG! CYRUS IS FOLLOWING YOU?! How?', pasigaw na tanong niya kay Quen.

'Uhh... Di ko rin nga alam e. Pag check ko kaninang morning he followed me na, and somehow I am following him too. I don't remember following him though. I must've pressed the stupid follow button on accident.', paliwanag ni Quen.

'Don't think about it too much Tintin. Can we talk about something else? Something more interesting than celebs', mahinhong sabi ni Andre.

Napatingin si Quentin kay Andre, hanggang ngayon di pa din nya gets bakit Tintin tawag nito sakanya, si Andre lang tumatawag sakanya nito. Nagtinginan naman sina Lucas, Charlie, Colleen at nagngitian.

Patuloy nilang pinag-usapan ang kani-kanilang first day sa internship. Habang sinimulan namang pag-aralan ni Quen ang script ng YAMS (You Are My Sunshine) with his blue marker. While reading the script, mas lalo siyang na-fascinate sa role ni Cyrus, a blind guy. Vera's character turns out to be a sweet innocent loving girl. 'Sobrang layo sa totoong buhay', isip ni Quen.

Dalawang oras na ang nakalipas, umalis na sina Charlie at Lucas, mag-momovie date daw. Kinailangan na din umalis ni Colleen dahil may aasikasuhin pa para sakanilang newspaper. Naiwan sina Andre at Quen sa tambayan nila. Si Quen, nag-aaral pa din ng script. Si Andre, may pinapanood sa kaniyang phone, naka-headset. Ganito silang dalawa madalas kapag sila lang ang naiiwan, walang nagsasalita, parehas kase nila mas gusto yung tahimik lang.

Medyo napagod na si Quen sa kaniyang pag-rereview ng script kaya naisip niya mag-break sandali. Kinuha niya ang phone niya at nag-check ng ig. Merong isang message.

'From: @akosicyrus007, Sorry about before.'

Nagulat si Quen. Hindi niya alam anong isasagot niya. Before? Wala namang ginawa si Cyrus sakanya kahapon? Dahil tinitigan siya nito? O baka dahil wala itong ginawa noong pinag-malditahan siya ni Vera. Magrereply ba siya?

'Huy. Ano nangyari sayo?, tanong ni Andre nang mapansin niya na medyo hindi mapakali ang kasama.

'Ahh... Wala. May weird lang na nag-message sakin on ig.', sagot ni Quen.

'Weird? How weird? Nako, don't engage na lang. People are so bored these days.', sabi ni Andre sabay suot ulit ng headset.

5:43 PM nakabalik na si Quen si dorm niya. Buti na lang nag-offer si Andre na ihatid siya pauwi gamit ang kotse nito. Hindi na siya nahirapan mag-commute. Two hours ago na mula nung nag-message sakaniya si Cyrus. Hindi pa din siya nag-rereply. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ayaw niya kaseng mag-mukhang feeling close. Ayaw din naman niyang mag-mukhang tanga o parang maangan maangan sa nangyari, pero hindi talaga siya sigurado tungkol sa kung anong ibig sabihin ni Cyrus. Matagal niya itong pinag-isipan. Finally, nakaisip din siya ng sagot.

'Hello. What do you mean before? Sorry about what?', maiksing sagot ni Quen kay Cyrus.

'Nevermind.', nagulat si Quen sa mabilis na reply ni Cyrus.

Medyo hindi nagustuhan ni Quen ang sagot ng lalaki sakaniya. Isa sa mga pinakaayaw ni Quen ay ang mga taong hindi sumasagot pag kinakausap at yung mga taong dismissive during a conversation. Ayaw naman niyang magsimula ng away dahil baka makasira ito sa internship niya. Kaya hindi na lang sumagot si Quen.

Ilang minuto pa ang lumipas, nag-message ulit si Cyrus sakaniya,

'Basta sorry.'

Lalong naguluhan si Quen.

Next chapter