Chapter 16: The Vision

Tuesday, 1:25pm, nasa Rooftop Cafeteria ng MMAI si Quen. Nagdesisiyon siya na doon siya gagawa ng mga pending niyang activities. Kailangan niyang mag-edit ng kanyang article para sa Spectator at kailangan din niya mag-research para sa Stellar Ball. Kapag kase sa dorm lang siya nag-stay malamang ay tatamarin lamang siya dahil masyadong kumportable doon lalo na’t maulan noong araw na iyon.

Habang nag-e-edit siya ng kanyang article, may tumawag sa phone niya, si Cyrus.

Quen: Hello?

Cyrus: Hi Quentin. Are you busy?

Quen: A bit. But I can talk. What’s up?

Cyrus: Tungkol sana don sa script.

Quen: Ah sige, I’ll write my personal notes and vision sa copy ko nung script then, ill email it to you na lang.

Cyrus: Hmm… I’m thinking--

Quen: Won’t that work?

Cyrus: Mas okay sana if personal natin mapag-usapan?

Quen: Personal?

Cyrus: Oo. Can we meet later? Sa Biyernes na kasi kukunan yung eksena…

Quen: Oh…

Cyrus: Busy ka ba later?

Quen: Uhm…

Cyrus: Kung busy ka, ok lang. Bukas na lang natin pag-usapan? Sa set?

Quen: Ahh. Free naman ako later.

Cyrus: Okay, good. Photoshoot lang ako ngayon, pero matatapos naman to agad. Where should I pick you up?

Quen: Uhm. No need na. Just let me know the time and location.

Cyrus: Nasan ka ba?

Quen: School, MMAI.

Cyrus: Okay, will be there around 5pm. Wait for me nalang sa main entrance?

Quen: O-okay?

Cyrus: Sounds good. See you later Quentin.

Quen: See you. Bye.

Cyrus: Bye.

Medyo badtrip pa rin si Quen kay Cyrus pero wala siyang magawa dahil ipinakiusap ni Ms. Dara sakanya na tulungan ang aktor. Ayaw man sana niya kitain si Cyrus noong araw na yon, mas ayaw naman niya na sa set pa sila mag-usap dahil alam niyang mamasamain lang ito ni Vera. Kahit gaano niya gusto lumayo sa dalawa hindi niya ito maiwasan dahil parte ito ng trabaho niya sa internship.

---

Tatlong oras makalipas mula ng tawag ni Cyrus, nandoon pa din sa Rooftop Cafeteria si Quen. Pero nai-submit na niya sa kanilang EIC ang kanyang article. Nakapag-research na din siya ng mga detalye na pinapahanap sakanya ni Ms. Dara tungkol sa ball. Dahil may ilang minute pa bago mag alas-singko, inisip ni Quen na aralin ang bahagi ng script kung saan nangangailangan ng tulong si Cyrus. Isa itong intimate scene sa pagitan ng dalawang bida, sina Cyrus at Vera. Nasa kalagitnaan ng pagbabasa Quen nang biglang dumating si Colleen.

‘Q! You’re here din pala!’, bati sa kanya ng kaibigan. Naupo ito sa harapan ni Quen.

‘Hey Colleen. Ano na?’, bati naman ni Quen.

‘Stress! Malapit na kasi deadline ng Spectator. Are you done with yours?’, tanong ni Colleen.

‘Yup. Actually kaka-send ko lang kanina ng final draft ko.’, sagot naman ni Quen.

‘I see. What did you write about nga ulit?’, muling tanong ni Colleen.

‘I wrote a movie review about ‘The Fan Girl Who Rocked My World’., sagot ni Quen.

‘Ohhh… Parang first time na Pinoy movie yung ni-review mo ah.’, sabi ni Colleen.

‘Yeah. I just figured it might help with my internship.’, paliwanag ni Quen.

‘Gets… Wait, andon si Cyrus di ba?’, tanong ni Colleen.

‘Yup. He actually is.’, sagot ni Quen.

‘What if you interview him? Tapos take photos na din. Para may ibang angle yung review mo?’, suggestion ni Colleen.

‘Uhm… Sige, I’ll try.’, unsure na sagot naman ni Quen.

‘Try lang? Eh di ba you’re always together naman?’, pag-uusisa ni Colleen.

‘Huh? Not really. I usually see him on set lang?’, paliwanag naman ni Quen.

‘Talaga? Vera told me nga kanina feeling niya you’re stalking Cyrus…’, biglang nahinto si Colleen nang ma-realize niya ang kanyang nasabi. Tila hindi niya sinasadyang mabanggit ito.

‘What? Me? Stalking Cyrus?’, medyo asar na tanong ni Quen.

‘S-sorry. I wasn’t supposed to say that?’, sabi ni Colleen sabay takip nito sa kanyang bibig.

‘What do you mean you weren’t supposed to say that? You talk about me behind my back? First of all, im not stalking Cyrus. And are you actually trying to protect Vera?’, badtrip na pag-kumpronta ni Quen sa kaibigan.

‘Please calm down… Nabanggit lang naman ni V kanina while we were catching up… You’re always following Cyrus around daw…’ paliwanag ni Colleen.

‘What? And you believe her?’, tanong ni Quen na pinipilit na ikalma ang sarili at iniiwasang sumigaw.

‘I- I don’t know…’, mahinang sagot naman ni Colleen.

‘I’m so over this…’, sabi ni Quen. At sa sobrang badtrip niya ay nag-walk out siya. Habang naglalakad siya papuntang elevator narinig niya na tinawag siya ni Colleen pero hindi niya na ito pinansin. Pag bukas ng elevator lumabas mula rito sina Charlie at Lucas. Sasakay na sana si Quen sa elevator at iiwas pero agad na sumara ang pinto nito. Kaya muli niyang pinindot ng ilang beses ang down button.

‘Quen. Oh? Sino kaaway mo? Why do you look so tensed?’, tanong ni Lucas.

‘No one.’, malamig na sagot ni Quen.

‘Pauwi ka na ba?’, tanong naman ni Charlie.

‘Yeah.’, malamig ulit na sagot ni Quen. Hindi din niya tinitingnan ang dalawa.

‘O—okay? Why are so upset?’, muling tanong ni Charlie.

‘Wala.’, maiksing sagot ni Quen.

‘You sure? Is this about Vera?’, tanong ni Charlie.

‘What about V?’, tanong naman ni Lucas.

‘So, you also know? She also told you?’, tanong naman ni Quen sabay tingin niya kay Charlie.

‘Huh? Yeah? She called me this morning…’, paliwanag ni Charlie.

‘And you also believe her?’, muling tanong ni Quen.

‘I--- I was gonna talk to you about it…’, sabi ni Charlie.

Biglang bumukas ang elevator. Sobrang badtrip na si Quen at sumakay na siya dito. Bago ito nag-sara ay tumingin siya kina Charlie at Lucas…

‘Have fun talking about me.’, sabi ni Quen. Sabay nag-sara ang elevator.

Naiiyak na sa inis si Quen pero pinipigilan niya ito. Ngayon lang yata siya nainis ng ganoon sa kanyang mga kaibigan at dahil lang ito sa taong bago lang nilang nakilala. Hindi maintindihan ni Quen bakit mas pinaniwalaan ng kanyang mga kaibigan ang mga kasinungalingan ni Vera.

Didiretso na sana pauwi si Quen kaso napakalakas ng ulan at wala siyang paying kaya hindi pa siya makaalis. Kaya nagpatila muna siya sa lobby. Habang naghihintay sa pagtila ng ulan, ilan beses din siyang tinawagan nina Colleen at Charlie pero hindi niya ito sinasagot. Hanggang sa nakulitan na lang si Quen at pinatay ang kanyang cellphone.

Inip na inip na naghihintay si Quen sa pagtila ng malakas na ulan nang biglang may narinig siyang mga naghihiyawan sa may labas ng lobby ng building. Na-curious siya kung anong nangyayari kaya lumapit siya sa may Main Entrance at doon niya nakita si Cyrus nakatayo sa harap ng kanyang sasakyan. Napapalibutan ng ilang mga estudyante na nais makipag-kamay at magpa-picture sa aktor. Dahil sa nangyari kanina ay nalimutan na ni Quen na may plano nga pala sila ni Cyrus. Inisip niyang tumakas na lang at huwag nang harapin ito pero naisip din niya na baka maka-apekto pa ito sa kanyang internship. Kaya dahan dahan siyang nakisingit sa mga estudyanteng naka-bilog sa harap ni Cyrus. Nang naabot niya ang harap ng kumpol ng mga tao, lumapit siya aktor.

‘Sorry, may tinapos pa kase ako. I lost track of time.’, paliwanag ni Quen.

‘Tinatawagan sana kita eh. Kaya lang di kita ma-contact.’, sabi naman ni Cyrus.

‘Ah, lowbat phone ko. Sorry. Let’s go?’, pag-aya ni Quen.

Hindi naman inasahan ni Quen ang mga sumunod na nangyari. Ipinagbukas siya ni Cyrus ng pinto ng sasakyan. Rinig na rinig niya ang pagbubulungan ng mga taong nakapalibot pa rin sakanila. May mga iba ding naghiyawan at may mga ibang nagpipicture at nagvivideo. Hindi naiwasan ni Quen na mamula at mahiya. Naisip niya na huwag sana umabot ang mga picture at video sa mga kaibigan at lalong-lalo na kay Vera dahil alam niyang mas pagdududahan lang siya ng mga ito.

Tahimik lang si Quen sa kotse habang focused na nag-da-drive si Cyrus. Dahil sa ulan, medyo malala ang lagay ng traffic.

‘Are you okay?’, tanong ni Cyrus.

‘Yeah, I am.’, sagot naman ni Quen.

‘Salubong kase yang kilay mo. Sino ba umaway sayo?’, pag-uusisa ni Cyrus.

‘No one. I’m really okay…’, pagsisinungaling ni Quen. Hindi siya okay.

‘Oo nga pala. Sorry ulit ah. Tungkol sa kahapon…’, sabi ni Cyrus.

‘Huh? Ako nga dapat mag-sorry. I should’ve knocked or something before I came in’, paliwanag ni Quen.

‘Eh wala lang naman kasi yun…’, sabi naman ni Cyrus.

‘If you say so. I just felt like I intruded an intimate moment of you and your girlfriend…’, dagdag paliwanag ni Quen.

‘Ang kulit naman neto. Di ba sinabi ko naman na, hindi ko girlfriend si Vera.’, mahinahong sabi ni Cyrus.

‘Hindi kayo, or hindi PA kayo?’, tanong naman ni Quen.

‘Hindi kami. Tapos.’, sagot naman ni Cyrus.

‘Really? Sabi mo eh…’, pagsuko ni Quen na paaminin si Cyrus.

Natahimik na lang ulit si Quen. Iniisip niya kung totoo ba ang mga sinasabi ng kasama niya. Kung hindi talaga sila, bakit ang init ng dugo ni Vera sakanya? Bakit pati sa mga kaibigan niya sinisiraan siya? O baka hindi pa din siya pinagkakatiwalaan ni Cyrus para pag sabihan ng totoo nilang estado ng ka-love team niya. Sino nga ba naman siya para umasang agad siyang pagkakatiwalaan ni Cyrus.

-

‘Quen… Quen…’, paggising ni Cyrus sa nakatulog niyang kasama.

‘Uh… Where are we?’, tanong naman ni Quen na wala pa sa sarili. Tumingin tingin siya sa paligid nang makita niyang nasa parking lot sila at nasa tabi niya sa kotse si Cyrus. BIgla siyang natauhan at naalala kung nasaan sila at ano ang ginagawa nila doon. Nakatulog siya sa haba ng biyahe dahil sa traffic.

Nakarating na pala sila sa condo ni Cyrus.

Pagdating nila sa unit ng aktor, nandoon ang PA ni Cyrus.

‘Cy, nakahain na yung food. Kain na lang kayo. Una na ko. Balik ako bukas ng umaga.’, sabi nito.

‘Sige Kuya Dexter. Salamat. Kumain ka na ba? Kain ka na muna…’, pag-yaya ni Cyrus.

‘Tapos na ko kumain. Sige una nako. Baka ma-traffic pauwi.’, paalam naman ng PA.

‘Okay, sige. Salamat ulit.’, sabi naman ni Cyrus.

Agad na lumabas ng unit ang PA.

‘Hindi siya dito naka-stay?’, tanong ni Quen.

‘Ah hindi. Hindi kasi non maiwan mga anak niya. Kaya uwian siya. Gustuhin ko man na dito sila patirahin, hindi kaya. Walang space. Pero sa future yun yung plano. Bibigyan ko sila ng space pag nakabili nako ng bahay.’, kwento naman ni Cyrus.

‘Ohh okay…’, yun lang ang nasabi ni Quen. Pero na-realize niya na mabait talaga si Cyrus.

‘Bihis lang ako saglit ah. Upo ka na sa dining.’, sabi ni Cyrus habang paakyat ito ng hagdan.

Naupo naman ni Quen sa dining area gaya ng sabi ng aktor. Sakto lang ang laki ng condo unit ni Cyrus. Loft type ito. Kulay gray at minimalist ang tema. Malinis din ito.

--

Tapos nang kumain sina Quen at Cyrus. Kung ano ano lang ang napag-usapan nila habang kumakain. Kung paano napunta sa You Are My Sunshine si Quen at napag-usapan din nila ang tungkol sa movie review na sinusulat ni Quen.

Nagpaalam naman sandali si Cyrus na mag-aayos muna siya. Magfe-freshen up bago sila magsimulang aralin ang script. Si Quen naman nag-tooth brush din sa kitchen sink. Lagi kasi siyang may baong sipilyo at sanay na siya nag agad na nagsisipilyo pagtapos kumain.

Naupo siya sa sofa sa living area. Habang naghihintay kay Cyrus, naalala niya ang kanyang cellphone. Binuksan niya ito. Madaming pumasok na mga messages. Karamihan galing kay Charlie. Meron din ilang galing kina Colleen, Lucas at Andre. Una niyang binuksan yung kay Andre.

Are you okay? Lucas told me about what happened. – Andre

I think I am now. Not sure. – Quen

Nagdesisiyon si Quen na huwag na lang munang basahin ang ibang mga message ng kanyang mga kaibigan dahil alam niyang mababadtrip lang siya uli. Pinatay niyang muli ang kanyang cellphone.

‘Okay ka lang ba talaga?’, tanong ni Cyrus sabay upo nito sa tabi ni Quen.

‘Yeah. Yeah. I’m okay.’, sagot ni Quen sabay malalim na hinga.

‘Sigurado ka ah?’, paniniguro ni Cyrus.

‘Oo nga. Kulit. Game.’, sagot naman ni Quen.

Sinimulan nilang basahin ang script.

‘Which part ka ba dito nahihirapan? Which line?’, tanong ni Quen.

‘Actually… Almost kabisado ko na yung lines kakaulit ulit ko siyang basahin…’, sagot ni Cyrus.

‘Oh, ayun naman pala eh…’, sabi naman ni Quen.

‘Dito ako nahihirapan, yung part na walang line. Pero kailangan kong maiparating at maipadama yung pagmamahal ko. But I can’t use my eyes. Dahil nga bulag yung character…’, paliwanag ni Cyrus.

‘Ohhh. Okay…’ sagot naman ni Quen. Napaisip din siya paano niya nga sinulat yun.

‘Gusto ko lang malaman ano naiisip mo nung isinulat mo yon. Anong motivation nung character. Anong vision mo sa scene.’, dagdag ni Cyrus.

‘Hmmm…’, sabi ni Quen. Sabay humarap siya kay Cyrus. Humarap din naman sakanya si Cyrus.

‘Close your eyes…’, sabi ni Quen. Agad namang pumikit si Cyrus. At pumikit din si Quen at nagsimula siyang magpaliwanag kay Cyrus.

‘Internalize this. You see nothing. Ever since you were born, wala kang nakikita. You don’t have any references about color, kung anong itsura mo. Anong itsura ng mga tao. How flowers look like. Wala kang idea kung ano ang panget o maganda. Madilim. Laging madilim. Then suddenly, you met this person. Unti-unti, nagkaka-idea ka kung ano yung yellow. Kung ano yung red. Dahil sa taong to, nagsimula kang magka-idea kung ano yung maganda. Hindi maganda dahil sa pisikal na katangian pero dahil sa paraan na pinaparamdam niya sayo.’, biglang naramdaman ni Quen ang kamay ni Cyrus sa mukha niya. Nakahawak ang isang kamay ni Cyrus sa pisngi ni Quen. Itinuloy naman niya ang kanyang paliwanag…

‘Dahil sakanya, nakakakita ka ng liwanag. Hindi liwanag na nakakasilaw pero liwanag sa hinaharap. Siya ang naging mga mata mo. Siya ang nagpakita sayo ng mga bagay na matagal mo nang ninanais. Paano mo ipapadama sakanya yung pasasalamat at pagmamahal na nararamdaman mo…’, nakapikit pa rin silang dalawa. Nakangiti si Quen habang iniisip niya ang kanyang mga sinabi.

Biglang napadilat ang mga mata ni Quen nang naramdaman niyang may labing lumapat sa labi niya.

Next chapter