Chapter 4: The Script and The Writers

8:00am ang call time ni Quen every taping day nila. Ayaw na ayaw niya ang nale-late kaya 7:45 pa lang nasa location na siya. This time isang bahay na malapit sa tv network ang kanilang set. Simple at old Filipino style na katamtaman lang ang laki ang bahay. Pagdating niya sa set agad siyang lumapit kay Direk Nel, ang assistant director ng show.

'Good Morning Direk Nel. How can I help po today?', bati at tanong ni Quen.

'Good Morning din naman sayo. Galing ka nanaman ng 90s?', biro ni Direk Nel. Napansin nanaman nito ang outfit ni Quen. Oversized multicolored windbreaker jacket, black shorts at white sneakers.

Napangiti na lang si Quen.

'Papakilala kita sa writers today. May writing session sila mamaya. Chill chill ka muna jan. Review ka muna ng script para mamaya sa meeting familiar ka na sa kwento.', sabi ni Direk sakanya.

Agad naghanap ng mauupuan si Quen sa loob ng bahay. Nakita niya na walang tao sa dining table kaya doon siya pumwesto. Habang nagbabasa siya, dumating si Vera kasama ang PA nito. Nagkatinginan sila kaya ngumiti si Quen. Pero hindi siya pinansin ni Vera, dire-diretso lang itong umakyat sa second floor ng bahay.

'Napaka-feeling talaga', sabi ni Quen sa sarili.

Ilang minuto pa ang nakalipas, si Cyrus naman ang dumating. Naka-sumbrero, shades at headset ito. Di siya nilingon nito at dire-diretso lang din paakyat.

Naalala tuloy bigla ni Quen ang message ng artista sakanya sa Instagram. Hindi pa rin niya gets bakit nag-su-sorry ito sakanya.

'Ah excuse me. Intern ka diba?', tanong ng isang staff ng show kay Quen.

'Yes po. Im Quentin po.', magalang na sagot ni Quen.

'Hello Quentin. Favor naman, can you bring this to Vera and Cyrus? May ginagawa pa kase ako. Script yan for the next few episodes. Thank you ah', sabi ng babae kay Quen sabay abot ng dalawang folders na may mga labels na VERA at CYRUS.

'Uhh. Ok po sige po. Saan po---', di pa tapos magsalita si Quen ng mabilis na umalis ang babae. Mukhang busy talaga siya, isip ni Quen.

Bilang nakita naman niya na umakyat ang dalawa. Umakyat na din siya. Mayroong tatlong pinto sa second floor. Una siyang kumatok sa pintong pinakamalapit sakanya. Walang sumagot kaya dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Walang tao at patay ang ilaw.

Agad niyang nilapitan ang ikalawang pinto. Kumatok siya ng marahan.

'Sino yan?', sagot ng isang babae sa loob. Kaya binuksan ni Quen ang pinto.

'Hello po. Script po.', magalang na sabi ni Quen.

'Ah akin na,' sagot ng PA ni Vera na abalang nag-aayos ng mga gamit ng aktres na habang si Vera ay kasalukuyang mine-make up-an.

Isa-isang nilalabas ng PA ang mga damit ni Vera galing sa isang maleta at ipinapatong sa kama ng kwarto.

'Good morning po. Pinapabigay lang po, script daw po.', sabi ni Quen habang inaabot ang folder sa PA ni Vera na agad din naman nitong kinuha.

'Thank you po, dito din po ba si Cyrus?', tanong ni Quen.

'Ah, sa kabilang room siya.', sagot ng PA.

'Ah ok po. Thank you po ulit.', palabas na sana siya ng pinto ng biglang...

'You're the new intern, right?', tanong ni Vera sakanya.

'Yes po. Quentin po from Manila Media Arts Institute.', mahinahong sagot ni Quen habang naka ngiti.

'I don't care where you're from. Next time wag kang bigla bigla pumapasok here in my dressing room. Ask for permission first. Paano kung nagbibihis pala ko?', mataray na sabi ni Vera habang nakatingin ito sa reflection ni Quen sa salamin.

'I'm sorry po. It wont happen again. Bye po.', mahinahon pa ring sumagot si Quen pero nagmadali siyang lumabas.

Paglabas ng kwarto, asar na asar si Quen. Halos gusto niyang sipain at suntukin ang pintuan ng 'dressing room' ni Vera. Hindi niya gets bakit ganon ang trato ng aktres sakanya. O siguro ganon lang talaga ugali nito.

Lumapit naman si Quen sa huling pinto at kumatok. Walang sumagot sakanya. Kaya gaya ng ginawa niya sa unang pinto, dahan dahan niya itong binuksan para i-check kung may tao.

Pagbukas ng pinto, hindi niya inexpect ang nakita niya.

Si Cyrus, nakahiga sa kama. Wala itong kasama. Hindi niya alam kung tulog o gising ito dahil naka-shades ang aktor.

'Good Morning po. Script po', mahinang sabi ni Quen.

'Sir Cyrus. Sir?, Script po,' pag-ulit niya.

Hindi ito sumagot. Baka tulog, mamaya ko na lang kaya ibigay? Gisingin ko kaya? Iwan ko na lang kaya dito', isip niya. Nakita ni Quen ang isang maliit na mesa sa kabilang gilid ng kama. Naisip niya na iwan na lang doon ang folder na naglalaman ng script.

Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at lumapit sa mesa. Inilapag niya ang script dito.

Hindi naman naiwasan ni Quen na mapatitig sa natutulog na aktor. Himbing na himbing ang tulog nito.

'Kawawa naman. Pagod na pagod siguro,' bulong ni Quen sa sarili. Bigla din niya naisip kung ano bang ihinihingi nito ng tawad sakanya. Kung tungkol ito kay Vera, na wala siyang ginawa para pigilan ang aktres nung malditahan siya nito nung Lunes, wala naman siyang kasalanan don. Si Vera naman yung nag-sungit.

'Okay na yon. Wala yon.', mahinang sabi ni Quen kay Cyrus. Di niya namalayan na napaupo na pala siya sa kama kakaisip.

'Wala? Anong wala?', naalimpungatan sabi ni Cyrus na ikinagulat ni Quen.

Dahil sa pagkabigla, nahulog si Quen sa sahig mula sa kama.

'Ahhh. Sir. Uhm script po.', aligagang sagot ni Quen habang nakaupo pa rin siya sahig.

'Uy. Dahan dahan! Masakit ba?,' nagulat din si Cyrus sa pagkahulog ng lalake sa kama. Agad siyang tumayo at inabot ang kanyang kamay upang tulungan itong tumayo.

'Sir okay lang po ako Sir.', sagot ni Quen na mabilisang tumayo. Hindi niya kinuha ang kamay ng aktor dahil nahiya siya dito. Namula ang mga pisngi ni Quen. Magkaharap na nakatayo ang dalawang lalaki at muling nagkatitigan.

'Tawag na ba ko sa baba?', pagbasag ni Cyrus sakanilang pagtititigan.

'Uh, not yet po.', kinuha ni Quen ang script mula sa mesa at inabot ito sa aktor.

'S-script po. For the next... episodes daw... po.', medyo putol putol na sabi ni Quen, at this time, hindi siya makatingin sa aktor. Di niya alam bakit bigla siyang nahiya dito. Dahil ba sa pagkakahulog niya sa kama o dahil sa lapit nila sa isa't isa ngayon.

'Ah ok. Thank you, Quentin.', agad na kinuha ni Cyrus ang script at ngumiti kay Quen.

'Welcome po. Una na po ako Sir.', dali-daling naglakad si Quen para lumabas sa kwarto.

'Hey Quentin.', pagtawag ni Cyrus.

'Ah, yes po Sir Cyrus?', agad na sagot si Quen sabay paglingon pabalik sa aktor.

'Wag mo na ko i-Sir. Cyrus na lang.', nakangiting sabi ng aktor.

'Ahhhh, ok po C-cyrus. I'll go ahead na po', sabi ni Quen bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagkalabas niya, mabilis siyang bumaba para bumalik sa kanyang pwesto sa dining table. Di pa din niya alam bakit siya kinabahan at nahiya kausap ni Cyrus. He is usually confident around people. Kahit na quiet type siya, when it comes to tasks that involve talking to people, he can do his job well.

Pagbalik niya sa dining room, may mga tao nang nakaupo dito.

'Sakto! You're here na. San ka ba galing?', tanong ni Direk Nel sakanya.

'Ah naghatid lang po ng script kina Ms Vera and Sir Cyrus.', sagot ni Quen.

'Okay. Anyways, I'd like to introduce you to the creative team of YAMS. Everyone this is Quen, he is our new intern. Ibinilin sakin to specifically make him work under the writing team', paliwanag ni Direk Nel.

'Quen, this is Harry and Tina, they are our writers. And this beautiful creature right here is Dara, our head writer.', pagpapakilala ni Direk Nel.

'Hello po. Good Morning. I'm Quentin po from MMAI. Nice meeting you po!', pagbati ni Quen sa mga ito.

Biglang tumayo ang headwriter ng show at poise na poise na hinubad ang suot nitong reading glasses.

'Paano mo nasabing nice meeting us? Paano kung masama pala ang ugali ko, ang ugali namin?!', masungit na sabi ni Ms. Dara kay Quen.

Nagulat si Quen sa sinabi ng headwriter sakanya. Bigla siyang kinabahan.

Fuck. What have I gotten into? Bakit ang iinit ng ulo ng mga tao dito?, isip ni Quen.

Next chapter