Chapter 9: The House Party Crasher

Nagulat sila nang biglang umingay sa may living area. Kaya lumapit sila dito.

'What the fuck is she doing here?', tanong ni Quen sa sarili.

Si Vera. Nakikipag-dance show down kay Colleen sa gitna ng living room. Chini-cheer sila ng mga tao sa paligid nila. By this time, madami dami na ang tao sa condo ni Lucas, kung kanina nasa 9 lang sila, ngayon mga nasa dalawampu na sila doon.

Si Colleen, enjoy na enjoy sa pakikipag-sayaw kay Vera.

Si Lucas at Charlie, di niya makita. 'Nasaan nanaman kaya yung dalawa?', isip ni Quen.

'Kuha lang ako beer. Ikaw? You like anything?', tanong ni Andre sa kanya.

'One glass ng rhum-coke please. Thanks.', nakangiting sagot ni Quen.

'Are you sure? Kaya mo pa ba?', concerned na tanong ulit ni Andre.

'Yes Dre. I'm sure. Okay pa ko no.', sagot ni Quen.

Habang nag-sasayawan yung iba, umupo si Quen sa floor, kaharap ng malaking bintana. Lalo siyang nawalan ng gana sa party sa pagdating ni Vera.

'Bakit mag-isa ka dito?, Di mo trip sumayaw?', biglang tumabi sakanya si Cyrus.

'Dancing's not my thing. Actually, party's aren't really my thing.', sagot ni Quen na nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

'Ah. Parehas pala tayo. Kaya pag may mga production number minsan na kailangan sumayaw, napipilitan lang talaga ko. No choice eh...', sabi naman ni Cyrus.

'Paturo ka kay Vera. She looks like she knows what she's doing.', sabi ni Quen.

'Nako. Walang patience yon para magturo.', natatawang sagot naman ni Cyrus.

'I just have to ask... Napag-usapan niyo na ba ko ni Vera ever?', curious na tanong ni Quen sabay lingon kay Cyrus.

'Ha? H-hinde. Hindi pa... naman...', sagot ni Cyrus pero di ito makatingin kay Quen.

'Oh ok... Whatever...', kibit balikat namang sabi ni Quen.

'Bakit mo naman natanong?', balik tanong ni Cyrus.

'Wala lang naman. Baka lang kase may nasabi sayo si Vera about me... I just don't get why your girlfriend is so mean to me... Tapos ininvite mo pa dito.', sagot naman ni Quen na may konting attitude. Dala din siguro ng alak.

'Huh? Wala naman siya nasabi... Also--', di pa tapos sumagot si Cyrus nang bumalik na bigla si Andre.

'Tintin, here's your drink na.', tumabi din si Andre sa kabilang gilid ni Quen.

Agad naman kinuha ni Quen ang rhum-coke at ininom ito. Halos nangalahati niya ang baso sa isang inuman.

'Hey... Slow down.', paalala ni Andre.

'As I was saying... Di ko—', nagsasalita pa si Cyrus pero pinutol agad siya ni Quen.

'You know what? I actually don't care. I just don't get her. And honestly, I don't get you too...', mas sassy ngayon ang mga pananalita ni Quen.

Natahimik naman si Cyrus.

'Is he bothering you?', tanong ni Andre kay Quen.

'No bro. Im not bothering him. We're just talking', sagot naman ni Cyrus kay Andre.

'Don't bro me, bro.', sabi ni Andre kay Cyrus.

'What's your problem dude?', tanong ni Cyrus kay Andre.

Biglang tumayo yung dalawa at nagtinginan.

'I don't have a problem. Dude.', sagot naman ni Andre.

Bigla naman dumating sina Lucas at Charlie.

'Hey, what's happening here?', tanong ni Lucas.

'Eto pare eh. Init ng ulo. Nag-uusap lang naman kame ni Quentin.', paliwanag ni Cyrus.

'Nag-uusap lang? He's obviously upset with what you're talking about?', sabi naman ni Andre.

'Q? You alright?', tanong naman ni Charlie sa bestfriend niya.

'Yeah. I am okay. You know what? Ang o-OA niyo.', sabi ni Quen. Sabay walk out. Nagtungo siya sa living room. Sinundan lang siya ng tingin nung apat.

Pag-upo ni Quen sa sofa sa living room. Nag-vi-videoke sila. Sakto pa, si Vera ang naabutan niya. Kumakanta ng You Are My Sunshine na version ni Moira.

'The hell. Pag minamalas ka nga naman. Ito pa talaga si girl naabutan ko. Yan pa kinanta. How predictable', isip ni Quen.

Naka-97 na score si Vera. Palakpakan yung mga tao.

'Thank you. Thank you.', pasasalamat ni Vera, na para bang nasa Araneta Coliseum siya.

'Okay, now. I'd like to challenge someone to beat my score...', patuloy ni Vera.

Sigawan naman yung mga tao. 'Challenge! Challenge! Challenge!'

'I would like to challenge... our new intern, Quen!', sabi ni Vera sa mic.

Nagulat naman si Quen. Usually at times like this, tatanggi siya. Dahil sa social anxiety niya. Pero for some reason, tumayo siya at inagaw ang mic kay Vera. Di niya alam kung dahil ba gusto niya matalo si Vera o, dahil ulit sa impluwensiya ng alak.

Nagsimula na ang tugtog. Nagulat sina Charlie, Colleen, Andre at Lucas sa song choice ni Quen. Very unexpected for him yung pinili niyang kantahin.

Heto ako ngayon, nag-iisa

Naglalakbay sa gitna ng dilim

Lagi na lang akong nadarapa

Ngunit heto, bumabangon pa rin~

Lumapit sa living area yung apat na iniwan niya sa gilid kanina.

Hindi talaga naiwasang magulat ng kanyang mga kaibigan.

Si Cyrus, na-amaze sa boses ni Quen. Si Vera, umiikot ang mga mata.

Heto ako, basang-basa sa ulan

Walang masisilungan, walang malalapitan

Sana may luha pa akong mailuluha

At nang mabawasan ang aking kalungkutan~

Bata pa lang si Quen, mahilig na siyang kumanta. Hindi niya lang ito masyado pinaparinig sa iba dahil nahihiya siya. Tingin niya, hindi naman siya ganon kagaling kumanta. Hindi man siya ganon kahilig sa mainstream at opm music, he is a cultured kid. Mahilig siyang manuod ng theatre plays at isa sa mga naging paborito niya ang 'Rak of Aegis'. At tumatak sakanya ang kantang Basang-basa Sa Ulan dahil feeling niya nakaka-relate siya sa lyrics nito.

Dumi at putik sa aking katawan

Ihip ng hangin at katahimikan

Bawat patak ng ulan at ang lamig

Waring nag-uutos upang maglaho ang pag-ibig~

Hindi naman nagulat ang kanyang mga kaibigan sa ganda ng boses niya. Ilang beses na din nila itong narinig pag sila sila lang. Ang kanilang ikinagulat talaga ay yung kanta. Never nila naimagine si Quen na nakikinig at kumakanta pa ng Aegis songs. Di naman napigilan ni Andre na i-video ang kaibigan.

Heto ako, basang-basa sa ulan

Walang masisilungan, walang malalapitan

Sana may luha pa akong mailuluha

At nang mabawasan ang aking kalungkutan~

Titig na titig at manghang-mangha si Cyrus kay Quen. Damang dama niya yung pag-awit nito. Ngayon lang din niya na-realize, nakaka-relate siya sa kanta. Dahil nadin siguro sa kakaibang version ni Quen sa kanta. Hindi ito pa-birit na kinanta ni Quen. Mas soulful ang dating.

Ang aking kalungkutan

Ang aking kalungkutan

Ang aking kalungkutan~~

99 ang score ni Quen. Palakpakan ang mga tao.

'Bestfriend ko yan!', sigaw ni Charlie.

Bigla naman tumingin si Quen kay Vera. Nginitian niya ito sabay mabilis na angat ng dalawang balikat. Tapos tinalukaran niya ito at lumapit sa mga kaibigan.

'Ikaw ah! Aegis fan ka pala. How did I not know that?', pabirong sabi ni Lucas kay Quen.

'Oo nga. Bakit mo alam yung song na yon? Eh di ba Indie kid ka?', pang-aasar ni Colleen.

'Rak of Aegis. Duh? Haha. Ayaw niyo naman kase ko samahan when I watch stage plays...', sagot ni Quen.

'Giiirl. F na F mo yung song ahhh. Iba talaga pag may lovelife.', si Charlie naman ang nang-asar.

'Hoy hoy. There you go again. Lovelife ka diyan.', sabi naman ni Quen.

'Ay oo nga pala. Lovelives! Ayieeee', sabay na hirit nina Charlie at Colleen.

'Walang lovelife yan si Tintin no.', biglang singit naman ni Andre.

'Hoy, ikaw. Ano pala yung kanina? Parang mag-sasapakan na kayo ni Cyrus?', tanong ni Charlie kay Andre.

'Ah yon? Wala yon? Binadtrip kase si Tintin ee.', depensa naman ni Andre.

'Bakit ba? Ano ba sinabi sayo?', pag-uusisa naman ni Lucas kay Quen.

'Wala. Wala. Never mind that. I'm over it.', sagot ni Quen.

'GUUUUYYYYYSSS! Let's cheers!', biglang sigaw ni Vera habang may hawak na bote ng champagne.

Lumapit naman sila dito.

'To new friendships!', muling sigaw ni Vera. Bigla nitong shinake ang bote at nagsimulang mag-spray ang alak mula rito. Hindi sure ni Quen kung sinadya ito ni Vera pero sakanya nakatutok ang bote kaya naman pagtapos magtalsikan ang alak, basang-basa si Quen, lalo na ang mukha niya.

Napatitig siya ng masama kay Vera. Natahimik ang lahat.

'Omg. Im so sorry Quen. I didn't mean it.', sabi ni Vera sakanya.

Nag-walk out na lang si Quen. Hindi niya alam saan siya pupunta kaya naglakad na lang siya papunta sa isang kwarto. Habang nag-lalakad, narinig niya si Vera, 'Heto ako, basang basa sa ulaaaan', sabay tawa. Nag-tawanan din naman ang mga tao doon at balik party muli sila.

Biglang may humawak sa braso niya...

'Quentin, okay ka lang?', si Cyrus.

'Yeah. I'm okay. Super okaaaaay.', sarcastic na sagot ni Quen.

'Sorry. Pag-pasensyahan mo na si Vera.', sabi naman ni Cyrus.

'I'm sure she didn't mean it. Like what she said. Just next time, don't invite your girlfriend to me and my friends' stuff... She hates me. Okay? I think it would also be better if you two stay away from me. Let's just be professionals at work.', sabi ni Quen ng walang emosyon. Inalis niya ang kamay ni Cyrus sa braso niya at diretso pasok sa kwarto.

Agad naman siya sinundan ng kanyang mga kaibigan sa loob ng kwarto.

Next chapter