Chapter 13: The Morning After

Mahimbing ang pagtulog ni Quen nang bigla itong maistorbo ng pag-ring ng kanyang cellphone. Nakapikit niyang kinapa at hinanap ang kanyang phone at saka ito sinagot...

Quen: Hello?

Colleen: Hello. Q!

Quen: Who's this? (Antok na antok pa din na tanong ni Quen)

Colleen: Colleen. Andito na kame sa labas ng room mo.

Quen: Huh? Anong oras na ba?

Colleen: 9:30 na girl.

Agad na binaba ni Quen ang cellphone at bumangon mula sa sahig. Madali siyang naglakad papunta sa pinto. Pagbukas niya, kumpleto ang kanyang mga kaibigan, Colleen, Charlie, Lucas at si Andre.

'What are you guys doing here? Ang aga aga pa.', tanong ni Quen sa mga kaibigan. Halatang tulog pa ang diwa nito at gulo gulo pa ang buhok.

'This was your idea di ba? Sabi mo sabay sabay tayo gagawa ng initial internship report for Maám Merado. Also, you're usually up by 8am. Puyat ka ba kagabi? What did you do?', pag-uusisa ni Charlie sa kaibigan habang nasa labas pa din ang mga ito habang nasa loob si Quen ng pintong nakabukas ng kalahati.

Nakalimutan ni Quen ang tungkol sa paggawa nila ng report masyado siyang na-carried away sa mga kaganapan kahapon.

'Aren't you gonna let us in?', tanong naman ni Lucas.

'Sorry, sorry. Pasok.', sabay pagbukas ni Quen ng buo sa pinto at pagpapasok sa mga kaibigan.

Isa isa naman silang pumasok.

'Oh my god.', pabulong pero gulat na sabi ni Colleen na ikinagulat rin ni Quen. Saka siya napatingin sa kanyang kama, at nandoon pa din mahimbing na natutulog si Cyrus. Biglang nagising ang diwa ni Quen.

'What is he doing here? Why is he sleeping on your bed?', pabulong na tanong ni Charlie kay Quen.

'I-- I-- can explain.', mahinang sabi ni Quen pero medyo may panic sa boses nito.

'You slept on the floor?', medyo badtrip na tanong naman ni Andre sabay turo nito sa pinaghigaan ni Quen.

'Yup. I did. It was my idea...', sagot naman ni Quen.

Sabay-sabay na nakatingin ang kanyang mga kaibigan sa kanya. Si Colleen, confused. Sina Charlie at Lucas, nakangiti habang hindi naman maipinta ang mukha ni Andre.

'Settle in guys. Wait lang...', paalam ni Quen sa mga kaibigan at saka siya pumasok sa CR para mag-hilamos at mag-sipilyo. Hindi alam ni Quen ang kanyang gagawin. Medyo nainis siya sa sarili dahil hindi niya naalala na meron nga pala silang usapan ngayon sabado ng umaga. Gigisingin niya ba si Cyrus para paalisin? Paano niya ipaliliwanag sa kanyang mga kaibigan ang nangyari? Okay lang ba na ikwento niya sa mga kaibigan ang nangyari, eh hindi naman sakanya ang problema para ikwento ito sa iba. Lahat ng yan sabay sabay na tumakbo sa isip ni Quen.

Paglabas niya ng CR, nasa labas ng pinto si Charlie at nakaabang sa kanya...

'What is happening here Quen?', pabulong na tanong ni Charlie sa bestfriend niya.

'I'll explain later... Everything's okay. Nothing happened.', defensive na sagot naman ni Quen.

'Sigurado ka? Okay ka lang ah?', concerned na tanong ni Charlie sabay pisil nito sa balikat ng kaibigan.

'Yes Cha. Okay lang talaga. Sorry I forgot about our plans.', sabi naman ni Quen.

Nakaupo na sa floor sina Colleen at Andre na sabay na nagse-set up ng kanilang mga laptop. Si Lucas naman nakaupo sa kama at kausap na ang gising na si Cyrus na nakaupo na din sa kama. Lumapit naman sina Charlie at Quen sa kanila.

'Anong like niyo for breakfast guys?', tanong ni Quen.

'Pa-kape ka naman girl.', sabi ni Colleen.

'I don't think I have coffee here... Pero there's a coffee shop na near. You guys stay here, i'm gonna go get us food lang...', sabi naman ni Quen.

'Samahan na kita.', pag-offer ni Andre.

'Okay.', sabi ni Quen sabay lakad nito palabas ng kwarto.

Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad papunta sa coffee shop. Medyo na-wirdohan din si Quen dahil tensed at hindi pa rin ngumingiti si Andre. Usually kahit madalas tahimik ito, kalmado lang ang mukha nito at pala-ngiti. Isang kanto lang and coffee shop mula sa dorm ni Quen. Dahil siguro sabado ng umaga, wala halos tao sa loob nito kaya mabilis silang naka-order. Si Andre ang nagbitbit ng mga coffee habang si Quen naman ang may dala paper bag na naglalaman ng ilang pastries. Tahimik lang din sila ulit habang naglalakad pabalik ng dorm. Habang umaakyat na sila sa hagdan...

'Bakit sa floor ka natulog?', tanong ni Andre.

'Uhh? It was my idea. I don't actually know how to explain?', sagot naman ni Quen.

'He's the visitor. Siya dapat nag-adjust. Hindi ka dapat niya hinayaan matulog sa floor.', medyo inis pero kalmadong sabi ni Andre.

'Please don't make a big deal out of it. It really was me who insisted to sleep on the floor. Wala namang masakit sa'kin ngayon, so I guess okay lang naman my sleep last night?', mahinahong sagot naman ni Quen.

'Bakit ba kasi siya andito?', tanong ni Andre. Malapit na sila sa pinto ng room ni Quen.

'I'll explain later. Are you mad?', tanong ni Quen na huminto sa paglalakad at nilingon si Andre na nasa likod niya.

'Sa'yo? Hindi. I'm not mad at you Tin.', sagot naman ni Andre na nakatitig kay Quen.

'Okay. Just asking...', sabi ni Quen at saka siya naglakad ulit. Nang bubuksan na niya ang pinto muling nagsalita si Andre.

'Pero kay Cyrus, oo.', mahinang sabi nito.

Narinig ito ni Quen pero hindi niya alam paano mag-rereact kaya hindi na lang niya muna iyon pinansin at saka niya binuksan ang pinto at unang pinapasok si Andre dito bago siya.

Sa loob ng kwarto, nasa kama sina Lucas at Charlie, si Colleen naman nasa sahig pa din, nakatutok ang tatlo sa kani-kanilang mga laptop. Si Cyrus naman ay nakaupo na sa couch at nakapag palit na ito sa kanyang damit na suot niya kahapon.

Inilapag naman nila Quen at Andre ang kanilang mga biniling agahan sa study table ni Quen.

'Kain na kayo guys. I bought some bread and stuff.', kanya kanyang kuha na ang kanyang mga kaibigan.

'Dude, tara. Coffee.', pag-aya ni Lucas kay Cyrus. Agad namang tumayo si Cyrus, lumapit siya sa mesa at kumuha ng kape at tinapay. At saka sila nagsibalikan sa kanilang mga pwesto. Si Quen, umupo sa dulo ng kanyang kama at pinaandar rin ang kanyang laptop. Tumayo naman si Colleen at lumapit kay Cyrus.

'Hi. Buti wala kang taping or sched today?', tanong ni Colleen sa artista.

'Ahh. Actually, I have somewhere to be at around lunch time. Alis na din ako maya maya.', sagot naman ni Cyrus.

'Ohh I see... Uhm...', sabi naman ni Colleen na may itatanong pa sana pero nakita niya si Quen na sinesenyasan siya na wag na magtanong at mag-usisa.

'Kayo? Mukhang busy ah? Dami ba requirements?', tanong naman ni Cyrus kay Colleen.

'Huh? Ah, eh. Not naman madami. May kailangan lang kaming sagutang questions regarding our internship experiences. Eh super bihira na kami magkita-kita kaya Quen had the idea to do it together.', paliwanag ni Colleen.

'Ah ganon ba. Baka nakakaistorbo na ko. Mauna na din ako.', sabi naman ni Cyrus.

'Uy hindi. Okay lang. You can stay.', sabi ni Charlie.

'Uuwi pa kasi ako and get ready. Baka ma-late ako sa meeting ko mamaya...', paliwanag naman ni Cyrus.

'You sure dude?', tanong naman ni Lucas.

'Oo. Sige, una na ko ah. Bye sainyo. Quen, thank you', paalam ni Cyrus sabay pagtayo nito at paglapit sa pinto.

'Wait...', sabi ni Quen sabay tayo at sunod niya kay Cyrus. Sumama siya sa paglabas nito ng pinto at sinamahan niya maglakad si Cyrus papunta sa hagdan.

'Are you gonna be okay?', nag-aalalang tanong ni Quen. Hindi pa din siya kampante na hayaan mag-isa si Cyrus.

'Yes. Okay lang ako. Sobrang thank you.', nakangiting sabi ni Cyrus at saka niya niyakap si Quen.

Hindi rin napigilan ni Quen ang sarili at napayakap din siya kay Cyrus.

'Promise me you'll not do anything stupid. Okay?', sabi ni Quen habang nakayap pa din.

'Promise.', sagot naman ni Cyrus saka siya bumitaw sa pagkakayakap.

'Sige na, balik ka na don. Hinihintay ka na ng friends mo.', nakangiting sabi ni Cyrus kay Quen.

'Update me, okay?', nag-aalalang bilin ni Quen kay Cyrus saka siya naglakad pabalik sa kanyang kwarto.

Pagpasok niya ng kwarto, sabay sabay na tumingin ang kanyang mga kaibigan sa kanya.

'Well...', sabi ni Charlie na tila naghihintay sa paliwanag nang kanyang kaibigan.

Naupo sa couch si Quen at saka nagsimulang mag-kwento...

'Promise me guys, secret lang ah...', pasimula ni Quen.

'Non-judging breakfast club remember?', paalala naman ni Colleen sabay kagat nito sa hawak niyang donut.

'He had a breakdown on set kasi yesterday. Nawala siya from the taping bigla and the staff had to look for him. I found him somewhere else inside the university where we were taping. I got worried when I saw him so upset and helpless. He wanted to get out of there so bad, di ko naman maiwan mag-isa kasi who knows what he can do alone. He said he wanted to be somewhere quiet. Kaya ayon, sinama ko na lang siya dito... Since this is the quitest place I know.', paliwanag ni Quen.

'Omg. Baka nag-break na sila ni Vera?', exaggerated na pag-aalala ni Colleen.

'I don't think so...', sabi naman ni Quen. Hindi pa rin siya sure kung totoo ang sinabi ni Cyrus kagabi na hindi naman talaga sila.

'So... magaling ba?', pabirong tanong ni Lucas. Bigla naman napalingon si Andre kay Quen.

'Shut up Lucas. Nothing else happened. We ate dinner here and slept. Separately. Period.', kalamado namang sagot ni Quen.

'Wehhhhhh. Talaga lang ah?', patuloy na pang-aasar ni Lucas.

'Ayiiieeehhhh. Kunyare pa siya...', dagdag naman ni Colleen.

'Sherep behhh?', pagsali naman ni Charlie sa panunukso. Tumatawa lang at todo tanggi si Quen.

Nagtatawanan at nag-aasaran silang apat nang biglang...

'Are we gonna do this report or what!', seryosong sabi ni Andre na nagpatahimik naman sa kwarto.

-

Matapos basagin ni Andre ang asaran, seryoso na nilang tinapos ang kani-kaniyang report tungkol sa internship. Hapon na nang matapos nila ito. Naisip nilang ituloy ang bonding sa condo ni Lucas, pero this time, silang lima lang. Wala nang ibang bisita. Sabay sabay sila papunta doon sakay ng kotse ni Lucas. Habang nasa biyahe. Hindi maiwasan ni Quen na mag-aalala dahil wala pa din update sakanya si Cyrus. Naka-ilang message na siya sa Instagram nito pero hindi ito active. Wala naman siyang number nito kaya hindi niya matawagan. Ni hindi niya alam kung naka-uwi na ba ito. Nang biglang may tumawag kay Quen, number lang. Kadalasan, hindi sumasagot si Quen ng tawag pag number lang at hindi niya kilala pero naisip niya na baka si Cyrus ito kaya sinagot niya ang tawag.

Quen: Hello?

Caller: Hello Quentin. Ms. Dara ito.

Quen: M-miss Dara. Napatawag po kayo...

Ms. Dara: Yes dear. May event kasi ang network soon, I need to make a team to help write the script for the event.

Quen: Ahh... How can I help you po?

Ms. Dara: I want you to be a part of the team sana, are you down?

Quen: Yes po. Sure po. What event po ba to?

Ms. Dara: Okay good. It's the annual Stellar Ball.

Quen: Stellar Ball?

Ms. Dara: Yes. It's a ball where all the celebs from our network attend to support a cause. We'll have a meeting this coming week. Update kita.

Quen: Okay po. Thank you for considering me to be a part of the team.

Ms. Dara: Don't thank me just yet. Mag-patunay muna. Hahaha. Bye.

Quen: Okay po. Bye.

'OMG. Pupunta kang Stellar Ball?', excited na tanong ni Colleen.

'I'm gonna be on the writing team. I don't know if that actually means I get to attend.', sagot naman ni Quen.

'I'm gonna be there too, we are covering it.', sabi naman ni Andre.

'Wow! Good luck guys! So proud of you.', excited din na sinabi ni Charlie.

-

Nakadating na sila sa condo ni Lucas. Nanuod sila ng movies, kumain at nagkwentuhan. Gumabi na din. Wala pa din update mula kay Cyrus.

Next chapter