LOST STAR

Prologue

Katatapos lang ng interview ni Quen sa isang TV Station para sa kanyang internship.

Pangarap niyang makapag-intern sa pinakamalaking TV Station sa bansa, kasing laki ng pangarap niyang maging writer. Medyo confident si Quen dahil naging maayos ang kanyang interview, pero siyempre may kaba pa din dahil dalawang linggo pa ang kailangan niyang hintayin bago malaman kung nakapasa siya.

Dahil sa kaba niya sa interview, kinailangan niya mag banyo. Kaya naman naghanap siya ng pinakamalapit na CR. Dahil di niya kabisado ang building medyo nahirapan at nawala siya. Hanggang sa nakahanap siya ng isang CR sa isang madilim na area sa floor na yon. Medyo natakot siya pero talagang ihing ihi na siya. Dali dali siyang pumasok sa CR at sa isang cubicle.

Ginhawa. Habang nagsasara ng zipper, nagulat siya ng biglang kumalabog ang pinto ng CR. Dahan dahan niyang binuksan ang cubicle kung nasan siya at sinilip niya kung sino yung pumasok. Nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa sahig ng banyo, nakasandal sa pinto ng kabilang cubicle, nakayuko at ang mukha nito ay natatakpan ng kanyang buhok. Medyo humihikbi ang lalaki.

'Uhh Sir? Ok lang po ba kayo?', tanong ni Quen.

'Sir?', muli niyang tawag.

'Leave me alone', mahingang sagot ng lalaki.

'Ok lang po ba kayo? May masakit po ba sainyo? Samahan ko po kayo sa clinic?', muling pag-usisa niya.

'I said leave me the fuck alone!', sagot ng lalaki sakanya, nakayuko pa din ito.

Nagulat si Quen. Pero dahil natural sakanya ang pagiging maalalahanin lumuhod siya harap ng lalaki at inbutan niya ito ng panyo. Pero hindi pa din gumalaw ang lalaki kaya iniwan niya na lang ang panyo sa tabi ng lalaki. Tumayo si Quen at madiling naghugas ng kamay bago siya tuluyang lumabas at umuwi.

-----

Chapter 1 Preview:

Mag-isang sakay si Quentin ng isang van. Kinakabahan nanaman siya dahil unang araw niya, on location agad siya. At panigurado maraming tao doon. Quen has always been the type na hindi gaano kumportable sa mga matataong lugar or event. On the other hand, excited din siya dahil finally mae-experience niya na ang mag-trabaho sa totoong media platform.

Makalipas ang isang oras dumating sila sa isang malaking university. Malapit lang naman yung location pero inabot sila ng isang oras dahil sa traffic. Ibinaba siya ng driver sa harap ng malaking sports field. Sa hindi kalayuan nakita niya ang ilang tent at mga camera sa isang bahagi ng field. Lumapit siya sa isang kumpol ng mga tao na kumakain sa isang mesa na malapit sa mga tent at hinanap niya si Mr. Nel.

'YESZS? THAT'S ME. NEEEEEEL. What can I do for you?' nagulat si Quen sa malakas at napaka-energetic na sagot sakanya.

'Hello po, I'm Quentin po from Manila Media Arts Institute, bagong intern po,' sagot naman ni Quen.

'Oh ikaw pala yon? Saan ka galing?', tanong sakanya.

'Uh? Sa office po ng BGBTV. Bakit po?, tanong naman ni Quen.

'Ahh... Akala ko galling ka sa 90s.' sarcastic na sabi ni Nel, sabay tawanan yung mga kasama nila sa mesa.

Bigla siyang napatingin sa outfit niya, naka-colorful printed long sleeves, blue jeans at converse shoes.

'Oy charot lang. Haha. Cute nga e.' sabi uli ni Nel.

'Okay lang po.' Sagot naman ni Quen habang naka-ngiti ng medyo pilit.

Isa-isang pinakilala ni Nel yung mga tao sa table. Wala siya masyadong natandaan.

'And ako naman si Nel, Direk Nel. Im the AD of the show. Welcome to our show.'

'Welcome to YOU ARE MY SUNSHINE', sabay sabay na sigaw ng mga staff ng show sakanya.

'Thank you po! Ill do my best po during the internship,' sagot naman ni Quentin habang pinipigilan nyang tumawa. Natatawa siya sa ka-cornihan ng title ng show.

Next chapter