Chapter 9 - I'm Here

"Wala na si mama. Anong gagawin ko?!"

Walang ibang maririnig sa buong bahay kundi ang mga palahaw ni CK. Palakas ito nang palakas hanggang sa nagiging sigaw na ito.

Awang-awa ako sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. Naiiyak na rin ako kaya napatingala na lang ako sa kisame, pilit na nilalabanan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Wala akong mahanap na salita para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Sadya namang masakit mawalan ng taong minamahal. Ganitong-ganito rin ako noon nang mawala sa amin si daddy. Para na rin akong pinapatay noon dahil sa labis na sakit. Laking pasalamat ko na lang na nasa tabi ko lang si mommy. Siya ang naging lakas ko ng mga panahon na 'yon.

Kaya ngayon, nandito ako para kay CK. I'm willing to lend my strength to her and I'm willing to share with her pain.

"Mag-isa na lang ako...iniwan na niya ko!" she mumbled as she choked on her sob.

Hinagod-hagod ko ang likod niya dahil nahihirapan na siya huminga. She looked so vulnerable right now. Malayong-malayo sa CK na puro kalokohan ang alam at palagi lang nakangiti sa akin.

Gano'n pala talaga. Lahat talaga ng tao, may mga breaking points. Kahit gaano ka pa kalakas o katapang, may mga pagkakataon pa rin na magiging mahina ka.

CK's the bravest girl I've ever met. I never thought that one day, I would see her like this, broken and in deep pain.

"Shh. You're not alone. We're here. I'm still here. Hindi kita iiwan," I whispered softly and sincerely. Tumulo na rin ang luha sa mga mata ko pero mabilis kong pinunasan 'yon.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni CK dahil sa walang tigil na paghagulgol niya. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin na lang siya ng mahigpit. Ang iparamdam sa kanya na handa akong damayan siya.

Hindi ko na alam kung gaano katagal na ba siyang umiiyak sa mga bisig ko. Hinayaan ko lang siya na ibuhos niya sa akin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pagkaraan ng halos isang oras, nakatulog na rin si CK dahil sa pagod. Natatakot akong gumalaw dahil baka magising siya kaya nanatili kaming nasa gano'ng posisyon. Nakasalampak sa sahig habang yakap ko siya.

Maingat kong hinawi ang iilang buhok na tumatabing sa mukha niya para mapagmasdan ko siya. My heart wrenched at the sight of tears. Even in her sleep, she's still crying. Marahan kong pinunasan ang luha na naglalandas sa pisngi niya gamit ang kamay ko. Bawat dampi ng daliri ko ay marahan lamang dahil ayokong maistorbo ang tulog nito. Mukha kasing wala pa siyang maayos na pahinga.

"Clio?" I heard Belle's footsteps and when I saw her entering CK's room, I quickly put my forefinger on my lips asking her not to make a sound.

"Tulog na siya?" she asked whispering and I nodded at her.

She went to my aid and together, we carefully laid CK on her bed trying not to wake her up.

"How is she?" Belle asked, her eyes dripping with worry. She really cares for her cousin so much.

"She's been crying for hours but I think mas mabuti na 'yon kasi nailabas na niya kahit paano," I answered not averting my gaze to CK.

"Thank you pala, ha. I'm really glad that you're here."

I turned to Belle and hold her hand gently. "If you guys need anything, just tell me. I will gladly help."

"Wala na. Okay na ang lahat," she smiled. "Oo nga pala, umuwi na si Yvette. Ikaw ba?"

I shook my head. "Nagpaalam ako kay mommy kanina. I can stay here kahit anong oras."

"Gano'n ba? Sige, balik na ko ulit do'n. Chineck ko lang talaga kayo," paalam niya. Tinapik niya ang balikat ko saka dahan-dahan na tumayo. Lumabas na siya sa kwarto ni CK na maingat ring isinara ang pinto upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay CK. Ang himbing-himbing ng tulog nito. Bakas na bakas ang matinding pagod sa mukha niya at bahagyang nakakunot pa ang noo nito.

Hinaplos ko saglit ang pisngi niya bago ako tumayo. Plano ko sanang lumabas na pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Don't leave," pigil ni CK sa akin. Paos na ang boses nito.

"I won't. Oorder lang ako ng pagkain," malambing kong tugon.

"Ayokong kumain. Dito ka na lang. Huwag kang aalis," pagmamatigas niya. She was clinging on my hand desperately. May pagmamakaawa sa mga mata niya na tila isang batang takot maiwan.

"Dito ka lang," ulit niya.

Napangiti na lang ako sa inaasal niya at pinagbigyan ko na lang ang hiling niya. Bumalik ako sa kama at humiga sa tabi niya. Ginawa niya pang unan ang braso ko pero hinayaan ko na lang. Magkaharap kaming dalawa at ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"Sorry about—"

"Shh," sansala ko sa sasabihin niya. I know what she was going to say, but this is not the right time for that. We can talk about it some other day. Not right now, she's still grieving.

"Huwag na muna natin pag-usapan 'yon, pwede ba? Kapag okay ka na, saka na kita aawayin. Pagbubuhulin ko pa kayo ng Aliyah na 'yon," biro ko.

"Ayoko sa kanya ibuhol," she laughed softly.

Mahinang pinisil ko na lang ang ilong niya. I really missed the sound of her laughter and how her nose crinkle turned up when she smile. I missed the scowl on her face when she's really annoyed or not in the mood. I missed her eyes and lovely gaze that can make my heart sway. But above all else, I missed her.

"Thank you," sambit niya.

Ipinikit ulit ni CK ang mga mata niya kaya naisipan kong kantahan siya ng lullaby. Ilang saglit lang ay muli rin siyang nakatulog. Mabuti naman.

***

Pasado alas-nuebe na ng gabi nang magising kaming dalawa ni CK. Nakatulog na rin pala ako sa tabi niya kakabantay ko sa kanya. Nag-hot bath muna ito at nagbihis ng simpleng itim na t-shirt at jogging pants, pagkatapos ay kumain na kami saglit. Umorder na lang ako ng rice meal para sa aming dalawa. Mabuti na lang at napilit ko siyang kumain kahit na kaunti lang.

Nang makakain na kami, nagtungo na kaming dalawa sa chapel. Nasa harapan palang kami ay bigla na lamang umatras si CK. Parang ayaw na niyang pumasok sa loob.

Hinawakan ko ang kamay niya. Ramdam na ramdam kong nanginginig ito. Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya habang mariin na kagat niya ang ibabang labi.

"B-Bumalik na tayo sa bahay." Kahit ang boses niya ay nanginginig na rin.

I shook my head as an answer to her request. She needs to accept that death is really inevitable. Kailangan niya itong harapin ngayon. Kung nasaan man ang mama niya, alam kong hindi nito magugustuhan ang ginagawa niya. She can't run away from this forever.

"You can do it. Your mom's waiting for you. Mas lalo lang siyang malulungkot kung magkukulong ka lang sa kwarto mo."

Tumingin siya sa akin, tila nanghihingi ng lakas. Matamis akong ngumiti at mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay niya.

"I'm here. Nasa tabi mo lang ako, promise."

***

Tinupad ko ang pangako ko kay CK. Nasa tabi niya lang ako nang magkaroon na siya ng lakas ng loob na sumilip sa kabaong ng mama niya. Muli ko siyang kinulong sa bisig ko nang magsimula na naman siyang umiyak.

Lahat ng nakiramay ay sa amin nakatangin ng mga sandaling iyon, pero hindi ko na sila inisip pa. Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang madamayan si CK sa pagdadalamhati niya.

After her endless crying, niyaya ko na si CK na maupo. We sat on a short pew near in front of the altar. CK was a bit calmer now. Belle said that my presence was a big help. Ako daw kasi ang kinakapitan ngayon ni CK at masaya ako na kahit paano, napapagaan ko ang kalooban nito.

Nagsiuwian na ang mga kaklase ni CK pati na rin 'yung ibang nakiramay. Iilan na lang pala kaming naiwan dito sa loob. Ako at ang iba pang relatives nila CK ang mga kasama ko. Bukas naman daw ang dating ng mga parents ni Belle.

"Hindi ka pa ba uuwi?" CK asked in a hoarse voice. She's a bit tired so I let her rest her head on my shoulder.

"Sawa ka na ba sa mukha ko kaya pinapaalis mo na ko?"

Pinisil niya ang kamay ko. Kanina pa kami magkahawak ng kamay. Hindi niya ito binibitawan at hindi rin naman ako bumibitiw. I love this feeling.

“Gusto ko dito ka lang, pero may pasok ka pa bukas. Baka mapagod ka,” she stated, her voice lace with concern.

Sweet. Inaalala niya pa rin talaga ako kahit nasa ganitong sitwasyon siya.

"Hindi na lang ulit ako papasok bukas."

Biglang umupo ng tuwid si CK. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa mga mata ko. "Talaga? Gagawin mo 'yon para sa akin? Gusto mo lang ata akong makasama pa ng matagal eh," her lips suddenly turned into a mischievous grin.

"Ewan ko sa'yo." Irap ko. Nagagawa na niyang mang-asar ngayon, mukhang okay na siya.

Sinandal na lang niya ulit ang ulo niya sa balikat ko pero pabiro kong tinabig 'yon. Ngumuso naman siya ng pagkahaba-haba. Ang cute niya tuloy.

Buong magdamag lang kaming nagkukulitan ni CK na para kaming may sariling mundo. Kalaunan ay nakisali na rin kami sa iba pa nilang pinsan na naglalaro ng baraha sa may labas ng chapel.

Nahihiya ako dahil kakaiba ang tingin na pinupukol sa akin ng mga pinsan niya. Puro kantyaw pa ang naririnig ko mula sa mga bibig nila. Nasa iisang upuan lang kasi kami ni CK at nakayakap siya sa akin mula sa likuran. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko at magkadikit ang aming pisngi.

"Grabe, boy! Ang ganda ng girlfriend mo, ha!" manghang-manghang saad ng pinsan niyang lalaki.

Feeling ko, kasing pula na ng kamatis ang mukha ko.

"Hindi ko pa siya girlfriend kuya, pero mukhang malapit na, 'di ba?" bulong ni CK sa tainga ko.

Hindi ko magawang umimik dahil parang malalagutan na ako ng hininga.

"Ayun, o! Inspirasyon!" Hiyawan nilang lahat. Maging si Belle nakikisali na rin sa pang-aasar sa amin.

Hiyang-hiya na ako sa atensyon na binibigay nila at gusto kong magpalamon na lang sa lupa.

"Boto sila sa'yo," tudyo ni CK sa akin saka niyakap ako ng mahigpit.

"Kainis ka!" Hinampas ko ang kamay niya na nakapalibot sa bewang ko. Pilit akong kumakalas para makalayo sa kanya.

"Ang lamig. Dito ka lang." Mas lalo niya akong kinabig palapit.

Muling naghiyawan ang mga pinsan niya dahil sa labis na kilig. Sumisipol pa ang iba.

"I hate you!" I glared at her.

"Ito naman, pikon masyado. Sorry na," paglalambing niya.

Dumagundong ulit ang malalakas na sigawan nila Belle nang masuyong patakan ng halik ni CK ang balikat ko.

Ako na ata ang susunod na mamamatay. Ikamamatay ko talaga ang labis na kilig dahil sa mga ginagawa niya.

Hindi ko na makuhang mainis pa dahil nakikita ko ang saya sa mga mata niya. Nakakatawa na siya ngayon, kaya para akong nakahinga na ng maluwag. Sana talaga sapat na ang presence ko para panandaliang makalimutan niya ang lungkot.

***

Pasado alas-dos na ng umaga nang magpasya akong umuwi tapos alas-sais ng umaga naman ako gumising para mag-asikaso para sa klase ko. Ayoko na talagang pumasok para makapagpahinga, kaso nakailang absent na ako ngayong week. Baka ako pa ang mabaon ng buhay ng mga professor ko kapag lumiban na naman ako.

I can't barely focus on our lesson that day because of the grogginess from my lack of sleep. Hindi ko na nga mabilang kung nakakailang hikab na ba ako sa isang oras. Nakakatulog na rin ako minsan, pero kinukurot ni Yvette ang braso ko para magising ang diwa ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan, uwian na pala. Doon lang ako tuluyang nagising. Parang lumipad palabas ng bintana ang lahat ng antok ko sa katawan.

I want to see CK so bad kahit na magkasama naman kami buong magdamag.

"Huwag mong sasabihin pupunta ka pa rin ulit kina CK mamaya? Eh, mukha ka nang mamamatay ngayon dahil sa antok. Pahinga ka muna, sa huling lamay na ulit tayo pumunta," kontra ni Yvette sa akin nang mapansin ang pagmamadali ko.

Puro sermon lang ang naririnig ko mula sa bibig niya habang inaayos ko ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa room. Nakita niya ata na may dala akong mga pamalit na damit.

Plano ko kasing kina CK na lang matulog para diretso na ako sa school kinabukasan. Hassle kasi kung uuwi pa ko ulit sa amin.

"Wala naman siguro kayong relasyon ni CK, 'di ba?"

Natigilan ako nang marinig ko ang tanong niya. Nag-angat ako ng tingin kay Yvette. Mapanuri ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Sobra-sobra na kasi ang binubuhos mong oras sa kanya. Daig niyo pa ang may relasyon," matabang na wika niya.

Nanibago ako sa kanya. Dati-rati naman hindi niya ako pinapakelaman sa mga ginagawa ko.

"Bakit? Kung may relasyon man kami ni CK, may masama ba do'n?" diretso kong tanong.

Tumawa siya ng pagkalakas-lakas and it echoed throughout the classroom. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, sa pagkakaalam ko.

"I'm in love with CK," I admitted bravely.

Natigil si Yvette sa pagtawa niya nang marinig ang sinabi ko. Bumakas ang gulat sa buong mukha niya at napaawang rin ang mga labi niya. Binalot kaming dalawa ng saglit na katahimikan. Kapwa hindi alam ang susunod na sasabihin.

Then I heard her sighed. She looked at me without batting an eye. "Nagbibiro ka lang naman, 'di ba? Sira ka ba?! Babae pa rin si CK, kahit baligtarin mo pa ang mundo. Gets mo ba?" she sounded so frustrated.

Siya ang hindi ko ma-gets. Bakit biglang ganito ang inaasal niya?

"Ano ngayon kung babae siya o kung babae rin ako? I really love her. I really really love CK. Masama na bang magmahal ngayon?"

Pinukol ako ni Yvete ng hindi makapaniwalang tingin at nasaktan ako sa klase ng tingin niyang 'yon, as if she's disgusted by the fact that I'm in love with the same gender.

Akala ko kaibigan ko siya? Isa rin ba siya sa mga taong mapanghusga?

Nailing-iling na lang si Yvette. Kinuha niya ang bag niya at sinukbit ito sa balikat niya.

"Pag-isipan mong mabuti ang ginagawa mo, Clio. Huwag mo sanang isipin na kontrabida ako sa inyo. Kung may magawa man ako na hindi mo gusto, isipin mo na lang na ginawa ko 'yon dahil ayaw lang kitang masaktan sa huli," makahulugang saad niya pa bago niya ako tuluyang iwan.

Next chapter