Epilogue

7 years later

"You may now kiss the bride."

Sinalubong ng masigabong palakpakan ang bagong kasal nang matapos ang seremonya ng pari. Walang mapagsidlan ang kasiyahan ko habang pinagmamasdan ko ang mag-asawa. Hindi ko sukat akalain na darating kami sa ganitong tagpo.

Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil sa labis na saya na nararamdaman ko. Ang tagal kong hiniling na maramdaman ulit ang ganitong kaligayahan na wala nang inaalala na baka may kapalit ito.

Naramdaman ko ang banayad na paghaplos ni mommy sa kamay ko. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na siya ngayon at narito na siya sa tabi ko. Gaya niya, puno ng saya ang naluluha niyang mga mata.

Pitong taon. Pitong taon akong nawalay sa kanya pero heto at kasama ko na siyang muli.

I miss her so much. My mother, my best friend, my anchor and my protector. All these years, wala akong ibang hiniling na sana maging maayos na ang lahat sa amin. Akala ko sa panaginip na lang mangyayari ang lahat ng 'yon but then God answered all my prayers.

He gave us the peace we've been longing for. We are now a happy family.

Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception. Nakaupo kami ni mommy sa pabilog na mesa na may kulay lavander na mantel. Ang bawat upuan naman ay may kulay pink na cover. Ito kasi ang motif ng kasal, lavender at pink. My sister and I's favorite color.

I looked at the bride and groom. They look so in love and happy. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko ang matatamis na ngiti sa labi ng kapatid ko. Akala ko wala na siyang kakayahang ngumiti, mali pala ako.

Legit 'yung kasiyahan na nararamdaman ko para sa kanya. She finally found her own happiness.

Nakita kong tumayo ang groom para alalayan ang kapatid ko sa pag-akyat sa may bilog na platform. I think they're going to give a speech kasi inabutan sila ng mic ng emcee. There's a spotlight shining down on them kaya lahat ng atensyon ay natuon sa kanila.

"Ehem," my sister cleared her throat. Her gaze landed on me and I smiled genuinely when our eyes met. She looked so beautiful in her white wedding gown.

Huminga muna siya ng malalim. Narinig pa namin sa mic ang pagbuga niya kaya nagtawanan pa kami.

"Ehem. Mic test. Mic test," biro niya pa. Halatang tensyonado siya.

"First, I want to grab this opportunity to thank the most important and precious person in my life..." she turned to her husband, saglit silang nagtitigan. "Of course, it's not you," biro ng kapatid ko sa asawa niya. Natawa ulit kami sa kanya.

"Okay, kidding aside. I want to thank my little sister for everything."

Tumingin siya ulit sa akin, her eyes filled with sisterly love. Lumunok siya bago muling nagpatuloy sa speech niya. "I know I was never a good sister to you. Ang daming beses kitang nasaktan, but despite all of that, you still choose stay with me. Masyado akong naging selfish noon at hindi ko na inisip pa ang mararamdaman mo. Masyado akong nabulag ng takot ko.

"Nawasak ang mundo ko nang mamatay si mommy, but the moment I hold your tiny body in my arms, nanumbalik ang saya sa mundo ko," pagkukwento  niya. "That day, I promise myself that I'll do everything para hindi ka mawala sa akin. Kasi ang sakit mawalan. Ang sakit maiwan. Ayoko na ulit maramdaman 'yon."

Tumigil siya saglit para muling huminga. Then humarap siya sa mga taong tahimik na nakikinig sa kanya. "Sa takot ko na mawala sa akin ang kapatid ko, wala akong kamalay-malay na nasasakal na pala siya sa mahigpit na pagkakahawak ko."

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Kumakalat na ang mascara ko at tinutuluan na rin ng luha ang suot kong tulle dress pero hindi ko na inisip pa 'yon.

Sinenyasan ako ni ate na lumapit sa kanya. Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad patungo sa kanya. Tumingin ako sa paligid, hindi lang pala ako ang umiiyak. Nag-iiyakan na rin ang mga relatives namin pati ang mga kaibigan at relatives ng groom.

Hinawakan ni ate ang kamay ko at hinawakan ko siya pabalik gamit ang dalawang kamay.

"I am sorry for everything that I've done to you. I'm sorry kung labis kitang nasaktan. I am sorry for taking away your happiness. Ngayong maayos na ang lahat, I think it's about time para ikaw naman ang maging masaya," pinisil niya ang kamay ko. "Buong buhay mo wala kang ibang ginawa kundi sundin ang gusto ko. Ngayon, malaya ka nang sundin kung ano ang dinidikta ng puso mo. Wala nang hahadlang sa'yo. Ikaw naman ang susuportan ko sa lahat ng gusto mo. Ikaw naman ang dapat sumaya. I'm sorry, it took me a long time para ma-realize ko ang pagkakamali ko."

Mas lalong bumuhos ang luha ko kaya niyakap ako ni ate Ciara. Gaya ko ay umiiyak na rin siya.

I love her so much. Kahit gaano karami pa ang mga pagkakamaling nagawa niya sa akin, patuloy at patuloy ko siyang patatawarin. Dahil kapatid ko siya, we are a family and no mistakes can make me love her less.

"Thank you," I whispered when we pulled back from our hug.

She shook her head slowly. Pinunasan ng kamay niyang may suot na gwantes ang mga luha ko. "No, thank you kasi hindi mo iniwan si ate. I love you, my little Clionna."

"I love you too ate. Kung ipapanganak man ako ulit, pipiliin ko pa rin na maging kapatid mo."

I saw her smile. A kind of smile that warms my heart, especially when she turned to our step-mom and gave her a soft smile as well.

May inabot na basong tubig ang asawa ni ate sa kanya. Uminom muna siya ng tubig bago magpatuloy ulit sa speech niya.

"To the person who gave my sister her undying love, thank you. Alam kong marami rin akong naging kasalanan sa'yo pero sana mapatawad mo ako. Sana hindi pa huli ang lahat para maging pamilya tayo." Diretso lang na nakatingin si ate kay mommy.

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni mommy kasabay ng pagpatak rin ng luha sa mata niya.

"Hindi pa naman huli ang lahat, 'di ba? C-Can I still call you 'mom'?"

Malugod na tumango si mommy. Dahan-dahan siyang tumayo para lumapit sa amin. Agad naming kinulong ang isa't isa sa isang napakahigpit na yakap.

Ang tagal na panahon kong hinintay na mangyari 'to, na matanggap na rin ni ate si mommy bilang bahagi ng buhay niya. Natagalan man, ang mahalaga nahanap parin namin ang pagpapatawad.

Napatingin ako sa asawa ng ate ko. Pasimple siyang nagpunas ng luha niya. Ngumiti siya sa akin. I smiled back at him as I mouthed my sincerest thank you.

It's all because of him, my sister finally found the light. Matagal siyang nabuhay sa takot at galit niya at ang lalaking ito ang nagmulat sa kapatid ko mula sa pagkakabulag niya. This guy melts my sister's frozen heart and helped her become a better person.

Siguro nga gano'n talaga kapag nagmahal ka. Natututo kang magbago para sa ikabubuti ng mga taong minamahal mo.

***

Pagkatapos ng kasal ni ate ay bumyahe na kami ni mommy pabalik ng Pilipinas. Paglapag na paglapag pa lang ng eroplano, hindi ko na maitago ang kasiyahan na nararamdaman ko. Parang gusto kong sumigaw at magtatatalon sa tuwa. Kung wala nga lang ako sa airport at kung wala lang sigurong tao, baka nagpagulong-gulong na ako sa sahig.

"Welcome back, Clionna! Na-miss kitang bata ka!" Agad na sinalubong ako ni uncle ng isang mahigpit na yakap. Halos hindi na ako makahinga dahil nasasakal ako sa yakap niya.

Halata ngang na-miss niya ako.

"Looking good, uncle, ah! Parang hindi tayo tumatanda," bati ko sa kanya nang kumalas ako sa yakap niya.

He's still the same. Palagi pa ring may maaliwalas na ngiti sa labi niya. 7 years akong nawala pero wala man lang akong makitang wrinkles sa mukha niya.

"Gano'n talaga, nasa lahi natin 'yan," sambit niya at nag-pogi pose pa. Natawa na lang kami ni mommy.

Kinuha ni uncle ang hawak naming maleta at iginiya kami sa kung saan nakapark ang kotse niya.

"Happy?" magiliw na tanong ni mommy. Nakaupo kami sa backseat at magkahawak ang kamay.

"Super happy!" sagot ko. Kulang na lang sumigaw ako sa lakas ng boses ko.

Napuno ng masayang tawanan namin ang loob ng kotse habang nagkukwentuhan kami sa biyahe. I still can't believe that after 7 years, makakabalik pa ako dito. Muntik na akong mawalan ng pag-asa.

Sa 7 years na 'yon, hindi nagbago ang tibok ng puso ko para sa kanya. Walang ibang laman ito kundi siya pa rin. Sobrang miss na miss ko na siya. Namimiss niya rin kaya ako? Naiisip pa rin kaya niya ako?

Napahawak ako sa pendant ng kwintas na suot-suot ko. Sobrang iningatan ko ito sa loob ng maraming taon. Ito ang bagay na pinanghahawakan ko habang malayo at nangungulila ako sa kanya.

520. Forever 520.

***

CK

Another 6 months later

"Nasaan ka na ba? Pabalik ka na ba?"

Muntik ko nang maitapon palabas ng bintana ng kotse ko ang bluetooth headset sa tainga ko dahil sa malakas na boses ng pinsan ko. Sakit sa eardrums talaga ng boses niya. Kahit kailan talaga, hindi na siya nagbago. Parang bata na naman na nagta-tantrums.

"Nagda-drive lang sa downtown. Chill ka lang saka maaga pa."

"Eh, kasi po Engineer, ngayon ang opening ng restaurant ng friend ko. She's dying to meet you. Gusto ka niya pasalamatan ng personal dahil pumayag ka na ikaw ang magsupervise sa construction ng restaurant niya kaya bumalik ka na, pronto!"

"Anong oras ba?" nababagot na tanong ko na lang.

"8 p.m."

Napatingin ako sa relo ko, alas-kuwatro palang naman ng hapon. Ang aga pa pero kung pagmadaliin ako, akala mo hinahabol siya ng sampung kabayo.

"Hindi mo naman siguro ako ibubugaw diyan sa friend mo? Kapag ito set up na naman, humanda ka talaga sa akin. Hinding-hindi ako aattend ng kasal niyo ni Rome," pagbabanta ko.

Ang hilig niya kasing ipakilala ako sa kung sinu-sino kaya nadadala na ako. Isang babae lang naman ang gusto kong makita. Isang babae lang ang kaya kong mahalin, at si Clio lamang 'yon.

Sa loob ng 7 years ginawa ko ang gusto niya, ang hintayin siya. Pero kahit isang hi o hello, wala akong natanggap sa kanya. Kahit sa mama at uncle niya, wala akong masagap na balita tungkol sa kanya. Nag-deactivate ulit siya ng mga account niya kaya hindi ko na talaga alam kung ano na bang nangyari sa kanya.

After graduation, bumalik na lang ako dito sa Horencio para muling hanapin at buuin ang sarili ko. Nagpasya ako na dito na lang manirahan at magsimula ng panibagong buhay na wala siya. Dito na rin ako nagtrabaho at maayos naman ang engineering firm na napasukan ko.

Recently, naging client ko ang kaibigan ni Belle. Ayoko sanang tanggapin dahil marami pa akong project na hawak pero ewan ko ba, parang may bumulong sa puso ko na tanggapin 'yon. Malapit kasi 'yung lugar sa may tabing dagat. Sa tuwing nagpupunta ako do'n, naaalala ko siya.

'Sana maging katulad ako ng alon sa dagat. Kasi kahit umalis ito, malayo man ang marating nito, babalik at babalik pa rin siya upang humalik sa dalampasigan.'

Babalik ka. Ikaw ang alon ko at ako ang dalampasigan mo. Patuloy ako na maghihintay sa pagdating mo.

6 months. Anim na buwan kong ginugol ang lahat ng oras ko sa pagsu-supervise sa project na inoffer sa akin ng kaibigan ni Belle. Gusto kasi ng kliyente ko na maging tutok ako sa construction ng restaurant niya, but I have never met her. Palaging si Belle ang nagiging tulay namin. Masyadong pa-misteryosa.

Bumabalik naman ako ng Manila kapag may pupuntahang kasal o binyag ng mga kaibigan ko. Ang iba kasi sa kanila ay kinasal na at may sarili ng pamilya.

Siya kaya? Nakapag-asawa na kaya siya? Parang may gumuhit na kirot sa puso ko. Ayoko nang isipin. Hindi ko ata kakayanin kapag nalaman kong ikinasal na siya sa iba.

Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalik siya. Walang araw na hindi ko siya namimiss. Walang araw na hindi siya sumasagi sa isipan ko.

Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

I miss you so much, Clio.

Nagpasya akong magpunta sa cafe, kung saan may naiwan kaming masayang alaala ni Clio. Masyado ata akong lutang at nawala sa sarili kaya hindi ko nakita na may tao pala akong makakasalubong sa pintuan.

Nagkabanggaan ang mga balikat namin. Sa hindi malamang dahilan, para akong nakuryente sa saglit na pagtatama ng balikat namin.

"Sorry," sabi na lang niya at nagmamadaling umalis.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Bakit parang kilala ko ang boses na 'yon?

Sinundan ko ng tingin ang babaeng nabangga ko. Nakatalikod na siya kaya hindi ko na nakita ang mukha niya. Maikli ang kulay brown nitong buhok at hanggang leeg lamang.

Napailing na lang ako sa pagiging desperada ko.

Hindi siya 'yon, CK.

Lulugo-lugo akong pumasok na sa loob ng cafe. Ang laki na rin ng pinagbago ng interior nito. Mula sa kulay pink, naging light blue na ang kulay ng pader. Hindi na rin pink ang mga upuan, kulay light blue na rin ito. Malulungkot siguro si Clio kapag nakita niya ito. She loves pink so much.

Dumiretso agad ako sa malaking bulletin board kung saan nakadikit pa rin ang litrato namin. Kumupas na ang mga larawan pero iyong nararamdaman ko para sa kanya, hindi pa rin kumukupas. Araw-araw akong bumabalik dito. At least dito, buhay na buhay ang mga alaala naming dalawa.

May pangungulila sa mata ko habang tinitignan ko ang mga pictures namin. Babalik ka pa ba? Maghihintay pa ba ako? Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

"Hi ma'am! Kaano-ano niyo po ang babae sa picture na 'yan?"

Biglang may sumulpot na waitress sa tabi ko kaya natigil ako sa pagmumuni-muni. Mukhang bago lang siya dahil ngayon ko lang siya nakita.

"Nagkita na ba kayo?"

Kunot-noo ko siyang tinignan. Wala naman siyang tigil sa pagdaldal niya.

"Iyong babae diyan sa picture, nandito rin siya kasi kanina. Ang tagal din niyang nakakatitig sa picture niyo na 'yan. Umiiyak nga siya, eh. Tapos umalis na rin. Nag-away ba kayo?"

Parang tumigil ang mundo ko dahil sa narinig ko. She's here? Bumalik siya dito?

"Sigurado ka bang siya 'yon?" pagkukumpirma ko.

Mabilis na tumango ang waitress na kausap ko. "Sigurado ako na siya 'yong babae diyan sa picture. Maikli na nga lang ang buhok niya—"

Hindi ko na tinapos pakinggan ang sagot niya. Nagmamadali akong lumabas sa cafe. Sinuyod ko ang bawat palagid at ang bawat establishment na maaaring nadaanan niya. Tinatanong ko rin ang bawat taong makakasalubong ko kung may nakita ba silang babaeng maikli ang buhok. Umaasa na sa simpleng description ko lang ay maituturo nila kung nasaan siya. Para na akong siraulo na hindi tumigil sa paghahanap.

Sumakay ako sa kotse ko, nag-drive muli sa downtown. Kung saan-saan ako lumilingon sa pag-asang makikita ko siya sa gitna ng daloy ng mga tao sa kalsada. Ngunit inabot na lang ako ng gabi sa daan, wala akong Clio na nakita.

***

Pasado alas-otso na ng gabi nang makarating ako sa restaurant ng kliyente ko. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino pero hindi ako tinigilan ng pinsan ko. Naririndi na ako sa kaka-dakdak niya kaya sinunod ko na lang ang gusto niya.

Hindi muna ako pumasok sa loob ng restaurant. Umupo muna ako sa bumper ng sasakyan ko para lumanghap ng sariwang hangin. Kanina pa hindi maalis sa isip ko si Clio.

Ang tanga-tanga ko. Bakit hindi ko man lang nakilala ang boses niya noong nagkabanggaan kami? Ayaw ba talaga ng kapalaran na pagtagpuin kami?

Napatingala na lamang ako sa signboard ng pangalan ng restaurant.

CliCK

Ano kaya ang naisip ng kliyente ko? Bakit naman gano'n ang pangalan ng fine dining restaurant niya?

May sumilay na ngiti sa labi ko dahil kulay pink ang LED lights nito. Favorite color ni Clio.

Bakit ba lahat na lang ng bagay nagpapaalala sa'yo? Hanggang ngayon, baliw na baliw pa rin ako sa'yo Clio.

Natigil ang pag-iisip ko dahil sa malakas na pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at walang kagana-ganang sinagot ang tawag.

"Nandito ka na ba?!" bulyaw na naman ni Belle.

"Oo, nasa labas na. Nagpapahangin lang."

"Pumasok ka na sa loob! Kanina pa naghihintay ang kliyente mo, mahiya ka naman! Pumasok ka na, baka pagsisihan mo pa sa huli kapag hindi ka pa pumasok ngayon!" Umarangkada na naman ang mala-armalite niyang bunganga.

Pumasok na lang ako sa loob gaya ng sabi niya, pero nagulat ako nang madatnan na walang katao-tao sa loob ng restaurant. Patay rin ang lahat ng mga ilaw. Akala ko ba ngayon ang opening? Pinagtitripan ba nila ko?

Lalabas na sana ako nang biglang makarinig ako ng pag-strum ng gitara. Naitulos ako sa kinatatayuan ko nang may magsimulang kumanta.

Baby I'm falling head over heels

Looking for ways to let you know just how I feel

I wish I was holding you by my side

I wouldn't change a thing 'cause finally it's real

Sinubukan kong hanapin kung saan iyon nanggagaling  ngunit napakadilim ng paligid. Wala akong maaninag.

I'm trying to hold back, you oughta know that

You're the one that's on my mind

Falling too fast deeply in love

Finding the magic in the colors of you

May dumungaw na damdamin sa puso ko, may pananabik. Hinding-hindi na ako pwedeng magkamali. Boses niya ang naririnig ko.

Isa-isang bumukas ang ilaw kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa unahan. Malalam lang ang mga ilaw na bumukas kaya hindi ko makita nang maayos kung siya nga ba talaga ang babaeng tumutugtog sa parang maliit na stage sa unahang ng restaurant.

Walang tigil sa pagkabog ang puso ko. Bawat hakbang ko, parang lalo lamang itong lumalakas. Ilang sandali lang ay biglang nagbukas ang spotlight at tumapat ito sa kanya.

Para akong nagbalik sa gabi ng College Night, kung saan tumugtog din siya ng kanta para sa akin gamit ang kulay pink na gitara niya. Kulay pink rin ang suot niyang dress ngayon.

You're the right time at the right moment

You're the sunlight, keeps my heart going

Oh, know when I'm with you, I can't keep myself from falling

Right time at the right moment

It's you

You, it's you

You, it's you

May pumatak na luha sa mata ko nang magtama ang mga mata namin habang patuloy siya sa pagkanta. Hindi ako makapaniwalang muli kong masisilayan ang mukha niya. Mas lalo siyang gumanda sa maikling buhok niya.

Hindi ako makagalaw. Para akong nananaginip, natatakot ako na baka sa paghakbang ko, bigla na lang siyang mawalang parang bula sa harap ko.

Nakita ko siyang tumayo at inilapag ang gitara niya. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Mas lalo kong naaninag ang napakaganda niyang mukha. Pinagsawa ko ang mata ko sa pagtitig sa kanya. Hindi natatanggal ang matamis na ngiti sa labi niya.

Umangat ang kamay niya sa mukha ko, masuyong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko.

"I'm sorry. Natagalan ako bumalik—"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. Mabilis ko siyang ikinulong sa yakap ko. Isang yakap na punong-puno ng labis na pananabik sa kanya.

"You're real, right? Nandito ka na? Hindi ba ako nananaginip?"

Naramdaman ko ang pagtango niya kaya mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Totoo ngang nasa harap ko na siya. Hindi ako nililinlang ng mga mata ko.

Saglit siyang kumalas sa yakap ko. Kumikislap na rin ang mata niya dahil sa nangingilid niyang luha.

"A-Akala ko hindi ka na darating. Sobrang late ka na." Humahaba ang nguso niya habang sumisinghot. Napangiti na lamang ako.

Why do you have to be so cute, my Clio?

"Ngiti-ngiti ka pa diyan! Arte-arte mo! Kung hindi ka pa kinulit nang kinulit ni Belle hindi ka pa pupunta."

Naguguluhang tinignan ko siya. Paglipas ng ilang segundo, doon ko lang napagtanto ang mga sinasabi niya.

"Wait. Ikaw ba 'yung sinasabi ni Belle na kliyente ko?"

Mabilis siyang tumango.

"You own this place?" I asked, still in daze.

"Sa atin. Sa atin ang restaurant na 'to. Sobrang laking pasasalamat ko kay Belle na nakumbinsi ka niya na tanggapin 'tong project ko. Matagal na akong nakabalik, kaso hindi ko pa magawang magpakita sa'yo. Gusto ko munang matapos matayo ang restaurant na 'to bago kita harapin. Gusto kasi kitang i-surprise kaya nakiusap ako kay Belle na huwag munang sabihin sa'yo na bumalik na ako at ako ang kliyente mo," mahabang paliwanag niya.

Hindi ko na kailangang marinig kung ano pang mga dahilan niya. Ang mahalaga lang sa akin ay bumalik na siya at nasa harapan ko na siya ulit.

"Ako pa rin ba ang laman ng puso mo? Kasi ako, ikaw pa rin. Mahal na mahal pa rin kita," pag-amin niya.

Muli ko siyang kinabig papalapit sa akin. "Kahit kailan, hindi tumigil ang puso ko na mahalin ka," pagtatapat ko habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig ko sa mga mata niya.

Dahan-dahang bumaba ang mukha ko, inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko namam ang braso niya na yumakap sa leeg ko. Buong pananabik na tinugon namin ang halik ng bawat isa.

"I miss you so much. Don't leave me again," nagmamakaawa kong bulong sa pagitan ng halikan namin.

"Hinding-hindi na."

Saglit kaming napabitaw sa isa't isa nang may marinig kaming nagpapalakpakan. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan  ng restaurant. Nakita ko si Belle na kasama si Rome. Nandito rin ang mama ni Clio at si uncle. Even Yvette was here too, she was holding her little bundle of joy. Masaya nila kaming pinapanuod.

Mukhang pinagplanuhan nga talaga nila itong mabuti.

***

Clio

Nakaupo kami ni CK sa may dalampasigan at pinapanuod lang ang pagkislap ng mga bituin sa langit. Mahigpit ang yakap niya sa bewang ko na para siyang takot na takot na bitawan ako.

Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Masuyo at paulit-ulit na hinahalikan naman ni CK ang tuktok ng ulo ko.

Napakasarap sa pakiramdam na muling makulong sa mga bisig niya. Matagal akong nanabik sa kanya at nagpapasalamat ako dahil nagawa niya akong hintayin. Na kahit lumipas ang maraming taon, hindi niya nagawang burahin ako sa puso niya.

"Bakit pala CliCK ang pangalan ng restaurant mo?" tanong niya.

"Natin!" I corrected. I heard her chuckled.

Sobrang namiss ko ang tunog ng tawa niya.

"So, ano nga? Bakit 'yon ang pangalan ng resto?"

"Dapat 520 'yon, kaso mahahalata mo agad na ako ang kliyente mo kaya pinalitan ko. CliCK kasi our story started with just one click, noong inaccept ko ang friend request mo. Tapos sumakto pa sa combination ng pangalan natin.  Cli - from Clionna then CK, your nickname," paliwanag ko.

"Woah! Bakit hindi ko napansin 'yon?" namamanghang tanong niya.

"Hindi ka kasi witty gaya ko," biro ko.

Bigla niya akong hinarap sa kanya. Kitang-kita ko ang saya sa magagandang mata niya. Hinaplos ko ang mahabang buhok niya na ngayon ay kulay itim na. Mas lalo pa ata siyang gumanda ngayon, pero nando'n pa rin 'yung swag niya.

"Thank you for coming back to me," she whispered as she planted a soft kiss on my forehead.

"And thank you for waiting for me, CK. I love you, so damn much," I whispered back.

"I love you, my Clio. I love you, so damn much."

She held my face and kissed me fully on the lips. I returned her kiss with so much love and longing. Our lips started to move in a slow and sweet rhythm until our pace speed up. We kissed passionately, like there's no tomorrow, under the same night sky.

We were both giggling and smiling like a fool when our kiss ended, still looking at each other's eyes.

Sinong mag-aakala na hanggang dulo, kami pa rin pala talaga ang magkakatuluyan?

Naniniwala na ako na kung kayo talaga ang para sa isa't isa, gagawa at gagawa ng paraan ang kapalaran para muling magtagpo ang mga puso niyo.

Para siyang bagyo na bigla na lang pumasok sa buhay ko, pero ipinagpapasalamat ko ang pagdating niya.

Mula sa isang simpleng friend request, sinong mag-aakala na aabot kami sa ganito? Wala pa akong kamalay-malay noon na matagal na pala akong minamahal ng lokang 'to?

Mula sa pagkakaibigan, unti-unting naramdaman ko na may iba na sa akin. Hanggang madiskubre kong mahal ko na nga talaga ang babaeng 'to.

Marami man kaming sakit na napagdaanan, sa huli masasabi ko pa ring worth it ang lahat.

I don't know what will happen to us in the future, pero sigurado ako na matapang na kami ngayon. Sinubok na kami ng panahon at simula ngayon, magkasama na naming haharapin ni CK ang anumang pagsubok na ibabato sa amin.

This is our  not so perfect love story.

Everything started when she finally got the courage to take another step closer to me, and it only took just one click from me to let her invade my world...forever.

*****The End *****