Chapter 2 - Relief

"Sigurado ka na ba dito, Clionna Agnes Velez? Pwede ka pa namang umatras."

"Kung kailan intramurals na, aatras pa? At kailangan talagang tawagin ako sa buo kong pangalan?" reklamo ko mula sa cubicle na kinaroroonan ko.

Nasa tapat lang ng pinto si Belle at hinihintay ako. Matapos magpalit ng damit ay lumabas na ako para manalamin.

"You look good on that. Mukha kang professional athlete."

Hindi ko alam kung pinupuri ba ako ng bestfriend kong ito o nanglalait lang. Alam ko namang lampa ako, hindi ako mahilig sa kahit anong sports.

I'm wearing a blue tracksuit, tatakbo kasi ako mamaya. I joined the 60 meter dash on women's division later in the afternoon. Nakatali naman ang brown at mahaba kong buhok para walang sagabal sa mukha ko kapag tumakbo na ako mamaya.

"Bakit kasi sumali ka pa? Madapa ka pa niyan mamaya."

My face suddenly crumpled looking unhappy when I throw a glance at my best friend.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" I asked.

"Medyo nag-aalala lang. Lampa ka pa na—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil malakas ko siyang hinampas sa braso.

Oo na, lampa na! Pagduduldulan pa talaga.

"Aray, ha! Kapag ikaw talaga nadapa, pagtatawanan kitang babae ka!"

Napangiwi na lang ako sa pagiging supportive niyang kaibigan. Sarcasm intended.

"Charot lang! Siyempre i-checheer kita mamaya kapag tatakbo ka na," pagbawi niya. Tinaas niya pa ang dalawang kamay niyang nakakuyom bilang pag-cheer pa sa akin. "Fighting beshy!" sigaw niya pa.

Napailing na lang ako. "Tara na nga, balik na tayo do'n."

Hinila ko na si Belle palabas sa c.r para bumalik sa big field ng minamahal naming university. Doon kasi ginaganap ang intramurals namin.

Mazaneda University is the best endowed and most prestigious school here in the city of Flaviano. My elder sister also graduated here, gusto niyang sumunod ako sa mga yapak niya, kaya dito rin niya ako pinag-enroll. She always wants the best of everything for me, and I just followed her like an obedient child. Minsan nakakasal ka na rin, hindi madaling mabuhay sa likod ng anino niya.

"Nakikinig ka?" Belle keeps tugging on my arm. Para siyang tukong nakakapit sa braso ko habang naglalakad kami. Kung anu-ano pa ang dinadaldal niya. Hindi na ata nauubusan pa ng kwento ang best friend kong ito.

"Ay, alam mo ba? Kasali pala ang pinsan ko sa 60 meter dash, kaya dapat galingan mo. Huwag kang magpapatalo do'n."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Pinepressure mo ba ko?"

"Slight lang," patawa-tawang sagot niya.

Kainis siya! Kabado na nga ako, hindi ko lang talaga pinapahalata, tapos makakalaban ko pa yang CK na 'yan. Nakakapanglumo. She's good at any sports unlike me. Sumali lang naman talaga ko para sa dagdag na grades. Wala kasing gustong sumali sa section namin.

Ako na matapang. Ako na ang dakila. Putek na 'yan. Para sa grades, aja!

"Eh, 'di ba sa basketball siya?" takang tanong ko.

"Ayaw niya. Badtrip nga ang engineering department eh, siya pa naman ang pambato sana nila. Kaso ang gustong salihan ng pinsan ko ay 60 meter dash. Ewan ko ba kung anong nakain no'n."

Sana lang talaga huwag niyang galingan masyado. Sobrang inaasahan pa naman ako ng mga ka-department ko, mapapahiya lang sila kapag natalo ako.

Nang makarating kami sa big field, malakas na sigawan ng mga estudyante ang agad na sumalubong sa amin. Kanya-kanya silang cheer sa mga teammates nila. Start na pala ng three legged race.

Umupo na kami ni Belle sa bench kung saan nakaupo ang mga kaklase namin para makanuod na rin. Agad na lumapit naman sa amin ang kaklase at kaibigan naming si Yvette, may nakataling blue ribbon sa noo niya.

"Where did you go, girls? Kanina ko pa kayo hinahanap. Isuot niyo na 'to."

Inabutan niya kami ni Belle ng tig-isang blue ribbon. Nag-alangan pa kaming dalawa na tanggapin yun.

"Do we really have to wear this?" Belle asked. Halata sa boses niya na ayaw niya itong suotin.

"Oo no! Kayong dalawa na lang ang wala. Suot niyo na, dali!" utos Yvette.

I looked around and saw that all students of HRM department were already wearing a blue ribbon on their forehead. Kami lang ang may ganito, pakulo ng department namin. Ginaya ko na lang sila at hindi na nagreklamo pa. Marami naman kami, damay-damay na.

"And look who's coming."

"Ang ganda niya talaga, girl crush."

"Sobra! Maganda na, matangkad pa, magaling pa sa sports tapos scholar pa. Grabe, parang ang perfect niya."

Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko na parang kinikilig. I got curious kaya pasimple kong tinignan ang subject ng bulungan nila.

It was CK Natividad.

Palapit siya sa amin kaya halos magtilian na ang ilang estudyanteng nakakakita sa kanya. Girls and boys are really into her. Popular nga talaga siya. Para siyang bagyo, nagkakagulo kapag dumarating siya but in a good way.

Perfect? Kung alam lang nila.

Nakasuot si CK ng matingkad na orange tracksuit dahil 'yon ang team color ng Engineering Department. Masakit sa mata ang kulay ng suot niya, pero sa hindi malamang dahilan, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.

To be honest, she looks so undeniably gorgeous with her brown hair laid down. Parang noong nakaraang araw, kulay abo pa ang buhok niya. Ang bilis naman niya magpalit.

She was really radiating. Siguro dahil sa suot niya. Mas lalong lumitaw ang kaputian niya. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya habang palapit siya nang palapit.

"Annabelle!" tawag niya sa pinsan niya.

Nairita naman si Belle sa kanya at napatayo ito. "Lumayas ka nga dito!"

Tumawa lang si CK ng nakakaloko tapos bigla siyang tumingin sa akin. Agad din naman akong umiwas. Binalik ko ang atensyon ko sa mga naglalaro sa field.

"Hey," bati ni CK pero hindi ako kumibo.

"Bakit ka ba kasi nandito?! You're a spy, no?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Belle sa kanya.

"Tatambay lang. Bawal?" sagot naman nito.

"Bawal! Doon ka sa department mo! Alis!" pinagtabuyan ni Belle ang pinsan. Para itong langaw lang sa paningin niya kung palayasin niya.

Dinepensahan naman si CK ng mga kaklase naming kilig na kilig sa presence niya. Paano ba naman, nagpapacute rin ito sa mga fangirls niya.

Napabusangot na lamang si Belle. Nagdadabog na umupo siya sa tabi ko. Wala siyang laban, eh. People were so fond of her cousin.

"Paupo ha," paalam ni CK sa akin.

Hindi na ako nakatanggi dahil umupo na siya sa kabilang gilid ko nang hindi hinihintay ang sagot ko.

She smells so good. Ano kayang pabango ang gamit niya?

"Uy! Parehas na tayo ng kulay ng buhok. Kaso sa'yo, natural na brown 'di ba?" pagdaldal ni CK. Nagbingi-bingihan ako.

"Goodluck mamaya, ha. Balita ko kasali ka rin sa 60 meter dash. Sumali ka ba dahil kasali din ako?"

Imbes na sumagot ay umirap na lang ako sa kanya. Masyado naman atang lumakas ang hangin, dumating lang siya.

"Joke lang. Ito naman, pikon." Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko kaya umusog ako ng kaunti palayo sa kanya.

"Close ba tayo?" I asked flatly.

"Friends na kaya tayo," her red lips curved into a beautiful smile.

I'm sure she's not wearing a lip tint, pero ang pula-pula ng labi niya. Damn this woman. Nakakainggit ang ganda. Nakakahiyang tumabi, magmumukha akong alalay.

Simple lang kasi akong mag-ayos. Palagi lang nakapusod ang buhok ko or ponytail. Hindi rin ako nagme-make up. Si CK naman, kahit hindi mag-ayos at kahit panlalaki ang mga sinusuot niya, lumilitaw pa rin ang ganda.

"Kailan pa tayo naging magkaibigan?" tanong ko.

Actually, madalas siyang mangulit sa akin sa chat. Feeling close talaga siya sa akin.

"Sa facebook. Friend na kaya tayo do'n, 'di ba? Tapos nilibre pa kita last time ng drinks, kaya friends na tayo. Bawal kang tumanggi," she replied. Yung ngiti niya biglang naging mapang-asar.

Ugh! Ang sarap niyang sapatusin.

***

"Women's 60 meter dash for the third group will begin now. Runners, go to your position."

Walang tigil sa pagkabog ang puso ko at sobrang hindi ako mapakali. Parang gusto ko nang pagsisihan ang pagsali ko dito.

"Go, Clio! Break a leg!"

Hindi rin nakakatulong ang malakas na hiyawan ng mga kaklase at ka-department ko, mas lalo lang akong na-pressure. Baka nga literal na ma-break pa ang leg ko.

Nakapwesto ako sa 2nd  lane at kapag minamalas ka nga naman, katabi ko pa si CK. Mas doble ang pressure dahil alam ko naman na magaling ang kalaban ko.

I throw away all my doubts as soon as I heard the go signal. I run as fast as I can. Even if I don't win, atleast I give my best shot.

Hindi na ako nagulat nang dumagundong ang sigawan ng mga taga-engineering department. Si CK ang nangunguna at ako naman ang pinaka-kulelat. I ran faster and faster, I was already running out of breath. Sumasakit na ang dibdib ko dahil kinakapos na ako ng hangin but I continued to run and run. I just want to get to the finish line immediately.

Makakahabol na sana ako sa kanila, kaso ang kalampahan ko walang pinipiling lugar at pagkakataon. I tripped and fell down. I tried to get up but I fell down again. Namilipit ako sa sobrang sakit. Mukhang na-sprain pa ata ang kanang paa ko.

Narinig ko ang sigawan ng mga estudyanteng nanunuod. Hindi ko na alam kung para kanino ang mga sigaw nila. I can't even look at them. I feel so embarrassed. Ikaw ba naman ang madapa sa harapan ng maraming tao, sa gitna pa ng competition. Baka nga nakuhanan pa ng video ang kahihiyan ko.

Tears started to form in my eyes. Gustong-gusto ko nang umiyak, siguro dahil sa sakit at pagod na rin, o baka dahil na rin sa disappointment para sa sarili ko. I'm gonna be a laughing stock for sure.

Naramdaman ko na lang na umangat ako mula sa pagkakalugmok ko. Someone carried me in a bridal style. Pamilyar sa akin ang amoy ng pabango niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, her eyes filled with emotions I cannot comprehend meets mine.

"It's okay. You did well," CK said soothingly like she was trying to comfort me.

And with her words, I found myself crying in her arms not because of my embarrassment. Because with her, I found relief.

Next chapter