Chapter 5 - Surprise

10:29 p.m

CK:

So you're avoiding me now?

Clio:

I'm not.

CK:

Yes, you are.

Hindi mo ko pinapansin kapag nagkakasalubong tayo sa university. Ilang araw mo nang ginagawa sa akin 'to.

Ayaw mo na ring magpahatid.

Bihira ka na lang din magreply.

Clio:

Busy lang.

CK:

Alam mo ba kung anong araw ngayon?

Clio:

It's Saturday.

CK:

Hahaha Ang cute mo talaga.

Clio:

I know.

Talk to you later! May gagawin pa kasi ako. Bye!

Binalik ko na sa bag ko 'yung phone ko nang huminto ang grab na sinasakyan ko sa tapat ng mall. Belle and I have plan to meet today. Magsho-shopping kami ng pang-regalo, then attend ng birthday party mamayang gabi.

"Tagal mo, ha."

Nadatnan ko si Belle na nakaupo sa labas ng isang coffee shop. Halata sa mukha niya na inip na inip na siya. Maaga naman akong gumising para hindi ma-late, kaso napakabagal ko talagang kumilos.

"Sorry na beshy!" I kissed her cheeks.

Umarte siyang nandidiri at pinunasan ng panyo ang pisngi niya kaya nahampas ko na lang siya sa braso.

"Tara na ba?" tanong niya. Ubos na kasi 'yung kapeng iniinom niya.

"Saan muna tayo?"

"Unahin muna natin 'yung mga gift para hindi natin malimutan, saka na 'yung susuotin natin."

"Aye aye, captain!" I beamed. Sumaludo pa ako sa kanya. Natawa naman siya.

I couldn't hide my excitement. Bihira lang kasi akong umattend ng party tapos sobrang espesyal pa ng party na pupuntahan namin. Mahaba pa naman ang oras kaya makakahanap pa kami ng magandang ireregalo.

Pumasok kami ni Belle sa department store. Mahilig kasi akong magregalo ng mga bagay na talagang magagamit ng reregaluhan ko.

There's a mannequin that wearing a red polo shirt. Naagaw nito ang atensyon ko. I really love the color, bagay ang kulay sa taong pagbibigyan ko.

Inassist naman ako ng isa sa mga saleslady ng department store kaya naghanap ako ng size ng niya at pumili na rin ako ng iba pang kulay.

"Iyan na bibilhin mo?" usisa ni Belle sa akin nang makita ang mga hawak kong polo shirt.

"Yep. And shoes."

She playfully nudge me with her elbow. Parang mang-aasar pa ang loka-loka. "Naks! Galante natin ngayon, ha. Samantalang ang niregalo mo lang sa akin last year, wallet."

"Okay lang 'yun. It's the thought that counts naman 'di ba?"

"Charot lang! Alam ko naman kung gaano kamahal 'yung wallet na binigay mo. Hindi ko nga ginagamit, nakatago lang."

"Gamitin mo na, reregaluhan naman kita ulit," saad ko.

Bigla siyang tumili kaya nagulat ako, pati na rin ang ilang customer. Nakakahiya tuloy.

"I love you beshy!"

Halos mapipi na ako nang yakapin niya ko ng mahigpit. She's my best friend kaya naman gusto kong napapasaya ko rin siya kahit sa mga simpleng bagay lang.

"Hindi talaga kita aawayin. Baka bawiin mo ang mga binigay mo," biro niya pa.

"Babawiin ko nga, through cash." I chuckled.

Hinampas niya naman ako sa balikat pero mahina lang naman. "Ikaw, ha. Kakadikit mo sa pinsan ko, ang lakas mo na ring mang-asar. I can't believe na magiging close talaga kayo. Mamaya ipagpalit mo ko do'n ha, mamalayan ko na lang siya na ang best friend mo at hindi na ako."

"Baliw! Ikaw lang ang best friend ko. Wala kang katulad," I said reassuringly.

And CK is different. I must admit that what we had is different from that best friend thing. But right now, I don't know what kind of different it is.

***

It was past 3 p.m when Belle and I finished our errands. Dumiretso na kami sa bahay namin para makapagpahinga na muna. 7 p.m pa naman ang usapan namin. Marami pang oras para makapag-ayos.

Iniwan ko muna si Belle sa sala. Nakatulog na ito sa sofa dahil sa sobrang pagod. Umakyat muna ako sa kwarto ko dala-dala ang mga pinamili namin ni Belle para magbalot ng gift. Ako na rin ang magbabalot nung regalo niya dahil ayoko na siyang gisingin.

Chineck ko ang group chat namin, okay na rin ang lahat sa side nila. Great.

Tinawagan ko na rin si uncle, my mom's brother. He owned the italian restaurant kung saan gaganapin ang party namin. Okay na rin daw ang lahat. Naka-reserved na ang restaurant ngayong gabi para sa amin. I really can't wait for tonight.

Nang ma-replyan ko na ang lahat ng dapat kong replyan, doon ko lang chineck ang mga chat ni CK. Buti hindi nag-hang ang messenger ko sa dami ng mga message at miss call niya.

11:02 p.m

CK:

Hey ano nang ginagawa mo?

Busy ka pa din?

Chat ka naman.

11:27 p.m

CK:

Hellooooooo!

11:45 p.m

CK:

Clio.

Clio ko.

Hehe Joke lang. Nagpapractice lang.

Joke lang ulit.

12:00 p.m

CK:

Wala ba talagang chat diyan?

I'm lonely.

Kumain ka na ba?

1:58 p.m

CK:

Clio. Mababaliw na talaga ko kapag hindi mo ako kinausap.

Sagutin mo naman ang mga tawag ko.

I miss you. Sana Monday na para makita na kita.

:(((((((

3:20 p.m

Clio:

HOY! GRABE KA PO.

CK:

Nag-reply ka din. :(

Clio:

Sorry. Busy lang talaga.

Anyway, may pupuntahan ako mamayang gabi. Gusto mo sumama?

CK

I can't. May duty ako tonight.

Clio:

Aww sayang naman. Pahinga pahinga din pag may time.

CK:

Ikaw ang pahinga ko. :)

Clio:

Tapusin ko ang buhay mo, para makapagpahinga ka na talaga. Gusto mo yun?

CK:

Ayaw.

Ikaw kasi ang gusto ko. :)

Clio:

EWAN KO SA'YO!

CK:

Uy napa-capslock. Kilig ba?

Clio:

BLOCKED NA KITA. BYE. THANK YOU FOR EVERYTHING, CK.

CK:

Joke lang! Wala namang ganyanan, Clio!

Parang mapupunit na ang labi ko kakangiti habang ka-chat si CK. Siraulo talaga siya kahit kailan. Natanggal lahat ng pagod ko dahil sa kanya.

"Ngiting-ngiti tayo diyan, ah. Parang ngayon lang ata kita nakitang ganyan kasaya, in love?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Belle. Pupungas-pungas pa ito at naghihikab. Naiwan ko palang bukas ang pinto ng kwarto ko, kanina pa kaya siya nandiyan?

"Sinong kausap mo? Boylet? Pogi ba? Manliligaw ba 'yan?" sunod-sunod na tanong nito. Para siyang pulis kung makapagtanong.

"Wala 'to."

"Sus! Alam ko 'yang ngiting 'yan. Ngiting in love 'yan eh," pagpupumilit niya pa.

"Kapag ngumiti, in love agad? Hindi pwedeng may naalala lang na nakakatawa o kaya masaya lang talaga?" depensa ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Her eyes twinkled in anticipation. Mukhang hindi niya talaga ako titigilan. "At sino naman ang nagpapasaya sa'yo ngayon? Ikaw ha, baka may boyfriend ka na hindi mo lang sinasabi sa akin."

"Wala akong panahong mag-boyfriend. Busy ako. At ikaw, busy ka rin dahil magbabalot ka ng regalo," pag-iiba ko ng usapan. Hinampas-hampas ko pa siya ng nakarolyo na gift wrapper para matigil na siya.

***

All set!

Maganda ang pagkakaayos ng loob ng Italian restaurant ni uncle. Halos mapuno ng colorful na balloons ang buong paligid. May nakasabit pang malaking Happy Birthday na banner na makulay din ang bawat letters.

We're all wearing a birthday hat while holding a party poppers. Excited na kaming lahat.

"Parating na siya," uncle made a signal kaya kanya-kanya kami sa pagtatago bago patayin ni uncle ang ilaw sa buong restaurant.

Ilang saglit pa, narinig namin ang pagbukas ng pinto kasabay ng muling pagsabog ng liwanag sa paligid.

"HAPPY BIRTHDAY!" sabay sabay naming bati sa kanya.

Bahagyang napaigtad si CK nang paputukin namin ang mga party poppers. Namilog ang mga mata niya habang nakaawang ang kanyang bibig. Mukha rin siyang na-estatwa sa kinatatayuan. Her reaction was really priceless.

I know today is her birthday. I planned all of this ahead of time. Nasa plano ko rin talaga na iwasan siya para hindi siya makatunog sa mga binabalak ko. She's been stressed lately, napapansin ko 'yun kahit wala siyang sabihin.

Few days ago, I asked Belle kung saan nagtatrabaho si CK. Coincidentally, she works here at my uncle's Italian resto since first year college. My uncle's one of my accomplice too. He easily agreed to this surprise birthday party for CK as a reward for her hard work. She's my uncle's favorite employee, no doubt.

CK's really impressive. Binibigay niya talaga ang 100% best niya sa lahat ng ginagawa niya. Deserved niya ang party na 'to.

"Uy, na-touch masyado. Iiyak na 'yan," kantyaw ni Belle sa pinsan. Tulala pa rin kasi ito at hindi makapagsalita.

"Iiyak na 'yan. Iiyak na 'yan," sabay-sabay na chant din ng mga kaklase niya. Yes, I invited all of her classmates too.

"T-Thanks," nauutal na sambit ni CK. Tumalikod pa siya saglit. Halata namang nagpahid siya ng luha niya.

"Mag-wish ka na bago pa matunaw ang kandila," malambing na utos ko.

Humarap siyang muli sa amin. Binaling niya ang tingin niya sa akin. I was holding a cake with a candle on it. Feeling ko, ako ata ang mauunang matunaw kaysa sa kandila dahil sa intense na mga titig niya.

"Thank you," she whispered.

I nodded and smiled sweetly.

She closed her eyes. She really has a long and thick eye lashes. And boy, she was really taking her time on her wishes. Nobela na ata ang wish niya. After a few minutes she opened her eyes again and blow the candle, still staring at me. My heart just flipped.

*****

Pinagdikit-dikit namin ang mga mesa para magkakasama kaming lahat sa iisang table. Mabuti na lang talaga at solo namin ang resto ni uncle, malaya kaming makakapag-ingay ng walang naiistorbong customer.

Nakaupo si CK sa tapat ko at pasimple ko lang siyang pinagmamasdan. She looks really happy. Hindi na mawala sa labi niya ang ngiti niya mula pa kanina. Ang sarap din sa tainga ng mga tawa niya. Ang babaw ng kaligayahan niya ngayong gabi, kahit corny na ang joke ng mga kaklase niya, sa aming lahat siya ang pinaka-malakas tumawa.

"Lasing ka na ba?" sita sa kanya ng pinsan niya.

Namumungay na ang mga mata ni CK, namumula na rin ang magkabilang pisngi nito. Lasing na nga ata. Mukhang nakarami na siya ng nainom na wine.

"Hindi. Tipsy lang. Strong ako," pagyayabang pa ni CK. Nailing-iling na lang si Belle.

Tumayo ito bigla at nagpaalam na pupunta sa washroom. Pasimple rin akong tumayo para sundan siya.

Nasa labas lang ako ng washroom at doon naghintay. Nang makalabas si CK, gulat na gulat siya nang makita ako. Medyo basa pa ang mukha niya. Naghilamos siguro para mawala ang kalasingan niya.

I took my handkerchief and wiped her face. Ang kinis talaga ng mukha niya, may skin care routine rin kaya siya?

Para akong nakuryente nang hawakan niya ang kamay ko na nagpupunas sa mukha niya. Gusto ko itong bawiin pero ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"You're really beautiful, Clio."

"T-Thanks," nauutal kong sagot.

"Sobrang match tayo ngayong gabi," dugtong pa nito.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. I was wearing a matching baby pink skirt and blazer at white v-neck blouse naman ang nasa ilalim nito. Ngayon ko lang napansin na halos parehas nga ang kulay ng suot namin.

May pagka-light pink din ang suot niyang maluwag na polo. Mahilig talaga siya sa mga oversized.

Bumaba ang isang kamay niya para laruin ang dulo ng kulot kong buhok. Kinulot kasi ni Belle ang buhok ko kanina. Hinayaan ko na lang si CK sa ginagawa niya kahit nakikiliti na ako.

"Tara sa second floor?" pag-aaya ko.

Para naman siyang wala sa sarili na tumango.

***

"Again, thank you for this."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang nagpasalamat sa akin si CK ngayong gabi. Dapat siguro mag-tally na ako? May hinahabol ata siyang quota, eh.

"Huwag lang ako ang pasalamatan mo, sila rin." Itinuro ko ang mga kaklase niya at ang pinsan niya na nagkakasiyahan pa rin sa baba.

Ngumiti naman si CK. "Yeah, I know. I thank them already. But you're the brain behind all of this. So, thank you."

"Isang thank you lang okay na ko," I said sincerely.

Nginitian ko siya pabalik. Para kaming mga timang. Puro ngitian na lang. Wala na kaming masabi parehas.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa baba. Hindi ko mapigilang matawa habang pinapanuod ang mga tao sa baba. They were doing a kpop random dance at iyong ibang hindi alam ang steps ng sayaw, gumagawa sila ng ibang choreo.

Nandito kaming dalawa ni CK sa second floor ng resto at kanina pa kami rito. I decided not to join them at their random dance. Pareho kasing kaliwa ang mga paa ko.

"Sali ka na," pangungulit ni CK.

I shook my head wildly. "I'd rather sing than dance."

"Naks. Sample nga. Iyon na lang gift mo sa akin, tutal birthday ko naman."

Humirit pa. Umiling lang ako nang umiling.

"Sige na. Isang kanta lang, gift mo na sa akin."

"Sorry ka, may gift na ko—"

I couldn't even finished my sentence when CK suddenly pulled me inside her warm embrace. Nag-angat ako ng tingin sa kanya kahit pa nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. And to my amazement, she was blushing too.

"Don't look at me like that," parang namamaos na ang boses niya.

Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya at tinugon ang yakap niya. I could hear her heart beating so loud.

"P-Pwede bang ito na lang 'yung gift mo?" she asked shyly.

Tumango ako bilang sagot kaya niyakap niya ako ng mas mahigpit. It feels so good and warm. I feel secured.

"Happy 22nd Birthday, CK.” I muttered closing my eyes. Hindi ko alam kung bakit, pero nasisiyahan akong makulong sa bisig niya.

"Thanks."

"Masaya ka ba?" I asked.

"Super happy."

Napangiti ako. I'm really glad that I made her happy on her special day.

She leaned down to rest her chin on my shoulder making my breathe hitched. Pasalamat na lang ako dahil madilim sa part namin. Walang makakakita sa amin na ganito kami kalapit sa isa't-isa. But hey, there's nothing wrong with two girls hugging each other, right?

Suddenly, I felt her lips near my ear. She whispered some words again, making my heart thumped nervously.

"I...love you."

Next chapter