Chapter 20 - Letting Go

When I was a kid, my sister and I were inseparable. She adore and loves me dearly, like I'm the most precious thing in her world. She's afraid of losing me, like how afraid she was when she lose our real mother. Her world crumbled, but then because of me, she found another reason to live.

But everything change when our dad remarried. Pakiramdam ng kapatid ko, para siyang naagawan.

Alam ko, kita ko kung gaano niya kamahal ang tunay naming ina, and when she died, binuhos sa akin ng kapatid ko ang buo niyang pagmamahal.

Sa takot niyang mawalan ulit, sa pag-aakala niyang inaagaw kaming dalawa ni daddy mula sa kanya, her too much love for me turned into obsession, like I am her most prize possession.

Sa sobrang pagmamahal niya, hindi na niya namamalayan na nasasakal na pala ako. At dahil sa labis ko ring pagmamahal sa kanya, at dahil ayokong maramdaman niya na nag-iisa siya, nabuhay ako na naging sunod-sunuran sa mga gusto niya.

I want to see her happy, kaya ginawa ko kung anong gusto niya para sa akin.

Wala namang kaso sa akin 'yon noong una. Kumbaga, nasanay na ako sa gano'ng klase ng buhay. Lahat nakaplano na para sa akin. At first, okay lang naman talaga, I thought that was an easy way, walang hassle. Ang tanging gagawin ko na lang ay sundin ang perpektong linya na iginuhit ng ate ko para sa akin.

Hanggang sa nagkaroon ako ng sariling pag-iisip. Hanggang sa naramdaman kong may kulang sa akin.

Happiness. Genuine happiness.

Wala ako no'n, kasi sa kaloob-looban ko, hindi naman talaga ako masaya sa kung anong pinapagawa ng  kapatid ko. Nalulunod ako at hindi makahinga sa sobrang taas ng mga expectations niya para sa akin.

Kaso, duwag ako. Natakot akong suwayin siya. Takot na takot akong ma-disappoint siya sa akin. Nilamon ako ng takot na 'yon sa loob ng mahabang panahon. I can't break free.

Then I met her, unti-unti akong nagkaroon ng lakas ng loob para sundin ang matagal nang dinidikta ng puso ko.

Freedom. Gusto kong mabuhay ng may kalayaan.

Sa mahabang panahong nakakulong sa napakalungkot na hawla, dumating sa buhay ko si CK at pinalaya ako mula sa pagkakakulong ko sa matayog kong pedestal. Pinawi niya ang lahat ng takot na bumihag sa puso ko at sa kanya ko nahanap ang bagay na matagal kong inaasam.

Happiness.

She is my happiness, the only constant thing in my life. My ray of light. Siya ang gumabay sa akin palabas sa napakadilim na mundo ko.

But in order to protect her, I have to do this.

Dahil sa pagmamahal niya sa akin at dahil sa labis kong pagmamahal sa kanya, hindi ko na namalayan na nahihila ko na pala siya papasok sa napakagulong mundo ko.

She's my light, but I don't want her light to dim because of me.

"Hey, tatayo ka na lang ba diyan?"

I pulled out from my reverie when I heard her sweet voice. Para akong tatakasan bigla ng lakas. Ginuho ng malamyos niyang tinig ang inipon kong lakas ng loob sa ilang araw. Parang gusto ko na lang umatras sa gagawin ko.

Nakaupo siya sa lounge chair sa gilid ng pool kung saan madalas kaming napwesto. Matiyagang naghihintay sa akin.

Nilibot ko ang tingin ko at malungkot akong napangiti. Sobrang dami pala naming alaala sa lugar na ito.

I stay glued on my place. Wala akong lakas na lapitan siya. Pakiramdam ko bibigay na ang tuhod ko kapag inihakbang ko pa ang mga paa ko palapit sa kanya.

Nakita ko siyang tumayo. Nag-aalalang lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko para hilahin papunta sa kanya pero mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Hindi na niya napigilan na pagsalubungin ang dalawang kilay niya dahil sa ginawa ko. "Ano bang problema mo? Ilang araw ng ganyan ang pakikitungo mo sa akin. May nagawa ba akong mali?!"

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko dahil sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Agad na lumambot ang tingin niya sa akin nang makitang wala nang tigil sa paglandas ang luha sa mga mata ko.

"Sorry, love. Please, don't cry."

Sinubukan niya akong yakapin pero nakaatras na ako bago niya pa gawin 'yon. At sa sandaling 'yon, gumuhit ang sakit sa magagandang mata niya.

Napalunok ako. Tumingala saglit para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Huminga ako ng napakalim, bago tumingin ulit sa mga mata niya.

"Maghiwalay na tayo," matigas at diretsong sambit ko.

Saglit siyang natigilan. Hindi ko na magawang tignan pa siya sa mata kaya nag-iwas ako ng tingin at yumuko.

Ang sakit. Ang sakit-sakit na. Parang wala nang katapusan ang hapdi na nararamdaman ko sa puso ko.

Naririnig ko ang mabibigat na paghinga ni CK. Sinubukan niya ulit lumapit, pero panay ang pag-atras ko.

"Dahil ba 'to sa kapatid mo?"

I looked at her once again, fear evident in my eyes. Paano niya nalaman?

Parang nabasa niya ang tanong sa utak ko. "Si Yvette. Sinabi na niya sa akin ang lahat."

Lalo akong napahagulgol. Palakas nang palakas ang naging pag-iyak ko. Kinulong niya ako sa mga  bisig niya pero nanatili akong hindi gumagalaw. Nagtataas-baba lang ang balikat ko dahil sa walang tigil na pag-iyak ko.

"Lalaban tayo. Gagawin ko ang lahat para tanggapin niya ako, para tanggapin niya ang relasyon natin. Please, huwag kang bumitaw. Lumaban pa tayo."

"P-Pagod na ako. Hindi ko kaya," mahinang bulong ko. Para akong kandilang unti-unting nauubos.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagluwag ng yakap niya. Unti-unting kumalas siya.

"Pagod ka na? Hindi mo pa nga sinubukan, sumuko ka na?"

Nadudurog ako. Parang kasing talim mg kutsilyo ang mga salita niya. Sinasaksak ang puso ko ng paulit ulit, hinihiwa at pinagpipira-piraso.

"I-I'm sorry. Hindi ako kasing tapang mo, CK. Duwag ako, sobrang duwag ako. Hindi ako kasing lakas mo, wala akong lakas para lumaban. Mas lalo lang tayong masasaktan," I croaked. Halos lunurin na ako ng mga luha ko.

"Please, love. Let's fight for this. Let's fix this. Ako ang magiging lakas mo, magkasama tayong lalaban, hindi ka mag-iisa. Please, love. Please," pagsusumamo niya pa. Kulang na lang lumuhod siya sa harapan ko.

Para akong sinasakal. Para akong kakapusin ng hininga nang makita kong umiiyak na rin siya gaya ko.

"May mga bagay na hindi na natin dapat ipilit kasi masasaktan lang tayo. At may mga bagay na kailangan nating bitawan kahit masakit," walang buhay kong tugon.

"Iyon ba talaga ang gusto mo?" paos na ang boses niya.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagtakas ng hikbi ko.

Hindi iyon ang gusto ko. Ang gusto ko ay ang makasama ka habang buhay.

Labag sa loob kong tumango.

"Pagod ka na? Nahihirapan ka na?"

Muling tumango ako. Hindi tumitigil sa pag-alpas ang luha sa mga mata ko.

Hinawakan ni CK ang mukha ko. Pilit na hinuli ang tingin ko. I saw her smiled. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, sa kabila ng lahat, nagagawa niya pa rin akong ngitian.

Sinasaktan ko na siya, pero matatamis na ngiti pa rin ang iginaganti niya sa akin.

"Sige. Hindi ko na ipipilit na lumaban tayo. Hindi na kita pahihirapan. I'm letting you go," bulong niya bago niya ako iwan at tuluyang maglakad palayo sa akin.

Binitawan na niya ako.

Gusto ko siyang habulin. Gusto ko siyang hilahin ulit sa akin at ikulong sa napakahigpit na yakap at huwag nang pakawalan. Gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya, na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.

Pero alam kong ito ang dapat. Kahit ang sakit-sakit. Kahit pinapatay ako nito, kailangan ko na siyang pakawalan. Ayokong mas lalo lang siyang masaktan kung ipipilit pa namin ang mga bagay-bagay.

Siya ang mundo ko, pero ako rin pala ang wawasak sa taong ginawa kong mundo. Ako itong humiling na huwag niya akong bibitawan, pero sa huli, ako rin pala ang unang bibitaw.

Tuluyang bumigay ang lakas sa binti ko. Para akong batang umiiyak habang nakasalampak sa napakalamig na tiles. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi na ako makahinga. Pinipilipit ang puso ko sa labis na sakit.

Sa lugar kung saan kami nagsimula, dito rin pala kami magtatapos.

***

CK

It was love at first sight. Iyon siguro ang maitatawag ko do'n. The first time I saw her, kumabog ng napakalakas ang puso ko. Tinamaan talaga ako ni kupido. Bigla kong nasabi sa sarili ko, 'Ah, ang swerte ko dahil sa university na 'to ako nag-enroll.'

Araw-araw kong nakikita si Clio tuwing lunch break. Tila swerte nga talaga ko dahil naging magkaklase sila ng pinsan ko, pero wala akong lakas ng loob na ipakilala ang sarili ko sa kanya.

Sino ba naman ako para magustuhan niya? Hindi ako ang tipo niya at siguradong hindi siya papatol sa kapwa niya babae. Umpisa palang, wala na akong pag-asa  kaya nakuntento na lang ako sa mga simpleng pagsulyap lang sa kanya. Simpleng pagmamasid mula sa malayo.

Nagsinungaling ako. Alam ko ang lahat ng bagay tungkol sa kanya at alam ko rin na nagka-boyfriend siya. Lagi kong iniistalk ang facebook niya kapag hinihiram ko ang cellphone ng pinsan ko.

Ilang taon naging gano'n ang diskarte ko. Para akong stalker.

Then one day, nag-break si Clio at ang boyfriend niya. Parang nabuhayan ako bigla sa nangyari. Three months siyang nag-deactivate ng mga social media account niya, at nang bumalik siya, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na kaibiganin siya.

Para akong nanalo sa lotto nang mapansin niya ako. Iyon nga lang sa hindi magandang paraan pa. I left a bad impression on her when she saw me kissing another girl in the library. And because I was really desperate at her attention and I don't want her to misunderstood me, I added her on facebook.

Gusto kong magpaliwanag sa kanya kahit alam ko naman na wala naman siyang magiging pake sa mga nakita niya.

I used that opportunity to get close to her. Palagi ko na siyang kinukulit, at mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya dahil sa ugali niya.

She's really nice. Tinanggap niya ng buo ang pagkatao ko. Tinanggap niya ang pakikipagkaibigan ko at hindi niya ako hinusgahan. Akala ko iiwas na siya sa akin nang magtapat ako ng totoong nararamdaman ko, pero kinaibigan niya pa rin ako.

I love her, so damn much. Nakumpleto ako dahil sa kanya. Walang katumbas na saya ang naramdaman ko nang malaman kong mahal niya rin ako. Matagal ko siyang pinangarap kaya pinangako ko sa sarili ko na iingatan ko ang puso niya.

Hinding-hindi ko sasayangin ang pagmamahal na binigay niya. Araw-araw ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Kaso naging kalaban namin ang tadhana. Parang hindi ito sang-ayon sa pagmamahalan namin. Akala ko maayos lang ang lahat sa amin, akala ko wala nang hahadlang pa pero mali pala ako.

Ilang araw matapos kaming makabalik ni Clio galing sa Horencio, ginawa niya ang bagay na kinatatakutan ko. Iniwasan niya ako.

I already know about her sister. Noong araw na ma-kick out ako sa basketball team, ipinagtapat na sa akin ni Yvette ang lahat bago pa man ito malaman nila Belle. Ako ang unang nakaalam sa kanilang lahat ng mga ginawa ni Yvette para paglayuin kami ni Clio. Alam ko rin kung gaano kagusto ng ate ni Clio na makuha siya at isama ito sa kanya.

Sa paningin ng ate ni Clio, balakid ako para sa mga plano niya para sa kapatid niya.

Panay ang paghingi ni Yvette ng tawad sa akin, ngunit kahit anong gawin niya, hindi na niya mababawi ang sakit na dinulot niya sa aming lahat.

Ayos lang sa akin na mawala ako sa basketball team, huwag lang mawala sa akin si Clio.

Hinayaan ko si Clio na mapag-isa. I gave her the time and space that she needed. Hinintay kong magsabi siya sa akin, ngunit nanatiling tikom ang bibig niya.

Nang nakita kong umiiyak siya sa gazebo, parang nalaglag ang puso ko sa lupa. Nasasaktan na siya. Alam kong hirap na hirap na siya sa sitwasyon niya, pero mas pinili niyang kimkimin ang lahat ng iyon.

Kinulong ko siya sa mga yakap ko, ayoko siyang pakawalan. Lahat gagawin ko manatili lang siya sa tabi ko.

Humiling siyang ilayo ko siya mula sa mapanakit na mundo niya. Iyon ang ginawa ko.

Dalawang araw. Hindi sapat ang dalawang araw na pagtakas. Kung ako lang ang masusunod, ilalayo ko na siya patungo sa lugar kung saan hindi nila kami mahahanap. Sa lugar na walang hahadlang sa pagmamahalan namin, sa lugar na magiging masaya kami. Pero ayokong maging makasarili. Kailangan ko siyang ibalik sa nararapat na mundo niya kahit pa may posibilidad na iiwan niya ako.

Akala ko lalaban kami. Akala ko sabay naming haharapin ang lahat, pero tuluyang gumuho ang lahat ng pag-asa ko nang hilingin niyang maghiwalay na kami.

Gusto kong lumaban, pero ayaw na niya. Ayoko na siyang masaktan, ayoko na siyang makita pang nahihirapan. Kung anong gusto niya, kahit masakit para sa akin ang palayain siya, gagawin ko. Ayoko nang maging pabigat pa sa kanya.

Akala ko kaya ko nang wala siya, pero para akong araw-araw na namamatay. Na sa bawat pagdating ng umaga, wala na akong Clio na masisilayan.

That day, when I decided to let go of her. She left. Sumama siya sa ate niya at ni isa sa amin ay wala siyang pinagsabihan.

Durog na durog ako. Hindi ko alam kung paano ko ba bubuuin ulit ang sarili ko, dahil ang totoo siya naman talaga ang bumubuo sa akin. Sa kanya umikot ang mundo ko, kaya hindi ko alam kung paano itutuloy ang pag-ikot nito ngayong wala na siya sa piling ko.

***

Hindi ko na ininda pa ang malalakas na patak ng ulan na tumatama sa mukha ko. Nakatayo lamang ako sa labas ng bahay nila Clio, nakatingala sa bintana ng kwarto niya. Umaasa akong sisilip siya at lalabasin ako, na panaginip lang ang lahat at nandito pa rin siya. Pero alam kong niloloko ko lang naman ang sarili ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang araw ko na itong ginagawa. Para na akong mababaliw sa pagkawala niya.

"CK?" Bumukas ang gate at iniluwa nito ang mama ni Clio. May hawak-hawak siyang malaking payong.

Agad niya akong dinaluhan at isinilong sa payong na hawak niya. "Bata ka! Bakit ka nagpapaulan? Kanina ka pa ba diyan?"

Hindi ako makapagsalita. Umiyak lang ako sa harapan niya. Umiyak na parang isang bata. Akala ko ubos na ang luha ko, pero rumagasa na naman sila na gaya ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Niyakap ako ng mama ni Clio. Binuhos ko sa kanya ang lahat ng sakit. Ang lahat ng pangungulila ko. Ilang sandali pa ay natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo na sa sala ng bahay nila habang may nakabalabal sa katawan ko na malaking tuwalya.

Binalot kami ng katahimikan ni tita, tila nagpapakiramdaman. Nilibot ko ang paningin ko sa kubuuan ng bahay. It was empty. Wala na itong kagamit-gamit sa loob. Ang natitira na lamang ay ang sofa at ang pabilog na lamesa sa gitna.

Tinapunan ko ng tingin ang isang tasa ng kape na nasa tapat ko. Lumamig na lang ito nang hindi ko man lang nagagalaw. Umangat ang tingin ko sa mama ni Clio. Mukhang may gusto siyang sabihin pero hinayaan niya lang muna na sandali akong manahimik.

"Kamusta ka na?"

Muling pumatak ang luha ko dahil sa tinanong niya.

Hindi okay. Feeling ko mamamatay na ako sa sobrang sakit. Kulang na kulang ako, at alam kong kahit kailan ay hindi na ako makukumpleto. Wala na ang babaeng bumuo at kumpleto sa akin.

Napukaw ang atensyon ko ng isang pink na sobreng inilipag ni tita sa harap ko.

"Sorry, natagalan bago ko ibigay. Kinailangan ko kasing umuwi muna saglit sa probinsya at ngayon lang ako nakabalik," saad ni tita.

Nakatitig lamang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya. Kaya pala palaging sarado ang bahay nila. Umalis pala siya.

Pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik ko, nakabuo rin ako ng tanong para sa kanya.

"Nasaan na po ang ibang gamit niyo?"

"Wala na. Nailipat ko na sa bahay ng kapatid ko. Ibebenta ko na kasi itong bahay. Masyadong malaki ang bahay na 'to para sa akin. Nalulungkot lang ako lalo. Bawat sulok ng bahay kasi, nakikita ko si Clio. M-Miss na miss ko na ang anak ko." Naging basag ang boses ni tita. Nangingilid rin ang luha sa mga mata niya, pero tumingala siya para pigilan 'yon sa pagtulo.

Kung nasasaktan ako, mas doble siguro ang sakit na nararamdaman niya. Ina siya, at mahirap para sa kanya na mawalay kay Clio. Nakita ko kung gaano niya kamahal ito. Si Clio ang buhay niya.

"Mahal na mahal ka ng anak ko, CK. Hindi niya gustong iwan ka, pero kinailangan niyang gawin. Ang batang 'yon, mas pinili pang saktan ang sarili niya maprotektahan niya lang ako."

Hindi na napigilan ni tita ang maiyak kaya muling nadudurog ang puso ko nang masaksihan ang pagluha ng mama niya.

Hindi na siya iba sa akin. Tinuring niya ako na parang tunay na anak at binigay niya sa akin ang kaparehas na pagmamahal na binibigay niya kay Clio. Tinanggap niya ako ng walang pag-aalinlangan, walang pang-huhusga. Tinanggap niya kung sino ako. Tinanggap niya ako ng buong-buo.

Nang kumalma si tita, sinabi niya sa akin ang lahat. Sa sobrang pagmamahal sa amin ni Clio, hindi na niya inisip pa ang sarili niya. Wala siyang ibang hinangad kundi ang protektahan kaming lahat laban sa kapatid niya.

Mali si Clio sa sinabi niya. Matapang siya. Malakas siya dahil mag-isa pala siyang lumalaban para lang sa ikabubuti ng mga taong minamahal niya.

***

Walang buhay na umuwi ako sa amin. Nagkulong ako sa kwarto ko habang nakalugmok sa malamig na sahig. Hawak-hawak ko ang sulat na binigay ng mama ni Clio. Ilang oras na akong nakatitig lang doon.

Nang mapagpasyahan kong buksan ang sulat, walang tigil sa panginginig ang kamay ko.

Tila hindi na nauubos ang luha ko. Muli silang umagos sa mga namumugtong mata ko nang masilayan ang magandang handwriting ni Clio.

Miss ko na siya. Miss na miss ko na siya.

Dear CK,

I'm sorry for leaving you without saying goodbye. Hindi ko na kasi alam kung paano ka pa haharapin, at baka kung makita pa kita ulit, mas lalo lang akong mahirapan na umalis.

I'm sorry for breaking your heart. I'm sorry for all the pain that I cause you.

I want to stay. I badly want to fight for us pero hindi ito ang tamang panahon. Parehas nating alam na kahit anong gawin nating paglaban, hindi tayo mananalo sa huli at mas lalo lang tayong mahihirapan at masasaktan. I love you so much, but I need to do this for us.

Ang kapal ng mukha ko kung hihilingin ko pa sa'yo na hintayin mo ako, pero sana mahintay mo pa ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero pinapangako ko na babalik ako para sa'yo.

Sa ngayon, mahina pa ako. Kailangan kong maging malakas at buuin ulit ang sarili ko. Sana gawin mo rin 'yon sa sarili mo. Mabuhay ka ulit, gaya nang dati, iyong gaya ng panahon na hindi pa ako dumarating sa buhay mo. Kaya mo, alam kong kaya mo.

Babalik ako kapag malakas na ako. Iyong hindi na  ako matatakot pa na kalabanin ang kahit na sino. I'll do everything to make things easier for us. Magiging malakas ako hanggang sa kakayanin ko nang tumayo sa mga sarili kong paa. Ilalaban na kita kahit patayan pa 'yan, pero sa ngayon hanggang dito na lang muna ang kaya kong gawin para sa ating dalawa.

Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita. Umalis man ako, mananatili sa'yo ang puso ko.

Just wait for me. Even if the universe conspired against us, I'll do whatever it takes just to come back to you.

Pangako, babalik ako. At sa pagkakataong 'yon, wala nang sinuman ang makakapaghiwalay sa atin. Hindi na ako makakapayag na masaktan pa ulit tayo.

Sana mahintay mo ako.

520. Forever 520.

Your love,

Clio

Basang-basa na ng luha ko ang sulat ni Clio nang matapos ko itong basahin. Maingat ko itong inilapit sa dibdib ko para yakapin, takot na takot na baka mapunit ito.

Maghihintay ako. Kahit hindi mo pa sabihin, maghihintay pa rin ako sa'yo. Kahit gaano katagal. Abutin man ng napakaraming taon.

Ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, Clio. Panghahawakan ko ang pangako mo.

520. Forever 520.

Next chapter