Chapter 3 - Dumbfounded

"CK already book a grab for you, are you sure kaya mo nang umuwi mag-isa?"

"Oo naman. Bahay ko naman yun, hindi ako maliligaw," I said jokingly. Imbes na tumawa ay mahinang binatukan lang ako ni Belle.

"Pasalamat ka talaga, hindi ka nabalian. Kundi baka maging best friend mo ng ilang linggo ang saklay. Sabi ko naman kasi sa'yo huwag ka na lang sumali. Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo," sermon niya, nakapamewang pa talaga siya.

Minsan talaga daig pa nitong best friend ko ang nanay ko sa pagtalak.

Bumangon na lang ako sa kama at dahan-dahang itinapak ang mga paa ko sa malamig na sahig ng clinic. Sinubukan kong tumayo pero napaupo ulit ako dahil may kaunting kirot pa akong naramdaman sa kanang paa ko.

I already applied a cold pack and it really helped limit the swelling, kaya lang masakit pa din talaga siya itapak. Gusto ko pa sana mag-stay para tapusin yung program pero pinapauwi na ako ng nurse para daw makapagpahinga na ako nang maayos. Nakapagpalit na rin ako ng damit kanina. Inayos na rin ni Belle ang mga gamit ko sa bag ko. Ready to go home na talaga.

"Samahan na lang kaya kitang umuwi?" Belle keep on insisting but I keep on turning her down. Nakapangako pa naman siya sa soon to be boyfriend niya na manunuod siya ng laban nito sa basketball. Ayoko namang sirain ang moment nilang dalawa dahil lang sa injury ko.

"Ako na lang maghahatid sa kanya."

Sabay kaming napatingin ni Belle sa may pintuan ng clinic kung saan nakasandal ang pinsan niya. Nasa bulsa ng itim na pantalon nito ang dalawang kamay nito. Nakapagpalit na rin siya ng damit gaya ko.

Wearing her plain white oversized shirt and white baseball cap, I could see her tomboy-ish side. So, totoo nga ang sinasabi nila, she's such a handsome girl crush.

"Stop checking me out, Clio. Baka isipin kong may gusto ka na sa akin," nakangising sambit niya. She was wiggling her eyebrows up and down. Mukha siyang timang.

"Ang hangin mo po, alam mo yun?" inis kong tugon.

"Kung hangin ako, eh di sana tangayin ka na papunta sa akin," sagot naman niya. Kumindat pa siya kaya umarte na lang akong nanginginig sa sobrang kilabot.

Kung hindi lang talaga ako injured at kung wala lang talaga akong utang na loob sa kanya, baka nasipa ko na siya at binaon sa gitna ng field. She saved me from the embarrassment earlier, kaya palalampasin ko muna ang mga pang-aasar niya sa akin.

"My dear cousin, tigil tigilan mo yang kalandian mo. Hindi yan uubra sa best friend ko. She's not into girls, okay? So hindi ka niya talaga magugustuhan," suway ni Belle sa maligalig niyang pinsan.

Biglang lumukot ang mukha ni CK. Halatang nainis ito sa sinabi ng pinsan niya. Padabog niya pang isinara ang pinto ng clinic nang lumabas siya. Nilayasan kami ng walang hiya!

"Ang harsh mo naman," sita ko kay Belle.

She was rubbing her temples as she let out a frustrated sigh. "I just don't want her to get hurt."

"Bakit naman siya masasaktan?" I asked curiously. I know she loves her cousin so much, hindi niya lang talaga pinapahalata.

"I know her Clio. My cousin might be interested in you. Hindi ka naman niya lalapitan kung hindi. Tignan mo nga, binalikan ka pa niya talaga nung nadapa ka kung kailan malapit na siya sa finish line. Tinamaan talaga sa'yo ang loka loka," saad ni Belle.

Bigla akong napangiti. Mananalo na dapat si CK sa race kanina, pero binalikan niya ako para tulungan. Thoughtful niya.

"Baka naman gusto lang talaga makipagkaibigan sa akin ni CK. Huwag mo na lang bigyan ng malisya."

"Naku, alam ko mga galawan niya. Type ka ng pinsan ko. Kaso alam ko naman na hindi mo siya magugustuhan, kaya ngayon palang dapat ma-realized na niya yun. Mahirap na, sa ganda mong yan baka ma-fall sa'yo nang tuluyan ang pinsan ko. Masasaktan lang siya sa huli dahil walang sasalo sa kanya," she added, her voice lace with concern.

How can you be so sure na hindi ko siya magugustuhan?

That question suddenly crossed my mind. I shook my head wildly. Ano bang pumasok sa kokote ko at naisip ko 'yon?

***

Iika-ika ako maglakad kaya halos abutan na ata kami ng pasko ni Belle bago makarating sa gate ng university. Nakaparada sa labas ang isang gray na Hyundai Accent. Ito na ata yung grab na na-book nila.

Nagulat pa kaming dalawa ni Belle nang makitang nakaupo na sa backseat si CK. Akala ko bumalik na siya sa field at mag-isa na lang akong uuwi.

Sa front seat ko sana balak umupo, kaso biglang lumabas si CK sa kotse at inalalayan akong makaupo sa may backseat. Saglit pa silang nag-usap ni Belle sa labas. Ibinigay pa ni Belle ang bag ko dito. Nakakahiya naman. Pinagbitbit ko pa siya.

"Ingat kayo, at ikaw, CK ha. Umuwi ka agad," bilin pa ni Belle nang makapasok na sa loob ng sasakyan si CK. Talagang nilusot niya pa ang ulo niya sa bukas na bintana ng kotse. Kumaway-kaway pa siya sa amin nang tuluyan nang umandar ang sasakyan namin.

Parehas kaming hindi nag-iimikan ni CK. Ang tanging ingay lang sa loob ng sasakyan ay yung radio ni manong driver. Sumasabay pa ito sa kanta kaya parang may concert tuloy sa loob ng kotse.

Nakatingin naman si CK sa labas ng bintana. I want to talk to her but I'm not really good with striking a good conversation. I don't know how to break the ice.

As minutes passed by between us, it's getting awkward and awkward. Gusto ko sanang maglaro sa cellphone ko kaso nasa loob naman ito ng bag ko na hawak hawak naman ni CK.

Hindi ba talaga siya magsasalita?

"Bakit ang tahimik mo?" Kinapalan ko na ang pagmumukha ko at buong tapang na binasag ang katahimikan.

"Wala lang," she replied coldly. She didn't even bother to look at me.

Okay. Sayang laway ko.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan at ipinikit ang mga mata ko. Gusto ko sanang matulog kaso tuluyan nang nawala ang antok ko dahil ang ingay ingay ni manong at ng radio niya. Nahihiya naman akong magsabi na hinaan niya ang tugtog.

"Inaantok ka?" Narinig kong tanong ni CK. Finally, nagsalita din.

"Hindi na," I answered with my eyes still closed. Suddenly, a small smile form in my lips.

"Anong nginingiti-ngiti mo?"

Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko at napalitan ng blangkong ekspresyon ang mukha ko. I opened my eyes, only to find out that CK was staring at me. Kanina niya pa ba ko tinitignan? I get a little conscious with the way she look at me, so I look away immediately.

"B-Bakit?"

My goodness. Why am I stammering?

"Nothing. I just like staring at you," diretsong sagot niya.

"Bawal tumitig. Baka matunaw ako, malulungkot ang mga manliligaw ko," sambit ko.

Idinaan ko na lang sa biro ang lahat dahil ang totoo ay kinakabahan na talaga ako sa mga sinasabi niya.

Muli siyang tumahimik at tumingin ulit sa bintana. Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya mula sa rearview mirror.

Bakit? May nasabi ba akong mali?

***

"Naku, CK. Thank you sa paghatid sa anak ko, ha."

"Wala po 'yon, tita."

"Pinsan mo pala si Belle, bakit ngayon lang kita nakita?"

"Recently lang po kasi kami naging close ni Clio."

Tila wala nang katapusan ang daldalan nila mommy at CK habang nakaupo kaming tatlo dito sa sala. Asikasong-asikaso talaga siya ni mommy at mukhang aliw na aliw ito sa kanya.

Grabe talaga ang karisma ng babaeng 'to. Pati si mommy, mabilis niyang nakuha ang loob. Parang ang tagal na nga nilang magkakilala kung magkwentuhan sila.

Halos magkasabay lang kaming dumating ni mommy sa bahay kanina. Maaga siyang nag-out sa office kaya naabutan niya ang paghatid sa akin ni CK.

"Just stay here for dinner, okay lang ba?" paanyaya pa ni mommy.

"Sure, tita. Hindi ko na po tatanggihan 'yan," mabilis na sagot naman ni CK.

Wagas siya kung ngumiti ngayon, samantalang kanina ang asim asim ng mukha niya.

"Wala ka bang pasok sa trabaho ngayon?" singit ko.

Nilingon ako ni CK na may nakakalokong ngisi sa labi. "Uy, alam niyang nagpa-part time ako."

Ugh! Feeling siya talaga!

"Nabanggit lang ni Belle, no!" depensa ko.

"Wala akong trabaho ngayon, nagleave muna ko," pahayag niya. Nagliliwanag ang mukha niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Diyan lang muna kayo, magluluto na ko ng dinner," magiliw na paalam naman ni mommy. Nag-hum pa ito.

Bihira lang kasi ako magdala ng kaibigan dito sa bahay. Tanging sina Belle at Yvette lang talaga ang nadadala ko dito. Akala ni mommy loner ako sa school, kaya sobrang saya niya kapag may nabibitbit akong kaibigan dito sa bahay.

"Ang ganda ng mommy mo," bulalas ni CK nang mawala sa paningin namin si mommy.

"Eh, di crush mo na?" I asked bitterly.

"Sira. I'm into girls, pero hindi ako napatol sa may edad na. And for your information, ikaw lang ang crush ko," she winked.

Inabot ko ang throw pillow at binato ko sa kanya. Puro talaga siya kalokohan. Alam ko namang binibiro na naman niya ako at ayoko ng gano'ng klaseng biro niya.

Gumanti naman sa akin si CK at binato niya rin ako ng throw pillow. Sobrang lakas kaya napadaing ako dahil sa mukha ko pa talaga tumama. Walanghiya!

"Hoy, injured ako!" singhal ko sa kanya.

"Hindi ka naman sa paa tinamaan," katwiran niya. Patawa-tawa pa siya.

Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa inis dahil sa tawa niyang mapang-asar.

"Gustong-gusto mo talagang pinipikon ako, no?" matabang na wika ko.

Hindi ko na naitago pa ang inis ko. Umusog ako palayo sa kanya at para akong batang nagmukmok dito sa sulok ng sofa. Tumigil si CK sa pagtawa para lumapit sa akin. Kinulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya at pilit na pinapalingon ako sa kanya.

"Sorry," she whispered.

May lambing sa boses niya kaya nawala ang inis ko sa isang iglap. Hinuli niya ang mga mata ko at hindi ko magawang mag-iwas dahil hawak niya ang mukha ko. Tila may kung anong pwersa rin ang humihila sa akin para tumitig sa magagandang mata niya.

"Hindi lang kita gustong-gustong pikunin, Clio. Gustong-gusto rin kita."

Dug. Dug.

Biglang may dumagundong sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naging gano'n ang epekto sa akin ng mga sinabi niya.

I just looked at her dumbfounded. I thought she was trying to crack up another joke but she looked so serious right now. Hinihintay kong bawiin niya ang mga sinabi niya pero nanatiling tikom ang bibig niya.

Her gaze never leaving mine, piercing through my soul. I'm getting lost in her eyes as my head went blank.

Next chapter