Chapter 11 - Jump Then Fall

"Sir, magagawan niyo naman po ng paraan, 'di ba? Please po?" pangungumbinsi ko sa professor ko.

I was inside the office of Mr. Villega, the adviser and financer of the student council. Kanina ko pa siya kinukulit na isama ako sa mga magpe-perform sa College Night. Sana magawan talaga ng paraan.

Alam kong plakado na ang lahat at naayos na rin ang program pero nagbabaka-sakali pa rin ako na maisingit ako. I really want to make a surprise performance.

Actually, dati pa sila nag-offer sa akin na mag-perform pero tinanggihan ko lang ito. Nagsisi tuloy ako ngayon.

Itong si Mr. Villega kasi ang may hawak ng event na 'yon na gaganapin na sa Sabado. I was waiting for him to answer but he just kept looking back and forth at me, confused.

"Sige na po," I pleaded once again, like my life depended on it.

"I can't believe that you're here now begging to perform. Samantalang dati, todo tanggi ka dahil ayaw mo kakong humarap sa maraming tao. What made you change your mind?"

"Si sir naman, huwag nang magtanong. Papayag na yaaaaan,” paglalambing ko.

"Sige na, isisingit na kita. Kundi ka lang talaga malakas sa akin," he replied, sighing in awe.

My eyes widened with pure excitement. Gusto ko nang magtatatalon dahil sa tuwa.

"Thank you, sir! You're the best!"

"Your sister will be proud of you," he added.

Napangiwi na lang ako. "Sir, pakiusap. Huwag na huwag niyong sasabihin 'to sa ate ko. Para niyo na pong awa," pagmamakaawa ko ulit. College friend kasi sila ng ate ko.

Tumango-tango si Mr. Villega at nag-thumbs up sa akin.

"Thank you ulit, sir!"

Natawa pa siya nang may pag-skip pa ako papunta sa may pintuan. Abot langit ang ngiti sa labi ko nang lumabas ako sa office niya. Para pa akong tangang napapakanta-kanta habang naglalakad papunta sa main gate kung saan kanina pa naghihintay si CK. Pinauna ko na muna siya dahil kinausap ko pa si Mr. Villega.

"Bakit ang saya mo? Something happened?" Sinalubong agad ako ni CK nang makita niya ako. Nakasakay siya sa bisekleta niya.

"Secreeet!" pakanta kong tugon.

Natawa naman siya. Kinuha niya ang backpack ko para ilagay sa basket na nasa unahan ng bisekleta niya, tapos umangkas na ako sa likuran. Mahigpit akong yumakap sa bewang niya nang umandar na kami.

Ganito kami lagi sa tuwing uwian. Dati-rati sanay ako na mag-grab, pero ngayon hinahatid at sundo na ako ni CK sa bahay gamit ang bisekleta niya. Ayos lang din naman kay mommy ang ginagawa niya, tipid pa sa pamasahe.

Hindi ko kayang maglihim sa mommy ko, kaya ipinaalam ni CK sa kanya ang totoong intensyon niya sa akin. Akala ko magagalit si mommy, pero binigyan niya ng basbas si CK. Parehas pa nga kaming hindi makapaniwala.

But then, I could really tell that my mom likes CK. Come on, who wouldn't like her? She's so precious. Sobrang tiyaga at maalaga pa si CK pagdating sa akin kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya sa paglipas ng araw.

CK came back to her old self, much to my relief. Mukhang tanggap na niya ang pagkawala ng mama niya. Hindi na siya nagmumukmok pa sa kwarto niya. Siguro kasi she found another mother figure through my mom. Naging close na rin kasi sila dahil madalas siyang napunta sa bahay.

Mas lalo rin siyang naging mapang-asar. Well, namiss ko rin naman ang pamimikon niya sa akin at gustong-gusto ko na nilalambing niya ako kapag nabubwisit na ako sa pang-iinis niya.

Ang status namin? I think we're getting there. Malapit na. Konting-konti na lang. We decided to take our time and just enjoyed each other's company. Slowly but surely, kumbaga.

Nang makarating kami sa bahay, niyaya ko si CK na mag-stay para dito na sa amin mag-dinner. As expected, hindi siya tumanggi sa alok ko.

Pumasok muna ako sa banyo ng kwarto ko para doon magpalit ng damit. Si CK naman ay  humiga agad sa malambot kong kama. Feel at home masyado ang loka-loka. Nasa work pa si mommy at overtime siya kaya mga alas-otso pa ng gabi ito darating. Ako ang nakatoka na magluto ngayon.

"Marunong kang mag-gitara?" curious na tanong ni CK paglabas na paglabas ko ng banyo. Tinuro niya 'yung pink na gitara na nasa stand, katabi ng cabinet.

"Konti lang."

Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo naman ako sa tabi niya.

"Sample nga!" She demanded, her eyes dripping with anticipation. Kapag ganyan siya, hindi na ako makatanggi.

Tumayo ako at kinuha ang acoustic guitar ko na regalo pa sa akin ni mommy. Ingat na ingat talaga ako dito at bihira ko lang ilabas. Hinila ko 'yung upuan sa may bedside table para ilapit 'yon sa paanan ng kama kung saan prenteng nakaupo si CK.

She was smiling proudly at me, making my heart melt. Hinding-hindi talaga ako magsasawa sa mga ngiti niyang lagi na lang pinapakabog ang puso ko.

Saglit akong nag-isip kung ano bang kakantahin ko para sa kanya. And when I started to strum the guitar, CK's eyes were already focusing on me. I smiled back at her as I decided to sing this song for her.

I like the way you sound in the morning,

We're on the phone and without a warning

I realize your laugh is the best sound I have ever heard

Gustong-gusto ko talaga ang kantang 'to dahil bagay na bagay ang bawat lyrics ng kanta sa nararamdaman ko para kay CK.

I like the way I can't keep my focus,

I watch you talk you didn't notice

I heard the words but all I can think is we should be together

I stop for a moment to meet her gaze then strum again.

Everytime you smile, I smile

And everytime you shine, I'll shine for you

Whoa oh, I'm feeling you baby

Don't be afraid to jump then fall, jump then fall into me

Sinabayan na ako ni CK sa pagkanta sa sumunod na stanza. Muntik pa kong tumawa dahil inangat niya pa ang dalawang kamay niya sa ere, swaying her body from left to right.

But hey, I didn't know that she's good at singing too.

Baby, I'm never gonna leave you

Say that you wanna be with me too,

'Coz I'm a stay through it all so jump then fall

I didn't finished the entire song because I don't want to spoil her too much. I already prepared something for her, on that day. Sana magustuhan niya 'yung surprise ko sa kanya.

Akala ko magrereklamo si CK dahil hindi ko tinapos 'yung kanta kaya laking pagtataka ko nang ibinuka niya ang mga braso niya. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya, as if she was inviting me for a hug. Binalik ko muna ang gitara sa stand nito bago ako lumapit sa kanya. Hindi na ata siya makapaghintay kaya kinabig na niya ako palapit sa kanya. Napatili na lang ako dahil bumagsak kaming dalawa sa kama, kapagkuwa'y kiniliti niya ako.

Halos mamula na ako sa kakatawa dahil sa ginagawa niya. Napuno ng mga tawanan namin ang loob ng kwarto ko.

"T-Tama na...ayoko na!" awat ko sa kanya. Hinihingal na ako kakatawa.

Sumunod naman si CK sa pakiusap ko. She finally stopped tickling me as she hovered over me. I was still lying on my soft bed while she was on top of me, her face was only inches away.

I blushed even more when she cupped my face, staring deeply into my eyes while her thumb was gently rubbing against my lips. My heart was beating crazily like it was going to jump out of my chest but I swallowed hard, trying to appear unbothered by our close proximity.

Hindi ko magawang tumingin sa mata niya kaya nag-iwas ako. Pakiramdam ko mas lalo lang akong mababaliw kapag tumitig ako ro'n.

"You're driving me crazy, Clio," she whispered softly, her breath fanning my face.

Same, CK. Same. Binabaliw mo rin ako.

"You're beautiful when you played the guitar, did you know that? And when you started singing, I want to kiss you so bad," pag-amin niya.

Napabalik ako ng tingin sa kanya. I could see it in her eyes, the urge to kiss me but she was fighting it so hard.

"Then kiss me," wala sa sariling bulalas ko.

CK eyes widened in shock with her mouth hanging open. I instantly wrapped my arms around her neck, giving her my  permission.

Unti-unting gumuhit ang masuyong ngiti sa labi niya habang bumababa ang mukha niya palapit sa akin. I close my eyes, waiting for her lips to touch mine. But instead of kissing me on the lips, she just planted a tender kiss on my forehead. I opened my eyes trying to hide my disappointment.

Umalis siya sa pagkakaibabaw niya sa akin at humiga ulit sa tabi ko. Ikinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap kaya isiniksik ko naman lalo ang sarili ko sa kanya habang nakaunan sa braso niya. We stayed like that for a long time.

"I told you before. Hahalikan lang kita kapag girlfriend na kita," she reminded.

Napangiti na lamang ako. I already gave her my permission to kiss me, pero nangibabaw pa rin ang respeto niya sa akin. I really love the way she treats me like I'm a precious gem.

Putek ka, CK. I'm falling harder and deeper.

***

"Anong lulutuin mo?"

"Adobo lang para madali, at umalis-alis ka sa likod ko! Hindi ako makakapaghiwa nang maayos kung nandiyan ka."

Hindi ako makakilos dahil sa posisyon namin ni CK. Para itong tuko na mahigpit na nakayakap sa bewang ko habang nakapatong ang baba sa balikat ko. Kanina pa niya ayaw umalis sa likod ko. Clingy masyado.

Wala tuloy akong natapos sa mga ginagawa ko. Baka dumating na lang si mommy, wala pa rin akong nailuluto.

"CK, bitaw na!" suway ko pa ulit. This time, sumunod na rin siya sa utos ko.

Tumabi siya sa akin sa kitchen counter at inagaw niya ang sangkalan at kutsilyo na hawak ko. "Ako na lang ang maghihiwa. Baka masugatan ka pa."

Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya tapos kinuha ko na 'yung manok sa fridge para hugasan.

"Nagka-boyfriend ka na ba?" CK asked out of the blue.

Nilingon ko si CK. Hindi niya inaalis ang mata niya sa hinihiwa niyang patatas.

"Oo," tipid kong sagot.

"Gaano katagal?" tanong niya ulit.

"1 year lang 'yon. Hindi ba nakwento sa'yo ni Belle?"

She shook her head. Tumigil siya sa paghihiwa at sumandal sa kitchen counter para humarap sa akin.

"Nag-kiss kayo?" she asked curiously.

Nag-init naman ang mga pisngi ko. Putek! Bakit tinatanong niya 'yan?

"Oo, pero sa pisngi lang lagi," pag-amin ko. "Kaya siguro naghanap siya ng iba kasi ang boring ko," I chuckled.

"Gago 'yon, ah!" inis na sigaw niya.

I shrugged. "Hayaan na. Past is past."

"So, ako ang magiging first kiss mo kung sakali?"

Nahihiyang tumango na lang ako. There's no point in lying. Wala rin naman akong ibang gusto kundi siya lang.

Para namang mapupunit ang labi ni CK kakangiti dahil sa nadiskubre niya. Bakit ba kasi napunta na naman sa kiss ang topic namin? Gano'n ba talaga niya kagustong mahalikan ako? Bakit kasi nagpipigil pa siya? Gusto ko rin naman.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang mga sandaling 'yon. Para akong nawala bigla sa sarili. Tinawid ko ang maliit na distanyang naglalayo sa amin at tumayo ako sa harap niya. Niyuko ako ni CK. Buong pagtataka niya naman akong tinignan.

Tinapon ko sa kung saan ang lahat ng hiya na meron ako. Humawak ako sa magkabilang balikat niya at tumingkayad para abutin ang labi niya. I gave her a quick kiss on her lips.

She froze for a moment when she realized what I did. Basang-basa ko ang gulat na bumalatay sa magandang mukha niya.

I quickly pulled away from her but CK arms suddenly snaked around my waist, preventing me from running away.

She leaned down and claimed my lips without any hesitation. I closed my eyes as I kissed her back, losing myself in her soft lips. Napakapit ako sa batok niya na tila doon ako kumukuha ng lakas. Parang nanghina bigla ang tuhod ko dahil sa paglalapat ng mga labi namin.

Sa una ay marahan lang ang mga halik na ginagawad niya, hanggang sa unti-unting naging mapusok ito. I kissed her with the same intensity, following her lead.

Kapwa kami hingal na hingal nang maputol ang halikan namin. Magkadikit ang mga noo namin at nakatitig lang kami sa mukha ng isa't-isa na parehas namumula.

Hindi ko alam kung kaninong puso ang naririnig kong malakas na kumakabog, kung sa akin ba o kay CK. Nahihiya akong nagbaba ng tingin pero hinawakan ni CK ang baba ko para magtagpong muli ang mga mata namin.

"I love you," she proclaimed. She give me another gentle kiss on my lips, her hands still wrapped around my waist.

I love you too.

"M-May date ka na ba sa College Night?" utal na tanong niya.

"Wala pa, hindi mo pa kasi ako niyayaya," I pouted.

"Stop pouting. Baka halikan ulit kita," nagpipigil na saad niya nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko.

I pouted even more, teasing her.

"Stop it, Clio. You're driving me crazy," tila namamaos na suway niya.

I let out a small giggle then smash my lips onto her and quickly pulled away. Nailing-iling na lang siya.

"Ikaw ang date ko sa College Night, ha?" I cooed sweetly.

"Gladly, ma'am!" she jokingly saluted.

A wide grin split across her face and just like her, I couldn't stop myself from smiling like a fool.

Next chapter