Chapter 12 - Tonight

I studied myself in the mirror for the nth time of the night, brushing my side bangs using my fingers. I settled for a pink off shoulder ruffled dress that my mom bought for me, few days ago. It matches my light pink sandals with a single strap around the toe and another one around the ankle.

I decided to curl my hair on a soft loose, wearing a flower crown on top of my head. I didn't put so much make up on my face because I want to look so fresh and natural.

A small smile tugged on my lips when CK suddenly crossed my mind. Tonight is the night. And I promise, it's going to be the best night of our lives.

I was finished getting ready when I heard a knock on the door. Ilang saglit pa ay bumukas 'yon at iniluwa nito si mommy na may magandang ngiti sa labi.

"Anak, nandiyan na ang date mo sa baba. Baka mainip na 'yon," she informed me.

"Sunod na po ako, mommy." tugon ko saka tumingin ulit sa salamin.

"Maganda ka na, anak. Hindi mo na kailangang magpaganda pa," panunukso niya.

"I know mom, nagmana ata ko sa'yo." I beamed proudly.

Mom quickly went to my side and pulled me into a warm hug. I'm really lucky for having a supportive mother like her.

"I can't believe you've already grown up. Parang kailan lang, nakakarga pa kita," bulalas niya. Tears were already brimming in her eyes when she looked at me.

"Mommy, huwag kang mag-drama. College Night lang ang pupuntahan ko, hindi po ako ikakasal," biro ko na lang.

Mahina niya kong kinurot sa tagiliran. "Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan. Tara na nga sa baba." Kinuha ni mommy ang kamay ko at hinila na niya ako palabas ng kwarto.

Maingat ang bawat hakbang ko habang inaalalayan ako ni mommy pababa sa mahabang hagdan ng bahay namin. And when I landed on the last step, my heart made a flip-flops inside my chest.

CK was standing there looking so handsomely girl crush ever. Is she planning to give me a heart attack tonight?

Her hair that was temporary silver was pulled in a neat ponytail and it really suits her. She looked like a cool prince that freshly came out from the book. Now that she's wearing a pinstriped two piece suit, I'm sure the students in our campus, especially her 'fangirls' will swooned over her.

Should I be jealous?

"Ready to go, beautiful?" CK asked lovingly breaking me out from my daze. "You looked like a Goddess tonight," she added as she lend her hand in front of me and I gladly took it.

"You looked like a prince," I complimented, proud that she's my date for tonight.

"Sige na. Lumakad na kayo. Baka wala na kayong maabutan sa event kung magtititigan lang kayo diyan,” suway ni mommy. Pabiro pa niya kaming pinagtulakan palabas ng bahay. Natawa na lang kami.

CK led me outside, carefully taking a steps afraid that I might lose my footing. Hindi ko maiwasang mamangha nang tumapat kami sa nakaparadang kotse sa labas ng bahay namin.

"Kaninong kotse 'yan?" I asked curiously when she opened the door in the front seat of the red Toyota Vios.

"Mine!" may pagmamalaking sagot niya.

I gasped. "Wow! Nice car."

"Early graduation gift ni tito."

"Belle's dad?"

"Yup!" she exclaimed happily.

I'm glad that they were really taking good care of her.

Sumakay na ako sa kotse niya, pagkatapos ay patakbong umikot si CK papunta sa driver's seat. She helped me fastened my seatbelt while humming a familiar melody. It's the chorus of 'Jump Then Fall' by Taylor Swift, the one that I sang to her.

"LSS lang?"

"Yeah. I can't get it out of my head. Parang ikaw, hindi ka na umalis sa isip ko," banat niya.

Masyado pang mahaba ang gabi pero panay na ang pagpapakilig niya sa akin. Makauwi pa kaya ako nito? Baka himatayin na ako sa sobrang kilig ngayon.

"I love you," she mumbled.

'I love you too,' sagot ko sa isip ko.

Later, I'll bravely tell you that later.

"Drive na," utos ko kay CK.

Nangingiti naman siyang pinaandar na ang kotse niya while holding and kissing my hand.

How can she be so sweet?

***

Lahat ng mga mata sa amin nakatutok nang pumasok kami ni CK sa malawak na gym ng university. Agaw pansin ba naman ang nag-uumapaw na karisma ng partner ko kaya naman ang daming babaeng kinikilig sa presence niya.

Waltz music was playing in the background and some students were already dancing with their partners. Fairy tale ang theme ng College Night, so everyone were looking like a princess, prince and fairies.

I got a little anxious when people suddenly gathered around us. Some of them are CK's teammates and some are her fanboys and fangirls. Iyong iba kinakamusta siya pero 'yung mga may crush sa kanya, harap-harapang niyayaya siya para magsayaw kahit kita naman nila na may partner na si CK which is me.

Naramdaman ata ni CK na medyo naiilang ako kaya naman inilayo na ako ni CK sa kanila. I'm not really fond of crowded places but I'm glad CK's here with me. I always find comfort in her.

"Clionna! Oh my God! You look so fab!" I heard Belle's loud voice so I instantly search for her.

Napangiti ako nang makita ko ang ayos niya. Para siyang si Snow White sa suot niya. Agad niya akong dinambahan ng yakap nang makalapit na siya sa akin. She's with her boyfriend Rome and her face was already bright red. Mukhang nakainom na. Ang aga naman niya maglasing.

"Hoy Rome! Huwag mo masyadong painumin 'yan. Alam mo namang nagwawala 'yan kapag lasing," bilin ni CK pero binelatan lang siya ni Belle.

"She's safe with me, don't worry." Rome reassured her.

"Dapat lang!" giit pa ni CK. Such a protective cousin.

After naming magkwentuhan saglit, bumalik na sila Belle at Rome sa table nila.

I roamed my eyes around once again and there I saw Yvette from the distance. And as usual, nag-iwas na naman siya ng tingin sa akin nang magtagpo ang mga mata namin. Wala na ata talaga siyang balak na pansinin ako.

"Tara, do'n tayo."

Hinila ako ni CK malapit sa may bandang unahan ng stage. May bakante pang poseur table do'n kaya doon na lang kami pumwesto. Tamang-tama lang ito para makita ko siya nang maayos mamaya kapag nag-perform na ako.

No one knows that I will perform tonight. I asked the organizer to keep it a secret from everyone. Even my friends and classmates were oblivious of it, lalo naman si CK. Excited na akong makita kung ano ang magiging reaksyon niya.

Enjoy na enjoy kaming lahat nang magsimula nang tumugtog ang mga bandang inimbita ng university para tumugtog. Kanya-kanyang jamming ang mga estudyante sa may gitna habang nagtatatalon at naghe-headbang sa saliw ng rock song na tumutugtog.

CK was hugging me from the back the whole night, keeping me warm. We're both lost on our own little world.

"I love you," she whispered those three letter words again in my ear, showering feather kisses on my exposed shoulder.

Parang sasabog na ang puso ko sa tuwing sinasabi niya ang mga salitang 'yon. Gustong-gusto ko na ring sabihin sa kanya na mahal na mahal ko rin siya.

Tonight, matatapos na ang paghihintay niya sa akin.

As the night grew longer, the moment I've been waiting for is getting closer.

"Mag-c.r lang ako," paalam ko.

"Samahan na kita," alok ni CK.

"Huwag na. Dito ka na lang," tanggi ko.

Umiling si CK. Ayaw niyang pakawalan ang kamay ko. Akala mo naman mawawala ako. Hirap tuloy akong umisip ng dahilan para makatakas sa kanya.

"Dito ka na lang kasi, mabilis lang naman ako. Bantayan mo ang mga gamit natin," bilin ko. "Kapag sumama ka, baka mawalan tayo ng pwesto, sige ka."

Sumimangot ito kaya mabilis kong ginawaran ng halik ang pisngi niya. Halatang nagulat ito sa ginawa ko kaya sinamantala ko na ito para makaalis ako.

"Mabilis lang ako, promise!"

Hindi ko na siya hinayaang makaalma pa at dali-dali akong lumayo. Pasimple akong nagpunta sa backstage nang mawala na ang tingin ni CK sa akin.

"Clionna! Kanina pa kita hinihintay."

Nakahalukipkip na bati ni Sir Villega sa akin. May nag-abot naman sa akin ng gitara ko na naipadala ko na dito kanina para hindi maghinala sa akin si CK.

"Ikaw na ang susunod, get ready." The other staff reminded me.

Tumango ako at ngumiti. I am more than ready.

***

Third Person's POV

It's been 15 minutes and Clio's not back on their table. Worry consumed her, CK tried to call Clio's phone but she remembered that she left her bag with her.

Suddenly, the lights inside the university gym goes off. Everyone gasped in confusion for it lasted for a few minutes. And when the lights came back, they we're all surprised to see Clio on stage, especially those who knew her.

She was sitting on a swing surrounded by flowers while holding her pink guitar just like the color of her dress. There was a spotlight shining on her.

Hindi makapaniwala si CK sa nakikita. Awang ang mga labing tumutok ang mga mata niya sa dalaga. She knows that Clio is really beautiful, pero mas lalo itong gumanda sa paningin niya.

Gusto na niya itong hilahin pababa ng stage dahil lahat ng mga mata ay nakatuon kay Clio. Gusto niya itong ipagdamot sa lahat pero wala siyang karapatan na gawin 'yon. Natatakot siyang na baka biglang may umagaw kay Clio mula sa kanya.

"So, yes! This is a surprise performance from our campus fairy, Clionna."

Dumagundong ang malalakas na hiyawan sa loob ng gym. Mas malakas pa ito kumpara sa mga sigawan kanina nang may nag-perform na mga sikat na banda. Nangibabaw din ang sigaw ng pinsan ni CK.

Napatingin tuloy si CK sa direksyon ng pinsan niya. She could see the proud look on her face. She's proud of her best friend.

Inilibot ni CK ang mga mata. Everyone was mesmerized by Clio's enchanting beauty and she can't blame them. Clio's really stunning.

"Are you ready to serenade us, young lady?"

Narinig niyang tanong ng emcee kaya muling binaling ni CK ang atensyon niya sa babaeng nagpapatibok ng puso niya.

"Y-Yes!" Clio answered a bit tense. But when her eyes met CK's gaze, she started to relax a little.

"Can you tell us kung may pag-aalayan ka ba ng kanta? Kung meron, para kanino naman?" usisa pa ng emcee sa kanya.

She took a deep breath before she answered the question bravely. "Meron," ngumiti siya.  "This song is for that someone who always makes my heart drop off my feet."

Napuno muli ng hiyawan ang loob ng gym. Ang iba sa kanila ay halatang kinikilig habang naghihintay sa mga sasabihin pa ng dalaga. Para silang nasa kalagitnaan ng isang nakakakilig na eksena ng isang romance movie at si Clio ang bida.

Hindi inaalis ni Clio ang tingin kay CK kaya hindi naman mapakali ang huli. Hindi malaman ni CK kung siya ba ang tinutukoy ng dalaga, pero sa kaloob-looban niya, umaasa siya na sana nga siya ang taong tinutukoy nito.

"Do you have a message for that special someone?" tanong muli ng emcee.

Tumango si Clio na may kakaibang liwanag sa mukha. Gumawa na naman ng ingay ang mga estudyanteng nanunuod sa kanya pero wala ang ingay na 'yon sa malakas na pagkabog ng puso niya. Tanging ito lamang ang naririnig niya.

Maraming tao sa paligid ngunit parang sina Clio at CK lamang ang tao sa lugar na ito nang mga sandaling iyon. Ang isa't-isa lamang ang nakikita ng mga mata nila.

"Nang makilala kita at dumating ka sa buhay ko, nagsimulang magkaroon ng maraming tanong sa isip ko," pagsisimula ni Clio.

Tumahimik ang lahat upang makinig sa kanya.

Samantalang si CK ay buong pagmamahal na pinagmasdan siya.

"Hindi ko alam kung saan at kung paano ko ba hahanapin ang mga sagot sa katanungan kong 'yon. Maraming beses rin akong napaisip kung tama ba ito? Tama bang nararamdaman ko ito sa'yo? Ang gulo, kasi tinatak ko sa isip ko na mali ito, pero hindi ko magawang matalo ang dinidikta ng puso ko. Naalala ko nga, nag-search pa ako sa google ng mga sagot sa mga tanong sa utak ko." Mahina siyang natawa saka muling nagpatuloy. "But then I realize, para masagot pala ang mga tanong na gumugulo sa sistema ko, ang kailangan ko lang palang gawin ay tanggapin ang bagong ako."

Naiiyak na si Clio pero tumingala siya saglit para pigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi siya pwedeng umiyak dahil baka masira lang ang performance niya at masayang ang lahat ng pinaghirapan niya.

May napakasarap na damdamin naman ang humaplos sa puso ni CK habang nakikinig sa babaeng matagal na niyang pinapangarap. Naramdaman niyang nag-iinit na ang mga mata niya at pasimple niyang pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi niya nang magsimulang tumulo iyon.

"You changed me, but in a good way. At gusto ko ang pagbabagong 'yon. Dahil sa'yo, mas lalo kong nakilala at nadiskubre ang sarili ko. Nalaman kong kaya ko palang magmahal ng ganito, na hindi iniisip ang sasabihin ng iba. I was always a coward but when I met you, naging matapang ako. So, for my special someone, this song is for you. Sasabihin ko ang lahat ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng kantang 'to. Kaya makinig ka, ha? Before this night ends, 'yung mga katanungan mo naman ang sasagutin ko."

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos magsalita si Clio. Ang iba ay nag-iiyakan na dahil masyado silang naantig sa paglalabas nito ng damdamin para sa taong minamahal. At nang muling tumahimik na ang lahat, doon nagsimulang tumugtog si Clio.

She started to strum her guitar skillfully and after some few moments, her angelic voice filled their ears.

I was kinda hesitant to tell you

Should I let you know?

I was never really like this before

Need I say more

Ang malambing na boses niya ay napakasarap sa pandinig. Para siyang isang anghel na umaawit.

Or maybe I'm confused when you are near me

I don't know what to do or I should be

There's only one thing in my mind

That's you and me

Binaha ng maraming alaala si CK habang buong pusong nakikinig sa pagkanta ni Clio. Mula sa simpleng crush ay unti-unting lumalim ang nararamdaman niya. Ilang taon niya itong minahal ng palihim hanggang sa maglakas-loob siyang magpapansin.

Naiinis pa sa kanya ang dalaga noong una, kaya hindi niya akalain na darating ang araw na ito.

Everthing's really worth the wait and for her, Clio is a girl worth chasing. She's in love with her since forever and she will never stop loving her.

I'm a little bit of crazy

I'm a little bit of a fool

I'm a little bit of lonely

I'm a little bit of all, oh

I need a cure

Just a little bit of you

And I will fall

Nang matapos si Clio sa performance niya, isang masigabong palakpakan ang namayani. They were all busy shouting for an encore.

Bukod kay Belle at Yvette na alam ang tunay na namamagitan sa dalawa, wala nang ibang nakapansin sa matatamis na tinginan nina Clio at CK. Tila nag-uusap ang mga puso nila.

'I love you,' CK mouthed. Labis ang pagpipigil niya sa sarili na takbuhin ang distansya nilang dalawa.

She can't wait to hug her, to kiss her, to tell her how much she means to her, that she's madly and deeply in love with her.

'I love you too,' Clio mouthed back and that was enough to make CK's heart flipped.

Next chapter