Chapter 17 - I Do

I don't have a good feeling about this. Parang tatakas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa matinding kaba. Kung alam ko lang na sa school pala ng ex ko gaganapin ang basketball match nila CK, hindi na sana ako sumama.

But I don't want to disappoint CK. Ngayon lang ako makakanuod ng laban niya at ayoko naman na sumama ang loob niya sa akin kapag hindi ako nagpunta.

Napakagat-kagat na lang ako sa kuko ko dahil sa labis na frustration.

"Hoy! Namumutla ka na. Ayos ka lang?" tanong ni Belle. Naramdaman siguro niya ang pagkabalisa ko.

Tumango na lang ako, pinipilit ipakita sa kanya na ayos lang talaga ko.

"Iyong ex mo ba? Huwag kang mag-alala, malawak naman 'tong school nila at maraming tao dito sa covered court. Hindi naman siguro magtatagpo ang landas niyo," pagpapakalma niya sa akin.

Sana nga.

Naging malalim ang bawat paghinga ko at kahit anong gawin ko, hindi pa rin kumakalma ang puso ko.

"Chill. Nasa tabi mo ako. Hindi ko hahayaang makalapit siya sa'yo." Marahang tinapik ni Belle ang balikat ko saka malapad na ngumiti. "Gusto mo bang puntahan na lang muna natin si CK? Matagal pa naman magsisimula ang laban nila," pag-aaya niya.

Hindi ko na napigilang ngumiti. Just hearing her name was enough to calm all my senses, forgetting all my fears and worry.

Excited na hinila ako ni Belle patayo. Nakiusap pa kami sa mga katabi namin na bantayan muna ang upuan namin. Sa bandang unahan kasi kami nakaupo, sayang naman kung may umagaw nito. Malugod na tumango naman 'yung babaeng napakiusapan namin kaya nagtatatakbo na kami ni Belle palabas ng covered court.

Hindi namin alam kung saan ang locker room ng basketball team dito kaya nagtanong-tanong na lang kami sa mga nakakasalubong namin. Itinuro nila ang isa pang building sa bandang kaliwa ng covered court. Hinila naman ako patakbo ni Belle kaya nagpatianod na lang ako. Mas excited pa ata siyang makita ang pinsan niya kaysa sa akin.

"Okay lang ba talaga na pumasok tayo?" nag-aalinlangan kong tanong nang nasa tapat na kami ng pinto ng locker room. Baka kasi maka-istorbo lang kami sa pagpapahinga nila.

"Ano ka ba? Okay lang 'yan. Malakas ako kay Coach," pagyayabang pa ni Belle.

Ilang katok lang sa pinto ay agad namang may nagbukas nito. Bumungad sa harapan namin ang isang matangkad na lalaki. May edad na ito, mukhang nasa late 50's na pero maganda pa rin ang pangangatawan niya. Halatang maalaga sa kalusugan.

"Coach!" masiglang bati ni Belle. "Pwedeng pumasok? Promise, hindi kami manggugulo."

Maaliwalas na ngumiti naman ang coach ng basketball team sa pakiusap ni Belle. Dumako pa saglit ang tingin niya sa akin bago tumango-tango.

Hindi na ako nakapalag pa nang ipagtulakan na ako ni Belle papasok sa loob. Putek na 'yan. Baka naman madapa pa ako dahil sa pagkakatulak niya.

Maliit lamang ang locker room pero malamig sa loob kaya presko sa pakiramdam. May mga locker na nakahilera sa magkabilang gilid at dalawang wooden long chair ang nakapwesto sa gitna.

Nakaupo sa sahig ang ibang teammates ni CK habang nakasandal ang likod sa hilera ng mga locker. Tinanguan nila kami bilang pagbati. May ilan naman na nakaupo sa mahabang upuan na mukhang abala pa sa paglalaro sa cellphone nila.

Hindi ata napansin ni CK ang pagdating namin. May nakasalpak kasi na earphones sa tainga nito at nagta-tap pa ang isang paa niya sa sahig habang nagbo-bounce pa ang ulo nito. Nagsasayaw din tuloy ang nakatali niyang buhok.

Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi ni CK nang hindi niya namamalayan. Kinuha ko ang isang earphone sa tainga niya at inilagay 'yon sa kabilang tainga ko. Bubulyawan niya sana ako dahil akala niya kung sino ang nanggugulo sa pagso-soundtrip niya, pero nang makita niyang ako ang nasa tabi niya, lumambot agad ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit ka nandito?" giliw na giliw na tanong niya.

"Bibigyan ka ng inspirasyon. Ayaw mo ba?"

She smiled softly. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan 'yon. "Siyempre gusto."

"Nandito rin kaya ko! Hello naman sa inyo," pagtataray naman ni Belle.

Tumango lang si CK sa pinsan. I saw her mouthed a 'thank you' at nag-thumbs up naman si Belle bilang sagot kapagkuwa'y sumalampak na ito sa sahig para makipagkulitan sa mga ka-teammates ni CK. Close kasi ni Belle ang mga ito.

Bumalik naman kami ni CK sa pakikinig ng kanta sa phone niya. Nakahilig ang ulo ko sa balikat niya habang nakapalibot na sa braso ko ang isang kamay niya. Para kaming may sariling mundo ng mga sandaling 'yon, na tila parang kami lang ang tao dito. Hindi na namin pinansin pa ang mga pang-aasar ng teammates ni CK sa amin.

Sabay kaming napakanta ni CK nang tumugtog ang isa sa mga paborito kong kanta. I Do ng A Rocket To The Moon.

Yeah the longer that we're together

The good keeps on getting better

I never thought that I would ever find someone like you

Every day you show me I can,

Just when I think that I can't love you anymore than I do, I do

I can't help but giggled when she started singing the second stanza. Hinayaan ko na lang siya sa pagco-concert niya habang pinipikit ko ang aking mata. Her deep yet soulful voice filled my ears, and I love the sound of it.

And all I think is beautiful, when I think of you

And I still can't believe that you're mine

I'm so in love with this song, but I am more in love with the girl who's singing this song for me. I do love her with every fiber of my being. My heart is beating solely for her. I'd rather stay single forever if it's not her.

"I love you," I softly whispered in her ear. I saw how it turned red.

"I love you, so damn much," she replied, her voice laced with so much love and affection.

I love you and I will never stop loving you.

***

"Saan ang c.r?" tanong ko kay CK. She's still holding my hand not letting it go, like her life depended on it.

"Samahan na kita."

"Huwag na. Ituro mo na lang. Hindi naman na ako bata na kailangan mong samahan sa lahat ng oras," mariing tanggi ko.

Nakita ko kung paano siya bumusangot. "Paglabas mo ng pinto, liko ka lang sa kanan."

"Okay. Balik din ako agad." I planted a soft kiss on her lips.

Agad namang namilog ang mga mata ni CK at saglit pa itong natulala. Narinig ko rin ang pagsinghap ng teammates niya. Halatang gulat din sila sa ginawa ko, pero nakabawi rin naman sila at inulan nila ng kantyaw si CK.

Mabilis akong lumabas dahil sobrang nahihiya rin ako. Putek! Saan ko ba nakukuha itong lakas ng loob ko? Parang gusto ko nang tumili dahil sa labis na kilig nang makarating ako sa c.r, kaya lang pinigilan ko ang sarili ko dahil may ibang tao. Baka isipin pa nila nababaliw na ako.

Baliw naman na talaga ako. Nababaliw ako kay CK.

I studied my own reflection in the mirror for a moment, combing my hair with my hands. Namumula pa rin ang pisngi ko at pakiramdam ko nga mapapatid na ang paghinga ko.

Hawak-hawak ko ang labi ko na kanina lang ay dumampi sa labi ni CK. Nandiyan na naman 'yung mga nagliliparang paru-paro sa loob ng tiyan ko na parang hindi na sila nauubos. Ganito lagi ang epekto ni CK sa akin at hindi ko pagsasawaan ang ganitong klaseng pakiramdam na tanging siya lamang ang may kakayahang magbigay.

Inayos kong muli ang sarili ko. Lumabas na ako ng c.r para bumalik na sa locker room nila CK.

"Clionna?"

Sa isang iglap, ang puso kong kanina lang ay naglulumandag sa saya ay biglang parang tumigil sa pagtibok dahil sa labis na kaba. The sound of that familiar voice send shivers down my spine.

"Nandito ka pala. Manunuod ka ba ng laban o talagang sinadya mo talaga ako dito?"

Napaka-kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Ang sarap niyang ingudngod sa inidoro.

"I'm here to cheer my friend."

"I see. Kung may time ka after, why don't we have some coffee. Alam mo na, let's catch up. Namiss kasi kita."

Sinamaan ko ng tingin ang gago kong ex. Minumura ko na rin siya sa isip ko. The nerve of this guy! Ang hambog talaga. Tahimik na ang buhay ko, bakit hindi na lang din siya manahimik?

Walang sabi-sabing nilagpasan ko siya pero mahigpit niyang nahawakan ang braso ko at itinulak sa pader.

"Ano ba?!" bulyaw ko.

Natakot ako nang bigla siyang sumuntok sa pader kung saan niya ako isinandal. Nakakatakot din ang mga tingin niya sa akin, nagbibigay ng kilabot sa buong sistema ko.

"Umalis ka sa harapan ko." I keep on glaring at him. Pinatigas ko rin ang boses ko pero walang silbi 'yon.

Pagak siyang tumawa. "And you think maiiwasan mo ako ng ganun-ganun na lang?"

Hindi ako makagalaw. Nanginginig ang buo kong katawan. Dahan-dahan inilapit ni Alex ang mukha niya sa mukha ko, pero sa isang iglap naglaho na lang siya sa paningin ko.

The next I knew, CK's already standing in front of me, hiding me at her back, protecting me from my annoying ex. Her right hand was ball into fist.

Nagulat na lang ako nang makitang nagdudugo na ang gilid ng labi ni Alex. Pinunasan niya 'yon gamit ang likod ng palad niya at pinukol ng masamang tingin si CK.

"Miss, pwede bang huwag kang makialam? May pinag-uusapan lang kami ng ex ko."

"Stay the hell away from my girlfriend and don't even lay your filthy hands on her! Umalis ka na sa harap ko habang nakakapagtimpi pa ako!" puno ng pagbabanta ang napakalamig na boses ni CK.

Hinawakan ko ang kamay niya, pilit siyang pinapakalma. Hinila ko na siya palayo pero napatigil kaming muli sa paglalakad nang magsalita pa ulit si Alex.

"Totoo nga talaga ang sinabi ni Yvette, pumatol ka talaga sa kapwa mo babae?" Napahalakhak pa siya na parang nanunuya.

I turned to him, confused upon hearing Yvette's name. Siya ba? Did Yvette betray me? Nagkakausap ba sila?

"Sobra ka bang nasaktan sa break up natin kaya pumatol ka na lang sa babae? Tangina, Clio. Kaya pala ayaw mong hinahalikan kita noon kasi hindi naman pala lalaki ang hanap mo. Napapasaya ka ba niyan? Kung hindi, pwede ka namang bumalik sa akin. Kayang-kaya kitang paligayahin sa paraan na hindi kayang ibigay ng babaeng 'yan."

Tila naubos ang lahat ng pagtitimpi ni CK. Mas lalong nagdilim ang mukha nito. Kumalas siya sa pagkakahawak sa kamay ko at napasigaw na lamang ako nang sugurin niya si Alex at malakas na sinuntok ulit ito.

Natumba ito sa sahig, pero hindi tumigil si CK sa pagsuntok sa kanya. Umaawat na rin sa kanila ang ibang taong dumadaan. Nagkakagulo na sila. May ibang kumukuha pa ng video.

Lumapit ako kay CK para hilahin siya palayo pero hindi siya umalis sa pagkakadagan kay Alex. Puno na ng sugat ang mukha nito dahil sa ginagawang pagsuntok ni CK.

Ramdam na ramdam ko ang naglulumiyab na galit niya. Para akong natutupok. Ngayon ko lang siya nakitang sumiklab ng ganito dahil sa galit.

"CK tama na, please!" Mahigpit na napayakap na lang ako sa bewang niya. Doon lamang siya tumigil at umalis sa pagkakadagan niya kay Alex.

"Anong nangyayari dito?!" Dumagundong na parang isang malakas na kulog ang boses ng coach ni CK. Nakasunod naman sa kanya si Belle at agad nila kaming dinaluhan. Halos manlaki ang mata nila dahil sa naabutang eksena.

Napatakip na lamang si Belle sa bibig niya na may pag-aalala sa mga mata niyang napatitig sa aming dalawa ni CK.

Tinignan naman si CK ng coach niya mula ulo hanggang paa. Nanginginig pa rin ang nakakuyom na kamao nito na may bahid na ng dugo. May pagkahabag na tinapunan ng coach ni CK si Alex na ngayon ay dahan-dahang tumatayo sa sahig. Bugbog sarado ito.

Muling binalik ni coach ang mga mata niya kay CK. Punong-puno ito ng galit at labis na pagkadismaya. "What have you done, Natividad?! Let's go! Magpaliwanag ka sa akin."

Bagsak ang mga balikat na sumunod si CK sa coach niya. Dahan-dahan rin siyang bumitiw sa kamay ko. Niyakap na lang ako ni Belle nang tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko.

***

Hindi ako mapakali. Labis ang kaba ko habang nakaupo sa isang bench sa may labas ng building ng locker room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga.

"It's going to be okay," sambit ni Belle.

Kahit sabihin niyang okay ang lahat, bakas naman sa tono ng boses niya ang labis na pag-aalala. Kanina pa rin siya palakad-lakad sa harap ko.

"CK!" Agad na sinalubong ni Belle ang pinsan niya nang lumabas na ito. Bitbit nito ang navy blue na duffle bag niya.

"Uwi na tayo," matamlay na saad nito kaya napatitig ako sa kanya.

"Bakit? May game pa kayo, ah!" naguguluhang tanong ni Belle sa pinsan.

"Suspended ako. Hindi muna ako maglalaro ngayon at sa susunod pang game. Tara na," she smiled. Halata namang pilit lang ang mga ngiti niya.

Tahimik lang kaming tatlo habang naglalakad papunta sa parking lot. Kahit nang makapasok kami sa loob ng kotse ni CK, walang nangahas na magsalita sa amin.

Habang nasa biyahe, doon lang nabasag ang katahimikan namin nang magsalita si Belle.

"Ibaba mo na lang ako dito. Magkikita kami ni Rome."

Tumango lang si CK at saglit na ipinarada ang sasakyan niya sa tapat ng mall.

"Ingat kayo," bilin niya pa bago bumaba.

Muling nag-drive si CK. Diretsong nakatingin lamang siya sa daan. May bendang nakabalot na sa kanang kamay niya. Napakagat na lang ako sa ibabang bahagi ng labi ko. She got hurt because of me.

Nang makapasok ang kotse ni CK sa subdivision namin, imbes na ihatid niya ako sa bahay, dumiretso siya sa may playground. Bumaba siya ng kotse niya para pagbuksan ako ng pinto.

Inalalayan niya akong bumaba. Hangang sa makaupo kami sa swing, hindi pa rin kami nag-iimikan.

"Sorry," naiiyak na sambit ko.

Naramdaman ko na lang na isinusuot niya sa akin ang puting jersey jacket niya. Lumuhod siya sa harap ko. Hinawakan niya ang mukha ko at pilit na inaangat ang tingin ko sa kanya.

"Clio, look at me. Please?" halos magsumamo na siya sa akin.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Muli akong naiyak nang magtagpo ang mga mata namin. She's staring at me, her eyes filled with care.

"Sorry. Hindi ka nakapaglaro ng dahil sa akin," bulong ko. Punong-puno ng guilt ang boses ko.

Kasalanan ko. Nasaktan na siya, nasuspend pa siya sa laro ng dahil sa akin.

"It's not your fault okay? Don't blame yourself. Ilang game lang naman, after that makakapaglaro naman ako ulit," she said reassuringly, pulling me into a warm embrace.

"Hindi mo na kasi dapat ginawa 'yon," wala sa loob na bulalas ko.

"That asshole deserved that. Kulang na kulang pa nga 'yung ginawa ko."

"Ayos lang naman ako," pakikipagtalo ko pa.

I heard her sigh. "Well, sa akin hindi okay 'yon. Kahit sino naman, gagawin ang ginawa ko lalo't binabastos na sa harap nila ang taong mahal nila. Sorry, natakot ba kita?"

Umiling-iling ako. "Thank you."

Ginulo-gulo niya ang buhok ko. "Silly. You don't have to thank me. Lahat gagawin ko para sa'yo. Tara na, uwi na tayo?" pag-aaya niya.

"Dito na lang muna tayo," pagtutol ko.

I felt her hugged me tighter, burying her head on my hair. We stayed like that for awhile, enjoying each other's warm.

***

Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa langit at parang pinaparusahan niya ako ngayong araw. Para akong napagtitripan ng buong universe. Pagkatapos ng isang hindi magandang balita, may dadagdag pa pala, at mas mabigat pa.

Kaaalis lamang ni CK sa bahay. Pinauwi ko na siya para makapagpahinga na ito. Wala pa si mommy dahil nag-overtime na naman ito.

Nang mabasa ko ang chat ng kapatid ko sa akin, tuluyan nang bumaligtad ang mundo ko.

Halos mabitawan ko sa sahig ang cellphone na hawak ko dahil walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Hindi ko rin magawang makapagtipa ng mensahe para sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ciara:

What's the meaning of this, Clionna?

Anong kagagahan ba 'tong pinaggagawa mo sa buhay mo?

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakakatitig lang sa chat niya at sa picture na sinend niya sa akin. It was a picture of CK and I, kissing at the university pool.

Napapitlag ako nang muling tumunog ang cellphone ko. Takot na takot akong sagutin ang tawag ng ate ko. She was requesting for a video call.

"Magpaliwanag ka! Anong ibig sabihin ng picture na 'yon?!" Umalingawngaw agad ang malakas na sigaw ni ate Ciara mula sa kabilang linya. Pinuno ng boses niya ang napakatahimik na sala ng bahay namin.

Hindi ko magawang tignan siya sa mata. "A-Ate," nanginginig ang labi ko.

"Nag-iisip ka pa ba? Anong kalokohan 'to? Nagrerebelde ka ba sa akin? Sino ang babaeng 'yon! Anong namamagitan sa inyo? My goodness, Clionna. Hindi ka na ba nahihiya?" Sunod-sunod ang mga tanong niya pero parang lumalabas lang ang lahat ng iyon sa tainga ko.

Gusto ko nang ibaba ang tawag dahil hindi na kayang tanggapin ng sistema ko ang nararamdaman kong pagkadismaya sa boses niya.

"Magsalita ka, ano ba?! May relasyon ba kayo?"

Dahan-dahan akong tumango, hindi ako makabuo ng salita dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.

Mas lalo lamang siyang nagpuyos sa galit dahil sa ginawang pag-amin ko. "Tanga ka ba? Anong pumasok sa kokote mo at pumatol ka sa babae? Hindi mo man lang inisip ang sasabihin ng mga tao? Ganyan ba ang ginawang pagpapalaki sa'yo ng mommy mo? Kung alam ko lang na magkakaganyan ka, sana dati pa kita inilayo sa kanya."

Tama na. Ayoko na.

"Pack your things. I will give you one week para ayusin ang lahat. Uuwi ako at ilalayo na kita diyan. Tigilan mo na rin ang ugnayan mo sa babaeng 'yan. Wala akong kapatid na lesbiana, kaya tapusin mo na ang kabaliwan na 'yan!"

Nanlambot ang tuhod ko. Tila papanawan na ako ng lakas dahil sa narinig.

"Ate, please. Don't do this," pagmamakaawa ko. Buong buhay ko, ngayon lang ako nagmakaawa sa kanya ng ganito.

"You can't change my mind anymore! Hindi ko na hahayaang gumawa ka pa ng kahihiyan. Break up with that girl, ngayon din. Sinasabi ko sa'yo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi mo sinunod ang gusto ko!"

With that, she ended our video call. Hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko sa kanya. Hindi ko man lang nagawang ipaglaban si CK sa kanya.

Napasalampak na lamang ako sa malamig na sahig ng sala. Nahihirapan akong huminga. Naninikip ang dibdib ko. Ang bigat-bigat ng kalooban ko na tila may kung anong napakabigat na bagay na dumadagan sa puso ko.

I know this time will come, pero hindi ko napaghandaan ang mabilis na pagdating nito.

Next chapter