Chapter 6 - There's Nothing Wrong With That

12:05 p.m

CK: 

Good morning. :)

Clio:

Anong good morning? Tanghali na kaya.

CK:

Hahaha oo nga.

Tinanghali na ko nang gising.

Ang sakit ng ulo ko.

Clio:

Ayan, inom pa more.

CK:

Sarap kasi ng wine. Mukhang mamahalin pa kaya sinulit ko na.

Clio:

Baliw.

CK:

Baliw sa'yo?

Clio:

CK!

Ang aga aga ha.

CK:

Hahahaha bakit? Nagbablush ka na?

Clio: 

I'm not.

CK:

Pero kagabi nagblush ka?

Clio:

Ewan ko sa'yo. Ayaw na kitang kausap.

CK: 

Hahaha sorry.

Sige na. Hindi ko na ipapaalala. :)

Kagabi pa 'yon pero ramdam na ramdam ko pa rin ang mahigpit na yakap sa akin ni CK. Hindi ko nga alam kung gaano kami katagal na magkayakap kagabi. Kung hindi pa umakyat si uncle sa 2nd floor ng resto niya, hindi pa siguro kami maghihiwalay.

"I...love you."

Pulang pula ang mukha naming parehas nang bumalik kami sa table at sumali sa pagkakasiyahan ng mga kaklase niya. Buti na lang walang nakapansin sa kanila na matagal kaming nawala. Sulyap pa nang sulyap sa akin si CK, tapos biglang ngingisi at kikindat. Ang sarap niyang batuhin ng baso. Pasalamat siya at birthday niya.

I know, I heard her right. I can't believed that she told me those three letter words. Binulong niya pa ulit sa tainga ko ang mga salitang 'yon, bago kami maghiwa-hiwalay. And I was really flabbergasted.

Napahawak ako sa dibdib ko. Why does my heart always skip a beat, everytime I remember her words?

"Clionna, anak. Bakit nakahinto ka diyan?"

I jolted back to the present when I heard my mom called me. Medyo malayo na pala siya sa akin kaya tumakbo ako patungo sa kanya.

"Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" alalang tanong niya at sinalat ang noo ko.

"M-Mainit kasi mom," pagdadahilan ko.

Kumunot naman ang noo ni mommy. "Mainit? Eh, nasa aircon tayo."

Napahawak tuloy ako sa magkabilang pisngi ko. Ramdam kong mas lalong uminit ang mukha ko dahil naman sa pagkapahiya.

"Halika na nga sa counter nang makauwi na tayo," pag-aaya niya.

I smiled and nodded. "Sige po."

Tinulungan ko siya sa pagtutulak ng cart papunta sa counter. Habang naghihintay sa pila, nagtipa na ulit ako ng mensahe para kay CK.

12:10 p.m

CK:

Bakit di ka na nagreply?

Busy?

Clio:

Hindi naman.

Nag-grocery lang kami ni mommy.

CK:

Wala kang ibang lakad ngayon?

Clio:

Wala naman. Sasakay kasi kami eh.

CK:

Hahahahahahaha Oo nga naman.

Anyway, thank you pala.

Clio:

Malulunod na ko sa thank you mo, kagabi pa.

CK:

Iba na 'to.

Thank you, for still talking to me.

For not avoiding me.

Clio:

Bakit naman kita iiwasan?

I like talking you. I like your company. I like being with you.

CK:

And you like me? Hahaha kidding.

I like her.

Pero sa ngayon, hindi ko alam kung anong klaseng like ba itong nararamdaman ko para sa kanya. Kung kaibigan lang ba o pwedeng humigit pa?

***

How can one fall in love with the same gender?

How to know if you're in love?

Does falling in love with the same gender makes me gay?

Nakaharap lamang ako sa laptop ko at nagbabasa ng kung anu-ano. Ito lang ang inatupag ko ngayong araw nang makauwi kami ni mommy. Daig ko pa ang nagre-research para sa thesis dahil sa ginagawa ko. Para akong timang. Alam ko namang wala akong makukuhang kasagutan kay google tungkol sa mga tanong sa utak ko kahit ano pa ang gawin ko.

Huminga ako ng napakalalim. Sabay na tinapik ng dalawa kong kamay ang magkabilang pisngi ko.

'I know I'm straight. I'm not into girls,' pagkausap ko sa sarili ko.

'But CK is an exemption. I know, you like her. Maybe it's just a crush?' bulong naman ng isang bahagi ng utak ko.

I let out another heavy sighed. Okay. Sige, crush ko siya! Wala naman sigurong masama kung crush lang?

Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang bigla na lang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa ibabaw ng bedside table ko at sinilip kung sino ang tumatawag.

Dumoble ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang mabasa ang pangalan ni CK sa screen. Nag-alangan pa akong sagutin 'yon at hinayaan lang na mamatay ang tawag. Ngunit ilang segundo lang ay nag-ring ulit ito kaya agad ko na itong sinagot. Baka importante.

"H-Hello?" I stammered.

Putek! Bakit ba ako kinakabahan? Kalma naman heart.

"Hey, nuod tayong sine?" she asked casually on the other line.

"T-Tayong dalawa lang?" tanong ko.

Parang gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil sa pagiging utal ko. Wala ring tigil sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko.

I heard her chuckled. "Bakit? Gusto mo ba tayong dalawa lang?"

"Ayoko kapag tayong dalawa lang," I said firmly.

"Oh. I see," mahinang sambit niya. Parang dismayado ang boses niya.

May nasabi ba akong mali?

"Don't worry. Kasama natin sina Belle at boyfriend niya," she continued. "Sinagot na niya pala si Rome."

Panay tango ko na lamang habang nakikinig sa kwento niya. Hindi ko na namalayan na napapangiti na pala ako. I really like the way her voice sounds over the phone. It's so deep yet lovely.

"Sama ka na, please?" pangungulit niya.

"Sige."

"Yes!

Napatakip na lang ako sa tainga ko dahil sa malakas na pagsigaw niya. Para naman siyang nanalo sa lotto kung makasigaw. Muntik nang mabasag ang eardrums ko.

"Mag-aayos na ko," paalam ko. "Chat ko na lang kayo kapag paalis na ko."

"Okay. See you later!"

***

I keep checking myself on the full length mirror inside my room while waiting for my cab.

Doned in my denim button down dress and white flat shoes, I think I look so fine.

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko dahil medyo basa pa ito. I grabbed my sling bag and went out, skipping happily while descending down the stairs.

"May lakad ka?" curious na tanong ni mommy.

Naabutan ko siya na nasa sala at nanunuod.

"Opo," sagot ko.

Kinuha niya ang wallet niya, mukhang dudukot ng pera.

"It's okay mom. I have enough on my pocket. Isa pa, libre naman ng boyfriend ni Belle 'yung sine."

"Oh! Third wheel ka o may ka-date ka rin?" she asked with a teasing smile.

"I'm with CK, mom. Wala akong ka-date."

"Okay, sabi mo, eh. Magtext ka kung gagabihin ka."

"Yes, mom!" Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi niya. Sakto namang dumating na ang grab ko kaya nagtatatakbo ako papalabas ng gate.

"Take care! Enjoy your date," pahabol na sigaw pa ni mommy.

Ugh. I'm not going on a date!

***

"Wow! Vavaeng marangal! Ganda-ganda natin, ah."

Pang-aasar agad ang ibinungad sa akin ni Belle nang dumating ako sa foodcourt. Napag-usapan namin na dito kami magkita-kita.

Rome, Belle's boyfriend just nod to acknowledge my presence, so I also nod at him in return. His arms were wrapped around Belle's shoulder, pulling her closer to him. Kilig na kilig naman 'yung isa.

Matagal na itong nanliligaw kay Belle, mabuti naman at sinagot na niya ito. Schoolmates namin siya, engineering student din gaya ni CK.

"Nasaan si CK?" tanong ko nang mapansing wala pa siya.

"Nag-cr lang. Hintayin lang natin. O, nandiyan na pala!" sambit niya saka may itinuro.

Nilingon ko kung saan tumuro si Belle. Nakita ko si CK na naglalakad na papunta sa amin. Parang nag-slow motion bigla ang paligid habang lumalapit siya.

Kumakaway-kaway pa siya sa akin habang may maaliwalas na ngiti sa labi. I noticed that she's wearing a red polo shirt, ito 'yung niregalo ko sa kanya kahapon. Naka-black jeans naman siya at bumagay dito 'yung light grey sneakers na regalo ko rin sa kanya.

"Nilabhan mo ba 'yan?" I asked jokingly, pertaining to her red polo shirt.

"Hindi. Amoy bago naman eh," she replied with all honesty. Natawa tuloy ako.

"Excited 'yan masyado na suotin ang mga binigay mo. Hindi naman halata 'di ba?" gatong pa ni Belle.

Hindi siya pinansin ni CK dahil sa akin lang nakatuon ang atensyon nito.

"Ikaw, bakit ang ganda mo?" puri niya sa akin. Siya rin naman kaya, maganda.

"Maganda ba talaga ko today?" pagpapa-cute ko, with matching palm-on-cheeks pose pa.

Ngumiti siya at pinisil ang tungki ng ilong ko. "Lagi ka namang maganda sa paningin ko," bulong nito.

Napakurap-kurap ang mga mata kong napatitig sa kanya. Napahawak naman ang isang kamay niya sa likod ng batok niya, na tila nahihiya. Bigla tuloy nag-init ang mukha ko.

"O, kayong dalawa? Diyan na lang kayo?"

Sabay kaming napatingin ni CK kina Belle at sa boyfriend nito. Naglalakad na pala silang dalawa palayo.

"Let's go!" CK suddenly grabbed my hand, making my heart raced so wild. Kinailangan ko pang huminga ng napakalalim para lang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Sinundan namin sina Belle pero mabagal lang ang ginagawa naming paghakbang. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Sumilay ang ngiti sa labi ko habang hinihigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Saglit na nilingon ako ni CK. May kakaibang kislap sa mga mata niya nang pisilin niya ang kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero gustong-gusto ko ang pakiramdam habang magkadaupang palad kami. Kung pwede lang sanang huwag nang bumitaw.

Mabuti na lang at nasa likod kami nila Belle, hindi nila makikita ang pagho-holding hands namin.

Okay lang naman siguro 'to di ba?

***

Ang dami namang pwedeng panuorin, talaga namang horror pa ang pinili ng mga kasama ko. The Grudge pa talaga! Sobrang matatakutin pa naman ako, thar's why I hate watching horror movies. Mahina ang puso ko para sa mga jump scare at baka maiyak lang ako sa takot. Nakakahiya naman kapag nangyari 'yon.

"Scared?" CK asked teasingly.

Walang alinlangang tumango naman ako.

"Labas na tayo?"

Bigla ko siyang nilingon. Madilim sa loob ng sinehan kaya hindi ko maaninag ang mukha niya, pero sa tono ng pananalita niya, mukhang seryoso siya.

"Huwag. Sayang naman."

"Okay. Yakap ka na lang sa akin kapag natatakot ka," bulong niya.

Itinulak ko ang ulo niya palayo sa akin nang humilig siya sa balikat ko. Nagtangka pa ulit siyang gawin 'yon kaya mahina ko siyang hinampas sa braso. Humagikgik lang ang loka. Inirapan ko na lang siya kahit hindi niya pa makita. Loko rin, eh. Sinamantala pa ang pagiging duwag ko.

"Akin na 'yang kamay mo," pangungulit ni CK. Palibhasa hindi pa nagsisimula ang movie kaya ako ang nililigalig.

"Bakit?" I asked, confused.

"Huhulaan kita."

"Paano mo ko huhulaan? Madilim kaya. Hindi mo naman makikita," kontra ko.

"Basta, akin na."

I sighed, defeated. Binigay ko na lang sa kanya ang kanang kamay ko para tumigil na siya. Akala ko huhulaan niya talaga ko, iyon pala hahawakan niya lang ulit ang kamay ko. Smooth.

Tumingin na siya sa big screen dahil magsisimula na ata 'yung movie. Nilalaro-laro niya ang mga daliri ko kaya naman parang aatakihin na naman ako sa puso. Sigurado akong pulang-pula na ang buong mukha ko ng mga sandaling iyon.

I'm glad that she's here. Nakalimutan ko ang takot ko ng dahil sa kanya. Ang laking distraction ng magkahugpong naming kamay. Doon lang ako nakatingin, the whole time.

***

Hindi ko naintindihan 'yung movie na pinanuod namin. Hindi ko man lang din namalayan na tapos na pala ito. Aminado naman ako na dahil 'yon kay CK. Sa kanya lang ako naka-focus at nakalimutan kong nasa sinehan pala kami.

Hanggang makalabas kami, parehas naming hindi napansin na magkahawak-kamay pa rin kami. Nang makita 'yon nila Belle at ng boyfriend niya, inulan nila kami ng kantyaw. Kaya naman, mabilis pa sa alas-kwatro na binawi ko ang kamay ko at nagtago na lang sa likuran ni CK.

Habang naghahanap kami ng lugar kung saan pwedeng maglibang, nasa likod lang ako ni CK at tahimik na sinusundan sila. Nang bigla itong tumigil sa paghakbang, bumangga ako sa likuran niya. Muntik akong matumba pero agad na nahawakan ni CK ang braso ko.

"Bakit ba nagtatago ka sa likuran ko?" takang tanong niya habang matamang nakatitig sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin. "W-Wala lang."

"You're so cute," she chuckled.

Tinignan ko siya ng masama. "Hindi nga kasi ako aso."

"But you're really cute," giit niya.

"Tara na nga! Malayo na sina Belle, baka mai—"

"Don't mind them," putol niya.

Napaatras na lamang ako nang lumapit siya akin. Mataman niya akong tinignan.

"Can I hold your hand again?" walang ligoy na tanong niya.

I just looked at her, flabbergasted. "B-Bakit?"

"Because I like you. I like holding your hand," she said. "It's so soft, so warm and small. It fits perfectly with mine."

I gulped audibly. "Do you really have to blatantly tell me that?!"

"Why not? Totoo naman," tumaas ang sulok ng labi niya. "Bakit? Hihimatayin ka na ba sa kilig?"

"Hindi! I hate you! Diyan ka na nga! I won't let you hold my hand again!" inis na sambit saka siya nilagpasan.

Hinabol naman niya ako pero panay ang layo ko sa kanya sa tuwing lumalapit siya sa akin. I really have to put a safe distance between us. She keeps attacking my heart and this is not good for me.

***

Tila batang na-hyper si CK nang mapadaan kami sa Tom's World. Tinigil niya ang pangungulit niya sa akin at bigla niyang hinila si Rome. Hinamon niya ito ng pataasan ng score sa basketball. Hinayaan na lang muna namin sila.

Umupo kami ni Belle sa may bakanteng bench at pinanuod na lamang sila sa paglalaro nila.

"Be honest with me, Clio. Anong meron sa inyong dalawa ng pinsan ko?" biglang bulalas ni Belle kaya naibuga ko ang iniinom kong ice tea. Mabuti na lang walang tao sa paligid namin.

Nanlalaki ang mga mata kong napalingon sa kanya. "Anong sinasabi mo?"

Saglit niyang tinapunan ng tingin si CK na walang mintis sa pagsho-shoot ng bola. Medyo malayo sila mula dito sa kinauupuan namin at maingay rin naman sa paligid kaya hindi nila maririnig ang pag-uusap namin ni Belle.

Binalik ulit sa akin ni Belle ang mga mapanuring mata niya. "I know my cousin likes you. But how about you? Ano siya sa'yo?"

Hindi ko inaasahang tatanungin niya ko ng ganito. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang sabihin sa kanya ang totoo. Belle's my best friend and I can't lie to her.

"She told me she loves me," I said in an almost inaudible voice.

Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa confession sa akin ni CK at ang nangyari sa pagitan namin kagabi. I was waiting for her to react but I think she's expecting it already kaya hindi na siya nagulat sa narinig niya.

Belle crossed her arm, looking at me sternly. "Eh, ikaw? Anong nararamdaman mo sa kanya?"

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko. Ano nga ba?

"Clio, you know I love you. Mahal ko kayong dalawa ng pinsan ko. Matagal ko nang napapansin na may something sa inyong dalawa, hindi lang ako sigurado sa part mo. But anyway, you look good together. I'm not forcing you to like her back, 'coz I know you for a long time."

"Alam kong takot kang makasakit ng damdamin ng tao. But you know what? There's nothing wrong with being straight and there's nothing wrong with being gay either. Pero sana, kung wala kang balak suklian ang nararamdaman ng pinsan ko, huwag mo na lang siyang paasahin," she pleaded.

But I'm not giving her some false hope, am I?

"You can just reject her straight to her face. I'm sure maiintindihan—"

"I like her." I cut her off.

Kita ko ang gulat na rumehistro sa mga mata ni Belle. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa akin habang awang mga labi. Pakiramdam ko, sasabog na ang dibdib ko kung kikimkimin ko lang ito. She needs to know.

"Sigurado ka?"

"I don't know, yet." I sighed heavily. But this," I pointed at my heart. "I think my heart knows the answer. Sigurado 'to, laging nagwawala itong puso ko sa tuwing kasama ko siya," pag-amin ko.

I felt Belle patted my shoulder lightly, smiling softly. "You already know the answer, you just have to accept it. Go on, there's nothing wrong with that."

Next chapter