Chapter 15 - If One Day

"Cienna Kate Natividad."

I couldn't stop myself from laughing so hard when CK's face contorted into a deep frown when I called her by her full name. Babaeng-babae naman pala ang pangalan niya. Ngayon ko lang nalaman 'to.

"Cienna Kate pala, ha!" gatong pa sa akin ng boyfriend ni Belle na sinabayan din ng malakas na paghalakhak ni Belle mula sa kusina habang nagtitimpla ito ng juice.

Nandito kasi kami sa sala ng bagong bahay nila na binili ng parents ni Belle. Finally, nagpasyang mag-stay na for good sa Pilipinas ang magulang niya. Magkakasama na rin sila pagkatapos ng mahabang panahon na nagkahiwalay sila. CK lived with them too and I'm happy that they were treating her like she's their own daughter.

"Akin na nga 'yan!" Nakasimangot na inagaw ni CK ang i.d niya mula sa akin at ibinalik ulit sa bag niya. Sumalampak siya ng upo sa sahig na malayo ang agwat sa akin. Huh! Ngayon alam ko na kung paano siya pikunin.

"Sorry na po," paglalambing ko. Sinundot-sundot ko ang pisngi niya ng takip ng ballpen na dinampot ko mula sa lamesa pero hindi ito umimik. Nagbasa na lang siya ng libro at bumalik na sa pagre-review.

Ang bilis lumipas ng araw. Parang may nagfa-fast forward nito. Sana lang ay may remote na pwedeng ihinto ang oras at kung pwedeng ibalik ang mga lumipas na araw, babalik ako sa panahon na first year college palang kami. Hahanapin ko si CK, at ako na mismo ang lalapit sa kanya nang sa gayon, naging mahaba pa ang pagkakataon na magkakilala at magkasama.

Second semester na at midterm na namin sa susunod na linggo kaya heto, naisipan naming mag-review ng magkakasama kahit na magkakaiba naman ang course namin. Tulungan na lang kami kapag may hindi kami naiintindihan.

Katatapos lang din ng election para sa officers ng panibagong term ng SSG. Goodbye, Aliyah for president na. Sana matino na ang naiboto nilang bagong president ng SSG.

Ang dami na talagang naganap sa loob ng ilang buwan. Yvette on the other hand is still Yvette. She really drifted apart from us. Hindi na lang nagtanong pa si Belle. Ang rason niya, hindi niya ugaling maghabol sa mga taong nang-iiwan bigla sa ere.

I feel a little guilty. Partly, it was my fault why she drifted away from us. I do hope na maging maayos ulit kami bago kami grumaduate. Nakakahinayang din naman ang mga pinagsamahan namin.

"Guys, meryenda muna."

Bitbit ni Belle ang tray na may lamang isang pitsel ng juice at platito na may slice ng cake nang bumalik ito sa sala. Nilapag muna namin sa sahig ang mga libro at reviewers naming nagkalat sa mesa para hindi mabasa ang mga ito.

Kanya-kanya kaming kuha ng cake sa mesa at tahimik na kumain. Sinubuan ko na lang si CK para mawala ang pagka-badtrip niya pero ayaw niya pa ring ngumiti. Mayamaya pa ay tumayo ito at nagtungo sa c.r.

"Badtrip ang loka. Ayaw niya kasing tinatawag sa buong pangalan niya," biglang nagsalita si Belle kaya agad ko siyang nilingon.

"What's wrong with that? Maganda naman ang pangalan niya," tanong ko.

"Papa niya kasi ang nagbigay sa kanya ng pangalan na 'yon. Galit siya sa papa niya, eh." she explained.

"Nasaan ba papa niya?" usisa naman ni Rome.

"I don't know. Sumakabilang bahay na. Nilayasan niya sina CK sa mismong highschool graduation namin. Good riddance, mabisyo rin naman kasi ito. Madalas napagbubuhatan niya rin ng kamay ang mama ni CK kapag lasing. Baka nga ito rin ang dahilan why tita got sick, eh. Grabe kasi manigarilyo 'yon," pagkukwento niya.

Mahirap pala talaga ang mga napagdaanan ni CK no'n. But despite that, she grew up into a strong and responsible woman. I'm proud of what she become.

Binalot kami ng awkward na katahimikan nang bumalik si CK sa sala. Nakatali na ang kaninang nakalugay niyang buhok. Iba na ang kulay ng buhok niya pagkasimula ng bagong semester. From brown naging bluish black na ito. Bagay na bagay sa kanya ang kulay, nag-uumapaw siya sa swag. Nakaka-in love siya lalo.

Nang matapos kaming magmeryenda, si CK ang nagprisintang maghugas muna ng pinagkainan namin. Sinundan ko siya sa kusina, tahimik na nakamasid lang ako sa likod niya habang naghuhugas ito.

Ano kayang mararamdaman niya kapag isang araw nagising siya na wala na ako sa tabi niya? Magagalit ba siya?

Hot tears suddenly stream down my face when I think about the possibility of leaving her. Parang wala rin pala akong pinagkaiba sa tatay niyang nang-iwan sa kanya.

Niyakap ko si CK mula sa likuran at bahagyang nanigas ito. Halatang nagulat siya pero pinagpatuloy niya pa rin ang paghuhugas ng plato.

"Umiiyak ka ba?" alalang tanong niya.

Narinig niya siguro ang pagsinghot-singhot ko kaya agad siyang humarap sa akin. Pinunas niya ang basang kamay niya sa laylayan ng damit niya at kinulong ang mukha ko sa pagitan ng mga palad niya.

"Bakit?"

"Ikaw kasi. Kanina mo pa ako hindi iniimikan," pagsisinungaling ko.

Masuyo niyang ginawaran ng halik ang tungki ng ilong ko. "Sorry," she whispered.

"Sorry din."

She sent me a heart-melting smile bago bumalik ulit sa paghuhugas. Tinulungan ko na lang siya para matapos na siya agad pero mas lalo lang kaming nagtagal.

Panay ba naman ang harutan namin at paminsan-minsa ay nagbibitaw si CK ng korni na jokes. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko kaya napupuno ng masasarap na tawanan namin ang buong kusina.

Sana hindi na matapos ang kasiyahan naming dalawa.

Magkahawak kamay kaming dalawa ni CK nang bumalik na ulit kami sa sala. Hindi na kami nag-review dahil nag-suggest si Rome na maglaro muna kami ng spin the bottle. Talaga namang nag-effort pang maghanap ng bote ng softdrink si Belle makapaglaro lang kami.

"Truth or dare?" na-eexcite na tanong ni Belle nang huminto sa pag-ikot ang bote at tumapat ito kay CK. Buena mano siya.

"Truth!" buong tapang na sagot nito. Magkahugpong pa rin ang dalawang kamay namin sa ilalim ng mesa.

"Naks! Atapang atao!" kantyaw pa ni Rome. Bagay talaga sila ni Belle. Ang lakas ng saltik nila parehas. Mga abnormal.

"Okay. Kailan ka nagsimulang magkagusto kay Clionna?" nangingising tanong ni Belle sa pinsan.

Tumingin muna sa akin si CK. Walang kagatol-gatol na sinagot niya ang tanong ng pinsan niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Noong enrollment para sa freshmen. Nakita ko siya sa pila. Unang kita ko palang, gandang-ganda na ako sa kanya kaya naging crush ko siya agad."

Naramdaman ko ang pamumula ng pagmumukha ko dahil sa paraan ng pagtitig ni CK sa akin. Idagdag pa 'yung mga inamin niya. Nakakatunaw.

Naghiyawan naman sina Belle at Rome na may kasama pang pagkalampag ng mesa dahil sa sobrang kilig. Mga baliw.

Nang kumalma na silang dalawa, pinaikot na ni CK ang bote. Ilang spin lang, kay Rome naman huminto ito.

Mukhang kinabahan si Rome dahil may paglunok pa ito ng laway niya.

"Truth or dare?" mapanghamon na tanong ni CK.

"Truth!" Mabilis na sumagot ito.

Pilyong ngumisi naman si CK sa kanya. "Lights on or lights off?"

Nanlaki parehas ang mga mata nina Rome at Belle dahil sa tinanong ni CK. Ilang saglit pa, biglang may lumipad na throw pillow sa direksyon ni CK dahil binato siya ng pinsan niya.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?!" singhal ni Belle.

Humalakhak lang na parang diyablo si CK. Aliw na aliw siya sa reaksyon nung dalawa. Siraulo rin talaga ang isang 'to.

"Lights on para kita lahat." Natatawang sagot naman ni Rome.

Napa-aray siya ng kurutin siya ng girlfriend niya sa tagiliran. Pulang-pula ang mukha ni Belle at parang papatayin na niya sa tingin ang boyfriend niya dahil sa sama ng titig niya dito. Nag-peace sign naman si Rome sa kanya pero umikot lang ang mata ni Belle sa hangin.

Kinuha ni Rome ang bote at excited na pinaikot niya ulit ito. Kay CK na naman ito huminto kaya napangiwi na lang siya.

"Dare," sagot niya agad. Hindi na niya hinintay na magtanong pa si Rome.

"Excited naman, pards! Sige nga, halikan mo nga si Clio sa harap namin. 20 seconds dapat!" hamon nito.

Muling nag-init ang mukha ko dahil sa pinapagawa ni Rome. Malakas na pumalakpak pa si Belle na akala mo naman nagtatawag siya ng kalapati.

Dahan-dahan akong hinarap ni CK sa kanya. At ang loka, abot langit na ang ngiti.

"Okay lang ba?" paghingi niya ng permiso.

Nahihiyang tumango na lang ako.

"It's okay kung hindi mo gusto 'yung dare nila sa akin. Baka hindi ka komportable," masuyong sambit pa ni CK.

I blinked. "Ayaw mo ba?"

"You know how much I like kissing you, love. Pero alam kong hindi ka komportable sa PDA kaya ayos lang kung hindi ka pumayag," she said reassuringly as she planted a tender kiss on my forehead. Ilang segundong nagtagal ang labi niya sa noo ko bago siya humarap muli kay Rome.

"Done. Wala ka namang sinabi kung saang part ko siya dapat halikan," katwiran ni CK.

I can't help but smiled at her lovely gesture. Palagi talaga niyang iniisip ang nararamdaman ko, bago ang sarili niya.

"Gaganti tayo," bulong ni CK sa tainga ko bago malakas na paikutin ang bote. Nang huminto sa pag-ikot ang bote, tumapat ito kay Belle.

"Dare na! Dare na!" sigaw ni Rome.

"Ayoko nga! Wala akong tiwala kay CK. Baka  ano pa ang ipagawa niyan," mariing tutol ni Belle. Para namang nanlumo si Rome dahil sa pagtanggi ng girlfriend niya. Gusto lang ata nitong maka-kiss, eh.

"Truth ako!" Belle beamed.

"Boring naman," ungot ni CK. "Gaano kasarap humalik ang boyfriend mo? Rate 1 to 10. 1 as the lowest, 10 as the highest."

"11!" proud na proud na sagot ng huli.

"That's my babe!" sigaw na naman ni Rome. Nakipag-apir pa siya sa girlfriend niya.

Muling pinaikot ni Belle ang bote at sa akin ito tumapat. Parang timang na napasuntok naman sa hangin si Rome dahil sa pagce-celebrate niya. Daig niya pa ang naka-jackpot sa lotto.

Belle cleared her throat before asking me the same question. "Truth or dare?"

"Truth!" I answered bravely.

Ayoko ng dare, lalo na't baliw ang mga kasama ko. Baka kung anong nakakasira ng dangal pa ang ipagawa nila sa akin. I can't afford to lose my face in front of them, especially in front of CK.

"Gaano na kalayo ang narating niyo ni CK?" diretsong tanong ni Rome. Nakangisi ito na parang si Satanas. Nai-imagine ko tuloy siya na may sungay sa ulo.

"Huh?" I asked a bit confused.

"Tanga! Ako ang magtatanong! Isa pa, huwag mong dinudumihan ang utak ni Clio! Inosente 'yan!" bulyaw ni Belle. Hinampas niya pa ng libro ang likod ng ulo ng boyfriend niya.

Kawawa naman, battered boyfriend na.

Nilingon ko si CK na tumawa-tawa lang sa tabi ko. Buti pa siya gets niya. Mapagtanong ang mga mata ko nang sinalubong ko ang tingin niya.

"Huwag mong pansinin mga sinabi ni Rome," sabi na lang niya.

"Okay game. Gaano mo kamahal ang pinsan ko?" seryosong tanong ni Belle sa akin.

Nakatingin silang lahat sa akin, naghihintay sa isasagot ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni CK sa kamay ko. Mataman niya akong tinignan. I returned her gaze with so much affection, saka ko binuka ang bibig ko para sagutin ang katanungin ng pinsan niya.

"Mahal na mahal."

CK's lips curved into a warm smile, she looked so satisfied. "I love you too."

"Tangina, ayoko na! Ang tamis-tamis!" Panay mura ni Rome kaya nagtawanan na lang kami.

Kinuha ko na ang bote at ako na ang nagpaikot nito. Akala namin hihinto ito kay Belle kaya nagtititili ito dahil ayaw niyang matapatan pero gumalaw pa ulit ang bote at tumapat na naman ito kay CK. Malas niya, pati bote attracted sa kanya.

"Truth or dare?" Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa.

"Truth!" hyper na sagot nito. Ang taas-taas ng energy niya.

"Gaano mo ko kamahal?" Inulit ko ang tanong ni Belle dahil wala akong maisip na itatanong sa kanya. Hindi ko naman akalain na masyado niyang didibdibin ang tanong ko.

CK's face suddenly become serious. Ang lakas-lakas ng pagkabog ng puso ko dahil sa nag-uumapaw na emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. Feeling ko nga naririnig na nilang lahat ang bawat pagtibok ng puso ko. Pinalala pa ng pagtitig ni CK sa akin.

Her gaze was so intense, sending an electrifying feeling to every fiber of my being.

"Mahal kita, Clio. Mahal na mahal. Sa sobrang lalim ng pagmamahal ko sa'yo, hindi ko na alam kung paano ako aahon. If one day, I woke up without you by my side, I would feel so lost and empty. Pakiramdam ko mawawasak ang mundo ko. Baka ikamatay ko kapag nawala ka sa akin."

My heart started to race at the sincerity I heard in her words but at the same time, I also felt pang in my chest. It hurts. It really hurts. I don't want to see her in pain because of me.

***

Tahimik lang kami ni CK habang nasa loob ng sasakyan niya. Tanging ang tugtog lamang sa radio ang nagbibigay ng ingay sa amin. Nakasandal lang ang ulo ko sa nakasaradong bintana ng kotse niya. Pinagmamasdan ang bawat pag-andar ng mga sasakyan sa labas.

"Tahimik mo naman," basag niya sa nakakabinging katahimikan.

"Medyo napagod lang. Ang ligalig kasi natin kanina," pagdadahilan ko.

Matapos maglaro ng spin the bottle, naglaro naman kami ng Just Dance. Nakisali na lang ako para hindi nila mapansin ang paglipad ng utak ko sa kung saan.

"Idlip ka muna. Gisingin na lang kita kapag nasa inyo na tayo," masuyong utos niya. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalik-halikan pa 'yon. Seeing her smile warms my heart.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa sling bag ko. Tuluyang gumuho ang panandaliang kapayapaan sa puso ko at naghari ang matinding kaba sa sistema ko nang mabasa ko ang mga chat ng kapatid ko.

7:55 p.m

Ciara:

May nakakarating na balita sa akin at hindi ko nagugustuhan 'yon.

Meron ka bang hindi sinasabi sa akin? Hindi naman siguro totoo 'yon?

Malapit na graduation mo. Don't disappoint me, Clionna.

Please, don't disappointment me.

"Who's that?"

Mabilis kong itinago ang cellphone ko dahil sa mapanuring mata ni CK.

"Si mommy, tinatanong kung nasaan na tayo," I lied.

Tumango naman siya at nag-focus ulit sa pagda-drive.

Sumandal ako sa upuan ko at mariing napapikit. Marahas kong iwinakli sa isip ko ang pangambang nararamdaman ko. Imposibleng malaman ni ate ang tungkol sa amin ni CK. Maingat ang mga kilos namin kapag nasa university kami. Wala ring ideya ang kaibigang prof ni ate tungkol sa relasyon namin ni CK.

Napapraning lang siguro ko. Iba siguro ang tinutukoy ng kapatid ko. Stop overthinking, Clio.

Everything's fine. All is well. Paulit-ulit kong pangungumbinsi sa sarili ko.

Hindi ko na namalayan na huminto na ang kotse ni CK sa tapat ng bahay namin dahil sa lalim ng pag-iisip ko. Mabilis na bumaba si CK at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

Bago pumasok sa bahay namin, hinila ko siya palapit sa akin. Malugod niyang tinugon ang yakap ko.

"May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na iba ang kinikilos mo."

Umiling-iling ako. Mas ibinaon ko pa ang mukha ko sa dibdib niya.

"I l-love you...so much," my voice crack and I hope she didn't notice.

"Mas mahal kita," buong pagmamahal na tugon niya sa akin. Naiiyak na ako pero nilunok ko ang mga hikbi ko.

I don't want to be separated from her. She's all I need, my life and my world. She's like the air that I'm breathing, at kapag wala iyon, mamamatay din ako.

"If one day...if one day, may nagawa akong hindi mo magustuhan, just remember that I did it because of my too much love for you. I love you CK, so damn much."

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong niya.

Ngumiti lang ako at mas niyakap pa siya ng mahigpit. Kung pwede lang sana, habang-buhay na lang kaming ganito.

Nag-angat ako ng tingin at hinuli ko ang mga mata niya. Kahit kailan, hindi ako magsasawang titigan ang magagandang mata niyang 'yon.

"Mahal na mahal kita, CK." pag-uulit ko.

Please, kayanin mo na wala ako.

Next chapter