Chapter 14 - Must Protect

"Go, CK! Shoot mo!"

"Woah! Lodi talaga kita! Ang galing mo!"

"Marry me CK! Syet! I'm so gay for you."

Naririndi na ako sa ginagawang ingay ng mga babae sa tabi ko at gustong-gusto ko na silang patahimikin kanina pa. Kulang na lang mawasak na ang mga ngala-ngala nila dahil sa tindi ng pagsigaw nila.

Practice game lang naman ito, pero ang mga fangirls ni CK, may bitbit pang banner na may mukha niya. Pati 'yung hawak nilang pamaymay may print din ng mukha ni CK.

Hindi ko alam na may CK merch pala? Saan kaya makakabili? Kidding.

"First time mo siyang mapanuod maglaro, no? Hindi ba ang galing niya?!" Belle beamed proudly.

I nodded and smiled at her but my eyes were still focusing on CK.

Totoo nga ang sinasabi nila, halimaw si CK kapag nasa loob ng basketball court. Siya ba naman ang laging pumupuntos. Kaya naman pala siya ang ace player, eh. Ang astig niya sobra, lalo na nung nag-three points shot siya. Mas humanga ako sa kanya.

Hindi ko akalain na kaya pala nitong magseryoso. Magaling kasi sa kalokohan ang babaeng 'to.

Nang matapos ang first half, nagtatatakbo palapit sa akin CK. Pawis na pawis na siya at medyo basa na rin ng pawis ang brown niyang buhok na naka-ponytail.

Inabutan siya ni Belle ng towel pero lumapit sa akin si CK para magpapunas. Nagpapa-cute pa ito sa akin kaya natawa na lang ako. Kinuha ko ang towel mula sa kanya at masuyong pinunasan ang mukha niya. Pagkatapos ay binuksan ko ang tumbler niyang may laman na tubig at pinainom 'yon sa kanya.

"Thanks," magiliw na saad niya nang matapos siyang uminom.

"Nice game," puri ko. Pinunasan ko ulit ang mukha niya.

"Sila ba?"

"Hindi naman siguro. Baka close friend lang."

"Pero ang ganda rin ni ate girl, no? Bagay sila infairness."

"Siya 'yung kumanta nung College Night, 'di ba? Maganda pala siya sa malapitan."

"Okay lang naman sa akin kung sila nga, ship ko na silaaaaa~"

"Walang girlfriend 'yan si CK. Takot 'yan sa commitment, ang alam ko, ha."

Natatawa na lang kami ni CK dahil sa bulungan ng ilang estudyante. Kung malalaman lang siguro ng mga ito na ako nga ang girlfriend ni CK, baka nakuyog na nila ako kanina pa.

Alam ko kung gaano ka-gusto ni CK na ipagmalaki sa lahat na girlfriend niya ako, pero nakiusap ako sa kanya na isikreto muna ang relasyon namin. Hindi naman siya nagreklamo.

Hindi naman sa kinakahiya ko siya. I just want to protect her from my sister. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa relasyon namin. Alam na alam ko kaso ang kaya nitong gawin.

Bumabawi na lang ako kay CK kapag kaming dalawa na lang ang magkasama at walang ibang makakakita.

Dalawang buwan na mula nang maging official kami ni CK at gaya ng ibang relasyon, nagkakaroon din naman kami ng hindi pagkakaintindihan. Mostly sa part ko, dahil sobrang selosa ako.

Iyon lang ang downside ng pagtatago namin ng relasyon. Hindi ko maharang-harang ang mga babaeng lapit nang lapit sa kanya. Good thing is, tumigil na si Aliyah sa pagbuntot sa kanya. Nakahanap na kasi ang bruha ng bagong lalandiin.

"Balik na ko sa court," paalam ni CK. Pasimple pa siyang kumindat sa akin.

'Fighting, love!' I mouthed. Nag-flying kiss naman ito kaya nagtilian ang mga babaeng nanunuod sa kanya. Akala naman nila para sa kanila 'yon.

Pagbalik ni CK sa court, bigla na namang nagbago ang aura niya. Halata sa kilos nito na mas naging ganado pa siya sa paglalaro. Para siyang bagyo sa bangis, walang makapigil sa kanya sa sunod-sunod niyang pagpuntos.

"Nagagawa nga naman talaga ng inspired. Yieeee!" Mahinang siniko ako ni Belle kaya pabiro ko siyang inirapan. Ako na naman ang pinagdiskitahan ng bruha.

"Oo nga pala, may napapansin ka ba kay Yvette? Hindi na kasi siya masyadong nasama sa atin. Baka may tampo na pala siya sa atin wala man lamang tayong ideya."

"Hayaan mo na lang. Baka gusto lang mapag-isa," pag-sisinungaling ko.

Until now, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit sobrang tutol siya sa aming dalawa ni CK. Tuluyang lumayo na talaga ang loob nito sa akin. Siguro naman before graduation, papansinin na rin niya ako? Sana.

Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa basketball court. Sobrang aliw na aliw ako sa panunuod kay CK kaya agad kong nalimutan ang mga bumabagabag sa isip ko.

Ang laki na ng lamang ng team nila sa kalaban. CK's really unstoppable. Muling napasakamay niya ang bola at chill lang ito habang nagdi-dribol at nang may pagkakataon na, bigla siyang sumugod ulit sa court ng kalaban.

She's a bit aggressive this time. Walang nakapigil sa kanya nang bigla na lang niyang itapon ang bola sa ere at lumusot ito sa ring. Another three point shot. Wow!

Namalayan ko na lang ang sarili ko na napapalakpak sa sobrang pagka-amaze sa kanya.

"That's my girl!" Hindi ko mapigilang isigaw.

Napatingin sa akin ang mga babaeng nagche-cheer kay CK kaya naman agad akong napatakip sa bibig ko. Mabilis naman akong hinarangan ni Belle para itago ako.

"Tinitingin-tingin niyo?!" pagmamaldita ni Belle.

Sumilip ako saglit para tignan ang mga fangirls ni CK. Nakahinga ako ng maluwag dahil nawala na sa akin ang atensyon nila.

Bumaling akong muli kay CK. Nakatitig lang ito sa direksyon namin at nang mahuli niya ang mga mata ko, nag-thumbs up ito sa akin. Nag-thumbs up rin naman ako pabalik.

Practice game palang pero humahataw na  si CK sa paglalaro. Paano pa kaya kapag official game na? I can't wait to see her play on a real match.

Ang bilis ng sumunod na laban nila kaya hindi ko na namalayan na 4th quarter na pala. Konting minuto na lang at matatapos na ang match. Tambak na tambak na ang kalaban at wala na itong pag-asang makabawi.

Nang muling naagaw ni CK ang bola, drinibol-dribol niya lang ito na tila pinapatay niya na lang ang oras. Ilang saglit pa ay nagpasya siyang sumugod sa court ng kalaban.

Hindi namin inasahan ang sumunod na nangyari. Sinadya siyang banggain nung babaeng maikli ang buhok na kalaban nila kaya paupong bumagsak sa sahig si CK at nabitawan ang bola.

Malakas na pumito ang referee. Tinulungan namang tumayo ng mga teammates niya si CK.

Nairita ako bigla. Bwisit 'yung babaeng 'yon, foul kaya 'yung ginawa niya. Mabuti na lang hindi nasaktan si CK, kundi baka nasabunutan ko na 'yung bumangga sa kanya.

At dahil foul nga ang nangyari, may dalawang free throw si CK.

Go, love!

Walang kahirap-hirap na nai-shoot naman ni CK ang bola. Shooter talaga. Pati sa puso ko naka-three points shot din siya. Eew. Cheesy.

Nang matapos ang practice game, nakita kong nilapitan si CK nung babaeng bumangga sa kanya kanina. Nagso-sorry ata dahil ilang beses itong yumuko-yuko. Aba! Dapat lang naman talaga.

Si CK naman ay pangiti-ngiti lang habang tinatapik ang balikat nito. Ang tagal nilang magkausap, tapos ilang sandali pa nagtatawanan na sila.

"O, magseselos ka na naman?" sita ni Belle sa akin. "Don't worry, hindi sila talo ni CK. She's a dude, you know."

"Wala naman akong sinabi ah," depensa ko.

"Wala nga, pero 'yung mga mata mo, parang papatay na kung makatitig. Hay, ang cute niyong dalawa talaga," natatawang komento pa ni Belle.

Tinignan ko siya ng masama. Nasaan ba kasi ang boyfriend nito nang hindi ako ang nililigalig niya? Kainis.

"Shower lang ako, love." Paalam ni CK sa akin nang lapitan niya ulit kami.

"Love, love pa more," pang-aasar ni Belle kaya napitik tuloy ni CK ang noo niya.

Buti nga. Ang ingay-ingay kasi, baka mamaya may ibang makarinig sa kanya.

"Sige na, una na rin ako. Ayoko maging third wheel," nakabungisngis na saad ni Belle bago tuluyang lumayas.

Nag-alisan na rin ang ibang nanunuod kaya ako na lang ang naiwan dito sa may bleachers. Nilabas ko ang cellphone ko para mag-facebook muna habang hinihintay si CK.

Laking gulat ko na lang nang may mabasang familiar na pangalan sa notification ko.

Alex Salazar sent you a friend request.

My cheater ex-boyfriend. Walang patumpik-tumpik na binura ko ang request niya dahil wala namang dahilan para maging magkaibigan kami. Isa pa, ayoko na rin ng toxic sa buhay ko. I'm sure manggugulo lang 'yon.

***

"Tara na!"

Binitbit ni CK ang bag ko at iginiya ako papalabas sa covered court ng university namin. Since wala nang masyadong tao dahil nag-uwian na ang mga estudyante, nakaakbay sa akin si CK habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Nanunuot sa ilong ko ang mabangong shower gel na ginamit niya kaya naman panay lang ang pag-amoy ko sa kanya. Ang bango-bango niya talaga. Kahit naman pawis na pawis na siya kanina, mukha pa rin siyang mabango.

Masyado akong nahuhumaling sa amoy ni CK kaya sinuksok ko ang mukha ko sa kili-kili niya. Natawa naman siya sa ginawa ko at pabirong inipit niya ang ulo ko. Sinubukan ko namang kumawala sa kanya saka mahina siyang kinurot sa tagiliran niya.

Tawa lang kami nang tawa dahil sa kalokohan namin.

"Drive thru tayo?" tanong niya nang makasakay kami sa kotse niya.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Agad naman niya akong sinuotan ng seatbelt na may kasamang pagnanakaw ng halik sa labi ko. Loko talaga.

Nang pinaandra na niya ang kotse, dahan dahan siya sa pagdi-drive. Maya't maya rin ang paglingon-lingon niya sa akin habang tila timang na nakangiti.

"Focus on the road!" suway ko.

"Bakit? Road ka rin naman, ah? My road to forever."

Mahina ko siyang hinampas sa braso niya dahil sa kakornihan niya pero kumindat lang ito sa akin. Baliw talaga.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya ulit.

"Ikaw," I replied.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang mag-preno kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Anong sabi mo?" she was smirking playfully.

Then na-realize ko kung ano bang nasabi ko.

"I mean, ikaw! I was asking you kung anong kakainin mo dahil 'yun na lang din 'yung akin. Huwag ka ngang bastos!"

"Alright! Alright! Chill. Ito namang girlfriend ko, highblood agad." Panay salag niya sa mga hampas ko habang nakakalokong tumatawa.

Minsan talaga, nakakapikon na ang babaeng 'to. Pasalamat siya, mahal ko siya, kundi kanina ko pa siya nabugbog.

***

"Nasaan 'yung fries ko?!" Napatili na lamang ako dahil sa labis na inis nang hindi ko na mahagilap ang pakain ko.

Mabuti na lang at wala pa si mommy, kundi baka isipin niyang may sunog na dito sa bahay dahil nag-ala sirena ng bumbero ang boses ko.

"Hala! Baka kulang 'yung binigay nila," pa-inosenteng sagot ni CK.

"Mukha mo! Nakita ko 'yon kanina kinakain mo! Kainis ka! Bakit mo inubos? Kanina pa kaya ako nagke-crave sa fries!" paghihimutok ko.

Sarap ihataw sa kanya 'yung sofa na inuupuan namin. G na G na ako sa kanya kanina pa.

Lumapit si CK sa akin pero panay ang paglayo ko sa kanya. Agad niya akong niyakap nang makita niyang naiyak na ako. Nagpupumiglas ako sa yakap niya pero hindi niya ko binibitawan.

"Shh. Sorry na. Sorry na. Order na lang ako ulit. I love you," pang-aalo niya sa akin.

"Ayoko," I pouted. Yamot na yamot ako sa kanya.

"Bakit ba ang moody mo ngayon? Meron ka ba?" natatawang tanong niya pa.

Come to think of it? Malapit na siguro akong datnan kaya grabe ang cravings ko at ang sensitive ko ngayon. Bwisit na hormones.

"Sorry," I whispered softly. Hindi ko naman sinasadyang mabaling ang init ng ulo ko sa kanya.

"It's okay. Ang cute-cute mo nga, eh."

Nambola pa ang loka-loka.

"Bati na tayo?" tanong niya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang kamay niya. Pinatakan niya rin ng masuyong halik ang sentido ko kaya naman nawala ang pagka-badtrip ko.

"Happy Monthsary, love." Nakangiting balulalas ni CK habang nakatitig sa leeg ko.

Napakapa ako sa parteng 'yon nang maramdaman akong may malamig. May isinuot pala siyang silver na kwintas sa akin. Tatlong numero naman 'yung pendant.

"520?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti naman siya ng malapad. "I love you too."

Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig sabihin nito? Bakit 520?"

"Secret. Hindi ko sasabihin."

Pabiro na lang akong umirap sa kanya. Search ko na lang sa google mamaya ang meaning ng 520 na 'yan.

Nakakahiya naman. Muntik ko pang makalimutan na monthsary namin ngayon. May regalo pa siya sa akin samantalang ako, wala. Napaka-sweet niya talaga.

"Sorry, wala akong gift."

"No problem, ikaw lang sapat na." Hirit niya sabay nag-pogi pose.

Bakit lalo siyang gumanda? Pansin ko lang, ang blooming niya sobra. Nakakahiya, mukha ata akong alalay kapag nasa tabi niya.

Napangiti ako bigla nang makaisip ako ng magandang regalo sa lahat ng mga effort niya.

Humarap ako kay CK at walang sere-seremonyas na hinalikan ko siya sa labi. Her eyes widened in disbelief when I kissed her fully and hungrily on the lips. This time, I was the one who was taking the lead.

I kissed her passionately and when she recovered, she reciprocated my kisses with the same passionate fervor. As our kissed go deeper, I felt her hand around my waist securely as her other hand was cupping my face.

I bit her lower lip, nibbling on it making her groaned and I took that as a chance to enter her mouth. She gladly meets my tongue as we started to battle for dominance. Unlike our other kisses before, I become more aggressive. I kissed her rough and hard, not wanting to back down from our open-mouthed kisses. And when we pulled back, we were already gasping for air.

"That was...hot," CK whispered in awe. Her lips were swollen from all the nibbling and kissing.

"Happy Monthsary, love." I smiled and winked.

"Damn! Where did my pure and innocent Clio go?"

I let out a small chuckle. "She's still here, nag-level up nga lang."

"Nonetheless, I love every side of you."

She pulled me again and crashed our lips together as we make out for the second time around.

"I can kiss you all day, and I'll never get tired of it," she was gasping for air when our lips parted again.

Akmang hahalikan niya ako pero agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay ko.  "Tama na. Nakakarami ka na," suway ko.

***

8:11 p.m

Belle:

Sabihin mo kay CK, nakahanda na ang maleta niya.

Huwag na siyang uuwi kamo.

Natawa na lamang ako nang mabasa ko ang chat ni Belle. Maging si CK ay natawa rin nang ipakita ko sa kanya ang chat ng pinsan niya.

Pasado alas-otso na kasi ng gabi pero nandito pa rin sa bahay si CK. Mula nang maging kami, mas napapadalas na ang pagtambay niya dito sa amin. Kulang na lang talaga, dito na siya tumira. I'm not complaining though, I love being with her too.

Nakasandal siya sa headboard ng kama ko habang ako naman ay nakasandal sa dibdib niya. She was hugging me from the back while I keep on playing with her hands. We just stayed like that without talking, enjoying the sweet silence between us.

"Love," basag niya sa katahimikan. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at pinagdikit ko naman ang pisngi namin.

"Bakit?" malambing kong tugon sa kanya.

"I hope you don't mind, pero ang tagal ko nang gustong itanong 'to."

"Ano 'yon?"

Inabot niya ang isang picture frame na nakapatong sa bedside table ko at hinarap 'yon sa akin.

"Who are they?" she curiously asked. "Ang tagal ko na kasi 'tong napapansin."

Kinuha ko ang picture frame mula sa kanya. Saglit kong pinagmasdan at hinaplos 'yon. It's a picture of my mom and my sister. 10 years old palang ang ate ko dito.

My sister in the picture had a sweet smile plastered on her face.  For the past few years she's been with me, I've never seen her smile like that before.

"This is our mother, and this girl is my sister," I told CK while pointing at them. Nilingon ko siya, kita kong kumunot naman ang noo niya.

"Your mom?" naguguluhang tanong niya. "Pero si tita ang mommy mo, 'di ba?"

I shook my head gently. "Hindi. Si mommy na kasama ko ngayon, she's our step-mom. This woman in the picture was our real mother. She died while giving birth to me."

"Oh, sorry. Hindi ko na dapat pala tinanong."

I smiled reassuringly. "It's okay."

"How about your sister? Where is she?"

Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ko pero hindi ko ipinahalata kay CK.

"She lives in Canada now. After niya maka-graduate sa university natin, lumipad na siya papunta ng Canada. Mula noon, hindi na siya umuwi."

I heard her let out a deep sighed. "Ang dami ko pa palang hindi alam sa'yo."

Ako rin naman, ang dami ko pang hindi alam tungkol sa'yo.

"When my real mother died, my dad remarried my step-mom. 5 years old lang ako no'n samantalang 15 years old naman si ate. Madali ko lang natanggap si mommy sa buhay namin, dahil siguro bata pa ako noon at hindi ko pa naiintindihan ang lahat. Sabik ako sa aruga ng ina kaya naging malapit agad ang loob ko kay mommy. Tinuring din nama kasi niya ako na parang tunay na anak. Pero ang ate ko, galit na galit siya kay mommy. Hindi niya matanggap ang step-mom namin. Pakiramdam niya kasi, hindi minahal ni daddy ang totoo naming nanay dahil sa pagpapakasal nito," pagkukwento ko ng kusa.

I felt CK hugged me tight as she kissed the top of my head, maybe she felt the sadness and longing in my voice.

"It's okay, love. Hindi mo kailangang magkwento."

"I want you to know more about me, kaya ko sinasabi sa'yo 'to," paliwanag ko.

Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko kaya nagpatuloy ako.

"When I was 11 years old, my dad and my step-mom was involved in a car accident. Nagitgit ng truck ang kotseng sinasakyan nila. Dead on arrival si daddy dahil siya ang napuruhan sa aksidente. He was hugging mom to protect her from the impact. Parang gumuho ang mundo naming magkapatid matapos ang insidenteng 'yon, at mas lalong lumala naman ang galit ni ate sa step-mom namin. Sinisi niya si mommy sa pagkamatay ni dad. Na siya daw dapat 'yung namatay at hindi si dad," I paused for awhile to catch my breath.

My eyes were already brimming in tears as some memories from the past flooded my head.

"Gusto ng ate ko na sumama ako sa kanya papunta ng Canada to live there with our relatives, pero hindi ako pumayag. I can't leave my mom, ako na lang kasi ang meron siya. Sobrang naging matigas si ate at sa labis na kagustuhan niyang isama ako, humantong pa kami sa korte no'n. She used every power and connections na meron ang pamilya ni daddy, but I thank God na naipanalo ni mommy ang custody niya sa akin. Wala nang nagawa ang ate ko, so she left the country and never came back," pagtatapos ko.

"Sorry," bulong niya.

"Bakit ka nagso-sorry? Ayos lang ako. Bukod kay Belle at Yvette, wala nang masyadong nakakaalam nito. But I'm happy to share it with you, at least may isa pa kong mapagsasabihan ng lahat ng troubles ko."

"Sana nakilala na kita dati pa, para nasamahan kita during the darkest days of your life."

"Hindi naman ako nag-iisa no'n. I have my mom with me. Binuhos niya ang lahat ng pagmamahal niya sa akin at pinunan ang naiwang puwang ni daddy sa puso ko. She sheltered me from the cruel world and gave her everything to give me a good life. That's why I could tell the world that I'm really lucky to have her as my mother, kahit hindi kami talaga magkadugo."

"I'm thankful na ipinaglaban ka niya. Baka hindi kita nakilala kung sumama ka sa ate mo," masayang sambit ni CK.

Malungkot akong napangiti, piping umuusal ng dasal. Hoping that the whole universe would always take my side.

Sana hindi na dumating ang panahon na kakailanganin kong iwan si CK.

Next chapter