Chapter 7 - Fury

8:24 p.m

Clio:

Gusto ko ng siopao.

Belle:

Nag-samgyup na tayo nung dinner. Gusto mo na naman kumain? Parehas talaga kayong matakaw ni CK.

Clio:

Nag-crave lang naman. Uwaaaaah gusto ko talaga.

Belle:

Magpabili ka sa pinsan ko. Hahaha

Grabe, rebelasyon mo besh kanina ha.

I can't believe, you're in love with my cousin.

Clio:

Hindi pa ako sigurado diyan.

Belle:

In your case, action speaks louder than words.

Gaga ka ba? Ni minsan ba nag-effort ka sa akin, ako na bestfriend mo, napaghandaan mo ba ng isang surprise birthday party? Hindi di ba?

Pero sa pinsan ko, grabe effort mo. Hindi mo gagawin yun kung wala lang siya sa'yo.

P.S Hindi ako naiinggit sa pa-surprise party mo sa pinsan ko. I just want you to realized something.

Clio:

Thanks, Belle.

Belle:

You're welcome.

You know I'm always here for you, whatever happens.

Just take it slow. No one's rushing you.

Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib, matapos ang naging pag-uusap namin ni Belle kanina. Finally, may mapagtatanungan na rin ako tungkol sa nararamdaman ko kapag hindi ko na ito naiintindihan.

Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang puting kisame ng kwarto ko. I blinked enumerable times when CK's face suddenly flashed right before my eyes. Ang weird. Kahit sa kisame, nakikita ko pa rin ang magandang mukha niya. Parang naka-engraved na rin sa isip ko ang mga ngiti niya at 'yung bawat pagsasalubong ng kilay niya kapag galit siya. Even with my eyes closed, I can still see her.

Mabilis akong napabangon sa higaan ko nang mag-ring ang phone ko. Nakatulog na pala ako. Tinignan ko ang cellphone ko, I didn't waste any second nang makitang si CK ang natawag. Ang dami niya palang miss call.

"Tulog ka na?" malambing na tanong niya.

"Gising na ulit."

"Nagising ba kita?"

"Hindi naman." Nawala agad ang antok ko nang marinig ko ang boses mo.

"Baba ka muna, kahit saglit lang."

Kumunot ang noo ko. Bakit? Nandito ba siya? Tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko, pasado alas-nuebe na ng gabi.

"Hey, baba ka na po."

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nasa labas nga si CK ng bahay namin. Nakasakay siya sa bisekleta niya.

"Wait for me," I told her.

I saw her nod before she hang up the call. Tumakbo na ako pababa at agad siyang pinagbuksan ng gate.

"Bakit ka nandito?" gulat na gulat na tanong ko. Napayakap pa ako sa sarili ko dahil ang lamig sa labas. Mabuti na lang at may suot-suot na hoodie si CK.

"I'm here to say goodnight," nakangiting sagot niya sa akin.

Mahina kong pinitik ang noo niya. Magkapantay lang kaming dalawa dahil nakaupo siya sa bike niya. Natatawa ko dahil namula agad ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Baliw ka talaga. Pwede naman mag-goodnight sa phone. Ang lamig-lamig ng panahon nasa labas ka pa," sermon ko.

"Gusto ko sa personal mag-goodnight, eh. And I really want to see you. Uy, kinikilig na yan," tudyo niya. Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko.

Hinampas ko naman siya sa balikat. Napalakas ang palo ko kaya dumaing siya.

"Aray! Kanina mo pa ko sinasaktan. Nakakarami ka na!" ungot niya. Himas-himas niya ang braso niya habang nakabusangot.

Ang ganda niya pa rin talaga kahit nakasimangot siya. Well, whatever she does, she's beautiful.

"Sorry," I smiled innocently and gave her a puppy dog face.

Pinisil naman ni CK ang pisngi ko ng may panggigigil. "Huwag ka ngang masyadong magpa-cute. Baka hindi ako makapagpigil, halikan na kita."

Agad na namilog ang mga mata ko at napatakip sa bibig ang dalawa kong kamay dahil sa tinuran niya. Bahagyang umatras din ako palayo sa kanya saka pinanlisikan siya ng mga mata.

"Joke lang. I won't kiss you without your permission. Siguro kapag girlfriend na kita," she winked.

"But you kiss some other girls kahit wala naman kayong relasyon," wala sa loob na sambit ko.

Parang gusto kong kumuha ng sinulid at karayom sa mga oras na 'to para tahiin ang bibig ko. Kung ano-ano kasing nalabas.

CK's face instantly lit up, her lips curving into a smile. She stared at me with those captivating eyes, so I stared back at her locking our gaze. And I guess that was a wrong move. Parang nanghina kasi ang tuhod ko dahil sa pagtitig niya.

Sinenyasan niya ako na lumapit ulit sa kanya and I felt like I was under her spell. Walang tutol na sumunod ako sa kanya.

"You're not like them. Aminado ako na marami akong naka-fling noon, but you're different from them. Kasi ikaw, mahal kita at ikaw lang ang minahal ko ng ganito," she declared. She took a strand of my hair and tucked it behind my ear.

Dug. Dug. Puso, huwag ka munang tatalon.

Inabot niya ang kamay ko. Nanginginig 'yon sa lamig pero tinunaw ng init na nagmumula sa kamay niya ang lamig na nanunuot dito.

"Pasok ka na sa loob. Nilalamig ka na," utos niya gamit ang napakatamis niyang boses.

May inabot pa siya sa akin na paper bag gamit ang isa niyang kamay, ma-init init pa 'yon.

"Sabi ni Belle, nag-crave ka raw sa siopao."

Parang gusto ko siyang yakapin sa tuwa nang mapagtanto ko kung bakit niya ako pinuntahan. Lumalalim na ang gabi, lumabas pa siya talaga para bilhan lang ako ng siopao at ihatid sa akin. Ang sweet.

"Thank you for this. Uwi ka na. Maabutan pa ng coding yung bike mo," biro ko.

"Pasok ka na muna," utos niyang muli.

"Hawak mo pa po 'yung kamay ko," I reminded.

Mahinang tumawa naman si CK. Pinisil niya saglit ang kamay ko kapagkuwa'y dinala niya ito palapit sa labi niya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko nang hindi niya inaalis ang nakakatunaw niyang titig sa akin.

The next thing I know, nakabalik na ako sa kwarto ko at parang baliw na nagpagulong-gulong sa kama.

***

7:20 a.m

CK: 

Good morning!

Sabay na tayong pumasok?

Clio:

Hala. Nasa school na ko. Dapat kagabi mo pa sinabi.

CK:

Ang aga mo naman pumasok.

Clio:

Napaaga lang. Hahaha 

Pasok ka na~ Ma-late ka pa.

CK:

Yes ma'am.

Paalis na.

Clio:

Ingat!

Panay ang hum ko habang naglalakad ako sa hallway ng HRM Building, hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Ang ganda-ganda ng gising ko kaya ang gaan sa pakiramdam.

Pagdating ko sa room, naabutan ko si Yvette na nasa upuan na niya. Naririnig ko ang bawat hikbi niya kaya agad ko siyang nilapitan. Kaming dalawa palang ang tao dito sa room dahil masyado pang maaga.

Binaba ko muna ang backpack ko sa upuan sa likuran ni Yvette saka ako lumuhod sa harap niya. Hindi niya siguro naramdaman ang pagdating ko kaya nagulat siya nang makita ako.

"Anong problema? Bakit ka umiiyak? May nang-away ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

Lalo naman itong humagulgol kaya napakagat ako sa labi ko. Baka may mali akong nasabi.

"B-Baka kasi...b-baka hindi na ako...makapag-aral next sem," putol-putol na sagot niya.

Hinagod ko ang likuran niya dahil para na itong kinakapos ng hangin. Iyak lamang ito nang iyak at hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin para mapakalma ko siya.

Gamit ang isang kamay, dinukot ko ang panyo na nasa bulsa ko at marahang pinunasan ang basang pisngi ng kaibigan ko.

"Ano bang nangyari, Yvette?" mahinahon kong tanong.

Ilang beses siyang lumunok at huminga ng malalim bago siya sumagot. "N-Nagkatanggalan kasi sa trabaho sa company ng parents ko...parehas natanggal sina mama at papa. Matanda na sila kaya mahihirapan na silang makahanap ng bagong trabaho. Clio, ayokong tumigil, kaso baka hindi na namin kayanin. 1st year college na sa susunod na pasukan 'yung dalawa ko pang kapatid. Hindi rin naman ako matalino para makakuha ng scholarship. Anong gagawin ko?!"

Niyakap ko siya ng mahigpit saka marahang hinaplos ang buhok niya. Isinubsob naman niya ang mukha sa balikat ko at hinayaan ko siyang ilabas niya ang lahat ng bigat na nararamdaman niya.

She's been a good friend to Belle and I for the past four years. Hindi man namin siya madalas makasama, malulungkot pa rin ako kapag tumigil siya. Bilang panganay sa kanilang magkakapatid, alam kong hindi biro ang responsibilidad niya sa pamilya.

"Bakit hindi ka muna mag-part time sa tito ko, doon sa restaurant niya? Para kahit paano may mapagkukuhanan ka ng pera sa mga gastusin," I suggested.

I really want to help.

"You know it's not enough, Clio. Ang mahal ng tuition," she sounded so hopeless.

Bumuntong-hininga ako. Sayang naman, isang semester na lang gagraduate na kami.

I cupped her face and force her to look at me. She's still crying so hard. "Hindi ka hihinto, okay?" I said reassuringly. "Tutulungan kita. Gagawan natin ng paraan 'yan, pero sa ngayon, doon ka muna kay uncle kung gusto mo ng trabaho, okay lang ba?"

Tumango-tango siya. Ngumiti ako at pinahid muli ang luha sa pisngi niya.

"O, ang aga-aga nag-iiyakan kayo? Anong nangyari, mga mamshie?"

Mabilis na tumahan at nagpahid ng luha si Yvette nang biglang dumating si Belle. Umiling ito sa akin at pasimpleng sinenyasahan ako na huwag kong sasabihin sa kaibigan namin ang totoong rason ng pag-iyak niya.

"May pinanuod lang kaming nakakaiyak. Ang aga kasi naming pumasok, wala kaming magawa kaya nanuod na lang muna kami ng movie," palusot ko.

Pinilit ni Yvette na ngumiti at tumango na lang si Belle bago maupo sa upuan niya. Hindi na ito nagtanong at nag-usisa pa kaya bahagyang nakahinga ng maluwag ang huli.

Sana naman malampasan ni Yvette ang pagsubok na 'to, at sana naman, may magawa rin ako para sa kaibigan ko.

***

"May kakaiba talaga sa'yo ngayon. You're glowing," bulong ni Belle sa tabi ko.

Third subject na pero ayaw niya pa rin akong tantanan. Sige pa rin siya sa mga pang-aasar niya.

"Shut up ka na nga. Mahuli pa tayo ni sir na nagdadaldalan," suway ko.

"Sige na kasi. Kwentuhan mo na ko! Tapos ipadala natin 'yan sa MMK, ang title 'siopao'. Yieeeeeeee kilig siya!"

Hindi ko na lang pinansin si Belle kahit para itong kiti-kiti. Bahala siya, mapapagod lang din siya sa kakadaldal.

Mayamaya pa ay nag-vibrate ang phone ko. Pasimple ko itong kinuha sa bag ko at binase ang mensaheng natanggap ko.

11:50 a.m

CK:

Malapit na lunch break. Sabay na tayo.

Sa university pool tayo, game? Walang tao do'n kapag ganitong oras di ba?

Clio:

Okay.

Matapos kong mag-reply ay binulsa ko na ang cellphone ko. Hindi ko na napansin na may sumisilay na palang ngiti sa labi ko nang mga sandaling iyon.

"Kayo na lang muna ni Yvette magsabay, ha? May pupuntahan lang ako," bulong ko kay Belle.

Umangat naman ang isang kilay nito pero mabilis ding gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. "Okay. Alam ko na kung bakit. Yieeeee, sabay sila maglu-lunch!"

Pabiro ko siyang inirapan at nagpatay malisya na lang.

Nang tumunog na ang bell, agad akong lumabas ng classroom. May pagmamadali sa kilos kong nagtungo sa may university pool. Malapit lang doon ang building ng engineering at nursing department kaya baka nauna na si CK do'n. Ayoko naman siyang paghintayin nang matagal.

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa meeting place namin. Napagod ako dahil sa ginawa kong pagtakbo. Hindi talaga ako pang-marathon, ang bilis kong mapagod, eh.

Dahan-dahan akong humakbang sa kinaroroonan ni CK nang mahagip siya ng mga mata ko. Hindi pa ako nakakabawi ng lakas, pero parang bibigay ang tuhod ko dahil sa eksenang sumalubong sa akin.

Nakatayo si CK sa may gilid ng pool. Agad na kumunot ang noo ko dahil hindi pala siya nag-iisa. Nakatalikod sa akin ang babaeng kasama niya, pero nakikilala ko kung sino ito. It was Aliyah.

Mukhang seryoso pa ang pinag-uusapan nilang dalawa kaya siguro hindi na napansin ni CK ang pagdating ko.

Lalapitan ko na sana sila pero tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko habang pinapanuod lang sila. Ang lapit-lapit ng mukha nila sa isa't isa.

Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Aliyah suddenly grabbed CK on her nape and kissed her fully on the lips. I gasped in surprised when I saw CK kissed her back. And when CK finally looked at my way, her eyes flickered with uneasiness when she saw me.

Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sa kanila. I heard a loud splashing of water but I didn't bother to look back. I heard CK keep calling my name but I just fasten my pace.

Bawat hakbang ko, ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagkabasag ng puso ko.

"Hindi lang kita gustong-gustong pikunin, Clio. Gustong-gusto din kita."

"I really like you, Clio."

"I...love you."

"You're not like them. Aminado ako na marami akong naka-fling noon, but you're different from them. Kasi ikaw, mahal kita at ikaw lang ang minahal ko ng ganito."

Lies. They were all lies.

"Clio! Let me explain!" CK pulled my hand, preventing me to take another step away from her. Sapilitan niya akong hinarap sa kanya pero ayoko siyang tignan.

Marahas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at humakbang ng isang beses paatras sa kanya.

"Clio, please? Magpapaliwanag ako! Walang ibig sabihin 'yong mga nakita mo!"

Pinilit ko ang sarili ko na tumitig sa mga mata niya. She was taken aback when she saw the fury in my eyes. Nakakuyom ang mga kamao dahil sa labis na pagpipigil ko na manginig. Ayokong ipakita sa kanya kung anong epekto sa akin ng mga nakita ko kanina. Ayokong malaman niya na nasasaktan na ako.

"Bakit magpapaliwanag ka pa? Ano ba tayo? Sino ka ba?" My voice came out cold.

I saw a glint of hurt in CK's eyes, but I just ignored it. She tried to open her mouth to speak another word pero bago pa man niya magawa 'yon, tinalukuran ko na siya at muling naglakad palayo sa kanya.

Bakit gano'n?

Kung kailan handa na akong sumugal, kung kailan nahuhulog na ako, kung kailan handa na akong ipagkatiwala sa kanya ang puso ko, doon naman niya ito dudurugin.

Next chapter