Chapter 16 - I Miss You

7:50 a.m

Clio:

Huwag mo muna kong sunduin ngayon.

May pupuntahan kasi kami ni mommy.

CK:

Hindi ka papasok?

Clio:

Yep.

"Alam na ba ni CK ang tungkol dito?" Mom asked while driving, her eyes focusing on the road.

Itinago ko ang cellphone ko saka humarap sa kanya. "Hindi pa po. Matagal-tagal pa naman bago ang graduation, saka ko na lang sasabihin sa kanya."

I heard mom let out a heavy sigh. She opened her mouth to say something but quickly shut it again. She seems hesitant.

"Kung anong desisyon mo, susuportahan kita. But don't you think it's a bit unfair for CK? Napalapit na rin sa akin ang batang 'yon at para ko na rin siyang anak. I don't want to see the both of you hurting."

"Naghahanap lang ako ng tamang oras, mom."

"Ipagpaliban mo man 'yan ngayon o sa mga susunod pang araw, either way masasaktan pa rin naman siya. Hindi ba mas makakabuting alam niya 'yang pag-alis mo nang makapaghanda naman siya? Sigurado naman akong maiintindihan ka niya," mahabang litanya ni mommy.

"One of the cruelest thing you can do to the person you love is to leave them hanging. She doesn't even deserves that, no one does."

Parang may kutsilyong sumaksak sa puso ko dahil sa mga salitang itinatatak ni mommy sa isipan ko.

I know, I'm being unfair. Sasabihin ko naman sa kanya ang lahat kaso hindi palang talaga ako handa. At hindi ko alam kung magiging handa ba ako. Paano mo nga ba paghahandaan ang isang bagay kung alam mong magdudulot naman ito ng sakit sa taong mahal mo?

Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon niya. Ngayon pa nga lang na medyo dumidistansya ako sa kanya, kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya.

Pagkatapos ng midterm, naging abala ako sa pag-aasikaso ng papers ko. Madalas ang naging pag-absent ko at bihira na lang kaming lumabas ni CK dahil naging abala rin siya sa pagtatrabaho sa restaurant ni uncle. Kinulang kasi sila ng tao do'n dahil bigla na lang hindi pumasok ang isang empleyado ni uncle kaya sinalo ni CK ang shift nito. Kahit Sabado at Linggo, pinapasukan niya na rin.

Hindi naman na niya kailangan magtrabaho pa, pero nasanay na raw kasi ang katawan niya. Hindi niya rin kasi matanggihan si uncle kapag nahingi ito ng pabor. Parang tulong na rin niya iyon kay uncle dahil napakabait nito sa kanya.

Ngayon naman ay pupunta akong DFA para mag-renew naman ng passport ko. Pinag-drive ako ni mommy at hindi siya pumasok sa trabaho ngayon para masamahan lang ako.

Masyado na talaga kong minamadali ng kapatid ko. Nagulat na lang ako na siya na pala ang mismong nagpa-schedule sa akin sa DFA. Akala mo naman nauubusan na siya ng oras. May apat na buwan pa naman bago ang graduation.

Ito 'yung mga sandaling hihilingin mo na sana hindi na lang umandar ang oras. Dahil habang palapit ito nang palapit, mas lalo lang akong nahihirapan na magpaalam sa kanya.

It was past 10 a.m nang makarating kami ni mommy sa Main Branch ng DFA at dahil hindi allowed pumasok ang mga walang appointment, mom waited patiently inside her car.

I walked inside the main building. Marami na agad tao sa loob kahit maaga pa. And because being a Velez has it perks, mabilis din naman akong natapos sa gagawin ko lalo't kakilala ng ate ko ang nag-asikaso sa akin. Parang naglaro lang ako sa loob.

Papalabas na sana ako ng building nang may bumunggo sa aking lalaki. Muntik pa akong tumalsik sa lakas ng bungguan namin.

"Sorry," I apologized in an instant kahit hindi naman ako ang may kasalanan. Hindi kasi siya tumitingin sa dinadaanan niya. Tutok ang mga mata nito sa cellphone niya.

"Clionna?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang mag-angat ito ng tingin sa akin. Sa dinami-rami ba naman ng tao sa mundo na pwede kong makasalubong, bakit siya pa talaga?

"Fancy meeting you here," casual na bati niya.

The last time I check hindi kami okay pero kung kausapin niya ko parang wala siyang ginawang kagaguhan sa akin. Ni hindi pa nga siya nagso-sorry sa ginawa niya. You moron!

"Sige Alex, nagmamadali kasi ko, eh."

"Wait," pigil niya.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko. Kinikilabutan ako.

"I sent you a friend request, hindi mo pa ako ina-accept."

Umangat ang isang kilay ko sa tinuran niya. At sino naman siya para i-accept ko siya? Gago ba siya? Oo, gago siya.

"Dinelete ko. Wala na kasing space. Bye!"

With that, I left him with his mouth wide opened and jaw almost falling onto the ground.

Ex na siya, means ekis na rin siya sa buhay ko. Matagal na panahon na.

***

"Mom, can you drop me off to the university?"

"Bakit? Hahabol ka sa class mo?" nagtatakang tanong ni mommy.

"Hindi po. Gusto ko lang pong makita si CK," pag-amin ko. She, then, smiled sweetly and nodded.

Dumaan muna kami sa drive-thru para bumili ng makakain. Binilhan ko na rin si CK ng favorite niyang chocolate pie.

Mag-aalas dose na nang maihatid ako ni mommy sa university kaya nagmadali akong bumaba ng kotse at pumunta sa building ng Engineering Department. Saktong katatapos lang ng klase nila CK nang makarating ako sa room nila. I was at the door waiting for her.

"Hey!" panggugulat ko sa kanya paglabas nito.

Halatang hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayon kaya saglit pa siyang natulala.

"Hoy! Maihip ka ng hangin," biro ko.

"Sorry, ang ganda mo kasi. Ngayon lang kita nakitang nakasuot ng pants. Lagi ka kasing naka-dress at skirts." She looked so mesmerized and I can't stop myself from smiling.

Simpleng pantalon at white blouse na pinatungan ko ng checkered blazer ang suot ko, pero kung pagmasdan niya ako, parang ako ang pinakamagandang babae sa mundo.

Always, she always makes me feel beautiful. I so love this girl.

"Bakit ka pala nandito? Akala ko ba hindi ka pumasok?" tanong niya nang makabawi na siya sa pagkamangha niya.

"Hindi nga. May pinuntahan kami ni mommy kanina, pero maaga rin naman akong natapos kaya nagpahatid na ako rito," paliwanag ko. "Kain tayo?" Inangat ko 'yung paper bag na bitbit-bitbit ko.

Kitang-kita ko ang pagguhit ng saya sa mga mata ni CK. Mas ikinagulat niya pa nang abutin ko ang kamay niya at pinagsiklop ito sa akin. Magka-holding hands kami habang naglalakad papunta sa university pool. Naging special place na namin ang lugar na 'yon. Doon kami laging natambay kapag lunch break para tahimik.

"Sino 'yong babaeng kasama ni CK?"

"Girlfriend niya ba 'yon?"

"Hala, girl! Wala na tayong pag-asa."

Hindi na namin pinansin pa ang mga bulungan ng mga estudyanteng makakakita sa amin. May pag-sway pa ako ng magkahawak naming kamay na siya namang ikinatawa ni CK. I want to brag that CK is mine and mine alone, na wala ng ibang babaeng pwedeng lumapit sa kanya kundi ako lang.

Halos mapunit na ang labi namin sa bawat pagpapalitan namin ng matamis na ngiti. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya kasaya. Ito ang gusto niya, ang ipagmalaki ko siya sa lahat.

Naupo kami ni CK sa bakanteng lounge chair sa may gilid ng pool. Pinagmamasdan ko lang siya habang sarap na sarap siya sa kinakain niyang chocolate pie. Hindi na nawala ang ngiti sa labi nito. May kumalat pang chocolate sa labi niya kaya agad akong kumuha ng tissue para punasan 'yon.

Saglit kong hinaplos ang pisngi niya. She looked tired and stress. Nangingitim na ang eyebags niya, halatang lagi siyang kulang sa tulog.

"Wala pa rin bang bagong employee si uncle? Baka bumigay na ang katawan mo niyan sa pagtatrabaho." I couldn't hide my worry in my voice.

Ang hirap-hirap kayang pagsabayin ng pag-aaral at pagtatrabaho kaya sobrang hanga ako kay CK.

"Meron na, kaya balik na ako sa dating shift ko," sagot niya.

"Good. Huwag na huwag mong pinapabayaan ang sarili mo, okay?"

Tinigil niya ang pagkain niya at nag-angat ng tingin sa akin. "Bakit ang sweet-sweet ng mahal ko?"

"Sira. Sweet naman talaga ko," I retorted.

"I know. Kakaiba lang 'yung sweetness mo ngayon."

"Eh, 'di sige, hindi na magiging sweet. Madali akong kausap," pagtatampo ko kunwari sa kanya.

Kinabig naman niya ako palapit sa kanya. Hindi na ako umangal nang yakapin niya ako. Sobrang miss na miss ko na rin namang makulong sa mga bisig niya.

"I miss you so much. Nagkikita nga tayo sa school pero kulang na kulang pa rin. Babawi ako, promise. Maluwag na naman ang shift ko," she said apologetically.

"I miss you too. Sobra-sobrang miss na kita."

Parang nawala ang pagod sa mga mata niya nang marinig ang paglalambing ko. Without wasting any second, bumaba ang mukha niya sa akin at masidhing inangkin ang labi ko. Nalalasahan ko pa ang chocolate sa bibig niya sa bawat paglapat ng labi namin.

Instinctively, I wrapped my arms around her neck, returning her kiss with so much longing.

I missed her. I missed her touch. I missed how I get lost in her eyes. I missed her lips and I missed the way she kissed me.

Click!

Napabitaw kami ni CK sa isa't isa nang may marinig kaming kakaibang tunog. Nilibot namin parehas ang tingin sa kabubuan ng university pool pero wala naman kaming nakita na may ibang tao rito.

Guni-guni lang namin siguro parehas.

***

5:40 p.m

Clio:

Dinner sa bahay?

CK:

Sorry, love. May tatapusin pa pala kaming diorama ngayon.

Sorry talaga. :(

Miss ko na luto mo. :(

Clio:

Okay lang, ano ka ba?

May ibang araw pa naman.

CK:

I love you, so damn much.

Clio:

520

CK:

Naks alam na niya meaning. 520 :)

Clio:

May google kaya, hello?

Dami arte, I love you lang pala ibig sabihin no'n.

CK:

Syempre, para secret code natin 'yon.

Sige na love, chat you later. 520

Napahiga na lang ako sa kama ko habang nakakatitig sa huling chat niya. Hindi ko maitago ang pagkadismayang nararamdaman ko. Akala ko magkakaroon na ulit kami ng maraming oras sa isa't isa, pero naging kabilaan naman ang mga projects at research namin.

Hindi magtagpo ang schedule namin ni CK dahil kapag busy siya sa group project nila gaya nito, ako naman ang may free time and vice versa. Nagkikita na lang kami kapag ihahatid at sundo niya ko, kaso umuuwi na rin naman siya agad dahil drained na rin siya sa mga activity sa school, idagdag mo pa 'yung puspusang basketball practice nila.

Halos isang buwan na kaming ganito. Kailan ba babalik 'yung dati na parang nasa amin ang lahat ng oras ng mundo?

Napabalikwas ako sa higaan ko nang mag-ring ang phone ko. Dali-dali ko namang sinagot 'yon nang hindi tinitignan kung sino ang natawag.

"Hello, love?"

Narinig kong may tumawa sa kabilang linya. It's not CK. Tinignan ko kung sino pero unknown number.

"Sino 'to?"

"It's me Alex. Pero okay lang naman sa akin kung love ang gusto mong itawag sa akin."

Kumulo ang dugo ko sa mga sinabi niya. Pinatay ko na lang agad ang tawag niya sabay blocked ng number.

Bakit ba nanggugulo pa siya? At sino namang walang hiya ang nagbigay ng number ko sa kanya? Kapag nalaman ko lang kung sino ang nagkanulo sa akin, humanda siya.

***

9:43 p.m

CK:

Love, tapos na kami.

Clio:

Wow ha. Tagal niyo naman gumawa ng diorama. Anong oras na?

CK:

Sorry, love. Nagkainuman lang ng kaunti, after.

Clio:

Magda-drive ka tapos uminom ka?

CK:

Konti lang naman at kaya ko pa naman mag-drive.

Matutulog ka na ba?

Clio:

Oo.

CK:

Aww. Galit ka ba?

Puntahan kita.

Clio:

Umuwi ka na lang at magpahinga.

CK:

Paano ba 'yan? Nandito na ako.

Dali-dali akong bumangon at sumilip sa bintana ng kwarto ko. Naningkit ang mga mata ko nang makitang nakaparada nga sa baba ang kotse ni CK. Nakasandal si CK sa bumper ng sasakyan niya at parang timang itong kumaway-kaway sa akin.

Agad akong bumaba para puntahan siya. Nang makalabas ako, naabutan ko si CK na tila wala sa sariling ngumingiti. Namumungay ang mga mata niya at ang pula-pula ng mukha niya. Nakainom nga.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" naiinis na tanong ko sa kanya.

Alam naman niyang magda-drive siya pauwi tapos uminom pa siya. Paano kung naaksidente siya?

"Pa-hug ako." Ibinuka niya ang dalawang braso niya sa harap ko. She was inviting me for a hug, with a cute pout on her lips but I'm not in the mood for that.

Napabuga na lang ako ng marahas na buntong-hininga. "Tara sa loob. Dito ka na matulog."

I can't let her drive looking so wasted.

Mas lalong lumapad naman ang ngiti ni CK. Tinignan niya pa ako ng may pang-aakit. "May balak ka sa akin no?"

Sa inis ko malakas ko siyang hinampas sa braso niya. Bwisit na 'to.

"Wala kong extrang damit. Eh, 'di nakahubad lang ako?" ngumisi pa siya ng nakakaloko.

"Ano ba?! Siyempre papahiramin kita!" Napalakas na lang ang boses ko sa sobrang pagkabwisit ko sa kanya. Nakakagago makipag-usap sa lasing. Promise.

Humagikgik naman siya. Hinila niya ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang labi niya sa may tainga ko. "Paano 'yung underwear? Wala akong susuotin sa loob?"

My God! Stress na stress na ko sa kanya!

"I have new ones! Iyon ang gamitin mo! Ngayon pumasok ka na sa loob at huwag ka nang magtanong ng kung ano-ano kung ayaw mong matulog dito sa labas!" Halos manggalaiti na ako sa sobrang pagkabwisit sa kanya.

"Yes ma'am!" Ngingiti-ngiti itong sumaludo sa akin bago sumunod sa utos ko.

Siraulong 'to! Sinusubukan ang pasensya ko.

***

"Ang sakit ng ulo ko," mahinang daing ni CK nang madatnan ko siyang nakaupo sa sofa sa may sala, suot ang pajama ko. Sapo-sapo niya ang ulo niya at mukhang lutang ito.

Sa sofa ko na siya pinatulog kagabi. Masyado na siyang sinuswerte kung sa kama ko pa siya pinatulog. Baka masukahan niya pa.

"Ano? Iinom ka pa?" Nakapamewang ako nang hinarap ko siya.

"Hindi na, love," she flashed me her infamous boyish smile.

"Huwag mo akong madaan-daan sa ngiti mo, hindi ako natutuwa sa ginawa mo. Sa susunod huwag kang iinom kung magda-drive ka. Paano na lang kung may nangyaring masama sa'yo at naaksidente ka?" mahabang paglilitanya ko. At ang loka tinawanan lang ako.

Umupo ako sa tabi niya. Agad naman niya akong hinila para ikulong sa bisig niya. Ganito siya kapag naglalambing kaya natutunaw agad ang inis ko.

"Sorry, love. I won't do that again," masuyong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Good. Alagaan mo ang sarili mo, kasi hindi naman habang-buhay nasa tabi mo ako," pagpapahiwatig ko.

I felt CK froze. Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako sa kanya. Nababakas ko ang takot sa mata niya. "A-Anong ibig mong sabihin? Hindi ka naman siguro makikipag-break sa akin, 'di ba?"

Marahas kong iniling ang ulo ko. "Syempre hindi. Pero hindi rin naman natin masasabi kung anong mangyayari sa atin hanggang dulo, 'di ba? Mas mabuti na 'yung handa tayo sa mga possibili—"

"Ayoko. Whatever happens, hindi tayo maghihiwalay. Ipinapangako ko 'yan," mariing sambit niya. "Ayokong iniisip mo 'yan. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay. Mahal mo naman ako, 'di ba?"

Banayad kong hinaplos ang mukha niya. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa mga mata niya. I smiled and nodded as I gave her the assurance she needed. "Mahal na mahal kita. Sobra."

Kaya nahihirapan na ako kung paano ba ako magpapaalam sa'yo nang hindi ka nasasaktan.

Next chapter