Chapter 13 - That's All That Matters

"I love you, Clio!"

"I love you! Mahal na mahal kita!"

Hindi na ako magkamayaw sa pag-ngiti habang pinapanuod ko si CK na paulit-ulit na sinisigaw sa mundo kung gaano niya ako kamahal. Ganito pala kapag in love, nakakawala sa sarili. Nailing-iling na lang ako.

CK's deep voice was echoing throughout the big field. She looked so happy as lark making my heart dance in pure joy knowing that I'm the reason of her never ending happiness.

"Tumigil ka na nga. Baka mapaos ka," suway ko sa kanya. I patted the empty space beside me, inviting her to take a seat.

Kaming dalawa lamang ang nandito ngayon sa big field ng university. Tanging ilaw na mula sa mga floodlights lamang ang nagbibigay sa amin ng liwanag, kasama ang buwan at mga maningning na bituin sa langit.

Rinig na rinig hanggang dito ang malalakas na tugtugan mula sa gym. Hindi pa tapos ang program pero umalis na kaming dalawa ni CK do'n. Marami kasing mga matang nakatingin sa amin at hindi kami makakilos nang maayos lalo't may hinala na sila sa namamagitan sa amin.

Kahit wala naman akong sinabing pangalan, mukhang nahalata naman ng ibang estudyante na si CK ang tinutukoy ko lalo na si Aliyah. Kulang na lang ay lamunin na niya ako ng buhay dahil buong gabi lang nakayakap sa akin si CK at halos ayaw na akong pakawalan nito.

For now, I want to keep our relationship a secret and private.

CK has a goofy smile on her face when she sat down beside me. Gamit namin ang suit jacket niya bilang sapin sa damuhan para hindi madumihan ang suot namin. Pabiro niyang binabangga ang balikat ko kaya natutulak ako. Muntik pa akong mapahiga sa damuhan pero nasalo naman niya ako.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil napaka-ligalig niya. Mabilis naman niya akong ginawaran ng halik sa labi kaya agad na natunaw ang pagkainis ko sa kanya, lalo pa nang kinulong niya ako sa mga bisig niya nang umihip ang malamig na hangin.

"Can I hear it again?" she begged. Para siyang matagal nang nananabik sa mga salitang 'yon.

I locked our gazes, there was a light in our both eyes, shining like a bright star in the night.

"I love you po. I love you, CK ko." I declared with so much tenderness in my voice.

"I love you, so damn much," she replied with the same tenderness.

She leaned down to meet my lips and started kissing me gently and carefully. Para siyang natatakot sa bawat paggalaw ng labi niya. Halatang tensyonado ito. I was anticipating for her to fasten our pace, but she kept on slowly kissing me.

Growing impatient, I wrapped my arms around her nape, pulling her closer to me. Malamig ang bawat pag-ihip ng hangin, pero tinunaw ng init na nagmumula sa magkadikit naming katawan ang lamig na nanunuot sa kalamnan ko. The pace of our lips which started deliciously slow started to pick up speed. Hindi ako marunong humalik, ngunit tila naging eksperto ako sa pagtugon sa mga halik niya nang gabayan niya ang mga labi ko.

I flinched for a moment when I felt her hand touched the back of my neck as if I got burned from her touch. But soon, I started to relax when her other hand wrapped around my waist, as she continued kissing me fervently. I could feel my face grew hot with the way she kissed me but I don't care anymore.

Pulling back for a bit, she made an eye contact with me, staring at me adoringly.

“I love you,” she whispered, breathing heavily before crashing her lips to mine once again, molding it together in a perfect harmony.

I blushed even more when I felt her tongue swiping across my lower lip as if asking for entrance. Throwing all my inhibitions in the air, I parted my lips open allowing her to explore every sweet corner of my mouth. I gripped her hair tightly when her tongue meets mine in a slow sensual circle until it became a fierce battle for dominance. Our tongue wrestled for a few minutes until I decided to give up letting her win. I can't help but let out a small moan making her smirked between our wet kisses.

We continued making out like there's no tomorrow until she decided to pulled away to give me time to breath. We looked at each other's eyes panting a little hard.

"Didn't know you're a good kisser. Damn!" A triumphant smile forming on her lips, her eyes filled with amusement.

Nahihiya na ako sa paraan ng pagtitig niya kaya yumakap na lang ako sa kanya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya para doon magtago. She wrapped her both hands around me, burying her head on my hair, inhaling it softly.

I wish I could freeze this perfect moment with her.

"Thank you," bulalas niya.

"Para saan naman?" tanong ko.

"For loving me back. For accepting me for who I am," she said sincerely.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at malapad na ngumiti. "Sana hindi ka mapagod sa akin. Sana kahit anong mangyari, huwag na huwag mo kong bibitawan."

She cupped my face and planted a soft kiss on my forehead. "Never. Ang tagal kong hinintay na mahalin mo rin ako. Hinding-hindi na kita pakakawalan pa."

Sabay kaming napatingala sa kalangitan nang biglang magliwanag ito dahil sa fireworks, hudyat na tapos na ang event.

Hindi ko malilimutan kahit na kailan ang gabing ito. Sa ilalim ng maliwanag na kalangitan, hawak ko ang kamay ng taong mahal ko.

Mali man siguro ito sa paningin ng iba, but for CK and I, everything feels so damn right.

That's all that matters.

***

9:20 a.m

Belle:

Hoy! Saan kayo nagpunta ni CK kagabi ha? Bigla kayong nawala.

Kayo na ba? Hindi ko makausap pinsan ko. Parang high na high. Bigla na lang nangiti mag-isa. Anong ginawa mo dun?

Clio:

Kami na. :)

Belle:

OMG! Kwentooooooooo.

Clio:

Basta kami na. Yun na yun. Hahahaha

Belle:

Daya naman.

Anyway, masaya ko para sa inyong dalawa.

Magmahalan lang kayo, okay?

Clio:

Thank you, Belle! :)

9:23 a.m

CK:

Morning, love.

Breakfast ka na.

Clio:

Good morning. :)

Kumain ka na?

CK:

Hindi pa. Hinihintay kita gumising.

Sabay na tayo?

Clio:

Sweet naman. :)

Kain ka na.

Napabangon ako mula sa masarap kong pagkakahiga nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mommy. Ang ganda-ganda ata ng gising niya ngayon kasi ngiting-ngiti ito.

Umupo siya sa tabi ko. Hindi nawawala ang kakaibang ngiti sa labi niya. Kinakabahan tuloy ako.

"Anong nangyari kagabi? Nag-enjoy ka ba? Kamusta ang date niyo ni CK?" sunod-sunod niyang tanong.

Napahiga na lang ulit ako at nagtalukbong ng kumot, pero inagaw ito ni mommy mula sa akin. Ayaw niya akong tantanan. Kwentuhan ko raw siya ng mga nangyari kagabi. Ang kulit-kulit niya.

"Kami na po ni CK, mom," mahinang pag-amin ko.

At ang magaling kong ina, parang teenager na tumili. Napatakip na lang ako sa mukha ko ng unan dahil sa hiya.

But the truth is, I'm really happy. Ramdam na ramdam ko kasi ang suporta ni mommy sa relasyon namin ni CK. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kami na talaga, tapos hindi pa tutol si mommy.

Siguro may ginawa akong maganda sa past life ko kaya sobrang blessed ako sa mga tao sa paligid ko.

***

Masaya kaming nagkukwentuhan ni mommy habang nag-aagahan. Ang daldal namin parehas na para kaming hindi nauubusan ng sasabihin. Panay puri rin niya kay CK at wala akong ibang marinig mula sa kanya kundi 'CK's a nice girl', 'Napakagalang na bata ni CK' 'Napakabait ni CK.' Halatang gustong-gusto niya talaga ito.

"Thank you so much, mommy." I mumbled for the nth time.

I am really grateful for her love and unyielding support for me. I know that no matter what I do, there's nothing I could do that can make her love me less.

"You're welcome, nak. Basta kung saan ka masaya, nakasuporta lang ako. Alam mo naman 'yon, 'di ba? Huwag mong iisipin ang sasabihin ng ibang tao lalo kung puro panghuhusga ito. Wala kang dapat pakinggan kundi ang sarili mo at ang puso mo. Walang mali sa inyong dalawa ni CK, tandaan mo 'yan. Walang mali sa pagmamahalan niyo," advice niya pa.

Natigil ang pagmo-moment namin ni mommy nang tumunog bigla ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa. Akala ko si CK ang natawag kaya na-excite pa ako, pero agad na bumagsak ang mga balikat ko nang mabasa ang pangalan ni ate Ciara sa screen.

Nag-aalinlangan pa ako kung sasagutin ko ba ang video call niya. Tumingin ako kay mommy, she gave me a soft nod, so I quickly stood up and went to the living room to answer her call.

"O, bakit ang tagal mong sagutin?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Sorry ate, nagbe-breakfast kasi kami ni mommy."

Nakita ko ang pag-irap niya kaya nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Kailan ba mawawala ang galit niya kay mommy? Habang-buhay na lang ba kaming ganito?

"Ano? Nakapag-isip isip ka na ba? Malapit na ang second semester. Ilang buwan na lang at gagraduate ka na, kaya magtino-tino ka diyan. Ayokong may naririnig ako na kung anu-ano patungkol sa'yo. Huwag na huwag mo kong ipahiya, Clionna lalo't may iniingatan akong pangalan sa university na 'yan," pagsisimula niya ng sermon. Parang may pinapahiwatig siya sa mga sinabi niya.

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko. Hindi ko maitago ang kabang sumusukob sa dibdib ko. Natatakot ako sa maaring mangyari kapag nalaman niya ang tungkol sa relasyon namin ni CK.

"Nakikinig ka ba sa akin, Clionna?!" singhal niya. Kapansin-pansin ang pagdilim ng ekspresyon sa mukha niya.

"Opo ate."

"Good. Naayos ko na ang lahat dito. Ikaw na lang talaga ang kulang. You'll love it here, I promise. Uuwi ako diyan sa graduation mo para masundo kita. Excited ka na ba?"

Tango na lamang ang naisagot ko kahit sa kaloob-looban ko, tutol na tutol ako sa mga plano niya para sa akin.

Nanghihina akong napaupo sa mahabang sofa sa sala nang matapos ang pag-uusap namin. Nilapitan agad ako ni mommy na bakas ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha. Lumuhod siya sa harapan ko at masuyong niyakap ako. Wala akong ibang magawa kundi umiyak na lang sa mga bisig niya.

"I'm sorry. I'm sorry, kasi wala akong magawa."

Iling lang ako nang iling. Wala siyang kasalanan. Buong buhay ni mommy, wala siyang ibang ginawa kundi protektahan ako. Mas lalo lang sisiklab ang galit ng kapatid ko sa kanya kapag nakialam pa siya sa gusto nito, at ayokong mangyari 'yon.

"Everything will be okay. Malay mo naman biglang magbago ang ihip ng hangin at magbago pa ang ate mo," pagpapalakas pa ni mommy sa kalooban ko habang masuyong hinahaplos ang buhok ko.

Sana nga mommy, sana nga. Hindi ko na kasi kayang malayo sa inyo.

Hindi ko na kayang malayo pa kay CK. Hindi ko na kaya na wala siya sa mundo ko. Isipin ko palang na malalayo ako sa kanya, parang pinapatay na sa matinding sakit ang puso ko.

Next chapter