Chapter 4 - It's Not Okay

"What's wrong anak? Ayaw mo ba ng niluto kong ulam?" alalang tanong ni mommy sa akin.

Kanina niya pa siguro napapansin na hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. Samantalang si CK, pangalawang round na niya. Halatang sarap na sarap siya sa nilutong chicken pastel ni mommy.

Well, masarap talaga magluto ang mommy ko and that's one of her specialty.

"I'm okay, mommy. May naalala lang ako saglit," I smiled at her.

Ayaw ko namang mag-alala pa siya kaya pinilit kong kumain kahit pa nawiwindang pa rin ang mundo ko. Aminado ako, nagulo ang buong sistema ko dahil sa mga sinabi ni CK kanina.

Pasimple akong sumulyap sa kanya. Feel at home talaga siya kaya naman tuwang-tuwa si mommy sa kanya lalo't magana siyang kumain.

Siguro naramdaman niya ang mga titig ko kaya napatigil siya sa pagkain. Bumuka ang bibig niya na parang may gustong sabihin, pero mabilis rin naman niyang itinikom ang kanyang mga labi.

Ano na naman kaya ang natakbo sa isip nito?

"Tita," panimula niya. Natuon naman ang atensyon namin ni mommy sa kanya. "Pwede po ba akong mag-take out nitong luto niyo? Ang sarap po kasi. Kung ayos lang naman po."

Saglit kaming nagkatinginan ni mommy. Sabay rin kaming napangiti nang iyuko ni CK ang ulo niya na tila nahihiya. Pulang-pula rin ang tainga niya. Cute.

"Sure hija, marami naman akong niluto. Ipagbabalot kita mamaya, okay ba?"

Mabilis na nag-angat ng tingin si CK. Nangingislap ang mga mata nito. Para siyang isang bata na tuwang-tuwa. Akala mo naman nakatanggap siya ng pamasko.

"Thanks po, tita!" hyper na sambit niya bago bumalik ulit sa pagkain.

Naka-tatlong round pa siya. Seriously, gaano ba siya katakaw?

***

I can't sleep that night. Pabaling-baling ako sa higaan para kumuha ng antok pero kahit anong gawin ko, hindi talaga ako makatulog.

"Hindi lang kita gustong-gustong pikunin, Clio. Gustong-gusto rin kita."

Kusang nag-play na naman sa utak ko ang mga sinabi ni CK kanina at hindi ko ito maiwaglit sa isipan ko.

And what does she mean by that? Gusto niya talaga ako? Imposible naman. Mukhang may something sila ni Aliyah kahit sabihin niya pang fling lang 'yon.

Parang may gusto rin siyang sabihin after she told me she likes me, pero biglang dumating si mommy kaya hindi na niya naituloy.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Matulog ka na nga lang, Clionna!

Dumapa ako at inabot ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Wala akong magawa kaya nag-browse na lang ako nang nag-browse sa facebook. I've watched some funny vlogs and shared some memes on my wall. Then suddenly, may nag-chat sa akin. It was CK!

Dug. Dug.

There goes my heart again. I can't explain why it keeps reacting that way.

11:20 p.m

CK:

Bakit gising ka pa?

Clio:

Ikaw? Bakit gising ka pa?

CK:

Kasi hindi makatulog? Hahaha

Clio:

Same. Hahaha

CK:

Why?

Clio:

by Avril Lavigne

CK:

Naks naman. Joker na pala siya.

Bakit naman hindi ka makatulog? Iniisip mo ko, no?

Clio:

Ikaw talaga 'tong joker eh.

I just can't sleep.

CK:

Subukan mo na kayang matulog.

Huwag kang magpuyat. Maaga ka pa gigising bukas. 2nd day ng intrams.

Clio:

Pwede ako magpuyat, kasi sa bahay lang ako bukas. Hahahaha

CK:

Oo nga pala, injured ka. Get well soon.

Clio:

Thanks. Tulog ka na. Huwag na magpuyat.

CK:

Yes ma'am.

Anyway, I really mean it.

Clio:

What do you mean?

CK:

by Justin Bieber.

Clio:

Ewan ko sa'yo. Seryoso kasi.

CK:

Bakit? Seryoso naman talaga ako sa'yo.

Iyong sinabi ko sa'yo kanina. I really like you, Clionna and I really mean it.

I have a crush on you since first year college palang tayo. Lagi kitang nakikitang kasama ni Belle no'n, kaso nahihiya lang akong lapitan ka.

Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob para magpapansin sa'yo.

Please, don't hate me.

And why would I hate you?

Binura ko na lang agad ang nai-type ko bago ko pa man ito mai-send sa kanya. I replaced it with a 'goodnight' and she replied the same.

After that conversation with her, mas lalo akong hindi nakatulog.

***

Pasado alas-dose na ng tanghali nang magising ako. Hindi na talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Let me rephrase that, hindi na talaga ako pinatulog ng mga chat ni CK kagabi.

In my 21 years of existence, first time na may nag-confess at nagka-crush sa akin na babae. So tell me, ano bang dapat kong i-react?

It's a good thing that I decided to stay at home today. Atleast, hindi ko pa siya makikita. Mukhang hindi ko pa siya kayang harapin ngayon.

Bumangon na ako para makapag-agahan na. Maagang napasok sa trabaho si mommy kaya mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Medyo nakakalakad na rin naman ako nang maayos. Hindi na masyadong namamaga ang kanang paa ko, hindi katulad kahapon.

Pwede naman akong humabol sa intrams dahil kaya ko nang maglakad pero mas gusto kong magpahinga na lang. Magne-netflix na lang ako buong araw.

Nang matapos mag-agahan, naligo na ako dahil magbabad lang ako sa harap ng laptop ko buong araw. I flopped onto my bed and pulled my laptop off my bedside table. Kinuha ko rin ang phone ko at saglit na nagtingin ng mga chat sa messenger.

Sabog na sabog ang group chat namin ng mga kaklase ko. Maging si Belle, ayaw paawat sa pagcha-chat. May chat din si CK at wala sana akong balak pansinin ito kaso I accidentally viewed her my day.

She's wearing a white baseball shirt with two black stripes on the sleeves. Nasa gitna siya ng field at tirik na tirik ang araw. Good thing she's wearing a black cap. May hawak siyang baseball bat habang feel na feel niya ang pagpo-pose. She looked so co, though.

Don't tell me, sumali rin siya sa baseball at maglalaro siya today? Sayang naman, hindi ako makakanuod.

Nawili ako sa kakatingin ng my day niya at hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako. Ngunit mabilis rin namang naglaho ang ngiti sa labi ko nang biglang mapunta ako sa my day ni Aliyah. Puro selfie nilang dalawa ni CK 'yon. Parehas pa sila ng suot na baseball shirt. Nice.

They look so good together. Mukha talaga silang couple dahil laging magkadikit ang mga pisngi nila sa mga selfie nila. Ang sweet.

And she told me last night that she likes me? Parang hindi naman. Pinagtitripan na naman ata niya ako.

***

Time flies so fast, and before we know it tapos na ang intrams. Ilang weeks pa at College Night naman. Ito talaga ang inaabangan ng mga estudyante sa university namin. Madalas kasing may mga guest na banda at special performances mula sa iba't-ibang department.

Huling taon na namin 'to kaya sinusulit na talaga namin ang bawat pa-event ng university.

Hindi ko akalain na magiging close kami ni CK sa paglipas ng mga araw. Sa sobrang close namin, naging kaibigan na rin ni CK ang mga kaklase ko. Madalas kasi niya akong sinusundo sa room at hinahatid pauwi. Akala tuloy nila, may namamagitan na sa amin ni CK.

I really appreciate her sweet gestures. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na sobrang sincere siya sa nararamdaman niya, but I'm still keeping a safe distance between us. Ayoko kasi siyang umasa sa wala.

"Clio!"

Naglalakad ako sa tahimik na hallway ng HRM Building nang may tumawag sa pangalan ko. I turned around and frowned when I saw Aliyah. Papalapit siya sa akin. Weird.

Hindi naman kami close. Ano namang kailangan niya sa akin? Sinadya niya pa talaga ako sa building ko. Ang layo kaya ng building namin from the nursing department.

"Can we talk? Hindi pa naman magsisimula ang next subject niyo 'di ba?"

I nod and she smiled widely. Excited na hinila niya ako sa likod ng building namin. She said she wanted to talk to me in private.

"Anong kailangan mo? And how did you know my name?" takang tanong ko.

"Paanong hindi kita makikilala, ikaw ang laging bukambibig ni CK kapag magkasama kami. Lagi ko rin kayong nakikita na sabay umuwi. Actually, nagseselos na nga ako, so I just want to confirm something from you. Wala namang namamagitan sa inyo 'di ba? I mean do you like her?"

Gustong umangat ng isang kilay ko pero mas pinili kong kumalma. Ano namang karapatan niya para tanungin niya ako ng ganyan? As far as I remember, CK told me that she's just a fling.

"Kami na kasi, kaya gusto kong makasiguro na wala akong dapat pagselosan sa inyo," she said shyly.

Nagulat ako sa mga sinabi niya kaya napatanga na lang ako sa kanya. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi rin ako makapagsalita. Sila na pala. Cool.

Lagi kaming magka-chat ni CK, pero wala naman siyang nabanggit na sila na pala ni Aliyah. Ang sweet niya pa sa akin, iyon pala may girlfriend na ang gaga.

Ano ako? Baka ako 'yung fling. Baka ako 'yung side chick. Putek! I hate you, CK!

"Congrats. Wala kang dapat ikaselos. Magkaibigan lang kami. I'm not into girls," matabang na saad ko.

"Talaga?!" she exclaimed.

Ang saya-saya niya. Why don't she throw a party? Parang abot universe ang kasiyahan niya, eh. And why do you sound so bitter, Clio?

"Sige, balik na ko sa klase ko kung wala ka nang sasabihin."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa ulit. Nilayasan ko na siya at bumalik na ako sa room ko. Ilang oras pa ang lumipas pero hindi talaga ako makapag-focus sa mga lesson namin. Naiinis ako!

Pasimple kong kinuha ang cellphone ko sa bag at mabilis na nagtipa ng message para sa kanya.

Clio:

Don't talk to me anymore.

I hate you!

***

"Halika nga rito."

Namilog ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang galit na itsura ni CK paglabas ko ng classroom.

Uwian na namin at plano sana namin nila Belle at Yvette na mag-samgyup pero bigla siyang sumulpot at hinila ako palayo sa mga kaibigan ko. Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.

"Hoy CK! Saan mo dadalhin 'yung best friend ko? Walang hiya ka! Kakasuhan kita ng kidnapping!" sigaw ni Belle na nag-echo sa hallway.

Imbes na tumigil ay mas lalo pang binilisan ni CK ang paglalakad at nakakaladkad na ako.

"Mauna na kayo! Susunod ako promise!" sigaw ko pabalik sa kanila.

Nakita kong tumango sila parehas at lumayas na. Talagang iniwan nga ako!

Putek! Tama bang pinauna ko na sila? Dapat pala nagpa-rescue ako. Baka kung anong gawin sa akin ni CK ngayon. Ganitong-ganito rin 'yung nangyari noong unang beses na nagkausap kami.

Dinala niya ako sa university pool at katulad nung dati, kaming dalawa lang ang tao rito. Deja vu.

Ang kaibahan nga lang, mukhang matindi ang galit sa akin ni CK ngayon. Bakit naman? Aba! Dapat ako 'tong magalit sa kanya.

"Bitawan mo na 'yung kamay ko. Kapag ako nabalian, tutulak kita sa pool," pagbabanta ko.

Sinunod naman agad ni CK ang utos ko, saka marahas siyang napabuntong-hininga. May kinuha siya sa bulsa ng backpack niya, it was her phone. Pinabasa niya sa akin 'yung huling chat ko sa kanya kanina.

"Now tell me, anong ibig sabihin nito?" she asked, her eyes as cold as ice.

I stared at her with a raised eyebrow. "Anong part ng 'Don't talk to me anymore' at 'I hate you' ang hindi mo maintindihan?"

"Don't answer me with another question, Clio. Just tell me, anong nagawa ko para masabi mo 'yon?" she asked, a bit frustrated. "Alam mo bang hindi ako makapag-concentrate sa klase buong araw dahil iniisip ko kung anong nagawa kong mali para ikasama ng loob mo? Please, just tell me. Why do you have to say that? What have I done?"

Naiinis ako sa kanya, pero unti-unting natutunaw ang inis ko habang pinagmamasdan siya. Punong-puno ng pagsusumamo ang mga mata niya.

She looked so stressed too. Sinasabunutan na niya ang sarili niya kaya nagugulo na ang buhok niya. Pero bakit gano'n? Ang ganda niya pa rin. Unfair.

"Magsabi ka nga ng totoo, girlfriend mo na ba si Aliyah?" biglang bulalas ko.

Kumunot ang noo niya. "What?! Tangina! Sino namang walang magawa sa buhay ang nagkakalat niyan?"

"Huwag kang magmura!" suway ko at pinaningkitan siya ng mata. "Painom ko sa'yo 'yung tubig sa pool, eh."

Huminga siya ng malalim, sinusubukang kalmahin ang sarili niya. Nakatingala lang ako sa kanya habang hinihintay siyang magpaliwanag.

"She's not my girlfriend, okay? Nasabi ko na sa'yo 'yan dati."

"Pero iba ang nakarating sa akin. Si Aliyah pa mismo ang nagsabi sa akin kanina na kayo na."

Putek! Why do I sound like a jealous girlfriend? Ano namang pake ko kung sila? Naiinis lang ako kasi sinikreto niya sa akin, 'yun naman talaga ang reason kaya ako nababadtrip sa kanya.

Tumawa siya ng pagkalakas-lakas kahit wala namang nakakatawa. Sarap niyang itulak sa pool. Baliw na ata siya. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at para na siyang mamamatay kakatawa.

"Tapos ka na bang tumawa?" pinamewangan ko siya.

Kanina lang galit siya, ngayon heto para siyang timang na nakangiti sa akin. Malala na talaga siya.

"Sa akin ka lang makikinig, pwede ba? Aliyah's not my girlfriend. She was just a fling. I was just being nice to her. Hindi ko naman akalain na obsessed na pala siya sa akin. Now, she's acting like a girlfriend. Wow! Just wow!"

"So, hindi talaga kayo?"

"Hindi nga, promise! Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?" nagpapapadyak na tanong niya pero ilang sandali lang ay may sumilay na nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Don't tell me, nagseselos ka?"

"Kapal mo naman po," irap ko sa kanya.

Bakit naman ako magseselos? I like CK as a friend. Ayoko lang talagang may nililihim siya sa akin tapos sa iba ko pa malalaman. Ayoko rin na sweet siya sa akin, tapos may girlfriend pala siya. Ang pangit tignan.

I was caught off guard when CK slowly crossed the distance between us. She leaned closer to me and stared at my face, as if she was studying it

Halos hindi na ako huminga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Feeling nervous of our close proximity, I unconsciously bit my lower lip and because of what I did, CK's gaze shifted on my moist lips.

"Kanina pa kita gustong halikan. Alam mo ba 'yon?" she softly whispered, her voice sending an electrifying and strange feeling throughout my body.

I want to move away but I couldn't even move a single muscle.

"Why do you have to be so cute when you're jealous?" she chuckled.

I tried to composed myself in front of her and when my strength returned in my body, I pushed her lightly, take a step back, averting her intense gaze.

"Hindi ako nagseselos! At pwede ba, huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan."

"Sino bang nagsabi na nagbibiro ako?" seryosong tanong niya. "I really like you, Clio. I want us to be more than friends, kung posible mang mangyari 'yon. I want you to be my girlfriend. Gano'ng klase ang pagkagusto ko sa'yo. But don't worry, hindi ko ipipilit sa'yo 'tong nararamdaman ko. Gusto ko lang malaman mo kung ano talaga ang tingin ko sa'yo, so I could properly pursue you."

I couldn't look at her in the eyes, but I could feel the words coming out from her mouth were really genuine.

"I'm sorry," 'yon lamang ang salitang lumabas sa bibig ko.

This is so sudden. Natatakot ako na baka may mali akong masabi at masaktan ko lang siya kaya mas pinili kong itikom ang bibig ko. I really don't know how to response.

"It's okay."

No, it's not okay.

"You're so precious to me, CK. I don't want things to get awkward between us."

You're so precious that I want to keep you. I don't want to lose you.

"I know. Alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay. Okay na ko do'n."

It's not okay. I don't want to put you in the friend zone. That's not fair to you.

Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang mga bagay na gusto kong sabihin. Nanatiling tikom lamang ang bibig ko ng mga sandaling 'yon.

I don't have a heart to hurt her. She's so nice to me, and she deserves all the love this world could give. But I don't know why there's a voice inside my head, wishing to have a heart that can feel the same way about her.

Next chapter