Just One Click [GXG]

Chapter 1 - Unexpected Friendship

"Bakit?"

"Nothing. I just like staring at you."

"Deja vu."

***

Clio

Panay ang buntong-hininga ko habang nakaharap sa laptop. Mahigit tatlong buwan na pala mula nang i-deactivate ko ang lahat ng social media accounts ko kaya heto, gumawa ako ng panibagong facebook account dahil hindi ko na ito ma-recover. Kahapon ko lang ito ginawa, pero halos sumabog na ang notification ko sa dami ba naman ng nagse-send sa akin ng friend request.

And what was the reason I deactivated my account? It was because of my ex. We broke up 3 months ago. Bakit? Loko eh, tatlo ba naman kaming pinagsabay-sabay niya. Feeling pogi si tanga.

Nakakabwisit 'di ba? Hindi marunong makuntento sa isa. Kung hindi pa siya na-wrong send sa akin sa chat, hindi ko pa malalaman ang mga kagaguhan niya.

Masakit. Sobrang sakit. Kaya mas pinili ko na lang ang tahimik na buhay. Iyong malayo sa social media, 'yong wala na akong maririnig o makikita na update patungkol sa kanya. Nagpalit na rin ako ng number para hindi na rin niya ako guluhin pa. With that, I find my peace. Bitter man sa paningin ng iba, deactivating all my social media accounts was like a breath of fresh air for me.

Move on? Oo, naman. Naka-move on na ko sa kanya. Hindi deserved ng manloloko na 'yon ang mga luha ko at lalong-lalo na ang oras ko.

CK Natividad sent you a friend request.

Kunot-noo akong napatitig sa notification ko. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang friend request niya. Hindi naman kasi kami close. I just know her because she's the cousin of my best friend Belle and she's kind of famous in our university too. Varsity player ba naman ng basketball team. Dami niyang fans. Hindi lang ang mga lalaki ang nagkakandarapa sa kanya, pati na rin ang mga babae. She's like a superstar.

Bakit naman niya ako i-aadd?

Just one click, Clio. Delete or Accept? I sighed. Ano bang masama sa pagse-send niya ng friend request? Huwag kang suplada, Clionna.

As soon as I hit the accept button, she sent me a message right away. Ano kayang trip nito?

8:23 p.m

CK:

Hi!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa ginagawa ko, kaso may balak ata siyang pasabugin 'yung messenger ko. Ayaw niya tumigil sa pagcha-chat.

8:26 p.m

CK:

May fb ka pala ulit?

Hey.

Ano? Seen na lang?

Usap tayo.

Hooooooooy Clio!

Putek! Close ba kami? Bakit niya ba ako nililigalig? Block ko siya, eh!

8:27 p.m

Clio:

Bakit po?

As much as I want to be rude, mas minabuti ko na lang na maging kalmado.

CK:

Maka-po naman. Hahaha

Clio:

Bakit ba?

CK:

I just want to talk to you.

Masama ba?

Clio:

Well, the last time I check we're not really friends and my momma taught me not to talk to strangers. So bye!

CK:

Yeah, right. We're not friends. And maybe now, you find me disgusting.

Clio:

Pinagsasabi mo?

CK:

Don't deny it. I know you're there. I know you saw us in the library yesterday.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa ko. Putek! Nakita niya ako kahapon? Nakakahiya! Bakit kailangan ipaalala niya pa 'yun?

I was in the library yesterday. Tahimik na sana ang buhay ko kahapon nang may marinig akong kakaibang ingay. Wala nang mga tao sa library ng mga oras na 'yon kundi ako na lang. Medyo kinabahan pa ako kasi kakaiba 'yung ingay na naririnig ko. Akala ko naman may multo na, 'yon pala may kababalaghan lang na nagaganap sa pinakadulong shelf ng mga libro.

I saw her there. To my surprise, she's making out with another girl. And what the hell?! She's making out with the prim and proper Aliyah, the president of our SSG. Aliyah's buttons on her blouse were open while CK's hands were on her chest.

Nagmadali akong umalis sa library at sinigurado ko naman na tahimik ang bawat hakbang na ginawa ko. Hindi ko alam na nakita niya pala ako.

Marahas akong napabunton-hininga bago muling nagtipa ng mensahe para sa kanya.

Clio:

Don't worry, wala akong pagsasabihan kung 'yon ang inaalala mo. Hindi naman ako tsismosa.

CK:

Let's talk tomorrow. Hintayin kita sa rooftop. Agahan mo pumasok.

Clio:

I don't wanna.

Hindi na ako nakatanggap pa ng reply mula sa kanya dahil nag-log out na siya. Bakit kailangan niya pa akong makausap ng personal? Pwede namang sa chat lang? At sino siya para utusan ako? Bahala siya diyan! Wala naman kaming dapat pag-usapan.

***

"Kanina pa masama ang tingin sa'yo ng pinsan ko. Ano bang ginawa mo diyan?"

Napatingin ako sa kabilang table kung saan mag-isang nakaupo si CK. Gaya nga ng sabi ni Belle, ang sama nito makatingin. Para siyang papatay ng tao.

Binalewala ko na lang ang tingin niyang parang may laser beam at hinalo-halo 'yong spaghetti sa harap ko. Gutom ako, ayokong ma-distract sa pagkain ko.

"Baka naman hindi siya sa akin nakatingin?" sabi ko na lang.

May mga estudyante rin kasing nakaupo sa kabilang table sa may likuran ko. Hindi lang naman ako ang tao sa cafeteria, kaya baka ibang tao ang tinitignan niya. Wala rin akong ginawa sa kanya para magalit siya.

"Baka nga badtrip lang kasi nabitin ang tulog. Aga raw niya pumasok kanina sabi ni tita. Himala."

"Ah, talaga?"

"Nagta-trabaho kasi 'yan kapag gabi kaya bihira pumasok nang maaga, sinusulit niya ang tulog. Pagod na pagod nga raw 'yan nang umuwi kagabi pero gumising pa rin nang maaga kanina," Belle explained.

Bakit bigla akong na-guilty? Hindi naman siguro ako 'yung rason kung bakit siya pumasok nang maaga? At bakit nagta-trabaho pa siya? Scholar naman siya dahil player siya ng basketball team.

Susubo na sana ako ng spaghetti kaso biglang may humila sa kanang wrist ko at pinigilan ako. Putek na 'yan!

"Ano ba?!" singhal ko.

Muntik na akong magmura dahil natalsikan pa ng sauce 'yong t-shirt ko dahil sa biglang paghila niya, pero para rin akong naging maamong tupa bigla.

Sino ba namang hindi? Para na akong lalamunin ng buhay ni CK. Ang sakit na rin ng pagkakahawak niya sa wrist ko. Galit na galit talaga siya.

"B-Bakit?" nauutal kong tanong.

Kailangan ko na bang magdasal sa lahat ng santo?

"Let's talk," mariing sambit nito.

I couldn't break away from her grip. Napasunod na lang ako kay CK nang hilahin niya ako. Naiwan si Belle sa upuan namin at tulala. Napatingin din ako sa spaghetti na nasa mesa. Huhuhu! Goodbye, my food.

"Baka gusto mo na akong bitawan?" pagtataray ko habang kinakaladkad niya ako.

Malayo na kami sa cafeteria. Kanina pa siya hindi umiimik kahit puro reklamo na ang lumalabas sa bibig ko. Bingi na ba siya?

Kinabahan naman ako nang mapansin kong papunta kami sa may swimming pool ng university. Wait lang! Lulunurin niya ba ko? Wala pa namang tao dito dahil breaktime pa ng mga estudyante, walang makakakita kung sakaling pagtangkaan niya ang buhay ko.

Binitawan niya ako saka humarap sa akin. Magkasalubong ang dalawang kilay niya. Hindi maipinta ang mukha niya nang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ano bang kailangan mo?" nag-iwas ako ng tingin. Nakakailang kasi tumingin sa mga mata niya.

"Alam mo bang naghintay ako sa'yo? Bakit hindi ka sumipot?"

There was a small hint of disappointment in her voice. She's really upset. I don't know why but I found myself explaining. Maybe, just to ease my guilt?

"Nag-chat naman ako sa'yo di ba? Sabi ko, ayoko. Wala naman tayong pag-uusapan. Rest assured, walang makakaalam ng mga nakita ko. I didn't took any photos or video. Kung sikreto man 'yang relationship niyo, then I promise you wala talaga akong pagsasabihan. Wala ring alam si Belle. You can trust me."

I heard her chuckled. Binalik ko tuloy ang tingin ko sa kanya. She was smiling widely na parang tanga. I guess she's not mad anymore?

"Ang cute mo," she said out of the blue.

Parang gusto ko siyang itulak sa pool. Ano bang nginingiti-ngiti niya?

"Hindi ako aso," I retorted.

"Okay. Maganda ka," hirit niya pa.

She's really pretty when she smile. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. Her eyes were color black and she has a double eyelid with natural crease. Matangos pa ang ilong at manipis ang labi. Lagpas balikat ang buhok niya at kulay ash gray ito. Malakas nga talaga ang karisma niya. No wonder, daming nababaliw sa kanya.

"Kung wala ka nang sasabihin, alis na ko. Matatapos na breaktime, hindi na ako nakakain dahil sa'yo."

"Wait," pigil niya nang tinalikuran ko na siya.

Hinarap ko siyang muli at pinaningkitan ng mga mata. What's her problem, again? Seriously, sinasayang niya oras ko.

"Hindi kami ni Aliyah. Fling lang naman 'yon."

Tinaasan ko siya ng kilay. "And so?"

"Just so you know, wala akong girlfriend."

Hindi niya pala girlfriend, pero kung maghalikan sila kahapon parang wala nang bukas. I know she's into girls, nabanggit na sa akin ni Belle 'yon, pero hindi ko naman akalain na playgirl pala ang isang ito.

"At ano namang pake ko kung naglalandian lang kayo? Labas na ko diyan," inis na sambit ko.

"Wala lang. Sinasabi ko lang," she replied with a boyish smile. Nakakapikon.

She grabbed my hand once again at hinila niya ako palapit sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang hubarin 'yung denim jacket niya at pinasuot sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Madumi na 'yung damit mo. Sorry pala, bigla kitang hinila papunta rito."

I looked down at my pink shirt. Oo nga pala, namantsahan ang suot ko.

"Paano ka?" tanong ko.

Nakasuot na lang kasi siya ng red jersey ni Michael Jordan to match with her black pants. Friday at wash day namin kaya naka-civilian kami.

"I'm good. May extra shirt naman ako sa locker ko," sagot niya.

Napatango-tango na lamang ako. Okay, she's nice.

"Tara? Balik na tayo, libre kitang drinks," yaya niya pabalik sa cafeteria. Nakangiti pa rin siya kaya ngumiti na lang ako pabalik sa kanya.

"Sure."

And that's how our unexpected friendship started until something strange happened inside me.

Next chapter