Chapter 8 - Her Greatest Loss

"Hindi ka na naman pumasok?"

Bumungad agad ang magkasalubong na kilay ng ate ko sa screen ng laptop ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Bihira lang talaga itong tumawag sa akin para mangamusta, pwera na lang kung sesermonan niya ako. I'm sure nakarating na sa kanya ang pag-absent ko ng ilang araw dahil kaibigan niya ang isa sa mga professor ko.

Yeah, it sucks being me. Bantay sarado ni ate.

She's wearing a navy blue pajama at nakalugay ang mahaba niyang buhok na medyo kulot ang dulo. Patulog na siguro ito. Gabi na kasi doon sa Canada.

Nang maka-graduate ang ate Ciara ko sa college, tumira na siya doon sa Canada kasama ang ibang relatives namin sa side ni daddy. Hindi na siya umuwi ng Pilipinas magmula pa noon. Hindi kasi sila okay ni mommy.

"I'm not feeling well, ate," matamlay na sagot ko.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Halatang hindi siya naniniwala sa rason ko. "Umayos ka, Clionna, ha. Kung kailan graduating ka na, doon ka nagbubulakbol."

"Hindi naman ako nagbubulakbol. Masama lang talaga ang pakiramdam ko," giit ko.

Two days na kasi akong hindi pumapasok. Nasa bahay lang ako at nagkukulong sa kwarto ko buong araw. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag at chat sa akin ng mga kaibigan ko. Mas lalong-lalo na ang mga tawag at chat sa akin ni CK.

Ayoko na siyang makausap. Ayoko na rin siyang makita.

Bakit kasi pumasok-pasok pa siya sa buhay ko? Nananahimik ang puso ko, ginulo-gulo niya.

"Saan mo gustong magtrabaho after your graduation? Dito na lang ba sa Canada? Or if you want, sa Australia? I think mas maganda do'n."

Marahas akong napailing nang marinig ko ang sinabi niya, dahilan para mas lalong magsalubong ang dalawang kilay ng kapatid ko.

"Ayaw mo? Okay, sige, dito ka na lang sa akin sa Canada para nababantayan kita. May magbubukas kaming bagong branch ng hotel sa Ontario, doon na lang kita i-a-assign."

"I mean, ayoko nang umalis. Dito na lang ako sa Pilipinas. Marami rin namang magagandang opportunity dito," paglilinaw ko.

"Anong pinagsasasabi mo diyan, Clionna?! Pinag-usapan na natin 'to dati pa, hindi ba? Future mo ang nakasalalay dito kaya umayos ka!" Bahagyang tumaas ang boses niya kaya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Namula rin agad ang mukha niya dahil sa labis na galit.

I love my sister so much. Kaya lang minsan, nasasakal na ako dahil siya na lang lagi ang nagdedesisyon ng kung anong dapat kong gawin. Kontrolado niya ang bawat galaw ko at planado na niya ang buhay ko. Para akong manikang de susi, nabuhay lang para i-please siya at gawin ang kagustuhan niya.

"Ayokong iwan si mommy. Dito lang ako," mahinang sambit ko.

Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon niya at hindi nga ako nagkamali. Mas lalo lamang siyang nagpuyos sa galit.

Hanggang ngayon, matindi pa rin talaga ang galit niya kay mommy.

"Ano na namang sinabi sa'yo ng mommy mo para magbago 'yang isip mo?" matabang na wika niya.

"Wala siyang sinabi. Kagustuhan ko 'to," depensa ko.

"Okay," my sister heaved a frustrated sigh, rubbing the crease on her forehead. "Matagal-tagal pa naman ang graduation niyo. Sigurado ako na magbabago pa 'yang isip mo. Ako na ang bahalang mag-asikaso ng mga kakailanganin sa pagpunta mo rito. Mag-focus ka lang sa pag-aaral mo diyan," mariing bilin niya. There's so much power and authority in her voice.

Napayuko na lamang ako at nanatiling walang imik. Balewala lang talaga sa kanya kung anong gusto ko at kung anong nararamdaman ko. Kahit kailan, hindi niya pinakinggan ang side ko. Para siyang isang batas na mahihirapan akong labagin.

"O, baka naman may boyfriend ka na diyan kaya ayaw mo nang umalis? Sino 'yan? Kaya ka ba niyang buhayin? Anong ginagawa ng magulang niya? Maganda ba status nila sa buhay? Kung magbo-boyfriend ka, siguraduhin mong matino at galing sa maayos na pamilya."

Heto na naman siya. She only really care about status and reputation. Dapat perfect ang lahat sa paningin niya, dapat hindi ako magkamali. Buong buhay ko, takot na takot akong magkamali dahil sa kanya. Takot na takot akong maging disappointment lang ang tingin niya sa akin. I wish someday, she would realize na walang perpekto sa mundong ito.

After our video call, napayakap na lang ako sa mga tuhod ko. Sinubsob ko ang mukha ko at doon ako umiyak nang umiyak.

***

"Nak, gising na. Hindi ka na naman ba kumain ng tanghalian?"

Nagising ako mula sa mahimbing kong tulog nang marinig ko ang malambing na boses ni mommy. Gabi na pala at mukhang kararating niya lang galing sa trabaho. Nakatulog na lang ako dahil sa walang awat na pag-iyak ko. Buong araw ata akong umiyak na naman. Kung noong nakaraang araw dahil kay CK, ngayon naman ay dahil sa ate ko.

"Tara na sa baba, nagluto ako ng lasagna. Bumili rin ako ng siopao. Hindi ba favorite mo 'yon?"

"Ayoko na ng siopao, mom." mariing sambit ko.

Nagtatakang tinignan ako ni mommy pero hindi na lang siya nagtanong. Hinila niya ako para bumangon na at makapag-dinner sa baba.

This is what I love about my mom, hindi siya palatanong. Hindi niya ako pinipilit mag-open up. Hinahayaan niya lang ako na kusang magsabi sa kanya ng mga problema ko. Hinahayaan niya lang akong gawin ang mga bagay na gusto ko. She's giving me so much freedom na hindi kayang ibigay ng ate ko.

"I made ate Ciara mad again," pagkukwento ko kay mommy nang nasa hapag-kainan na kami.

Saglit na natigilan si mommy sa pagsubo sa pagkain niya. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya nang bumaling siya sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagkukwento ko habang tikom ang mga bibig ni mommy. She just listened silently, as she let me pour my heart out to her.

"Dati naman talaga gusto kong umalis, pero ngayon hindi ko na alam, mom. Napapaisip ako, magiging masaya ba ako do'n? Iyon ba talaga ang gusto ko? Pwede naman akong magkaroon ng magandang future, kahit nandito lang ako sa Pilipinas, 'di ba?"

Inabot ni mommy ang kamay ko at banayad na hinaplos-haplos 'yon. Para akong batang nagpapalambing sa kanya.

"Ano bang rason bakit ayaw mo nang umalis?" malumanay na tanong niya.

"I don't want to leave you, mom."

Ngumiti si mommy. "Iyon lang ba talaga ang rason o baka may iba pang dahilan? Kilala kita, eh. Alam kong lagi kang may matinding dahilan para ayawan mo ang isang bagay. Kung anuman 'yan, isipin mong mabuti kung ano ba ang mas matimbang. Wala naman akong ibang hinangad para sa'yo, kundi ang makita kang masaya sa mga gagawin mong desisyon sa buhay. I know you're a smart girl. At alam kong kung ano man ang magiging desisyon mo, alam mo sa sarili mo na mas makakabuti 'yon."

"Mommy," naiiyak kong sambit.

Tumayo siya mula sa upuan niya at mahigpit akong niyakap. Thankful talaga ako sa kanya dahil ang supportive niya sa akin.

"Nag-away ba kayo ni CK?" pag-iiba ni mommy ng usapan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman?

"Alam mo bang galing talaga kay CK 'yang siopao na 'yan? Naabutan ko siya diyan sa labas ng gate, nakatingin lang sa bintana ng kwarto mo. Pinapapasok ko nga pero ayaw niya. Ibigay ko na lang daw yan sa'yo at huwag sabihing galing 'yan sa kanya. Hindi ko alam kung anong pinag-awayan niyo, pero mukhang sincere talaga siya sa pakikipag-ayos sa'yo."

"Ayoko po muna siyang makausap," pagmamatigas ko.

"Ayaw mo ba talaga? Sige na, ayusin niyo na 'yan. Baka nandiyan pa siya sa labas at naghihintay."

Umiling-iling ako. Narinig kong napabuntong hininga na lang si mommy.

Pagkatapos namin mag-dinner, bumalik na ako ulit sa kwarto ko. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina na nakatabing dito para sumilip sa baba. Nakita ko si mommy na papalabas ng gate. Nando'n pa nga si CK at kinakausap niya ito.

Kahit sa malayo, nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya. Malungkot ba siya dahil iniiwasan ko siya?

Bigla tumingala si CK at tumingin sa direksyon ko kaya mabilis kong tinakip ang kurtina sa bintana. Pinalipas ko muna ang ilang minuto at nang muli akong sumilip sa bintana, likod na lang ni CK ang napagmasdan ko. Naglalakad na ito palayo.

Gusto kong bumaba para habulin siya. Gusto ko siyang hayaan na ipaliwanag niya ang mga nakita ko, pero mas umiral ang pagiging ma-pride ko.

Nanlulumong napaupo na lang ako sa gilid ng kama ko. Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng bedside table. Lumakas ang tibok ng puso ko but at the same time kumirot din 'yon nang makita ko ang pangalan ni CK na nag-flashed sa screen.

Nagtatalo ang puso't isip ko kung sasagutin ko ba ang tawag niya. Pinagmasdan ko lang ang cellphone ko at hinayaan lang ito na mag-ring nang mag-ring.

Sa bandang huli, naging dominante ang puso ko. Sinagot ko ang tawag niya pero hindi ako nagsasalita.

"Sumagot ka rin," she said in a weak voice.

Nanatili akong tahimik. Tanging paghinga ko lamang ang naririnig niya.

"Okay lang kung hindi ka magsalita. Huwag mo lang ibaba ang tawag," pagsusumamo niya.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili ko na ibuka ang bibig.

"I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry kung pakiramdam mo, niloloko lang kita. Alam kong hindi mo na ako paniniwalaan kahit magpaliwanag pa ako, pero gusto ko pa ring marinig mo ang side ko. Maghihintay ako dito sa playground sa subdivision niyo. Hayaan mo akong makausap ka, kahit saglit lang. Maghihintay ako sa'yo hanggang alas-dose. Pangako, pagkatapos nito, hindi na kita ulit guguluhin pa. Lalayo na ako kung iyon ang gusto mo."

Pero hindi iyon ang gusto ko.

"I miss you, Clio. Maghihintay ako."

I miss you too. Sobrang miss na miss na rin kita.

Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi talaga kayang magsinungaling ang puso. Kahit anong tanggi ko, hindi nito maaalis ang katotohanan na gusto ko siyang pakinggan.

Isang sorry lang niya, gustong-gusto ko na siyang patawarin.

Mahal ko nga talaga siya. Hindi ko na kayang pigilan pa.

***

Third Person's POV

Napakalamig ng ihip ng hangin. Kahit nakasuot si CK ng jacket ay ramdam niya pa rin ang lamig na nanunuot sa katawan niya, pero hindi na niya ininda pa 'yon. Ilang oras na siyang nakaupo sa swing at naghihintay sa pagdating ni Clio.

Sampung minuto na lang at mag-aalas dose na ng hating-gabi, pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Na baka sa huling minuto, dumating ang babaeng hinihintay niya. Hindi siya susuko para sa babaeng minamahal niya.

Napakatahimik. Ang tanging naririnig niya lang ay ang ingay na ginagawa ng mga kuliglig at ang malakas na pagkabog ng puso niya. Nagpakawala siya ng mabibigat na buntong-hininga habang pinagkikiskis ang mga palad niya nang sa gayon ay mabawasan ang lamig na nararamdaman niya.

Paglipas ng ilang minuto, ang katahimikan sa paligid ay nabulabog dahil sa malakas na tunog ng cellphone niya. Agad niya itong dinukot mula sa bulsa ng pantalon niya, umaasa na si Clio ang tumatawag sa kanya, pero ibang pangalan ang rumehistro sa screen.

It was her cousin. Nanlulumo siyang sinagot ang tawag nito.

"CK...CK…'yung m-mommy mo," garalgal ang boses nito mula sa kabilang linya. Hindi nito magawang tapusin ang sasabihin niya.

Binalot ng matinding kaba si CK. Parang sasabog ang puso niya nang marinig ang pag-iyak ng pinsan niya. Agad siyang tumayo at mabilis na tumakbo paalis nang makatanggap ng isang masamang balita. At sa pag-alis niya, doon naman dumating si Clio.

Nilibot ni Clio ang kabuuan ng playground nang makarating siya sa usapang lugar ngunit hindi mahagilap ng paningin niya si CK. Tinignan niya ang relo niya, may dalawang minuto pa bago sumapit ang alas-dose.

Dahan-dahang siyang humakbang patungo sa umuugang swing. Nanghihinang napaupo na lamang siya dahil sa labis na pagkadismaya.

Wala siyang CK na naabutan.  Ni anino nito ay hindi niya mahagilap.

"Akala ko ba maghihintay ka?" bulong niya sa hangin. Tahimik na napaiyak na lamang siya habang yakap-yakap ang sarili.

Umasa na naman siya na pagkatapos ng gabing ito, magiging maayos na sila pero sa huli, bigo na naman siya.

***

"Anong trip mo, Clio? Two days kang absent tapos pumasok ka lang, lunch break na?"

"Huwag ka ngang maingay," walang buhay na utos ni Clio sa kaibigang si Yvette na panay ang pagtatanong.

Nasa pinakadulong bahagi sila ng cafeteria nakapwesto upang walang masyadong makapansin sa kanila. Tinatakip din ni Clio sa kanyang mukha ang hawak niyang libro. Tatlong subject ang hindi niya pinasukan ngayong araw. Siguradong malalagot siya sa mga professor niya kapag nakita siya.

"Nasaan pala si Belle?" tanong niya sa kaibigan.

"Bakit namumugto ang mga mata mo?" balik tanong din ni Yvette.

Ibinababa ni Clio ang librong tumakip sa mukha. "Sana sinasagot mo muna ang tanong ko, 'di ba?"

"Sana nagbabasa ka ng message sa group chat, 'di ba? Para alam mo kung anong nangyayari, 'di ba?" sarkastikong sagot naman ng kaibigan.

Pabirong inirapan na lang ito ni Clio. "Anyway, okay ka na ba?" she asked curiously.

Napansin niyang mukhang wala na itong pinoproblema hindi gaya noong nakaraang araw. Dumako rin ang mga mata niya sa suot na relo ni Yvette na mukhang bago lang pero mabilis itong itinago ng huli nang mapansing nakatitig siya roon.

"O-Okay na ako," tila kabadong tugon nito. "Nagawan na ng mga magulang ko ng paraan ang problema namin. Hindi na ako hihinto next semester. Road to graduation na ito."

"That's good to hear," Clio smiled.

Ngumiti rin si Yvette pabalik sa kanya pero pakiramdam niya ang awkward ng ngiti na 'yon o marahil guni-guni niya lang? She just give it a shrugged.

Kinuha na lang niya ang cellphone mula sa kanyang bag para magbasa sa group chat nila. Sobrang dami ng message, pero isang salita lang ang pumukaw sa atensyon niya.

Condolence. Bakit ganito ang nababasa niya?

"Sinong namatay?" baling ni Clio kay Yvette.

Sumipsip muna ang kaibigan sa iniinom nitong milk tea bago sagutin ang tanong niya.

"Iyong tita ni Belle. CK's mom. She passed away last night. Hindi muna papasok si Belle dahil tutulong daw siya sa pag-aasikaso sa burol," Yvette supplied. "Pupunta kami bukas sa kanila, gusto mong sumama?"

Nanlamig ang buong katawan ni Clio dahil sa naririnig. She was about to composed a  message for CK, but her facebook account and messenger were deactivated.

Nasapo niya ang dibdib na tila naninikip. Bigla siyang nahirapang huminga.

"Ayos ka lang?"

Hindi magawang sagutin ni Clio ang tanong ng kaibigan. Walang ibang laman ang utak niya kundi ang matinding pag-aalala para kay CK.

***

Kinabukasan, pagkatapos ng klase nila ay dumiretso na sina Clio at Yvette papunta sa chapel kung saan nakalagak ang labi ng mommy ni CK. Kasama rin nila ang ibang kaklase ni CK na naging ka-close na rin ni Clio matapos nang birthday celebration nito.

"Bruha ka! Mabuti naman at nagparamdam ka na! Nakakainis ka, alam mo 'yon?!" Mahinang hampas sa braso ang binungad ni Belle kay Clio nang dumating ito.

Nakasuot si Belle ng damit na kulay itim at namumugto na ang mga mata nito.

"Sorry," Clio whispered softly. Napayuko na lang siya sa sobrang hiya dahil sa pag-iignora niya ng mga chat ng kaibigan.

"Okay na, naiintindihan ko. I know you need some time alone."

Lumapit si Clio kay Belle at niyakap ito ng mahigpit. Nang matapos magyakapan at magkamustahan, iginiya sila nito papasok sa loob ng chapel. Huminto sila sa harapan ng kabaong ng mommy ni CK para taimtim na mag-alay ng dasal.

Dumako ang mga ni Clio sa mga larawan ng ina ni CK na nasa ibabaw ng kabaong nito. Pinagmasdan niya itong mabuti. Hindi niya maiwasang humanga dahil sa ganda nito. Marahil dito nagmana si CK dahil malaki ang pagkakahawig ng dalawa.

Parang kinurot muli ang puso ni Clio nang maalala si CK. Sigurado siyang labis itong nasasaktan ngayon.

"Anong ikinamatay niya?" usisa ni Yvette.

Gusto itong sawayin ni Clio dahil sa tanong nito pero hindi na niya napigilan ang bibig nito. Nag-aalala siya na baka ayaw pag-usapan ni Belle ang bagay na 'yon. Ang pagkakaalam niya, ang ina ni CK ang nagpalaki kay Belle dahil sa abroad nagtatrabaho ang mga magulang nito simula pagkabata.

"Lung cancer," malungkot na tugon ni Belle. "She was diagnosed noong first year college tayo. Gumaling naman si tita after ng ilang chemotherapy pero last year," she paused. Tila nahihirapan itong ituloy ang sasabihin niya.

Marahang hinagod-hagod ni Clio ang likod ng kaibigan para kumalma ito.

"Last year bumalik ulit ang sakit niya," Belle continued after gulping enumerable times. "Nagkaroon ng relapse at labas-masok na siya ng ospital. Lumalaban pa siya eh, pero hindi na talaga kinaya ng katawan niya at bumigay na ito.

"Sorry to hear that." Naiiyak na sambit ni Yvette.

Bumaling si Belle kay Clio. "Iyon ang rason kung bakit nagtatrabaho si CK. Siya kasi ang tumutustos sa mga gamutan at pangangailangan ni tita. Tinutulungan naman siya ng parents ko, pero nahihiya siyang tanggapin 'yon," she informed her.

Tila tuluyang nadurog ang puso ni Clio sa mga nalaman. Wala man lang siyang kaide-ideya na may mabigat palang pinagdaraanan si CK. Paano ba nito nagagawang ngumiti sa harapan nilang lahat na parang wala itong problema na iniinda?

Hinagilap ng mga mata niya si CK ngunit hindi niya ito mahanap sa loob ng chapel.

"Si CK? Nasaan siya?"

Hindi na maitago sa himig ng boses niya ang labis niyang pag-aalala. Gusto niya itong yakapin. Gusto niya itong damayan sa mga sandaling ito.

"Hindi pa siya lumalabas ng kwarto niya simula pa kahapon. Hindi pa rin siya kumakain. Nag-aalala na ako. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang pagkawala ng mommy niya. Clio, pwede mo ba siyang puntahan?" pakiusap ni Belle sa matalik na kaibigan at malugod namang tumango si Clio.

***

Hawak ni Clio ang dibdib niyang malakas ang kabog dahil sa kaba.

Hindi niya alam kung gugustuhin ba ni CK na makita siya ngayon, pero hindi rin naman niya kaya na hayaan lang itong mag-isa. CK needed someone to lean on and she wanted to be that someone, if she will let her.

Tinatagan niya ang loob habang nakatitig sa pinto ng kwarto ni CK. Sinamahan siya ni Belle papunta rito sa bahay nila, ilang hakbang lamang ang layo mula sa chapel, pero bumalik din agad doon si Belle at iniwan siya ritong mag-isa. Aasikasuhin pa kasi nito ang mga nakiramay.

Mas lalong dumoble ang kabog ng puso ni Clio sa bawat paglipas ng sandali. Ito na lamang ang tanging ingay na naririnig niya ngayon.

Tinapon niya ang lahat ng pag-aalinlangan niya at nagpasyang puntahan na si CK. Tatlong beses siyang kumatok sa pinto at nang walang sumagot mula sa loob, inipon niya ang lahat ng lakas na meron siya bago pumasok ng kwarto. Napansin niya na hindi naman ito naka-lock.

Kadiliman ang siyang bumungad kay Clio nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng kwarto ni CK. Wala siyang kahit na anong maaninag kaya kinapa niya ang switch ng ilaw.

Unti-unting sumabog ang liwanag sa paligid kaya agad na hinanap ng mga mata niya si CK. Nang matagpuan itong nakasalampak sa sahig sa bandang paanan ng kama, parang pinilipit ang puso niya sa nasasaksihan.

Nakatingin lamang si CK sa kawalan habang tahimik na lumuluha.

"CK," mahinang pagtawag ni Clio sa pangalan nito habang dahan-dahang lumalapit.

Nilingon siya nito. CK eyes were empty, making her stop on her trance. She looked so devastated, like the world is crumbling down in front of her.

"You're here," she smiled at her. A smile that never reached her eyes, a kind of smile that made her heart ached even more.

Next chapter