Chapter 10 - Gap

People really do change or maybe it was the situation that change us.

After that talk between Yvette and I, we became awkward with each other. Nag-uusap man kami, civil na lang. Hindi na kami katulad ng dati. Halatang-halata na ilag na siya sa akin. Nagpapanggap na lang kaming parehas kapag nasa harapan kami ni Belle.

We don't want her to know about the gaps and spaces between us.  Belle just lost someone dearly to her and she's still grieving. Ayaw na naming maipit pa siya sa hindi namin pagkakaunawan ni Yvette.

I could feel that she's against about my feelings for CK. Baka mag-aaway lang din sila ni Belle kapag nalaman niya ang pagtatalo namin tungkol dito.

"Lalim ng iniisip natin, ah. Sana ako 'yan."

I was pulled out from my reverie when I heard CK's voice in my ear. I instantly throw a deadly glare at her, but she just flashed me her boyish smile.

Umupo siya sa mahabang sofa sa sala nila na siyang kinauupuan ko. Siniksik niya ang sarili sa akin kahit napakaluwag naman. Basang-basa pa ang buhok niya at tumutulo pa ito sa sahig.

I grabbed the towel from her hand and helped her dry her soft brown hair. Amoy na amoy ko ang shampoo na ginamit niya — it was a familiar fruity vanilla scent. Parehas pa ata kami ng ginagamit na shampoo. Gustong-gusto ko talaga ang amoy nito.

Tinutuyo ko pa ang buhok ni CK nang bigla na lang siyang humiga sa mga hita ko. Ginawa pang unan.

"Tumayo ka nga diyan. Basa pa ang buhok mo," suway ko.

Ngumisi lang si CK saka pinagkatitigan ang mukha ko. Ilang saglit lang ay umangat ang isang kamay niya para abutin ang dulo ng buhok ko at nilaro-laro niya 'yon.

"CK, ano ba?!" Pinandilatan ko siya ng mga mata nang sundot-sundotin niya ang tainga ko gamit ang dulo ng buhok ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya pero ayaw niyang tumigil. Lakas na naman ng trip nito.

Hinampas ko ang kamay niya kaya napasimangot siya.

"Bumangon ka na," masuyong utos ko. "Bumalik na tayo sa chapel."

"Mayamaya na. Maaga pa naman. Kapag bumalik tayo do'n, hindi na naman kita masosolo," she pouted.

She's behaving like a child now and I'm really soft for her when she acted like that. Lagi siyang ganito ngayon, para siyang isang bata na gustong magpalambing. And to be honest, I really love this new side of her. She's so cute. Nawawala pala ang pagkasiga niya kapag nagseselos.

Huling lamay na ng mama CK ngayon kaya nagsidatingan ang mga kamag-anak nilang galing pang ibang bansa. May mga pinsan pala siyang amboy. Hindi nila ko tinitigilan kanina sa kakahingi ng facebook account ko kaya nabadtrip si CK. Bigla itong nagyaya pauwi dito sa bahay nila para mag-shower raw saglit.

Palusot. Gusto lang pala niya akong masolo.

"Don't worry. Wala naman akong type sa mga pinsan mo. At hindi ko rin ugaling magbigay ng number or facebook account sa mga taong hindi ko naman kilala," I said reasurringly.

CK's face suddenly lit up. Tuwang-tuwa ata ang loka sa sinabi ko.

"So, ako lang ang type mo?" she asked, wiggling her eyebrows up and down.

"Utot mo," ismid ko.

Umasim na naman ang mukha ni CK habang nagkandahaba-haba ang nguso. "Ikukulong na lang kita dito. Ako na lang ang babalik do'n."

Malakas kong pinitik ang noo niya na agad namang namula. "Hoy, grabe ka! Hindi mo pa ko pag-aari para ipagdamot."

"Hindi pa?" nakakalokong tanong niya.

"Hindi pa dahil marami pa tayong dapat pag-usapan after nito. May kasalanan ka pa sa akin. Hindi ka pa abswelto do'n," litanya ko.

Kita ko ang pagbagsak ng balikat ni CK dahil sa tinuran ko. She fell silent as her eyes filled with guilt. Parang gusto kong sampalin ang bibig ko dahil sa naging reaksyon niya. Mukhang may mali akong nasabi.

Bumangon si CK mula sa pagkakahiga niya at umayos ito ng upo. Nakatitig lang siya sa nakasarang t.v sa harapan na mabigat ang bawat paghinga.

"Pwede bang ngayon ko na ipaliwanag ang lahat?" she blurted out, her eyes still focusing forward. "I can't wait any longer and I don't want you to misunderstood me. I don't want you to doubt my feelings for you, Clio. Gusto kong maging malinaw na ang lahat sa atin," she turned to me, locking our gaze. Inabot ng kamay niya ang kamay ko at pinatakan ang likod ng palad ko ng masuyong halik.

"Please?" she begged.

It was just a simple pleading and I cannot even deny her request. I looked directly in her eyes and nodded. "Tell me everything I need to know. I'm just here to listen."

Naramdaman kong pinisil ni CK ang kamay ko saka humugot ito ng malalim na buntong-hininga bago magsimula. And I, just stared at her pretty face, the whole time she was explaining.

"I was waiting for you that day when Aliyah came. I didn't know that she followed me there. Sobrang kulit niya. Akala ko malinaw na sa kanya ang lahat, na tanggap na niya na hindi ko siya gusto pero pinipilit niya pa rin ako. Then I snapped. I told her to stay away from me dahil kung hindi, sasabihin ko na sa SSG ang obsession niya sa akin. I know it will damage her reputation and she cares too much about her position and image so she agreed," pagkukwento niya.

"Sabi niya titigilan na niya ako, pero sa isang kondisyon. She wants me to kiss her for one last time at pinapangako niya na hindi na niya ako ulit guguluhin."

Nakaramdam ako ng pagkairita bigla. Prim and proper pa naman ang tingin ko kay Aliyah. Hindi ko akalain na ganito pala ang ugali niya. That bitch!

"I was really desperate that time. I was really desperate to get rid of her. Labag man sa kalooban ko, pumayag ako sa kondisyon niya. Then she kissed me suddenly, she asked me to kiss her back pero ayoko. Nakita niya ang pagdating mo at sinabi niyang ikaw ang guguluhin niya kung hindi ko siya susundin. Ginawa ko na lang ang gusto niya dahil natatakot akong baka may gawin siyang masama sa'yo at iyon ang naabutan mo.

Sa galit ko, malakas ko siyang naitulak. Nahulog pa nga siya sa pool pero hindi ko na siya inintindi dahil agad kitang hinabol para magpaliwanag."

Gusto ko sanang tumawa dahil sa sinabi niya pero ang seryoso ng mukha niya.

"Ayos lang sa akin kung hindi mo na ako mapatawad. Alam ko namang dinadamayan mo lang ako ngayon kaya mabait ka sa akin. After this, kung gusto mong lumayo na ako sa'yo, gagawin ko. Pero sana maniwala ka sa akin na mahal talaga kita. Sa'yo lang ako nagseryoso."

Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa sinseridad sa boses niya. Ngayong malinaw na ang lahat, wala nang rason pa para pagdudahan ko ang nararamdaman niya.

"Wala naman akong sinabing gusto kong lumayo ka," sambit ko. "Ayaw lang muna talaga kitang makita no'n kasi hindi pa kita kayang harapin. But that night, when you came to our house, when you said that you'll wait for me in the playground, nakapagpasya na akong patawarin ka nang mga sandaling 'yon. Pumunta pa nga ako sa playground para hayaan kang magpaliwanag, kaso pagdating ko naman do'n mukhang nakaalis ka na," paliwanag ko rin sa kanya.

"I thought you don't want me near you anymore. I thought you didn't came. I've waited for you, kaso may emergency at kinailangan kong bumalik na sa ospital kaya umalis ako. I'm sorry," she whispered. May tono ng panghihinayang sa boses niya.

Nagkasalisi pala kami ng gabing 'yon. Hinintay niya talaga ako.

"Let's just forget about it," I heaved a sigh. "Basta, okay na tayo ngayon. I'm not really mad at you. Gusto ko ngang sabunutan ang sarili ko minsan dahil hindi ko kayang magalit sa'yo," pag-amin ko.

She squeeze my hand once again as her eyes were glistening with familiar emotions.

"Thank you," she muttered then kissed my hand over and over again. "I'm really lucky to have you, Clio. I won't take you for granted, I promise."

Please don't. Kasi sa'yo ko lang ibibigay ang puso ko ng buong-buo. Ngayon lang rin ako magmamahal ng ganito. Kahit sa naunang relasyon ko, hindi ko nagawang magbigay ng buo kong pagmamahal.

Sa'yo lang CK. Sa'yo lang. What have you done to me?

***

"What took you so long, my dear cousin? Are you hiding that beautiful girl from us?"

Mabilis akong itinago ni CK sa likod niya nang salubungin kami ng pinsan niyang amboy. Mas matanda kami ni CK sa kanya, kaso sobrang tangkad nito. Laking bulas ata talaga kapag may lahing Amerikano. Para siyang mamaw sa tangkad.

"She's mine! Don't touch her." Para na namang may laser beam sa mga mata ni CK. Galit agad.

"Woah! Sorry! I didn't know that she's your girlfriend. Chill!"  He raised his both hand in the air and turned to my direction to bow his head apologetically. After that, he left in a hurry. Nakita ko pang may nilapitan itong ibang babae naman.

Wow! Chickboy naman pala.

Pumasok na kami sa loob ni CK at umupo sa may bandang likuran. May mga tao na kasing nakaupo sa bandang unahan, malapit sa altar.

Umakbay sa akin si CK kaya inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko kaya naman parang may mga paru-parong nagwawala tuloy sa tiyan ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong mahal mo.

"Kayo na?" Biglang sumulpot si Belle sa harapan namin kasama ang boyfriend niya.

Nakasunod lang si Yvette sa kanila pero bigla itong lumabas ng chapel. Nag-iwas din ito ng tingin nang magtagpo ang mata namin. Hinayaan ko na lang siya.

"Hindi pa kami, no!" mabilis na tanggi ko sa tanong ni Belle.

"Hindi pa," sagot din ni CK.

"Oh! Hindi pa?!" Belle emphasized.

"Bagal naman," kantyaw pa ni Rome.

Nag-tandem pa sa pang-aasar ang dalawa. Mga bwisit.

"Magbanyo lang ako," paalam ko sa kanila.

Sasamahan pa dapat ako ni CK pero bigla siyang tinawag ng mga parents ni Belle. Lumapit sa kanila si CK kaya nagpunta na lang ako sa c.r ng mag-isa.

"Are you really sure about this?"

Napapitlag ako nang may nagsalita mula sa likuran ko. Paglingon ko, nakita ko si Yvette na nakasunod pala sa akin. Ang seryoso ng mukha nito.

Pumihit ako paharap. Matagal kaming nagtitigan.

"Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa buhay ko. Pwede bang suportahan mo na lang ako?" pakiusap ko.

Marahas na iniling niya ang ulo niya. She looked so disappointed in me.

"I'm sorry, pero tutol ako dito. Itigil mo na 'tong kabaliwan mo, Clio habang maaga pa," babala niya. Matigas ang bawat pagbikas ng mga salitang binitiwan niya.

Tahimik na pinagmasdan ko lang siya nang tinalikuran na niya ako. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko. Ang sakit-sakit naman.

Lulugo-lugo akong pumasok na lang sa c.r. Humarap ako sa salamin, tumutulo na pala ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Sa tagal namin naging magkaibigan, ito ang unang beses na naging tutol si Yvette sa mga desisyon ko. Ayokong magkasamaan kami ng loob ni Yvette pero kung talagang kaibigan ko siya, dapat naiintindihan niya ko, 'di ba?

Bakit kinakailangang humantong pa kaming dalawa sa ganito? Bakit kailangang magbago ang pakikitungo niya sa akin? Hindi ko na talaga alam ang pinanggagalingan niya.

***

Linggo ng umaga ang libing ng mama ni CK. Lahat kaming nandito sa sementeryo ay nakasuot ng kulay puti at may hawak-hawak na puting rosas.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Natagpuan ko si Yvette na nasa pinakalikuran namin at nag-iisa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Ang layo-layo na ng agwat niya sa akin, literally and figuratively.

Napabuntong-hininga na lamang ako at binalik ang atensyon ko kay CK. Umalalay ako sa kanya nang lumapit siya sa nakasarang kabaong ng mama niya para mag-alay ng puting rosas. Ramdam kong wala nang lakas ang mga tuhod niya kaya hindi ko siya binibitawan.

Nasa tabi ko rin sina Belle at ang mga magulang nito.

Napuno ng pagdadalamhati ang buong sementeryo nang ibinababa na sa huling hantungan niya ang mama ni CK. Kasabay nito ay ang pagpapakawala ng mga puting lobo sa asul na kalangitan.

Kabilaan ang iyakan ng mga kamag-anak pero mas nangibabaw ang malakas na palahaw ni CK. She broke down as she screamed at the heavens for her misery. Kulang na lang maglupasay siya nang mapaupo siya sa lupa.

Parang pinipilipit na naman ang puso ko habang nakikita ko siyang nasasaktan.

Akala ko nagiging okay na siya nitong mga nagdaang araw dahil palagi lang itong may ngiti, pero mali pala ko. Gano'n siya kagaling magpanggap. Pinipilit niya lang palang magpakatatag sa harapan naming lahat.

Naiintindihan ko siya. Hindi naman talaga gano'n kadaling mamaalam. It will takes some time for her to heal fully.

When we got home, CK head back to her room. Hinayaan ko na lang muna siyang mapag-isa at tinulungan ko sina Belle at ang mga magulang niya sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Sobrang bait ng mga relatives nila CK kaya hindi ako makaramdam ng pagkailang sa kanila. Hindi ako magaling makipag-socialized sa ibang tao, pero pagdating sa kanila, naging kumportable ako.

Para makapagpahinga, nagpasya kaming magtipon-tipon sa sala ng bahay nila CK. Nakihalubilo ako sa mga pinsan niyang nakaupo sa sahig at abala sa paglalaro ng scrabble.

"Hindi talaga nagpakita ang tatay ni CK kahit man lang sa libing ng asawa niya?! Tigas talaga ng mukha!

Narinig namin ang boses ng papa ni Belle mula sa labas. Bakas ang galit at dismaya sa boses nito.

"Magtigil ka nga. Marinig ka ng mga bata sa loob," maagap na suway naman dito ng mama ni Belle.

"Maigi na nga na at wala siya. Hindi siya kailangan ni CK. Baka kung ano pa ang magawa ng batang 'yon sa kanya kapag nakita siya," sabat pa ng isa sa kamag-anak nila.

I turned to Belle to search for an answer but she just give me a shrug. Bigla siyang tumayo para magpunta sa kusina.

Matagal ko nang gustong itanong kung nasaan ba ang papa ni CK, pero sa tingin ko, hindi ko na dapat usisain pa 'yon. I guess talking about CK's father is really a sensitive topic.

Next chapter