Chapter 8

Dec 24, 2010

Jared Ramos

"Hoy kuya gising na! Tanghali na."

Niyugyog ako ni Monique. Napakahimbing ng tuloy ko tapos guguluhin lang ako. Nagtaklob na naman ako ng kumot para hindi ako istorbohin.


"May bisita kang babae.
"

Napabalikwas naman ako at agad na tumayo mula sa pagkakahiga. Hindi pa ako nakakapag ayos.


"Ha?
Sino?" Kabadong tanong ko.
"Amuyin mo nga ako, mabango ba?
" lumapit ako kay Monique at pinaamoy ko ang aking hininga.


"Joke lang.
" iritadong sagot ng aking kapatid. Tsaka niya sinapak ang bibig ko.

"Sira! Umalis kana nga dito." inis na inis kong tugon at naglakad siya paalis.


Panira ng tulog.


"Tse.
" angas nito sa akin at nagdabog paalis.


Ang sarap-sarap ng tulog ko .
Ang ganda na ng panaginip ko sinira lang ni Monique.

Sasagutin na sana ako ni Luna sa panaginip ko eh. Nakakainis.

Tinignan ko na lang ang oras. Tanghali na nga. Napuyat ako. Madaling araw na rin kasi ako nakauwi.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

Nakangiti akong umupo sa kama ko habang inaalala ang pangyayari.

Hinawakan ko ang labi ko.

Hindi ko mapigilang mabaliw sa tuwa. Kulang na lang hindi na ako magtoothbrush at magmumog para hindi maalis yung pagdampi ng labi ni Luna.

Ngayong gabi ko pala ipapakilala si Luna sa mga magulang ko. Kinakabahan ako at the same time excited na.
Ano kayang magiging reaksyon nina mama at papa?


Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
Habang nakatingin sa salamin ay hindi ko maiwasang kiligin.

Hinahawak-hawakan ko ang aking katawan. Hindi ako makapaniwalang niyakap ko siya.


Hindi kaya niya ako iiwasan?


Pakiramdam ko ayaw na niya akong kausapin kasi pagkatapos ko siyang niyakap ay tumakbo na siya pauwi.


Bakit ba siya nagmamadali umuwi?


Bakit?


Nang matapos ako ay kinuha ko ang paper bag na may design na flowers at tsaka ko nilagay ang jacket na ireregalo ko sa kanya.


"Magugustuhan niya kaya to?
" tanong ko sa sarili ko. Sana nga magustuhan niya 'to.

Ganito nga yata ang inlove. Hindi ka mapakali. Hindi maalis sa isipan mo ang taong mahal mo. Iba yung sayang binibigay ng love. Napakasaya.


14 days na pala kaming magkakilala.
The first time I saw her my heart starts beating fast. Suddenly, I can't catch my breath everytime I'm with her. I was driven by her smile and her beauty. But thinking that she looks like upset that night is something that makes me worry and unanswered.


Niligpit ko na ang regalong ibibigay ko mamaya.

Nagulat naman ako ng may pumasok sa kwarto ko.


"Hoy tol!
" bungad ni AJ. Nandito na naman ang kupal.


"Aatakihin naman ako sa puso!
Kumatok ka naman." bulyaw ko at napahawak ako sa dibdib ko.


"Eh nakabukas naman kaya pumasok na ako.
" ngumingising sabi niya.


"Anong ginagawa mo dito?
" tanong ko.


"Makikikain.
"


Sadyang makapal talaga mukha nitong mokong na ito kaya binato ko siya ng tsinelas.
Nakailag naman ito.


"Ito naman hindi mabiro.
" tumalon siya sa higaan at ginawa niyan unan ang kamay niya.


"Eh bakit ka nga nandito?
" nakataas kilay kong tanong.


"Wala, may pinabigay lang ang mama ko sa mama mo.
" sagot naman niya.


"Uy tol, ano yon?
" tinuro niya yung painting. Lumaki-laki pa ang mata ni Jared habang tinuturo yung painting ko kay Luna. Hindi ako naka-imik.


"Inlove kana nga!
Hahahaha!" Malakas na tawa niya. Parang baliw na siya at halos mawalan na siya ng hininga sa kakatawa.


"Hindi ah!
" mabilis kong sagot at tinalikuran ko siya.


"Naku, kilala kita Jared.
Alam ko kung inlove ka o hindi."


Ganon na ba ako kadaling basahin para malamang inlove ako o hindi?


"Pwede bang akin na lang at huwag kana maki-alam.
" masungit kong tugon at tsaka tumabi sa kama.


"Sus!
Inlove." nakangising asik ni AJ at binatukan ako. Natawa naman siya sa reaksyon ko.


Ang hirap naman yatang pekehin at ipakitang hindi ako inlove.

"Umuwi kana nga." Tinulak ko siya kaya nahulog ito sa sahig.

"Heh! Bahala ka dyan. Ayieee Luna. Bye." Pang-aasar ni AJ at tsaka siya umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaalis na ang kaibigan ko. Para niya akong dinidikdik palagi kung makapang-asar si AJ sa akin. Darating rin ang panahon na malalaman niya na mahal ko na nga si Luna. Kapag hindi na ako nahihiya. Kapag kaya ko na.

Mabilis na lumipas ang gabi. Minabuti kong lumabas upang sunduin si Luna. Habang naglalakad ako sa daan ay maraming nagpaputok ng mga binili nilang fireworks. May masayang nag-iinuman at masayang nagsasalo-salo. Ang saya at ang sarap ng diwa ng pasko kapag kasama mo ang taong mahal mo. Wala kanang mahihiling pa dahil kuntento kana.


Naabutan ko naman si Luna na nakaupo sa duyan.
This time hindi siya nakasuot ng puting doll dress. Nakasuot naman siya ngayon ng pulang casual dress na sleeveless at hanggang tuhod ito. Bagay na bagay sa kanya ang damit niya dahil maputi siya at lumalabas ang hulma ng katawan niya.


Nakangiti siya sa akin ng makita akong papalapit sa kanya.

Mabuti at nakangiti siya.

Mabuti at nakarating siya.

Mabuti parang wala lang sa kanya yung nangyari kahapon.

Sana hindi niya maalala yun.


"Mabuti at nakarating ka.
" bati ko.


"Maligayang Pasko Jared.
" bati rin niya. Eto na naman ang puso kong hindi tumitigil sa pagbilis ng tibok.


"Maligayang Pasko rin sayo Luna.
"

Maingay na ang daan. Kabi-kabilaang mga fireworks at mga karaoke ang naririnig namin.


"Tara na?
" anyaya ko. Naglakad lang kami para mas maenjoy ko ang mga sandaling kasama siya.


Habang naglalakad kami nagkukwento siya.
Ako naman ay panay ang tingin sa kanya.


"First time kong magdiwang ng Pasko na kasama ang kaibigang kagaya mo.
" Kwento niya. Masakit marinig yung salitang kaibigan. Sino nga ba naman ako para magreklamo. Hindi pa naman kami. Wala pa naman akong karapatan.


"Masaya ang pasko sa bahay namin Luna.
" tugon ko.

" Masaya rin ako." makabuluhanang sagot ni Luna habang kami ay patuloy pa rin sa paglalakad.


"Masayang masaya ako dahil hindi tayo pinapabayaan ng Diyos.
Bawat araw ay isang regalo. Regalo na muling makasama natin ang mga mahal natin sa buhay. Regalo na makakilala ng magbibigay halaga at regalo na hindi matatawaran." Pagbabahagi niya. Ang saya lang makarinig ng words of wisdom mula sa taong mahal mo. Hindi nakakasawa.

Luna kung alam mo lang kung gaano kalalim ang pagtingin ko sayo.

Nakarating na kami sa harap ng bahay. May nakaparada na ring mga sasakyan sa harap ng gate namin. Nandito sina lolo't lola, mga tita at tito ko tsaka ang mga pinsan ko. Nandito rin ang babaeng pinakamamahal ko.


"Tara na pasok tayo sa loob.
" Hinawakan ko ang kamay ni Luna at sabay kaming pumasok sa loob.


Nakangiti naman ang mga tito at tita ko nang makita nila ako.


"Tito, tita si Luna nga pala.
" Pagpapakilala ko.


"Magandang gabi po at maligayang pasko.
" nakangiting bati ni Luna sa kanila tsaka ito nagmano.

"Ang ganda naman ng girlfriend mo Jared." rinig kong sabi ni Tita.


"Ah tita, h-hindi ko pa po girlfriend.
I mean hindi ko po girlfriend hehe." nakangising sagot ko. Sumenyas naman si tito sa akin na tila nagsasabing 'sus, maniwala'


"Tito sina mama at papa po?
" tanong ko. Nag-iihaw kasi sila ng barbeque dito sa labas habang ang mga bata kong pinsan ay naglalaro lang.


"Nasa kusina, nagpe-prepair.
"

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakasalubong naman namin si Monique.

"Ayieee kuya ang ganda naman ng kasama mo." bungad ni Monique habang kumakain ng chocolates.


"Huy, doon kana nga.
" pagpapa-alis ko sa kanya.


"Hi ate, ako po si Monique.
Ano pong pangalan niyo?" tanong ni Monique.


"Hello Monique, ako si Luna.
Maligayang Pasko." bati naman ni Luna sa kanya at nakipagshake hands ito kahit may mga mantsa ng tsokolate sa kamay si Monique.


Hawak-hawak ko ang kamay ni Luna na pumunta sa kinaroroonan nila mama at papa.
Ilang saglit lang ay nasa harap na namin sila.


Masayang-masaya si mama at papa sa reaksyon nila.


"Maligayang Pasko po.
" bati ni Luna sa mga magulang ko tsaka ito nagmano. Bumati rin sina mama at papa.


"Napakaganda mo namang bata.
" manghang-mangha si mama. Para siyang nakakita ng anghel sa reaksyon niya. Si papa naman ay parang kikiligin sa amin ni Luna.

Nagtanong lang sina mama at papa kay Luna ng kung anu-ano. Maayos namang sumagot si Luna.


"Pa,Ma, sa sala muna kami ha?
" sabi ko at tumango naman silang dalawa.


Naglalakad kami papuntang sala ng tumingin ako saglit sa direksyon ni papa.
Nakathumbs up sakin si papa at tuwang-tuwa siya. Si papa talaga, botong-boto siya kay Luna. Kung alam rin lang ng mga magulang ko kung gaano ako kasaya na makilala si Luna. Higit pa sa saya nila na makita akong ipinapakilala ang taong mahal ko sa buong angkan ko.


"Napakasaya naman makilala ang pamilya mo Jared.
" Masayang-masaya na sambit ni Luna.

Mas masaya sila na makilala ka Luna. Sambit ng isip ko.

"Ah, oo hehe. Masaya rin silang makilala ka." Maayos kong sagot. Nag-usap lang kami ni Luna tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko maiwasang isipin itanong kung bakit gabi-gabi siyang nasa park. Itatanong ko na sana ngunit nababaluktot ang dila ko. Malayo rin kasi sa usapan namin kung itatanong ko ang mga 'yun. Kaya minabuti kong huwag na lang itanong.


Tinawag na kami upang magsalo-salo.
Pinangunahan naman ni Monique ang pagdarasal. Pagkatapos ay masaya kaming nagsalo-salo. Maingay at masayang nagtatawanan ang lahat. Katabi ko lang si Luna at masayang masaya siya na nakikinig sa mga kwento ng pamilya ko.

Pagkatapos ng salo-salo ay dumiretso kami ni Luna sa bakuran namin. Umupo naman kami sa damuhan at ninamnam ang simoy ng pasko.


Pinagmasdan namin ang mga fireworks display.
Binasag ko ang katahimikan ng magsimula akong magtanong sa kanya.


"Luna, ano ba ako para sayo?
"
Wala sa sarili kong tanong.
Gulat na gulat ako sa sinabi ko.


"Masaya ka at mabuti kang kaibigan.
" tugon niya. Gusto ko sanang itanong kung may nararamdaman rin ba siya para sa akin pero wala akong lakas ng loob.


"Ikaw Jared, ano ako para sayo?
" binalik niya sa akin ang tanong.


"Hmm.
Wala, dati naiisip ko weird ka kasi noong una kitang makita natatakot ako kasi akala ko isa kang multo. Pero hindi pala. Nang tumagal at makilala kita ng husto, nasabi ko sa sarili ko na mabait ka at mahiwaga ka sa lahat ng nakilala ko. Gusto ko lang sabihin na mahal..." napatigil ako sandali. Panahon na ba para umamin?


"Na ano?
" ani Luna.

"Gusto ko lang sabihin na mahal kita bilang isang KAIBIGAN." Diniinan ko yung salitang 'kaibigan'.


Napakatorpe ko.


Hindi ko magawang aminin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.


Nanlulumo ako sa sarili ko.
Hindi ko na pwede pang bawiin yung sinabi ko.


"Ah Luna, saglit lang may kukunin lang ako sa kwarto ko.
" pag-papaalam ko sa kanya. Tumayo na ako at dumiretso sa taas.


Gusto kong magwala ng makarating ako sa aking kwarto.

Napakatanga mo Jared!

Pagkakataon mo na yun sinira mo pa!


Napahawak na lang ako sa ulo ko.
Kinuha ko na ang regalo ko tsaka ako bumaba. Nadatnan ko naman siyang tulala lang.


"Luna, regalo ko nga pala.
" iniabot ko sa kanya ito at umupo ako sa tabi niya.


"Nag-abala ka pa.
Pasensya na wala akong regalo." saad niya. Hindi niya alam na siya ang pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong Pasko.


"Ah wala yun.
" bigkas ko na lamang.


"Buksan mo na.
"


Binuksan naman niya ang paper bag.


"Ang ganda naman nito.
" masayang tugon ni Luna tsaka naman niya ito sinukat dahil yun ang sabi ko.


Bagay na bagay nga sa kanya.
Para siyang buwan dahil lumilitaw ang kulay niya sa jacket.

Masaya kaming nagkwentuhan. Hindi ko pa rin maiwasang magsisi dahil hindi ko man lang sinabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Pagkatapos namin mag-usap ay tinawag kami nina mama at papa upang sumali. Masaya naman kaming lumahok sa pamilya ko upang magcountdown.

"5...4...3...2...1... Merry Christmas!" maingay na salubong namin.


Nagkatinginan kami ni Luna at sabay kaming ngumiti.


Wala na akong mahihiling pa.
Natanggap ko na ang pinaka the best na regalo ngayong taon.


Pagkatapos ng countdown ay bumalik kami sa aming pwesto.
Kumuha na ako ng blanket at humiga kami dito at pinagmasdan namin ang mga bituin.


"Luna, picture tayo.
"
Lumapit ako sa kanya at ginamit ang polaroid camera ng tita ko.

Maraming shots ang kinuhanan ko.

Ang sarap lang sa pakiramdam dahil masayang-masaya siya.

 
"Jared, ang saya-saya ko.
" Halatang-halata namang masaya si Luna kahit hindi na niya sabihin pa.

"Masayang-masaya rin ako." Tugon ko. Ilang saglit lang ay tumingin ako sa kanya at nakita kong tulog na siya.


Pagod nga siguro siya ngayong araw kaya nakatulog na lang.
Pero habang tulog siya ay pinagmasdan ko lang ito.

Bahagya akong lumapit at hinawi ko ang buhok niya.


Napakaganda niyang panoorin kahit tulog siya.
Napaka-amo ng kanyang mukha. Hinaplos ko ang labi niya. Bumalik sa aking alala-alala ang mga oras na hinalikan ko ito. Hindi nakakasawang pagmasdan ang buong mukha niya.


"Alam mo Luna, mahal na mahal kita.
Hindi ko kasi masabi sayo ng harapan kaya sinasabi ko na lang ngayon kahit tulog ka." Matapang kong pag-amin. Hindi ko alam kung matapang ba ako dahil umaamin ako sa harap niya pero tulog naman siya. Siguradong hindi rin naman niya naririnig.

Napakaswerte ko dahil nakilala ko si Luna.


Lumipas ang mahabang oras at nakatulog na rin ako.


Naalimpungatan akong nagising ng mapansin kong umaga na.


Babatiin ko pa sana si Luna ng isang 'napakagandang umaga' ngunit wala na siya dito.


Wala na siya sa tabi ko.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.


Bakit hindi man lang niya ako ginising upang magpa-alam man lang.


Dismayado akong nagising.

Bakit ganon?


May tinatago ba talaga siya sa akin?


Ano nga ba ang tinatago mo Luna?

Next chapter