Chapter 2

December 11, 2010

Jared Ramos

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ng maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko ininda yung sakit ng ulo ko. Nakatulog akong umiiyak dahil kay Diana. Napapikit na lang ako at umupo sa kama ko.

Naalala ko rin na may babae akong nakilala kagabi. Hindi ko alam kung guni-guni ko 'yon. Napakaganda niya, mukha siyang anghel at manika. At ang boses niya, napakasarap sa tenga pakinggan. Naalala ko ang nangyari kagabi.


***

"Luna ang pangalan ko. Luna Magdayo" sambit niya tsaka niya inabot ang kamay niya at nakipagkamay siya.


"Masaya akong makilala ka Luna.
" tanging sagot ko at ngumiti. Tumayo na siya bitbit ang gitara at stuff toy niya.


"Kailan ko nang umuwi.
" mahinanong sabi niya. Napaka-inosente niya magsalita. Tao ba talaga siya? Walang emosyon ang mga mata niya. Creepy.


"Ha?
" ako naman ang na-utal. Pinanood ko lang siyang maglakad paalis. "T-teka..." pahabol ko. Nahulog niya yung kwintas niya dito sa swing. Tumayo ako at iniabot ito sa kanya.


"Maraming salamat.
" maligayang sabi niya ngunit blangko pa rin ang mata niya. Kakaiba siya sa babaeng nakita at nakilala ko.

"Babalik ka pa ba dito bukas?" Tanong ko tsaka ako namulsa.


"Gabi-gabi naman akong nandito.
" Tanging sagot niya. "Paalam, sa susunod ulit na pagkikita. Masaya akong makilala ka Jared." napakainosenteng sambit niya. Grabe nakakapukaw tingin yung mukha niya.

"Masaya rin akong makilala ka Luna." at yun ang huling sinabi ko bago siya umuwi.


***


Dinilat ko ang mata ko at nag isip ng malalim.
Hindi ko alam kung totoo yung nangyari dahil ang nasa isip ko isa siyang multo. Pero imposible. Bakit merong babaeng kagaya niya na nasa park ng dis-oras ng gabi. Pero siguro multo 'yon. Pero sabi niya gabi-gabi siyang nandoon.

Napaigtad ako ng marinig kong tumunog ang keypad cellphone ko.


1 message received


Kinuha ko ito at binasa ko ang mensahe ng kaibigan kong si AJ.

From: AJ
Tol, nasaan kana?
Ngayon yung araw na magsisimula ang Holiday Art Class.


Bigla kong naalala na ngayon pala magsisimula ang Holiday Art Class.
Papalapit na rin kasi ang pasko kaya bumuo ang school namin ng isang grupo ng mga artist para magfund raising para sa mga pulubi sa kalsada kahit bakasyon na. Kahit konting tulong lang maibigay namin sa kanila ngayong papalapit na ang pasko.

Marunong naman ako magpaint, magdraw at magdigital art. Sa katunayan ginagawan ko ng mga artwork dati si Diana kaya naging kami. Natry ko na rin magbenta ng mga artwork ko at yung pinagbentahan ko ay binili ko ng dog food at nagfeed ako ng mga astray dogs na nalalagpasan ko sa lansangan.


Agad naman akong bumangon sa higaan ko tsaka ako naligo at nagbihis.
Mabilis rin namang nawala ang sakit ng ulo ko. Pinaharurot ko ang motorsiklo ko papuntang school at nakarating rin ako sa tamang oras.

Nakita ko naman si AJ na kanina pa naghihintay sakin sa bench. Matalik kong kaibigan si Arnie John Gonzales or AJ. Simula pagkapasok ko ng high school siya na naging kaibigan ko. Kilalang kilala niya ako sa lahat ng mga nagawa kong kagaguhan at iba pa. Madalas meron siya kapag kasama ko si Diana. Siya yung parang third wheel namin. Maasahan siyang kaibigan. Pareho kaming mahilig sa arts. Kaya ngayong last year ko ng high school gusto ko magkaroon ako ng iiwanan na pangalan dito sa aming paaralan. Pareho rin kami ng kukuning course ni AJ, mechanical engineering.


"Oh tol kumusta?
" bungad sa akin ni AJ tsaka siya lumapit sa akin dito sa parking area, Kailan lang noong huli naming pagkikita, noong kahapon lang tapos ngayon mangangamusta ulit.

"Eto, buhay pa rin." maikling sagot ko.


"Balita ko biyaheng States yung girlfriend mo.
" ani AJ. Inayos ko lang yung helmet ko tsaka naglakad at hinayaan si AJ doon na nakatayo. Ayoko lang pag-usapan yung sa amin ni Diana. Kung pwede lang kalimutan kaagad yung nangyari ginawa ko na.


"Hoy tol, hintay!
" bulyaw sakin ni AJ kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.


"Tol, tapos na kami ni Diana at ayoko na pag-usapan pa yun.
" sabi ko na lang habang patuloy na naglakad at dumiretso na agad ako sa art room.

Halos isang oras akong inasar ni AJ tungkol kay Diana. Habang nagpapaint ako marami siyang natatanong sakin kung bakit pinayagan ko si Diana na makipaghiwalay sakin. Hindi ko naman sinagot mga tanong ni AJ dahil ang tanong na yun ay para kay Diana. Siya lang makakasagot.


Patuloy lang ako sa pagpipinta ng biglang nagsalita si AJ.

"Kanina ka pa tulala, siguro si Diana na naman iniisip mo ano?" tanong niya. Ito talagang kaibigan kong ito ang daming alam.


"Hindi.
" sagot ko na lamang. Sa totoo lang hindi si Diana ang nasa isip ko ngayon kung hindi yung babaeng mukhang multo na nakilala ko kagabi.


"Uy tol ang ganda ng pinipinta mo ah, sino 'yan?
" tanong ni AJ.

 
"Ah w-wala.
" sagot ko.

"Imposibleng wala oy, kilala kita. Hindi ka nagpipinta ng portrait." Walang patutsadang sabi niya. Tama naman siya, hilig ko magpinta ng mga landscape views kagaya ng mga dagat at mga gubat.


"Wala nga.
" sagot ko na lang. Sinubukan ko lang ipinta yung babaeng mukhang multo. Pero sa pinipinta ko iniba ko yung suot niya. Nakaputi kasi yun kagabi eh, ginawa ko lang itim para hindi talaga magmukhang multo. Pininta ko rin yung walang emosyon niyang mukha.


"Meron 'yan aminin mo na kasi!
" pangungulit ni AJ.


"Oo na!
" pabulong kong sigaw. Tumingin naman ang ibang art students sa akin. Naistorbo ko yata. Ito kasing si AJ, napakakulit.


"Tol, may nakita kasi akong babae kagabi.
Sobrang ganda. Ang itim ng mga buhok niya at bagsak na bagsak. Tapos---" hindi na ako pinatapos ni AJ magsalita ng bigla siyang sumabat.


"Naku po!
Huwag mong sabihing inlove kana? Napalitan mo na kaagad si Diana?" tanong niya.


"Hindi ako inlove tsaka pwede ba patapusin mo muna ako magkwento?
" naiinis na sagot ko. "Basta maganda siya. Ang haba ng mga pilik mata niya at matangos ang ilong. Parang porselana rin yung kutis niya. Parang buhay na manika."

"Huh? Ows? Maniwala?" pang aasar ni AJ.

"Tol totoo. Nagulat nga ako bakit may babae sa park kagabi. Para siyang multo. Napakagandang multo." sabi ko tsaka tinitigan yung pinipinta ko.


"Galing mo rin mag imbento tol HAHAHAHAHAHA!
" humahagalpak na sabi ni AJ. "Tol kilala ko lahat ng magagandang babae dito sa lugar natin. Base sa kwento mo wala akong kilalang ganyan." habol pa niya.


"Bahala ka dyan.
" pagwawalang bahala ko. Ayaw rin lang naman niya maniwala.


"Oh sige nga!
Dalhin mo ako at ipakilala mo ako sa kanya." magandang ideya na sabi ni AJ kaya tumango naman kaagad ako. Paniguradong mapapanganga si AJ.


"Sige ba!
Kapag nakilala mo siya ililibre mo ako bukas ng kahit anong gusto ko." pagsang ayon ko at um-oo naman siya.

"Kailan mo ako ipapakilala?" tanong ni AJ.


"Sabi niya gabi-gabi siyang nandoon sa park eh.
" asik ko. Pero nagtataka lang ako bakit gabi-gabi siyang nandoon? Weird.

Pagkatapos ng Holiday Art Class namin ay dumiretso muna kami sa isang fast food para kumain at tumambay muna kami ni AJ sa tabing dagat para magpahangin. Gabi na at napag isipan na naming pumunta ni AJ sa park.


Alas nuwebe na ng gabi.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong parke. Nabigo akong makita si Luna.


"Oh asan na yung sinasabi mo tol?
" Tanong naman ni AJ tsaka umupo sa bench.


"Wait ka lang, maaga pa naman eh.
" Sagot ko. Alas onse na kasi ng gabi noong makita ko si Luna dito kahapon. Siguro mamaya pa darating yun.


"Wala naman yata eh.
" ani AJ na kinainis ko. Hindi talaga mahilig maghintay itong kaibigan ko.

"Alam mo kung hindi ka makapaghintay umuwi kana lang." naiinis kong sabi kay AJ.

"Ito naman, 'di mabiro." asik naman niya. Humiga na siya sa bench sabay humikab.

"Maghintay ka lang kasi, maaga pa naman." Sagot ko tsaka ko siya tinignan ng masama.


Tingin ako ng tingin sa relo ko.
Palipat lipat na rin ako ng pwesto. Uupo sa bench, lilipat sa swing tapos babalik sa bench. Ganyan lang ginawa ko kakahintay.

"Oh tol, alas onse na, inaantok na ako." humihikab na sabi ni AJ. Inaantok na talaga siya.


"Tara, umuwi na tayo.
" Malungkot na mungkahi ko. "Mukhang hindi darating yun."


"Baka nga guni-guni mo lang kasi yun tol.
" Siguro nga guni-guni ko lang ang lahat.


Tumayo na kami ni AJ at bumalik na kami sa kanya-kanyang motorsiklo namin.
Ang yabang ko pa na nagsabi na ipapakilala ko siya.
Dismayado ang mukha ni AJ na naghintay sa wala.


Bago umarangkada ang motorsiklo ko ay muli akong tumingin sa duyan na pinagpwestuhan ni Luna kahapon ng gabi.
Ang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko alam kung bakit.

Siguro nga guni-guni ko lang ang lahat.


Siguro nga kathang isip lang kita.

Siguro nga hindi ka totoo.


Siguro nga multo ka lang.

Next chapter