Chapter 5

December 17, 2010

Jared Ramos

As days passed, naging mutual yung pagkakaibigan namin ni Luna. From the day I met her up to this date is very unexpected rin. Unexplainable rin yung personality niya. Mahirap siyang basahin.

Gabi-gabi kaming nagkikita upang mag-usap. Mabuti na lang talaga naisipan kong dumaan sa park dati kung hindi, paniguradong umiiyak ako ngayon dahil sa pag-alis ni Diana. Gumaan rin ang pakiramdam ko dahil sa kanya, kay Luna. Hindi ko na rin pa masyadong naiisip si Diana. Parang nawala kaagad ang tinik sa puso ko na iniwan ako ni Diana. Normal ba ito? Ang maka-move on ng sobrang bilis? Parang nakamove on na rin ang tawag doon dahil hindi na mabigat ang puso ko.


Nakangiti lang ako habang iniisip yung gabing isinayaw ko siya.
Napakanatural niya ngumiti at kitang-kita ko sa mga mata niya na sobrang masaya siya na may bumati sa kanya. Ako daw ang first dance niya kaya masaya ako doon sa nalaman ko. Iniisip ko nga kung kailan ko papupuntahin si Luna dito sa bahay upang makilala naman siya ng mga magulang ko. Paniguradong magkakasundo sila ni Monique dahil mahilig rin sa musika si Luna.


Kita ko naman kay Luna na kakaiba siya sa ibang babae.
Minsan lang kumibo, minsan magsalita, bigla na lang magtatanong kapag tahimik na kami, ngingiti kahit wala namang dapat ikangiti.

She's a living art.

Her black eyes na napaka-inosente. Hindi mawala sa isip ko yun. It makes her mysterious. Minsan pumapasok pa siya sa panaginip ko. And it makes sense sa akin dahil unti-unti ko siyang nakikilala.

Pero I didn't ask her kung bakit gabi-gabi siyang nandoon at bakit ayaw niya makipagkita sa akin ng umaga. Nahihiya at kabado rin kasi ako kapag kaharap ko na siya. Nawawala lahat ng mga nasa isip ko kapag kasama ko siya. Maybe hindi ko na dapat tanungin ang mga yun. I know she'll say it soon at hindi ko na dapat kailangang manghimasok.


Pumasok rin sa isipan ko yung sinabi ng matandang pulubi sakin.
"Alagaan mo ang babaeng nagpapakita sayo gabi-gabi" Kumunot ang noo ko habang iniisip ko yun. Hindi kaya manghuhula yun? Bakit alam niyang may pinupuntahan akong babae tuwing gabi? Hinayaan ko na lang ang pangyayari.

Gabi na naman kaya excited na naman akong makita at maka-usap siya. Bawat gabi parang inaawitan niya ako tuwing nagsasalita siya. Her voice is an angelic melody to hear.


Kinuha ko ulit yung notebook ko na natabunan ng mga damit ko at nagsimulang magsulat.
Tinago ko na siya ng mas maayos para hindi na makita pa ni Monique.


Hoy Notebook,
Sana normal pa ako dahil hindi mo alam kung saan umaabot ang ngiti ko ngayon.
Hindi ko maintindihan pero nais kong mapatunayan muna itong nararamdaman ko. Hindi ko muna masasabi kung ito na nga. Ayokong magkamali. Lord, ikaw na bahala sakin.


-Jared the pogi

Sinauli ko na yung notebook tsaka ako lumabas ng kwarto. Pupuntahan ko na siya kaya nagmadali akong bumaba at kinuha ang motorsiklo. This time gagamitin ko ang motorsiklo ko dahil gusto kong gumala kasama siya. Bisperas na kasi ng pasko kaya mayroong Carnival malapit sa baywalk.

Nalaman ko kasing hindi pa niya nasusubukan pumunta sa Carnival kaya mas naging interesado akong ipasyal siya. Napaka-weird niya. Biruin niyo hindi pa daw niya nasusubukan sumakay ng mga rides sa carnival.

Nakarating rin ako sa tamang oras. Nakita ko siyang nakaupo sa paborito niyang pwesto, ang duyan. Nakasuot pa rin ito ng puting doll dress pero this time may puting ribbon na nakasabit sa buhok niya. Napakaganda niya. Hindi ko malaman kung bakit palaging puting doll dress ang sinusuot niya.


"Nandito kana pala, kanina ka pa ba naghihintay?
" bungad ko.


"Hindi naman, kararating ko rin lang.
" napaka-inosenteng sabi niya tsaka ngumiti. Parang aatakihin ako sa puso tuwing ngumi-ngiti siya. Parang hipnotismo ang ngiti niya. Naaadik ako.


"Gusto mo bang gumala ngayong gabi kasama ako?
" tanong ko.


"Natatakot ako.
" tugon niya.


"Huwag kang matakot, kasama mo naman ako.
"


" Pangako?
" ani Luna at tumango naman ako at binigyan ko siya ng ngiti. Bakit naman siya matatakot? Ang weird talaga niya.

Tinawag ko si Luna at lumapit naman siya sa akin. Ini-abot ko ang helmet tsaka siya sumakay sa backride.


"Kumapit kang mabuti.
" sabi ko. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at inilagay ko ito sa tiyan ko. Nahihiya pa siya noong una pero napapayag ko rin ito.


Ilang saglit lang ay pinaandar ko na ang motorsiklo ko at dumiretso na kami sa carnival.


"Ano ang lugar na 'to?
" tanong niya sa akin. Nasa harap kami ng motorsiklo ko at inaayos kong ilagay ang mga helmet.


"Ito ang carnival.
" saad ko. Parang natatakot siya kaya niyakap niya ang bisig ko habang kami ay naglalakad. Ayan na naman ang nararamdaman ko. Kabadong-kabado ako. Halos lahat ng tao ay nakatingin kay Luna. Alam ko kung ano ang nasa-isip nila. Alam kong nagagandahan sila at namamangha sa kakaibang ganda niya.

 
May bumungad sa aming babaeng parang kasing edad namin.


"Excuse me po, pwede po bang magpalitrato sayo ate?
" tanong ng babae kay Luna. Hindi alam ni Luna kung anong isasagot niya.

"Huwag kang matakot." bulong ko sa kanya. Inalis ni Luna ang yakap niya sa bisig ko at kinuha ko naman ang camera ng babae. Kinuhanan ko sila ng larawan.


"1...
2...3... smile!" bilang ko. Isang maaliwas at magandang ngiti ang nakita ko kay Luna. Parang tren ang tunog ng dibdib ko. Hindi ko mapaliwanag dahil kakaiba ang nararamdaman ko. Gulong-gulo ako. Imposible naman ang naiisip at nararamdaman ko. Hindi kaya? Hindi naman siguro. Masyadong naman yatang mabilis.


Ilang sandali lang ay dagsaan na rin ang nagpalitrato kay Luna.
Para kasi siyang buhay na manika. Patuloy lang siyang ngumi-ngiti sa bawat kuha ko sa kanila, naging instant photographer tuloy ako, pero okay lang yun dahil nakikita kong masaya si Luna. Mabuti na lang at natapos rin yun at dumiretso muna kami sa food stall. Bumili naman ako ng hotdogs para sa amin. Kinakain namin ito habang naglalakad.


"Jared, ano palang hilig mo?
" nagulat naman ako sa tanong ni Luna. Kapag natatahimik kami bigla na lang siyang magtatanong.

"Pagpipinta." kumakain kong sagot. Tumango naman siya.

"Maraming salamat pala dito." saad niya. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.

"Walang anuman."


"Unang beses ko pa lang makapunta sa ganito.
" sabi niya na siya namang ipinagtaka ko. Hindi na lang ako nagtanong kung bakit.


"Ano namang ginagawa mo sa mga pinipinta mo?
" tanong na naman niya.


"Noong nakaraan lang may activity kaming artist.
Paint with a cause. Nagbenta kami ng mga paintings namin at yung nalikom naming pera ay ginamit namin upang magpakain sa mga pulubi sa daan." kwento ko. Tumango na naman siya.

Tinuro niya ang roller coaster.

"Ano yun?" tanong niya sa akin.

"Ah yan? Roller coaster 'yan. Gusto mo bang sumakay?" I asked her. Kahit ako hindi ko pa nasusubukang sumakay sa ganyan dahil natatakot ako. Tumango lang siya. Paniguradong mapapasubo ako dito. Nakakahiya kung makikita niya akong sumisigaw sa takot.

Bumili ako ng dalawang ticket at pumila na kami sa mga sasakay. Habang pasakay kami dito ay bahagyang napakapit si Luna sa kanang kamay ko. Ayan na naman ang tunog ng tren sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang kiligin at kabahan dahil ang kamay niya ay napakalambot.

Ibang Luna ang nakita ko noong nakasakay na kami at nagsimula nang umarangkada ang roller coaster. Nakita ko ang kakaibang saya sa kanya. Ang busilak at maamo niyang mukha ang nakita ko. Ako naman ay pumipikit-pikit lang kapag nasa mataas kaming parte habang siya ay payapang nakangiti lang at nililibot niya ang paningin niya sa buong lugar. Nanginginig ang tuhod kong bumaba habang siya ay kitang walang takot.

"Ang saya. Sana maranasan ko pa ulit makapunta dito balang araw." rinig kong sabi niya.


"Oo naman.
Kung gusto mo babalik ulit tayo dito. Every year namang may ganito dito sa baywalk." hinihingal na sabi ko. Umupo muna kami sa bench. Pinagmasdan lang namin ang mga taong nandito. May buong pamilya, may mga magkakaibigan at iba pa. Kahit maingay ang carnival kitang kita ko kung gaanong saya ang kayang ibigay nito sa mga tao.


Nililibot ko lang ang paningin ko ng nabigla ako sa nakita ko.
Si Diana, nandito siya. Kasama ang mga kaibigan niya. Kumaway siya sa akin. Ngumiti lang ako. Siguradong nakita niya si Luna dahil katabi ko lang ito.


Akala ko ba naka-flight na siya?
Mas lalo naman akong naguluhan. Yun ba talaga ang rason niya kaya niya ako hiniwalayan? Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko. Pero isang salita lang ang pumasok sa isip ko, akala ko ba magiging masaya ka Jared kahit ano pa ang magiging desisyon niya? Ayan na lamang ang inalala ko. Oo nga naman, hindi ko naman kailangang ipilit pa ang sarili ko kung talagang ayaw na niya. Kahit may nararamdaman pa ako kay Diana minabuti ko na lang itong hindi ituloy dahil siya na ang tumapos.

Mabuti na lamang at nawala na sa paningin ko si Diana.


"Jared, naniniwala ka bang may Diyos?
" gulat na gulat ako sa mga biglaang tanong ni Luna. Kumunot naman ang noo ko at huminga ng malalim bago sagutin ang tanong niya.


" Oo naman.
Pero minsan naiisip ko rin kung bakit may mga taong mahirap, may mga taong may kapansanan, may mga taong namamatayan ng mahal sa buhay ng napaka-aga. Minsan naiisip ko bakit binibigay lahat ng Diyos yun?" Tinitigan ko siya sa mata.


" Huwag kang tumigil na maniwala sa ating Panginoon.
Sinusubok lang tayo ng Diyos. Hayaan mong pagtibayin niya ang ating paniniwala ng kanyang mga pagsubok." napakagandang sagot niya. Parang words of wisdom lagi ang sinasabi niya at tumatatak lagi sa isipan ko. " Hindi ka ba masaya kung ikaw ay makakapiling na niya at yayakapin ka niya ng buong-buo sa kanyang kaharian?" tanong niya.


"Syempre gusto ko.
" sagot ko

Tumingala siya sa taas.


" Balang araw, pangarap kong makapiling siya.
" Weird na sagot niya.


"Tara na, sulitin na natin ang gabi.
" pag-iba ko sa usapan. Agad naman siyang pumayag.


Nilibot namin ang carnival.
Hindi ko mapigilang sulyapan siya minu-minuto.


" Ano yun?
Bakit nila kinakain yung bulak?" turo niya sa cotton candy.


"Cotton candy ang tawag diyan.
" Tumatawang sagot ko. Nakakagulat malaman na hindi niya pala alam ang tawag doon. "Gusto mo bang tikman?"


"Sige.
" mahinahong sagot niya kaya bumili ako ng isa para sa kanya. Bumalik kami sa bench. Nakakatuwang panoorin ang reaksyon niya habang kinakain niya ito. Parang siyang batang walang alam sa mga bagay-bagay. Pero nakakatuwa dahil napapangiti ko siya.


"Sali na kayo sa ating On The Spot Singing Contest!
Malaking papremyo ang naghihintay para sa inyo!" Narinig ko naman ang announcement ng entertainer sa mikropono.


Agad ko namang naisip si Luna.
Naalala ko yung unang gabing makita at marinig ko siyang kumakanta. Napakaganda ng boses niya.

"Luna, gusto mo bang sumali?" tanong ko.

"Nahihiya ako Jared."

"Huwag kang mahiya, isipin mo lang na ako lang ang nanonood sayo. Please?"

"S-sige." nakangiting sabi niya. Pakiramdam ko napakalaki ang tiwala niya sa akin. Hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay niya sa akin.


Pinalista namin ang pangalan ni Luna sa sasali.
Mabuti at nailista pa namin siya dahil sampung kalahok lang pala ang kailangan. Last slot na lang at mabuti at nailista pa ang pangalan niya.


Bigla akong kinabahan.
Ako tuloy ang kinakabahan para sa kanya. Samantalang siya ay nakangiti lang na parang walang pangamba.


Nagsimula na kumanta ang mga kalahok.
Lahat sila ay magagaling at talagang bihasa sa pag-awit.


"Bakit parang kinakabahan ka Jared?
" tanong sa akin Luna.


"Ah hindi ah.
" asik ko.


"Sabi mo huwag akong mahiya dahil iisipin ko lang na ikaw lang ang nanonood.
" sagot niya.


"May tiwala ka ba sa akin?
" tanong ko.


"Oo naman.
" munting sagot ni Luna.


"Tawagin naman natin ang huling kalahok walang iba kung hindi si Luna Magdayo.
" tawag ng announcer at pumalakpak naman ang mga nanonood. Tumayo na rin si Luna at umakyat sa stage.
Binigyan ko siya ng thumbs up bilang sign na kaya niya yun.
Tumingin naman siya sa akin.


Nagsimula na tumugtog ang kanta.


Blue Sky by Hale

When do stars fade their light.
Does the moon and the sun make it right.

For you the world maybe like.

An endless storm chasing a mystery.


Tila kinilabutan ako sa ganda ng boses niya.
Napakagandang musika. Yung kanta ay bumabagay sa amin. I am chasing a mystery of Luna Magdayo.

Manghang-mangha rin ang mga nanonood.


Cause' there's a blue sky waiting tomorrow.

Waiting tomorrow shining and shimmering.

A blue sky waiting tomorrow.

Waiting tomorrow.

May its all we need.

Oh.
don't you wash away that smile.
You just look out the window and see the light.

Parang ayaw ko na matapos ang mga sandaling ito. Ang marinig ang napakagandang boses niya.


Natapos rin ang contest at siya ang itinanghal na nanalo.
Masayang masaya ako sa kanya. May ini-abot na sobre sa kanya bilang papremyo.


Nang makababa siya sa stage ay sinalubong ko siya ng yakap.
Hindi ko alam. Pati ako nagulat sa ginawa ko. Agad rin naman ako bumitaw sa yakap.


"Napakagaling mo.
" bati ko sa kanya.


"Maraming salamat.
" iniabot niya sa akin ang sobreng hawak niya.


"Dapat sayo 'yan.
Ipunin mo na lang yan." isinauli ko yung sobreng hawak niya ngunit hindi niya tinanggap.


"Gamitin mo na lang ito para sa school activity niyo Jared.
" ani niya. Nahihiya man ako ay tinanggap ko na lamang ito tsaka ibinulsa.


"Maraming salamat.
" bati ko at napakamot ako sa ulo ko. Binigyan lang niya ako ng napakagandang ngiti niya. Parang camera ang mga mata ko sa tuwing ngumi-ngiti siya. Hindi maalis sa isip ko ang mga ngiti niya.


Gumala lang kami ng gumala.
Maaga pa naman. Alas-dyes pa lang kaya napagdesisyunan naming sumakay sa Ferris Wheel bago umuwi.

"Jared masaya akong maranasan ito ng kasama ka." lumakas ang tibok ng dibdib ko sa sinabi niya. Para akong sasabog sa kilig dahil katabi ko siya ng sobrang lapit.


"Walang anuman.
"


Napatigil kami dito sa taas.
Kitang-kita namin ang buong view ng carnival. Sobrang saya. Napaka-saya. Ayoko na matapos ang sandaling ito. Sumabay rin ang liwanag ng mga bituin at ang buwan. Napakaromantic ng moment na 'to.


Ilang sandali lang ay may dumaang shooting star.
Nakita namin ito ni Luna at sabay kaming pumikit upang magwish.


Tinanong niya ako kung ano wish ko.


" Simpleng buhay lang.
Malayo sa sakit at ligtas ang pamilya at mga kaibigan ko."sagot ko kahit ang totoo ay hindi naman yun. Kung hindi ang makasama pa siya at makilala pa siya ng buong-buo. Hiniling ko na sana ito na yung totoong saya na matatanggap ko.
"Gusto ko rin maging engineer balang araw.
" dagdag ko pa.


"Ikaw?
" tanong ko.


" Pangarap kong makapunta sa dagat.
Pangarap ko rin maikasal balang araw." Kumunot na naman ang noo ko sa huling sinabi niya. Lagi niya akong binibigyan ng puzzle sa mga sinasabi niya.


Natahimik kaming dalawa.

Kasabay nito ay ang paglipad ng mga fireworks sa kalangitan. Napakaganda ng mga sandaling ito. Sana hindi na ito matapos.

Kahit ganon ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang huling sinabi niya.


Nagmamadali ba siya?


Bakit naman?


Ano nga ba ang kwento mo, Luna?

Next chapter