Chapter 3

December 13, 2010

Jared Ramos

Araw ng Biyernes. Alas-dyes na ng magising ako dahil sa ingay ng speaker ng nakababata kong kapatid na si Monique. Nag-unat muna ako tsaka ako lumabas ng kwarto ko. Nakita ko naman si mama na nanonood lang ng TV.

"Nak, kumain kana, nakapagluto na ako." Sabi ni mama kaya tumango naman ako. Nilagpasan ko lang si mama tsaka ako dumiretso sa kusina at kumuha ng makakain. Wala si papa dahil nasa trabaho siya. Isa siyang Civil Engineer at ako naman ay nangangarap pa lamang na Engineer.


Fried rice, tocino at itlog ang nadatnan ko sa lamesa kaya naman dali-dali akong kumain.
Ramdam ko na rin kasi na tumutunog na ang sikmura ko.

May pupuntahan na naman ako ngayon araw na ito. Bibili na naman kami ng mga art materials at mamayang hapon ay magbebenta na kami sa Plaza ng mga artworks namin.


Habang kumakain ako ay bigla kong naalala yung nangyari noong Miyerkules.
Nagmukha akong tangang naghintay sa babaeng hindi ko naman lubos kilala. Hindi pala mukhang tanga, dahil tanga na ako. Si AJ 'di na tuloy naniniwala sakin. Siguro totoo ngang guni-guni ko lang 'yong babaeng 'yon. Iniisip ko na lamang na nakakita lang ako ng multo. Pero habang naiisip ko ay natatakot ako dahil nakipag-shake hands pa ako sa kanya. Gumulo tuloy ang nasa isip ko.


Puntahan ko kaya ulit yung park?


Pero hindi ba walang lumitaw na babae noong kasama ko si AJ?


Pero paano?
Mas lalo akong maguguluhan kaka-isip kung hindi ko susubukang pumunta ulit doon.


Pupuntahan ko ba?

Mamaya?


Pero kapag wala akong nakita, itatanim ko na lang sa isip ko na isa siyang malaking kathang isip lang.


Pero bakit pa ako mag-aaksaya ng oras sa hindi ko naman kilala?


Pero nais kong masagot yung katanungan ko kung totoo ba siya o hindi.


Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan ulit, diba?


Ang daming tanong ang sumasagi sa isipan ko.
Jared, anong balak mo? Pero buo na ang desisyon ko. Susubukan ko ulit puntahan yung park mamayang gabi. Desidido na ako kahit ano pang mangyari. Ako si Jared, susubukang hindi matakot.

"Ma, alis na ako." pagpapa-alam ko kay mama.

Tapos na akong kumain at maligo. Nakapagbihis na rin ako. Naka-simpleng puting polo tsaka blue jeans lang ako. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso na ako sa lugar na pinag-usapan namin ni AJ. As usual, nandoon na si AJ na naghihintay sakin. Nakakunot na ang noo niya kakahintay.


"Tara na.
" tipid kong sabi tsaka kami pumasok ng department store.


Dinadaldalan pa rin ako ni AJ tungkol sa mga nakakahalubilo niyang mga babae.
Bigla na lang niya akong tatawanan at aasarin tungkol kay Luna. Hindi pa rin talaga siya maka-get over dahil pinaasa ko siya na makikita niya si Luna.


"Ang daldal mo.
Ano bang pinunta natin dito? Bibili o dadaldalan mo ako ng buong araw?" Ani ko. Madaldal kasi siya sobra. Kalalaking tao pero mas madaldal pa sa babae.

"Eto naman anong gusto mo 'di na ako magsalita? Hindi ka naman kasi kumikibo tol, para kang ewan na sinapian ng katahimikan." Sagot niya sakin. "Simula noong maghiwalay kayo ni Diana naging tahimik kana." habol pa niya.


"Luh, bawal ba akong maging tahimik?
" tanong ko habang kumukuha ng mga acrylic paints tsaka ko nilagay sa cart.


"Pabalikin ko na kaya si Diana para maging masigla kana ulit.
" Tumatawang sabi niya.


"Neknek mo.
" tanging sabi ko na lamang tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Paano ako makakamove on kung laging bukambibig ni AJ si Diana. Minsan naisip ko layuan muna si AJ eh para hindi niya mabanggit si Diana.


"Tol napakaganda niya, bagsak ang buhok, parang porselana ang kutis niya.
" pang-gagayang boses sakin ni AJ tsaka niya ako tatawanan. Nakakainis talaga 'to. Lord, paano ko ba naging kaibigan ito? Bigyan niyo na rin kasi ng girlfriend itong kumag na ito para hindi na puro kwento lang.


Natapos na kami bumili ni AJ kaya dumiretso na kami sa meeting place ng mga artist.
Dala-dala namin ang mga binili namin tsaka dinistribute sa mga kapwa namin artist. Kanya-kanyang hanap kami ng pwesto dito sa Plaza. Pumwesto kami ni AJ malapit sa harap ng simbahan. Tamang-tama madaming tao ngayon.


Nagsimula na rin lumapit ang mga tao at nagtanong na sila kung magkano.
May ibang bumili sa artwork ko at yung iba naman ay namamahalan sa presyo. Si AJ naman ay may halong biro sa mga customer kapag nagbebenta.

"Ma'am bili na kayo, ang ganda-ganda niyo po." Naririnig kong sabi ni AJ. Kahit kailan talaga bolero siya. Ngumisi na lang ako at nagpatuloy magbenta.


Tatlong oras na kami dito sa harap ng simbahan.
Nabenta na lahat ni AJ ang mga gawa niya. Samantalang ako naman ay iisang painting na lang ang hindi pa nabibili dahil mahal daw masyado. Ang natitirang painting ko ay tinawag kong Luna. Dahil siya mismo ang pininta ko.


Maya-maya pa ay may isang mukhang mayaman na babae ang lumapit sakin.
May edad na siya, siguro nasa 35 pataas na. May bitbit siyang sampaguita at galing siya sa simbahan.


"Ang ganda naman ng painting mo.
" pag-puri niya sa akin. "Kamukhang-kamukha kasi ng anak ko. Bilbilhin ko na kahit magkano." dagdag pa niya.


Nagtimbre naman ang aking dalawang tenga sa narinig ko.
Magtatanong pa sana ako kung ano ang pangalan ng anak niya ngunit agad siyang umalis. Parang naipit yung dila ko na magtanong pa sa kanya. Tanging ngiti na lang ang ginawa ko habang ina-abot ko yung painting.


Sinisi ko yung sarili ko.
Bakit hindi ko man lang natanong ang pangalan ng anak niya. Baka si Luna na 'yon. Baka totoong tao nga si Luna at hindi siya guni-guni lang.

Pupuntahan ko mamayang gabi ang park.

***

Sumapit na ang gabi. Napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay upang kumain ng hapunan. Nagmadali akong kumain. Nagpa-alam naman ako kina mama at papa na may pupuntahan lang ako saglit. Pumayag naman sila.

Kinuha ko yung bike ko tsaka ko minaneho. Dali-dali akong pumunta ng park. Alas nuwebe na ng makarating ako dito sa park. Agad naman akong umupo sa bench. Nilibot ko ang paligid nagbabaka sakaling makita si Luna pero wala pa siya.


Siguro mamayang alas-onse ulit yun darating.
Naghintay pa ako dalawang oras. Na-aalimpungatan akong naghihintay. Tinignan ko ulit ang aking relo at 11:10 na nga.


Nasapok ko ang ulo ko dahil sa katangahan ko na naman.


Ano ba 'yan Jared.
Multo lang si Luna. Bakit umaasa kang darating yun?


Naglakad na ako at kinuha ko ang bike ko.
Uuwi na ako. Itatanim ko na lang sa isip ko na isa lang siyang malaking kathang isip.


Pumedal na ako ng may marinig akong humihikbi.


Tumingin naman agad ako sa likod ko at nakita ko nga si Luna.

Nakaupo siya sa may duyan. Nakasuot pa rin siya ng puting parang damit ng manika. May bitbit pa rin siyang stuff toy. Pero nakayuko siya habang umiiyak.

Napangiti na lang ako. Sa wakas meron siya. Sa wakas mapapatunayan ko na rin kay AJ na totoo si Luna. Pero bakit siya umiiyak?


Agad akong lumapit kay Luna at kinuha ko ang panyo sa bulsa ko tsaka ko ini-abot at tinanggap naman niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Umupo ako sa isang swing.

"Naghintay ka ba dito noong nakaraan?" umiiyak na tanong niya. Tinanong ko siya pero tatanungin niya ako pabalik? Weird nga siya.

"Oo, ngunit wala ka. Ipapakilala pa sana kita sa kaibigan ko." Sagot ko. "Huwag kana umiyak. Tahan na." paghinanon ko sa kanya at pinunasan niya ang kanyang luha. Tumayo ako at pumwesto sa harap niya.


Muli ko siyang tinanong.
"Bakit ka umiiyak Luna?" mahinanong tanong ko.

"Pasensya kana, hindi ako nakapunta noong nakaraan dahil namatay ang alaga kong aso." inosenteng pagkakasabi niya. Nagkaroon rin ako ng kirot sa dibdib sa narinig ko. Malungkot nga talaga mawalan ng alagang aso lalo na't sila yung nandyan kapag mag-isa ka lamang.


"Kaya ka ba umiiyak?
" tanong ko at tumango lang siya. Nabalot lang kami ng katahimikan. Pero agad rin niya pinutol ang katahimikan ng nagsalita siya.


"Salamat sa panyo mo.
"

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Pangalawang beses na niyang hawakan ang kamay ko. Una, noong nagpakilala siya sakin at ngayong pangalawa hindi ko alam pero ano ba itong nararamdaman ko? ba't parang bumilis ang tibok ng puso ko.

Next chapter