Chapter 9

Jared Ramos


"Kayo na lang kumain, wala akong gana.
"


Sagot ko kay Monique habang tinatawag ako upang kumain na ng hapunan.
Tatlong beses na niya akong tinawag. Kaninang umaga at tanghali pa ako kinukulit ni Monique para kumain pero wala talaga akong gana. Nagkulong lang ako sa kwarto ko.

Parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng katanungang gumugulo sa akin.


Bakit hindi man lang niya ako ginising para magpa-alam.


Ang daming 'bakit'ang nais kong itanong.
Pero hindi ko malaman ang kasagutan.


Umiiwas ba siya sa akin?

Mabuti pa at itatanong ko na lang lahat-lahat mamaya kapag nagkita kami.


Aaminin ko na rin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
Ayoko nang mag aksaya pa ng panahon at oras. Wala na rin akong pake kung irereject niya lang ako. Wala namang masama kung susubukan.

Kinuha ko ang paborito kong jacket at nagmadali akong lumabas sa kwarto.

Alas otso na ng gabi kaya pupuntahan ko ulit siya sa park. Nagmadali akong nagmaneho ng bike.

Pagkarating ko ay wala pa siya doon kaya minabuti kong maghintay na muna. Umupo ako sa bench at hinayaan kong tumakbo ang oras. Nilibot ko lang ang tingin ko. Wala pa rin siya.


Alas nuwebe na ng gabi at hindi pa rin siya nakakarating.
Inip na inip na akong naghihintay pero nagtiyaga pa rin ako kahit ako'y nilalamok na.


Gusto ko na itanong lahat sa kanya.


Gustong-gusto ko na malaman ang buong kwento ni Luna.

Lumipas ang mga oras at nakita ko sa relo ko na alas onse na.


Nasaan na ba siya?


May mahihintay ba ako ngayong gabi?

Hindi ako sumukong maghintay. Kahit abutin pa ako ng ala-una dito ay maghihintay pa rin ako.


Tumayo na lang ako at naglakad-lakad muna upang libangin ang aking sarili.
Kumuha na rin ako ng bato para tamaan yung basurahan para 'di ko mamalayan ang oras.

Tumingala na lang ako sa langit.

Walang mga bituin.

Wala ang maliwanag na buwan.

Wala si Luna.


Ilang sandali lang ay pumatak na ang ulan sa noo ko.
Hindi ako nagpatinag sa ulan. Lumakas ang buhos ng ulan.

Kahit basang-basa na ako ay hindi ako umalis sa pwesto ko. Ulan lang ito, maghihintay ako kay Luna.

Ginaw na ginaw akong naghintay. Akala ko hindi ako susuko pero mali ako ng inisip. Ala una na ng madaling araw. Napagpasyahan ko na lang umuwi.

"Mukhang hindi na siya darating. Bukas na lang siguro." Malungkot kong sabi. Kasabay ng buhos ng ulan ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Malungkot.

Dismayado.

Masakit.

Magkahalo lahat ang aking mga nararamdaman.

Sobrang bigat.


Hindi ko alam kung may galit ba si Luna sa akin kaya hindi siya dumating ngayon.

Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa.


Pinunasan ko na lamang ang mga pumapatak sa aking pisngi.
Hindi ko na rin alam kung umiiyak ba ako o ulan na lang ang pumapatak sa mukha ko.

Umuwi akong malungkot.


Hindi ko rin alam kung paano ako nakatulog.

Pag-gising ko ramdam kong mugto ang mga mata ko. Mahapdi kaya dinaan ko ito sa paghihilamos para hindi mahalata nina mama at papa.


Napakalalaki kong tao tapos iyakin lang.


Buong hapon lang akong nagkulong sa kwarto.
Noong maramdaman kong kumakalam ang sikmura ko ay nagmadali akong kumuha ng pagkain sa ref at agad na dumiretso sa kwarto.


Hinintay ko na namang gumabi.
Ito lang naman kasi yung chance na makita ko siya araw-araw. Wala rin kasi siyang cellphone para itext siya. Ang hirap ng sitwasyon naming dalawa.


Alas nuwebe na naman ng gabi kaya lumabas na naman ako.
Hindi na ako nagpaalam kina mama at papa. Kaya parang tumakas ako. Maingat kong inilabas ang bike at agad ko itong minaneho.


Habang nagmamaneho ako ay hindi ko talaga maiwasang magtanong sa sarili ko kung may problema ba sa akin.
Kung may dapat bang ayusin sa pagkatao ko. Sa tingin ko naman ay wala. Ginagawa ko naman yung best ko para hindi makapanakit ng tao. Pinapasaya ko naman sila sa abot ng aking makakaya.

Pinark ko muna ang bike sa gilid at umupo ako sa paboritong duyan ni Luna.

"Sana naman dumating ka ngayong gabi." pagdadasal ko na lamang. Umaasa akong darating siya ngayon kaya may dala akong puting rosas.
Gusto ko lang magsorry kung may nagawa man akong kasalanan.


Naghintay na naman ako ng tatlong oras.
Sinasabi ng isip ko na hindi na siya darating pero pilit kong pinapaniwalaan na darating siya.

Ano bang nagawa kong mali para hindi niya ako siputin?

Pangalawang gabi na, na wala siya.


Malungkot akong umuwi sa bahay.
Tinapon ko na lang sa daan ang dala kong rosas.


Bakit hindi na siya nakikipagkita sa akin?

Pinagbawalan na ba siya ng mga magulang niya?

Saan ba siya nakatira?

Tinadtad na naman ako ng mga tanong. Parang nanghihina akong malaman na wala siya.

Natulog na naman akong luhaan.

Ilang gabi rin akong nagpabalik-balik sa park. Nabigo akong makita si Luna.

Namimiss ko na siya.

Nasaan na ba siya?

Limang araw rin akong pabalik-balik sa park at walang Luna na dumadating.


Huling araw na rin ngayon ng Disyembre kaya napagpasyahan kong maglibot-libot na lang para magtanong sa mga tao.
Maaga akong gumising at agad akong umalis ng bahay. Nakalimutan ko na rin magpaalam dala ng desperado kong paghahanap kay Luna.

Dumiretso ako sa park kung saan madalas kami magkita ni Luna.


"Kuya pwede po bang magtanong?
Kilala niyo po ba itong babaeng nasa larawan?" tanong ko sa matandang lalaki. Pinakita ko sa kanya ang litrato namin ni Luna noong pasko.


"Ah sorry hindi.
" sagot naman nito.


"Marami pong salamat.
" tugon ko na lamang at nagtanong-tanong pa ako ng ibang tao dito sa park.


Bigo akong makarinig ng sagot na 'oo kilala ko'.
Halos natanong ko na lahat ng mga nagpupunta dito sa park pero wala pa rin talaga.


Hindi ako nawalan ng pag-asa.
Pumunta naman ako sa baywalk. Pero kahit ganon pa man ay bigo pa rin akong makahanap ng nakakakilala sa kanya.

Tanghali na kaya napagdesisyunan ko namang pumunta sa Plaza, nagbabaka sakaling may makakilala kay Luna.

"Ate baka kilala niyo po itong kasama ko." hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagtanong ngayong araw. Ang gusto ko lang naman ay mahanap si Luna bago sumapit ang bagong taon bukas.

"Pasensya hindi eh." napabuntong hininga na lang ako. Hindi dapat ako mapagod. Hindi dapat ako sumuko ngayon.


Nabuhayan naman ako ng makita ko ang matandang pulubi na pinakain ko noon.
Siya yung nagsabing ingatan ko ang babaeng nagpapakita sa akin gabi-gabi. Sa tingin ko isa siyang manghuhula.


Nilapitan ko naman agad ito.


"Maari po bang magtanong?
" bungad ko.


"Ano 'yun iho?
" sagot naman niya.

"Kilala niyo po ba itong babaeng kasama ko?" Tinuro ko si Luna sa larawan.


"Ah 'yan ba?
Yung babaeng kasama mo tuwing gabi?" nabuhayan ako ng husto ng marinig ko yan sa kanya.

"Opo, siya nga po."

"Hindi ko siya kilala eh. Pero alam kong nakakasama mo siya gabi-gabi." nalungkot naman ako sa narinig kong sagot niya. Pero nagtataka pa rin ako bakit alam niya na nakakasama ko si Luna gabi-gabi.


"Pero 'tay, bakit niyo po alam na kasama ko siya gabi-gabi?
" tanong ko. Nagpunas ako ng pawis at nakinig sa sasabihin niya.


"Ah yun ba?
Gabi-gabi akong nagkakalkal sa basurahan at nakikita ko kayong dalawa." sagot naman nito.


Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot.
Matatawa dahil akala ko manghuhula siya. Malulungkot dahil hindi ko pa rin nahahanap si Luna.


"Ah maraming salamat po.
" Bago ako umalis ay binigay ko na lang sa kanya ang binili kong pagkain na dapat ay kakainin ko ngayong pananghalian.

Naupo na lang ako dito sa ilalim ng punong mangga.


Nawawalan na rin ako ng pag-asa.
Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta.


Huling lugar na lang ang pupuntahan ko.

Ang simbahan.

Hindi na ako nagpahinga pa. Naglakad ako papuntang simbahan.


Nasa harap na ako ng simbahan ng mamukhaan ko ang isang babae.

"Teka. Namumukhaan ko 'to ah." pagsasalita ko.

Oo nga! Siya yung bumili ng painting ko.


Nabuhayan ako ng pag-asa.
Naalala ko pa rin ang sinabi niya.


"Ang ganda naman ng painting mo.
Kamukhang-kamukha kasi ng anak ko. Bilbilhin ko na kahit magkano."

Agad ko naman siyang nilapitan.

"Magandang araw po, kilala niyo pa ba ako?" tanong ko. Pulang-pula ang mga mata niya. Parang nagpunas lang siya ng mga luha niya. Kinakabahan tuloy ako.

"Oo iho, ikaw yung nagbenta ng painting sa akin." mabuti at nakilala pa niya ako. Hindi na ako nagpadalos-dalos pa. Tinanong ko na siya.

"Kilala niyo po ba itong babaeng kasama ko sa picture?" ipinakita ko sa kanya ang polaroid picture namin si Luna.

"Oo." Nabuhayan ang puso ko sa narinig ko.

"Siya ang nag-iisa kong anak." tugon niya. Parang babagsak na naman ang luha niya habang nagsasalita.


"Maari ko po bang itanong kung nasaan po si Luna?
" masayang-masaya na tanong ko.


Sa wakas ay makikita ko na naman siya.


Magdidiwang ako ng bagong taon kasama siya.

Ngunit sa hindi ko inaasahan, parang gumuho ang mundo ko sa naging sagot niya.

"Iho, nasa hospital si Luna, limang araw na."

Next chapter