Epilogue

Please play: Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong by JM De Guzman while reading this.

***

Sa buhay, minsan binabaha tayo ng mga tanong. Mga tanong na akala natin ay hindi natin masasagot.


Pero ang mga kasagutan ay nasa harapan na natin mismo.
Kailangan lang nating magpahalaga.


Hindi man naging maganda ang masasabi ko sanang fairy tale ay hindi pa naman nagtatapos ang kwento namin dito ni Luna.

Dahil ang totoong fairy tale ay ang hindi mo paglimot sa taong minamahal mo at ang patuloy pa ring paghawak sa mga alaala... at alam kong dadalhin ko yun habambuhay.


Hindi naman namamatay ang tao eh.
Dahil nasa alaala natin sila at doon sila nabubuhay.

Isang Linggo na rin ang nakakalipas simula ng mawala si Luna.

Naniniwala akong hinihintay niya ako at hindi dito nagtatapos ang love story namin.

Kinuha ko ang iniwang sulat sa akin ni Luna at tsaka ko ito binasa.


Jared,

Kapag dumating man ang araw na 'di ko magawang magpaalam sayo, sisikapin kong hindi makalimot magpasalamat...

Salamat kasi ipinaramdam mo sa akin kung gaano kasaya mabuhay kahit sa konting panahon lang.


Naranasan kong sumaya.
Naranasan kong magmahal. Naranasan kong maging isang normal na babae.


Maraming salamat dahil tinupad mo ang kahilingan kong makalangoy sa dagat.
Hindi ko man siguro mararanasan ang huling hiling kong maikasal ay nagpapasalamat pa rin ako sayo dahil nakilala kita.


Gusto ko sa susunod na pagkikita natin makikita ko na rin sumikat ang araw.
Gusto ko sa susunod na habangbuhay ay makasama kitang tumanda. Maraming salamat dahil tinuruan mo akong magmahal.

Pakisabi kina Monique at AJ masaya rin akong makilala sila.


Bago ako mamaalam gusto ko lang sabihin sayo na ikaw ang naging rason ko para patuloy lumaban.


Mag iingat ka palagi!
Gusto ko maging engineer ka dahil alam kong yun ang pangarap mo.

See you next time, Jared.

Hindi ko mapigilang lumuha at ngumiti sa iniwang sulat niya.

Hindi ko man nasabing mahal ko siya, sapat na yung maipadama ko ito sa kanya kahit sa maikling panahon lang.

Nirequest ko sa tita ko kung pwede ko bang pangalanang Luna ang pinsan ko. Pumayag naman siya dahil kahit isang gabi lang niyang nakita at nakilala si Luna ay alam niyang busilak ang puso nito.

Nilukot ko ang sulat ni Luna tsaka ko ito nilagay sa isang kahon. Sinuot ko ang puting tuxedo ko at tsaka lumabas.

Nagmotorsiklo akong pumunta sa simbahan.

Tutuparin ko ang huling hiling niya.


Kahit walang tao sa simbahan ay pumunta ako dito hawak hawak ang abo ni Luna.
Kahit walang pari ay humarap ako sa simbahan.


"Pasensiya na Luna kung ako na mismo magpapakasal sa atin ha?
" kinausap ko ang abo niya.

Ito na yung pangarap niya.


Humarap ako sa altar.


Hindi ko mapigilang umiyak.

"Pangako na mamahalin kita hanggang sa abot ng aking makakaya."

"Pangako na mamahalin kita habambuhay."


"Pangako na tutuparin ko ang maging engineer balang araw.
"

"Pangako, maghihintay ako sa iyong pagbabalik."


Umiiyak man ay hindi ko maiwasang ngumiti.

The girl I saw that night will be just a part of my memory.


"Marahil ang kwento natin ay hindi nagtatapos dito...


Ang kwento natin ay magsisimula pa lang sa bawat pahina ng mga ulap...

Ilalahathala natin ang mga alaala natin sa susunod na habang buhay... kasama ka...


Luna Ramos.
"

THE END
***