The Girl I Saw Last Night

Prologue and Chapter 1

" Congratulations to our 2015 Bachelor of Science in Mechanical Engineering graduates! "

Masaya ako dahil sa wakas nakagraduate rin ako.

Pero sana nandito siya.

Sana kasama ko siya.

Dala ko ang larawan naming dalawa sa graduation ko.

 
Limang taon na rin pala ang nakakalipas.

Kumusta na kaya siya?


Miss na miss ko na siya.


Sana makita ko pa rin siya kahit isang gabi lang.

CHAPTER 1

December 10, 2010

Jared Ramos

Sabi nila ang love ay isang napakasayang fairytale. Oo nga, totoong kasabihan lang. Nandito ako ngayon kasama ko si Diana.


"Jared, break na tayo.
"

Tila nawala ako sa sarili ko ng marinig ko ang mga katagang 'yon ni Diana. Ito lang ba yung sasabihin niya kaya niya ako pinapunta dito kahit gabing-gabi na?

"Hah? bakit? nagbibiro ka lang yata eh." sabi ko na lamang at tsaka ko siya niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Paniguradong biro lang niya ito.


" Jared, please tama na.
" Tinulak niya ako palayo sa kanya. "Pupunta na akong States. Kaya tapusin na natin ito." rinig kong sabi niya. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa sinabi niya.


Siya si Diana Lopez, ang babaeng minahal ko.
Matalino at maganda. Maraming nagkakadanrapa sa kanya pero ako yung pinili niya. Napaka-swerte ko dahil naging nobya ko siya. Pero ngayon nakikipaghiwalay na siya sakin. Sino ba ako para hindi niya hiwalayan? Isang hamak na simpleng lalaki lang ako.

Sa loob ng tatlong taon narasan kong maging espesyal dahil sa pagmamahal niya. Naranasan kong sumaya ng kasama siya. Kahit nagkaproblema man kami hindi pa rin kami sumuko sa isa't isa. Pero bakit ngayon? Akala ko pa naman lalaban kami hanggang dulo.


Unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ko.
Oo, doon na siya mag-aaral ng kolehiyo. Hindi na matutupad ang pangarap naming dalawa na sabay papasok at sabay magtatapos ng pag-aaral. Ngayon lang niya sinabi sa akin na iiwan na niya ako upang mag-aral sa ibang bansa.


"Diana, huwag mo namang gawin sakin ito oh.
Kakayanin ko kahit magkalayo tayo." Lumuhod na ako sa harapan niya habang patuloy sa pagtulo ng mga luha ko. Siya lang naman kasi ang kauna-unahang naging nobya ko. Tatlong taon na rin kami pero tatapusin lang niya ang relasyon namin dahil lang sa pupunta na siya sa ibang bansa.

"Tumayo kana diyan. Huwag kang mag-alala makakahanap ka rin ng babaeng nararapat at magmamahal sayo at hindi ako 'yon. " Inilahad niya ang kanyang kamay tsaka niya ako pinatayo. Tumayo na ako pero nakayuko lang ako. Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Ang sakit sakit talaga.

Kaya pala noong nakaraan pa hindi niya ako pinapansin dahil pala dito. Tinanong ko kung anong problema at ito na pala. Nasa harap ko na yung araw na kinakatakot kong mangyari.


"Babalik ka pa rin ba dito?
" tanong ko sa kanya. Gulong-gulo pa rin ako kung bakit siya nakikipaghiwalay sakin. Dahil lang ba talaga sa pag-alis niya o dahil nagkulang ako? Hindi naman magandang rason ang pag-alis niya para hiwalayan ako. Pinilit kong ngumiti ngunit hindi ko magawa.

"Hindi ko alam. Siguro?" Sabi niya tsaka siya nagkibit balikat.


"Diana, sana kung pwede na, pwede pa.
" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya tsaka niya ginulo ang buhok ko. Niyakap ko ulit siya tsaka ko pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko inaksaya ang bawat segundo na nakayakap ako sa kanya. Siguro ito na ang huli.

"Mamimiss kita." huling sambit ko bago siya umalis. Kahit masakit kailangan ko na lang siyang intindihin. Marahil ang kwentong may happy ending ay hindi talaga para sa amin.

Masakit. Sobrang sakit. Yung tatlong taon na pinagsamahan namin mawawala lang dahil lang sa paglipat niya. Pero ganito talaga ang pag-ibig. Kailangan ko siyang suportahan sa gusto niya. Dapat hindi ako maging hadlang sa pangarap niya. Siguro darating rin yung panahon na pwede na ang lahat.

Pagkaalis niya ay sumakay na ako sa motorsiklo ko. Hindi muna ako uuwi. Magpapalipas muna ako ng gabi sa park na madalas naming puntahan ni Diana noong kami pa.

Pagkadating ko ay umupo muna ako sa isang bench tsaka ako tumingala sa langit at pinagmasdan na lang ang mga bituin. Napasinghap na lang ako at inalala ang mga nangyari kanina lang. Sobrang bilis ng pangyayari. Napapikit ako at pilit inalala ang nangyari kanina. Sana panaginip lang ang lahat.


"Fly me to the moon
Let me play among the stars
Let me see what spring is like
On a, Jupiter and Mars
In other words, hold my hand
In other words, baby, kiss me"


Ilang saglit lang ay may narinig anong kumakanta.
Kaninong boses 'yon? Napatanong ako sa sarili ko at nilibot ko ang paningin ko upang hanapin kung saan nanggaling yun. Ayun!


Nakita ko ang babaeng nakaupo sa may duyan.
Gabi na pero bakit nandito pa siya? Hindi ba siya multo? Pero kumakanta siya at ang ganda ng boses niya.

Next chapter