Chapter 10

December 31, 2010

Jared Ramos


Napakadaya talaga ng mundo.
Kung kailan masaya kana tsaka lang naman babawiin agad-agad.

Tama lang naman siguro sa akin ang magdusa. Tama na rin siguro ang maging maligaya ako kahit isang beses lang. Pero kung pwede lang pahabain pa yung saya ko sana huwag na bawiin pa.

Kumawala ang luha sa mga mata ko ng makita ko si Luna nakahiga sa hospital bed.

"Ilang araw na rin siyang hindi gumigising." humahagulhol na iyak ng mama niya. Niyakap naman ito ng papa niya.


Naupo na lang ako sa tabi ni Luna at hinawakan ko ang kanang kamay niya.

Kumikirot ang dibdib ko.

Ang sakit.


Sobrang sakit lang makita siya na nahihirapan.


"Tita ano po ang sakit niya?
" tanong ko. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Luna.


"Iho, malubha na ang karamdaman niya.
" Umiiyak pa rin ang mama ni Luna.


"Meron siyang sakit sa balat.
Xeroderma Pigmentosum Disease ang tawag dito. Hindi ko rin alam bakit kailangang anak ko pa ang magdusa at bakit ang anak ko pa ang makakuha ng sakit na 'to." Sagot naman ng papa ni Luna.Patuloy pa rin sa pag-iyak ang mama niya. Kaya pala nasa simbahan siya dahil nagdadasal siya para sa ikakagagaling ng babaeng mahal ko.


"Ano pong sakit yun?
" naguguluhang tanong sakanila.


"Kakaiba mang pakinggan iho pero bawal siyang maarawan o masikatan ng araw kung hindi ay ikakasunog ng mga cells niya at maaari daw niya itong ikamatay sabi ng doctor.
"


Tulala ako sa narinig ko.


"Hindi siya nakakalabas tuwing umaga tama po ba?
" muling tanong ko. Tumango naman ang papa niya. Balisa ang papa niya samantalang ang mama naman niya ay puro hinagpis ang aking nakikita. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Luna. Pinagmasdan ko lang siyang tulog.


Napaka-unfair talaga ng buhay.

May mga taong nag-aagaw buhay na gusto pang mabuhay samantalang ang iba nagpapakamatay lang.

"Kapit ka lang Luna ha? Huwag kang bibitaw. Marami pa tayong pupuntahan. Namimiss ko na makita ang iyong mga ngiti." Pinilit kong ipitin pa ang mga luha ko pero hindi ko magawa. Taksil ang mga luha ko.


Ngayon alam ko na.


Ngayon alam ko na kung bakit gabi lang siya lumalabas.

Ngayon alam ko na kung bakit nagmamadali siyang umuwi.


Nauunawaan ko na kung bakit hindi na niya nagawang magpaalam sakin ng kinaumagahan.

Ngayon alam ko na kung bakit wala siyang naging kaibigan.


Ngayon alam ko na kung bakit iba yung kulay ng kutis niya dahil pala sa sakit niya.


Ngayon alam ko na kung bakit bago lang siya sa mga ibang bagay-bagay.

Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lang siya magtanong sa akin kung naniniwala ba ako sa Diyos.


Ngayon alam ko na kung bakit ganon na lang ang hiling niyang makalangoy sa dagat.

Ngayon alam ko na kung bakit balang araw gusto niya maranasan ang maikasal.


Nagkakaroon na lahat ng mga kasagutan sa aking mga katanungan.

"Naabutan siya ng araw iho."


Hindi ako makahinga ng maayos sa narinig ko.
It melts my heart. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan.


Kasalanan ko 'to.
Kung hindi ko siya niyaya sa amin hindi siya darating sa ganito.


Gusto kong sisihin ang sarili ko.
Gusto kong iiyak ang nararamdaman ko.

"Kasalanan ko po tito, tita..."

"Wala kang kasalanan." tugon ng papa niya. Nagpunas na ng luha ang mama niya at lumapit sa akin.

Hinaplos niya ang buhok ko.


"Wala kang kasalanan.
" niyakap ako ng mama niya.


Kasalanan ko.


Hindi ko siya ginising para umuwi.

Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga na may ganito siyang sakit ay dapat nagawan ko pa ng paraan. Kaso hindi.

Ang tanga-tanga ko.

"Madalas ka niyang ikwento sa amin Jared. Masaya kami dahil ipinaranas mo sa anak namin ang mga bagay na nararanasan ng normal kaya huwag mong sisisihin ang sarili mo. Alam rin namin na darating rin ang panahon na ganito. Baka hindi na rin magtatagal ang anak namin." malungkot na malungkot ang mama ni Luna. Napakadaya talaga ng mundo.


Bakit si Luna pa?


Bakit kailangang siya pa ang makaranas ng ganito.

" Mabubuhay po si Luna. Dasal lamang po ang sagot." Pinatibay ko ang loob nilang mag-asawa.

Hindi ko rin maiwasang mawalan ng pag-asa. Pero ayokong maging mahina. Ayokong maging mahina para kay Luna.

"Maiwan ko muna kayo." pagpapa alam ng papa niya at lumabas na ng silid.


Kami na lang ng mama ni Luna ang natitira.


"Tawagin mo na lang pala akong tita Lara.
Lagi kang kinukwento ni Luna. Masaya akong nakikita ang anak ko na masayang nagkukwento sa mga nararanasan niya."kwento nito.


"Masaya rin po akong makilala si Luna.
"


Simula nang dumating siya, ibang klase pakiramdam ang pinaramdam sa akin ni Luna.

"Nakwento niya na sumali siya sa isang singing contest." masayang kwento ni tita Lara. Alam kong pinapagaan lang niya ang nararamdaman niya.

"Pasensya na po kayo kung pinilit ko siyang sumali." paghingi ko ng tawad.


"Masayang-masaya kami dahil nagkaroon siya ng matatawag na kaibigan.
Hindi kasi nakakalabas ng bahay si Luna. Bagong lipat rin kasi kami dito. Tanging ang park lang ang napupuntahan niya. Mabuti na lamang at nakilala ka niya."
Naaawa ako sa sitwasyon ni Luna.
Hindi niya deserve maramdaman ang mga nangyayaring ito. Pero bilib ako sa tapang na ipinapakita niya. Alam kong lumalaban siya ngayon.


Hinawakan ko ang kamay ni Luna at hinalikan ko ito.
I'll treasure all the memories we made even just a short time.


Nasasaktan ako ng sobra.
Hindi ko na naman mapigilan ang umiyak pero kahit ganon ay pinipigilan ko. Marami pa akong pangarap para sa amin. Mabilis ko man siyang nakilala at minahal ay masasabi kong hindi matatawaran ang binigay niyang saya sa akin. The 21 days are very worth it.


"Tanging manika at yung teddy bear lang ang naging kaibigan niya bago ka niya makilala.
Mahilig sa manika ang anak ko kaya gumawa ako ng sampung pares ng damit manika na isusuot niya."


Malungkot nga talaga ang buhay niya.
Kaya ganon na lamang ang ngumiti siya ng wagas. Sana gumaling na siya. Himala at dasal na lang ang magpapagaling sa kanya.

"Iho, alam mo ba may sinabi sa akin si Luna. Sabi niya huwag daw tayong malungkot. Dapat daw ay masaya tayo kung sakaling makakapiling na daw niya ang Diyos...pero alam mo iho masakit para sa aming ng asawa ko na marinig sa kanya yun. Gusto namin siya bigyan ng normal na buhay. Gusto pa namin siya magtagal at mabigyan kami ng mga apo."


Hindi na naman mapigilan lumuha ang mama niya.
Wala akong ibang ginawa kung hindi yakapin ito.


"Gigising po si Luna, magtiwala lang po tayo.
" Pinapalakas ko ang loob nila. Ayokong sila mismo ang panghinaan ng loob. Dapat namin ipakita kay Luna na nandito lang kami nagpapakatatag at naniniwalang gigising siya.


"Alam mo Luna ang dami kong pangarap para sa atin at hindi ako magsasawang pangarapin yun.
Naalala mo 'to?" Kahit hindi niya ako naririnig ay kikwentuhan ko siya. Pinakita ko sa kanya ang masayang larawan namin noong Pasko. "Gusto ko sanang magtapat sayo noong araw na yan. Gusto kong sabihin na mahal na mahal kita. Sana naririnig mo ako."


Apat na oras na rin ang nakakalipas.
Hindi ko binitawan ang kamay ni Luna. Sa kahit ganitong paraan man lang maipakita ko na ako ang magiging lakas niya. Hawak-hawak ko lang ito. Alam kong gigising pa siya.


Patuloy lang ako sa pagdadasal.

Naniniwalang makakasama ko pa siyang sasalubong sa bagong taon.


"Iho, magpahinga kana muna.
Ako na muna ang magbabantay kay Luna."


Pumayag naman ako sa balak ni tita Lara kaya humiga muna ako sa sofa.
Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya umidlip na muna ako.


Nagising rin naman ako kaagad noong marinig ko na tumutunog ang cellphone ko.
Umayos ako ng upo at sinagot ko ang tawag.

"Anak manganganak na ang tita mo. Nasa delivery room na siya. Nandito kami ngayon sa hospital. Puntahan mo na lang kami dito sa waiting area ha" Nagmamadaling sabi ni mama at pinatay rin ang tawag. Paggising ko ay nandito na pala ang papa ni Luna.


"Magandang gabi po.
" bati ko.


"Tita, tito aalis na po muna ako, babalik rin po ako kaagad.
" Pagpapaalam ko sa mama at papa ni Luna at tumango naman sila. May nakasalubong naman akong nurse na papasok sa room niya.


Tinignan ko ang oras at alas diyes na pala ng gabi.
Konting oras na lang pala ay bagong taon na.

Pinuntahan ko naman sina mama sa waiting area. Mabuti at nakita ko rin sila kaagad kasama si tito at iba pang miyembro ng pamilya.


"Oh anak mabuti at nakarating na.
Ang bilis mo naman yata." bungad sa akin ni mama. Nagmano naman ako sa kanila at tsaka umupo.

"Kanina pa po ako dito sa hospital ma." matamlay kong sabi.

"Anong nangyari sayo? Bakit mugtong-mugto mga mata mo Jared? Anong ginagawa mo dito?"
Sunod-sunod na tanong ni mama.
Niyakap ko lang si mama. Hindi ko mapigilang lumuha.


"Ma, nandito si Luna nakikipaglaban sa kanyang buhay.
" May luha na namang pumatak sa mga mata ko.

"Nakakalungkot namang marinig 'yan." Sabi naman ni tito. Hinaplos lang ni mama ang likuran ko na tipong nagsasabi ng 'tahan na'

"Kumain kana? Heto kainin mo muna. Excited na kami makita ang pinsan mo. Sana saktong January 1 ang labas niya." alok sa akin ni mama at iniabot sa akin ang take out order mula sa fast food. Kinuha ko naman yun at kinain. Naramdaman ko rin kasing gutom na gutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay kina mama.

"Ma, alis na po ako. Pupuntahan ko na po muna si Luna." Tumango naman sila.


"Mag-iingat ka.
Ipakumusta mo kami sa kanya kapag mabuti na ang kalagayan niya." sambit naman ni papa at tumango lang ako.

Naglalakad ako sa hallway ng madatnan kong nasa labas ang mga magulang ni Luna kasama ang doctor. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko silang umiiyak.


Hindi maaari.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanila.

"Anong pong nangyari kay Luna?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi na ako mapakali.


"Anak wala na siya.
Wala na si Luna."

"I'm sorry to say, hindi na niya nakayanan pa." sabi lang ng doctor.

Hindi ako makagalaw.


Hindi ako makahinga.


Magkahalong emosyon ang bumuhos sa akin.

Kumawala ang mga luha ko.


Napasuntok na lamang ako sa pader.
Pero kahit ilang beses ko mang suntukin ito ay hindi pa rin mababago ang lahat.

Ano pa bang magagawa ko.

Huli na ang lahat.


Agad akong pumasok at niyakap ko si Luna.
Humagulgol ako sa iyak.

"Bakit mo ako iniwan Luna? Napakadaya mo."

"Gising na Luna please?"


"Magdiriwang pa tayo ng bagong taon.
"


"Huwag kang madaya, babalik pa tayo sa carnival diba?
"


"Sasali ka pa sa mga singing contest.
Sasakay pa tayo sa roller coaster at ferriswheel."

"Lalangoy pa ulit tayo sa dagat."


"Sasayaw pa tayo sa ilalim ng mga bituin diba?
"


"Tutuparin pa natin yung pangarap mong maikasal.
"


Huli na ang lahat.

Hindi siya umabot ng bagong taon.

Hindi ko man lang nasabi ng harapan na mahal na mahal ko siya.

Hindi man lang niya ito narinig.


Hinalikan ko ang noo ni Luna sa huling pagkakataon.


Luna Magdayo
Time of Death: 10:43 PM

God won again and gained another angel.


"Paalam Luna.
"

Next chapter