Chapter 7

December 23, 2010

Jared Ramos

It's been 3 days nang tapusin ko na talaga ang kwento namin ni Diana. Natanggal rin ang tinik sa dibdib na nararamdaman ko. Nakahinga rin ako ng maluwag.

Labintatlong araw na rin kaming magkakilala ni Luna. Hindi ko mapigilang isipin siya. Hindi ko rin maiwasang ngumiti na lang na parang baliw. Para kasi siyang isang libro. Mahiwaga. Bawat pahina ay nalalaman ko ang kanyang pagkatao at hindi ko pinagsisisihang makilala pa siya ng husto.


Si AJ naman ay fan daw sa gagawing love story namin ni Luna na siya namang ikinatawa ko.
Hindi ko pa rin maamin sa sarili ko na gusto ko na si Luna. Mahal ko na nga yata siya. Napaka-imposible man pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.Parang matagal na siyang kilala ng puso ko.


Tumayo na ako sa higaan ko at kinuha ko ang mga pintura at isang malaking canvas sa art cabinet.
Kinuha ko rin ang apron ko at mga paint brush. Lagi-lagi ko na lang siyang naiisip. Parang dito na siya nakatira sa isip ko. Gusto ko ulit siyang ipinta at idisplay ito sa kwarto ko.

 
Gumamit ako ng kulay na naglalarawan sa kanya.
Ang kulay puti. Kasing busilak ng pagkatao niya.

Sinumulan ko na siyang ipinta. Her dark eyes, her precious lips, her rosy cheeks at ang buhok niyang napakaganda.'Yun lamang ang inalala ko habang pinipinta ko siya. Dalawang oras ang ginugol ko. Hindi ako nakaramdam ng pagod, bagkus masaya akong ginagawa ito. Mabuti at natapos ko rin at inilagay ko na sa harap ng kama ko para bago ako matulog at sa paggising ko ay mukha niya ang huli at una kong makikita sa bawat araw.

 
Habang tinititigan ang painting ay naalala ko ang hiling niya.
Pangarap niyang makalangoy sa dagat. Nagtataka ako kung bakit ganon ang hiling niya. Pero dahil espesyal siya sa akin ay ipapasyal ko siya mamaya sa dagat.


Kumatok si mama sa kwarto ko at pinagbuksan ko naman siya ng pinto.


"Anak dito muna kayo ni Monique at pupuntahan ko muna ang tita niyo.
" ani mama kaya pumayag naman ako. Malapit na kasing manganak si tita. 'Ka-buwanan na kasi niya at excited naman ako dahil magkakaroon na naman ako ng pinsan.


Tatlong oras rin ang nakalipas at nakauwi na rin si mama.
Ala una pa lang naman ng hapon kaya napagpasyahan ko munang pumunta sa park baka nandoon si Luna. Maraming tao ang palaging nandito tuwing ganitong oras. Pagkarating ko ng park ay wala siya. Sumagi sa isip ko kung anong trip niya at gabi lang siya nandito. May itinatago ba siya? Ano namang itatago niya sa akin?


Naisipan ko na lang umuwi at naghintay gumabi.
Lagi akong naeexcite na dumating ang gabi. Ito na lang lagi ang hinihintay ko tuwing umaga. It's weird but I'm used to it.

Naisipan ko na lang lumabas at gumala sa mall. Marami nang tao dahil ilang araw na lang ay pasko na. Hindi ko na tinawag si AJ dahil paniguradong sisirain na naman niya ang araw ko. Nilibot ko lang ang mall. Pumasok naman ako sa department store upang bumili ng magandang regalo para kay Luna. Tutal malapit na ang pasko kaya hindi naman siguro masamang regaluhan siya. Nung nasa department store na ako ay nahihirapan akong mag-isip kung ano ba dapat ang magandang iregalo?


Damit?
Kwintas? Teddy bear? Chocolates? Flowers?


Napaka-common naman yata ng mga yun.
Nilibot ko na lang ang department store. Bahala na kung anong matipuhan ko dito.


Agaw pansin naman ang nakita kong jacket na kulay dark blue.
Ang ganda. Paniguradong bagay na bagay kay Luna ito dahil maputi siya. At magagamit rin niya ito tuwing gabing kasama niya ako. Tsaka maganda rin ang kulay nito. Parang kulay lang ng langit tuwing gabi at si Luna ay parang maliwanag na buwan kung isusuot niya ito. Hindi na ako nagdalawang isip pa na bilhin ito at tsaka umuwi. Balak kong iregalo sa kanya ang jacket sa mismong araw ng pasko.


Gabi na nang makauwi ako at tinatawag na ako maghapunan.
Nang nasa hapag kainan na kami ay nagulat ako ng tanungin ako ni mama.

"Anak sino pala yung pininta mo kanina sa kwarto mo?" tanong ni mama na may kasamang ngiti at pagdududa.


"Ah ma,wala.
" palusot ko.


"Kuya nagpapalusot ka pa eh nabasa ko na nga sa diary mo na may babae ka.
" nasamid ako sa sinabi ni Monique. Pinanlakihan ko siya ng mata, tipong sinasabing 'tumahimik ka'.


"Binata na nga yata ang anak ko.
" pagsali ni papa sa usapan.

"Nak, ipakilala mo sa amin yan ha? Sabihin mo dito na siya magpasko." natutuwang sabi ni mama. Ngumiti lang ako tsaka tumango at ipinagpatuloy na lang kumain.


Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto upang mag-ayos.
Alas-nuwebe na nang lumabas ako tsaka dumiretso sa park. Nakita ko si Luna nakaupo sa paborito niyang pwesto.

"Hi Luna! Magandang gabi." masiglang bati ko na may kasamang kaway.


"Magandang gabi rin sayo Jared.
" bati rin niya. Umupo ako sa isang duyan.


"Gusto mo ba ulit gumala kasama ako?
" pagsisimula ko ng usapan.


"Sa-saan naman?
" nauutal na sagot niya.


"Basta...
" sagot ko. Ayoko munang sabihin na sa tabing dagat ko siya dadalhin at para naman masurpresa siya.


"Hindi ba tayo aabutin ng umaga?
" curious ako sa naging sagot niya. Bakit naman?


"Hindi.
" tipid kong sagot at muling tinanong siya. "Bakit pala gabi-gabi kang nandito?"

"W-wala."


"Pwede ka namang pumunta dito tuwing umaga.
" suhestiyon ko. Bakit kailangan pa kasi niyang pumunta dito ng gabi. Pero sino ba ako para magreklamo? Ang mahalaga nakikita ko siya at masaya na ako doon.

"Pwede ka ring magkwento kung bakit." dagdag ko pa. Wala naman sigurong masama kung magku-kwento siya.


"Malalaman mo rin ang totoo Jared, pero hindi pa ngayon.
" sagot niya na ipinagtataka ko. May itinatago nga siya. Pero handa akong alamin yun at maghihintay ako.


"Tara, gala tayo?
" pag-iiba ko ng usapan. Ayoko namang ipilit itanong at pilitin siyang magkwento.

"Sige." buti at pumayag naman siya. Sumakay na kaming pareho sa motorsiklo ko. Inalalayan ko siyang umupo sa backride.


"Kumapit kang mabuti ha?
" kinakapa ko ang mga kamay niya. Parang slow motion talaga ang nangyayari kapag kasama ko si Luna. Dinama ko ang paghaplos ng mga kamay ko sa mga kamay niya noong nilagay ko ito sa aking bewang. Hindi ko na maipagkaka-ila na mahal ko na nga yata siya.


Mabuti at nakarating kami ng ligtas.


"Nandito na tayo.
" sabi ko at nagtanggal na kami ng helmet.


"Ang ganda naman dito.
" she said with a big smile on her face. Her charm is somehow directly connected to the bright moon and stars.

 
Nagtampisaw ako sa tubig.
Wala akong pake kung basang-basa akong uuwi.


"Gusto mo bang lumangoy kasama ako?
" tanong ko kay Luna at iniabot ang akin kanang kamay. Nakangiti siyang lumapit sa akin at inialay niya ang kanyang kamay.


Sinimulan ko siyang basahin ng tubig dahilan para mabasa ang mukha niya.
Nakangiti siyang gumanti sa akin.

Ang saya.


Ayokong maubos ang oras na ito.

Ang mga sandaling kasama siya.


Sana hindi na ito matapos.

"Dati ko pang pangarap ang makalangoy sa dagat."

Masayang-masaya siya base sa mukha niya. Hindi ko talaga maiwasang tanungin sa sarili ko kung bakit ngayon lang niya naranasan ito. Pero hinayaan ko na lang. Ayokong mag-isip ng malala. Ang gusto ko lang ay mag-enjoy kasama ang taong mahal ko.


Umahon na kami sa tubig at umupo sa dalampasigan.
Mabuti na lang ay may dala akong towel kaya iniyakap ko ito kay Luna para hindi siya ginawin.


Masaya naming pinagmasdan ang langit.


"Ang ganda ng mga bituin 'no?
" napaka-inosenteng tanong niya. Para siyang bata sa reaksyon niya.


"Oo nga, ang ganda nila.
" nagnakaw tingin ako sa kanya habang nakatingin siya sa langit.


"Alam mo ba na ang mga bituing may pinakamalakas na kinang ay madaling mamatay?
" nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Naramdaman kong namumula ang pisngi ko.


"Hindi.
Ngayon ko pa lang nalaman." Pekeng sagot ko. Kahit ang totoo ay alam ko.


"Mahilig ka ba sa mga bituin?
"


"Oo naman.
" sagot ko sa tanong niya. Pero hindi niya alam na ang ngiti niyang kasing kinang ng bituin ang paborito ko. Para siyang anghel na pinadala sa lupa.


"Alam mo na ba yung kwento ng buwan at ang araw?
" muli niya akong tinanong. This time wala akong idea sa kwento na yun.


"Hindi, maaari mo bang ikwento?
" pakiusap ko sa kanya at binigyan na naman niya ako ng isang matamis na ngiti.


Parang gusto siyang alagaan araw-araw, minu-minuto.


Nagsimula na siyang magkwento.


"Noong unang panahon may isang napakagandang Buwan.
Lahat ng mga bituin ay nagagandahan sa kanya dahil sa taglay nitong liwanag. Regalo ito ng Moon Goddess sa kanya."

Habang nagkukwento siya ay hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya.


" Hanggang isang araw noong umiikot ang Araw sa kalangitan ay nakita niya ang Buwan.
Nagandahan siya dito. The sun shines while the moon glows. Kagaya ng mga bituin na nagmamasid tuwing gabi ang araw ay nainlove sa Buwan. Naging magkaibigan sila. Hanggang sa sila ay nagkamabutihan. Nang malaman ng Moon Goddess ito ay binalaan niya ang Buwan."

Tumigil siya saglit at tumingin siya sa akin. Ang awkward. Nahuli na naman niya akong tinititigan siya. Mabuti na lang at nagpatuloy siyang magkwento.


"Nagkita ulit ang Buwan at ang Araw.
Ito na rin ang huli na lang pagkikita. 'Hayaan mo akong huminga,at ako ay gagawa ng sarili kong kapalaran.Hindi tayo nababagay. Ikaw ang nagbibigay ng araw tuwing umaga at ako ang nagbibigay liwanag tuwing gabi. Ang ating pag-ibig ay kabaliktaran ng sinasabi ng ating kapalaran. At hindi ito ang nais paniwalaan ng mga tao' sabi ng Buwan. Kaya simula noon ay namamatay ang araw tuwing gabi upang mabuhay ang Buwan."

"Nakakalungkot naman ang kwento nila." Saad ko. Ayokong mangyari sa amin ni Luna yun.

"Hindi naman nakakalungkot yun. Dahil yun ang nakakabuti sa kanila. Kagaya ng love, kailangan mong magsakripisyo dahil yun ang nararapat. Basta't alam mong mahal niyo ang isat-isa, hindi basta-basta mawawala yung isinulat niyong mga pangako. At yun ang love." Makabuluhanang sagot ni Luna na siya namang ikinamangha ko. Bakit parang mas marunong pa siya sa love kaysa sa akin?

Natigil kaming dalawa.


Tumingin ako sa mga mata niya ng diretso.
Napakalakas ng tibok ng puso ko. Parang isang bombang handa ng sumabog.


Hinawakan ko ang pisngi niya at hindi naman siya gumalaw.

Nilapit ko ang aking ulo at nagdampi ang aming mga labi.


Nang mga sandaling 'yon para akong nakukuryente.
Pakiramdam ko tumigil ang oras.


Isa lang ang masasabi ko.
Mabilis man para sa iba at imposible mang sabihin pero malinaw na malinaw na saaking puso na mahal ko na siya.


Bumitaw siya.


"Anong oras na?
"


Napakamot ako sa ulo ko sa hiya.


"Alas tres na pala ng madaling araw.
" Ani ko.


"Umuwi na tayo.
" mahinanong sagot ni Luna.


"Ayaw mo bang makitang sumikat ang araw?
"

"H-hindi na. Sa susunod na lang. Baka hinahanap na ako."
pagmamadali niya.


Tumayo na kami at pumunta sa lugar ng aking pinaglagyan ng motorsiklo.


Shit!

Ang tanga mo Jared!


Bakit mo nagawa yon?

Nahihiya na tuloy ako sa kanya. Buong biyahe ay walang umimik sa amin. Habang nagmamaneho ako ay tumitingin ako sa side mirror. Pansin ko na parang alalang-alala si Luna. Kita ko sa mukha ni Luna na something's wrong talaga. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa halik o meron pang ibang rason.


Nang makarating kami sa park ay mag aalas kwatro na.


Nagmadaling tumakbo si Luna sa isang direksyon pero hinabol ko siya.


"Luna sandali.
Patawad sa nangyari kanina." napatigil naman siya at humarap sa akin.


"Ah?
Hayaan mo na yun." nag aalinlangang sagot nito. Ngayon ay nababasa ko na siya hindi gaya ng dati.

"Maari ba kitang imbitahan bukas ng gabi? Gusto kang makilala ng mga magulang ko." anyaya ko kay Luna.


"Sige titignan ko, magpapa alam muna ako.
" sambit nito.


Aktong maglalakad na siya paalis ng hawakan ko ang kamay niya at yakapin siya ng mahigpit na mahigpit.


Bigla namang bumuhos ang ulan.


Niyakap ko siya ng napakatagal.


Wala siyang naging reaksyon sa ginawa ko.
Ni hindi rin siya kumibo. Kahit malamig na ang simoy ng hangin ay mas nanaig yung init ng yakap ko sa kanya.


Parang ayoko na siyang bitawan.

Para kaming nasa isang pelikula. Napakaromantic.


 
Hinalikan ko ang noo niya bago siya umuwi.


"Mahal kita Luna.
" huling sabi ko sa kalayuan kahit alam kong hindi na niya narinig.

Next chapter