Good Time

Selena Pov's

"Lintik kang lobo ka!, ipapatapon kita pabalik sa Wizzo!" halos maglabasan ang ugat nito sa leeg dahil sa pag sigaw.

Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung ang university namin ay ginawang playground ni Rave? May andiyang basta-basta nalang itong nagpapalit anyo at magpapahabol sa mga bampira. May insidente na nangpanggap itong si Kaizen at nag deklara sa pagbabawal ng paghunting ng lobo. At ngayon naman nagsama ito ng iba pang mga lobo para sa kalokohan nito.

"Chill lang Kaizen, walang masama sa ginawa ko ngayon" katwiran ni Rave na busy sa pag habol sa bola.

Ngumiti siya sakin at kinawayan ko siya. Tiningnan ako ng masama ni Kaizen. Nakarating kasi sa binata na nagsagawa si Rave ng isang sports event sa school na lingid sa kaalaman ni Kaizen. Football daw ang tawag sa larong in-organisa nito. Alam ko kung san nakakuha ni Rave ang ideyang yon. Sa bahay kasi namin siya nakatira magmula ng lumipat siya sa school. Moderno ang mga gamit namin sa isang silid. Doon nakalagi ang binatang lobo. Kahit wala kami sa mundo ng mga tao ay napapalabas pa rin sa LED T.V namin ang ilang kaganapan sa kabilang mundo. Salamat sa spell ni Hermina.

Kaya sigurado akong doon napanood ni Rave ang sports na isinasagawa nito ngayon.

"Lahat kayo magsibalik sa inyong mga klase." utos nito na may paninindak. Halatang di nagustuhan ng ilan ang sinabi ni Kaizen. Bakas kasi sa itsura ng mga estudyante na nasisisyahan ang mga ito sa laro. Pero takot sila kay Kaizen para salungatin ito.

"Gusto kong maglaro" sabi ko rito. Inilapag ko sa damuhan ang basket na naglalaman ng baon namin para sa lunch. Tutal P.E Day naman kaya maano bang masulit na rin ang araw na 'to? Tulad ni Rave ay binigyan din ako ni Kaizen ng tinging pagtutol.

"Alipin ka, kaya pagsilbihan mo ko" kahit kailan talaga gusto niyang siya lagi masunod.

"Napapagod din ako mahal na prinsipe, kaya hayaan mo kong magsaya ngayon" nang mapadpad sa paa nito ang bola ay ubod lakas nito yong sinipa. Tumilapon ito sa dulong bahagi ng school.

"Sige," sabi lang nito. pagkatapos ay-- "Siguraduhin mo lang na mag-iingat ka Selena" akmang tatalikod ito ng ganapin ko ang palad niya. Huminto siya at tiningnan ang kamay niyang hawak ko.

"Sumali ka" ayokong makita siyang nag-iisa habang ako ay nagpapakasaya. Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Ang init mula roon ay dama ko. Huminga siya ng malalim.

"Pero gusto ko magkakampi tayo" maya-maya ay tugon nito. Sa tuwa ko ay nayakap ko siya. Mabilis din naman akong kumalas.

"Anong kampi kayo?! Dapat kami ang kampi!" reklamo ni Rave.

"Manahimik ka dyan lobo" sikmat ni Kaizen. Di naman nagpadala si Rave. Inakbayan niya ko at mabilis na inilayo kay Kaizen ng ilang distansya.

Sinipat nito ang kabuuan ng binata. "Magpalit ka kaya muna ng damit?" naka-school uniform pa kasi si Kaizen. Samantalang si Rave ay naka P.E uniform tulad ko.

"Puro ka sat-sat. Walang mababago sa kasuotan ko" angil nito kay Rave. Bago na naman magkapikunan ang dalawa ay inawat ko na sila.

"Tama na yan, mabuti sigurong simulan na natin ang laro" tumalima naman sila. Walang rules na ipinatupad. Ang mahalaga ay ipasok ang bola sa goal. Kung mabuti ang idinulot na rules ay hindi ko masabi. Paano nalang kung nasa tunay na football kami? lahat kasi ay pulos ginamit ang pwersa. Pag nasakin ang bola ay walang umaagaw. Parang takot silang lapitan ako o dahil may dalawang matikas na lalaking nakabantay sakin? Nang maipasok ko ang bola sa goal ay ganun nalang ang tuwa ko. Kahit sabihin pang walang kahirap-hirap ang pagsipa ko ng bola sa goal ay karangalan pa rin yun. Nag hi-five sila Kaizen at Rave. Panalo kasi kami. Kaya bilang premyo ay pinahayag ni Kaizen na sulitin ang araw na yon bilang pakunswelo sa mga natalo.

-

UWIAN na. Magkasabay kami ni Rave sa paglalakad ng harangin kami ni Kaizen.

"Sa palasyo ka tumuloy." kay Rave siya natingin. Parang wala na naman ako sa harap nila kung mag-usap. Hindi ako masanay na nag-iiba ang pakikitungo nila sa isat-isa pag wala nang ibang nakakakita. Kinompirma nito kanina sakin kung sa bahay nakarita si Rave. Iyon daw kasi ang sabi ng binata rito.

"Para ano? makontrol mo 'ko?" umiling si Rave. Nilampasan nito ang binata na nakaharang parin sa daan.

"Pinaiiral mo ang katigasan ng ulo. Nasa teritor--" bago pa matapos ng bampirang prinsipe ang sinasabi nito ay nadugtungan na yon ng lobong kasing antas nito.

"Teritoryo mo?" pansamantalang huminto si Rave. Binalikan niya ko at mahigpit ang hawak sa kamay ko. Ang sumunod na katagang lumabas sa bibig nito ay sadyang masakit. "O kulungan mo? kaya kong protektahan ang sarili ko Kaizen. At sa puntong ito ay humihingi ako ng paumanhin kung tatanggihan kita." nag-aaway ba sila? kanina naman teamwork sila sa laro namin. Naguguluhan tuloy ako.

"Mapanganib kung mananatili ka sa tahanan ng aking alipin." Huling wika nito.

"Mas mapanganib kung wala ako sa tabi niya." Sabi ni Rave dito.

Pinabayaan kami ni Kaizen na dumaan sa harap niya. Sinundan niya ko ng tingin. Gustuhin ko mang balikan siya upang magpaliwanag sa sinabi ni Rave ay wala akong lakas. Baka makagulo lang ako sa kung anong hidwaan sa pagitan nila.

"Selena, mag-ingat ka. Salamat sa masayang araw na ito."

Rinig ko ang tinig ni Kaizen kahit malayo na siya samin. Hindi ako makapaniwala na sinabi niya yun. Kilala kasi siyang walang pakialam sa mga bagay-bagay.

"Hambog talaga ang mga lobo" panibagong tinig na naman? marami bang kaaway si Rave kaya ganitong may mga sumusulpot na tinig na di ko malaman kung kaynino?

Malapit na kami nang magpakita samin ang may sabing hambong si Rave. Babae o manika? at nakasakay siya sa broomstick? imahinasyon ba ito? kahit naman witch si Hermina ay di ko pa siya nakita na nakasakay sa broomstick. Maikli ang buhok nito na chestnut brown ang kulay. Lungtiang mga mata na bumagay sa personalidad nito. Prente itong nakaupo sa broomstick. Naghihintay ng reaksyon ni Rave. Tingin ko ay matanda siya sakin ng dalawang taon.

"Eisley, ang witch na laging palpak?" kunway gulat na sabi ni Rave. Sumimangot ang babae at agad na nagpakawala ng matinis na singhal.

"Kasing kapal ng balat mo ang kahambugan mo, Rave" simangot ulit. "Nga pala, dahil hindi ka pumayag na tumira kila Kaizen ay nagpasya kong manirahan sa tinutuluyan mo" walang pakundangang basta nalang pahayag nito.

Ano?! hindi pwede!

Tinapunan ako ni Eisley ng tining palakaibigan.

"May basbas ni Hermina na tumuloy ako sa inyo" sagot niya sa tanong na lalabas palang sa bibig ko.

Instant boardmate?

Isang witch. Isang Lobo. At ako na isang Majestic Blood.

Mabuti pa ba ang mga nangyayari? Sa paglapit ng kaarawan ko ay tsaka nagsulputan ang mga nilalang na ito sa buhay ko.

"Eisley Wesley, Wiccan Priest from Adreline." pagpapakilala nito.

Wiccan Priest? ibig sabihin ay isa sa pinakamataas na antas sa pagiging witch 'yon.

"Palpak ka naman lagi"

"Gusto mo atang gawing kitang Butiki, Hambog na Lobo!" Nangangalaiting balik singhal ni Eisley.

"Ako nga pala si Se-"

"Selena right?" agap ni Eisley. Parehas pa sila ni Rave na mahilig dumugtong ng sasabihin.

"Isa ko sa magiging guardian mo. Isang pananagutan na tinatanggap ko ng may karangalan." may laman ang sinabi ng dalaga. Guardian? akala ko ba si Hermina ang tagabantay ko?

"Tulad ng narinig ko kanina. Tama si Rave na mas mapanganib kung wala kami sa tabi mo" Bat ba hindi niya ko diretsuhin?

Kaya ako na ang kusang magtatanong upang malinawan ako.

"Gaano mo ko kakilala Eisley?"

"Buong pagkatao mo. Mula sa panimula at hanggang sa hinaharap ng buhay mo, Selena." sagot nito.

Kakausapin ko si Hermina sa pinagsasabi niya. Delubyo ba ang hatid nila? o taga-pagtanggol ko?

Wala akong dapat sabihin pa. Mahirap na agad akong magtiwala sa sinabi niya.

Pag-iingat.

Mag-ingat ka Selena.

Bulong ng boses sa isip ko.

===============

Author's Note:

Salamat ng super duper sa walang sawang pangsuporta niyo kay Kaizen..^_^..

Pasensya na po sa mabagal na pag UD...

Trivia:

(yung name ni Eisley ay nakuha ko sa name ng isang band. :) try niyo po pakinggan mga kanta nila, bakasakali na magustuhan niyo rin.)

LOVE YOU ALL! mwahh... ^_^

jriz_resha

Next chapter